05

Kanina pa nag-aaway si Jimin at si Yoongi sa mall, literal na nagsisigawan sila at wala silang pakialam kung may makarinig sa pagtatalo nilang dalawa dahil lang sa maliliit at simpleng bagay lang.

Dati kasi ay hindi naman pinapatulan ni Yoongi lahat ng mga sinasabi ni Jimin ngayon ay pinapatulan na niyang lahat at ayaw na rin niyang magpatalo ngayon, gusto niya ay siya lang ang laging tama kaya naman nabubuwisit na rin si Jimin.

Hindi pa sila tapos mamili pero nag-aaway na sila.

"Sabing di ko kaylangan ng diaper na yan!" Giit ni Yoongi.

"Hindi nga sabi 'to diaper! Napkin 'to! Kaylangan mo 'to!" Sigaw ni Jimin.

"Anong gagawin ko dyan! Ibalik mo 'yan! Wala naman akong matres!"

Ayaw ibalik iyon ni Jimin kaya naman si Yoongi na ang kumuha noon para ibalik sa lalagyanan, hindi kasi niya matanggap na baka isang araw ay bigla nalang may lumabas na dugo sa ibaba niya kaya naman ayaw niyang kunin iyon.

Pero alam rin niya sa sarili niya na posible ang bagay na yun dahil nga nagkaroon siya ng bagay na babae lang ang meron kaya hindi na imposible kung magkaroon rin siya.

"Wag ka ng makulit, tanggapin mo nalang yung katotohanan." Sabi ni Jimin bago niya kinuha lang niya lahat ng binalik ni Yoongi at pinaghahagis niya lahat ng yun sa cart.

"Bahala ka nga hindi ko naman 'yan gagamitin! Hindi ko naman kaylangan lahat ng pinagkukuha mo." Inis na sabi ni Yoongi bago siya nauna sa paglalakad.

Ang totoo niyan ay sobrang dami ng kinuha ni Jimin, kanina ay hiyang-hiya si Yoongi ng makita niyang namimili ng feminine wash si Jimin. Ang hindi niya matanggap doon ay talagang si Jimin pa ang nasusunod sa lahat ng mga bibilhin.

Tiningnan ulit ni Yoongi ang papel kung saan nakasulat ang list na ginagawa ni Jimin para sa kanya.

3.) Buy everything that every girl need.

Napabuntong hininga siya ng mabasa niya, pang number 3 palang sila pero gusto na niyang magkulong nalang sa kwarto niya at damdamin ang nangyari sa kanya na walang makakapagpaliwanag kung bakit nangyari sa kanya ito.

Nang matapos ng bilhin ni Jimin lahat ng kakailanganin ni Yoongi ay dumiretso agad sila sa kainan, oo. Si Jimin nga ang bumili ng lahat at siya din namili ng lahat, kaya naman mas lalong nababadtrip si Yoongi sa kanya.

Sa sobrang inis ni Yoongi ay hindi na siya nagsasalita, kanina pa siya kinakausap ni Jimin pero hindi na niya iyon pinapansin, alam ni Jimin na nagagalit si Yoongi pero hindi niya alam kung saan kaya nagpatuloy lang siya sa pag-arte na para bang hindi niya alam na galit si Yoongi sa kanya.

Kaya ayun, mas lalong nagalit si Yoongi sa kanya kahit na si Yoongi mismo sa sarili niya ay hindi niya alam kung bakit siya nagagalit sa kaibigan niya.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Jimin, hindi sumagot si Yoongi sa kanya.

"May alam akong kainan dito, doon nalang tayo." Sabi pa ni Jimin at hinila na niya ang kaibigan niya patungo doon.

Kahit nasa loob na sila ng kainan ay hindi pa rin siya pinapansin ni Yoongi, kaya naman lumapit na si Jimin sa kanya pero umusog lang si Yoongi palayo, kaya naman umusog ulit si Jimin hanggang sa wala ng mauurungan si Yoongi.

Napairap ito sa kawalan bago niya sinamaan ng tingin ang makulit niyang kaibigan, "May upuan pa sa harapan bakit nakasiksik ka sa akin?" Inis na tanong ni Yoongi.

"Bakit ka muna hindi namamansin?"

"Pinapansin naman kita." Malamig na sagot ni Yoongi habang nagkukunwari siyang may katext sa phone niya.

Napabuntong hininga si Jimin, "Hays, mga babae talaga bigla-bigla nalang nagagalit ng walang dahilan, kapag naman sinusuyo mo mas lalong nagagalit."

"Sinusuyo mo ba ko ha? At isa pa hindi ako babae." Mariin na sabi ni Yoongi.

"Sige, sabi mo eh." Nagkibit balikat nalang si Jimin bago siya nagsimulang kumain.

Hindi alam ni Yoongi kung bakit mas lalo siyang naiinis kapag hindi na siya pinapansin ni Jimin kahit ang totoo niyan ay gusto na niya itong iwan kanina, para bang wala itong pakealam kahit naiinis na siya.

"Wag ka na ulit pupunta sa amin." Out of nowhere na sabi nito.

Biglang napatigil sa pagkain si Jimin at napatingin ito sa kanya, "Bakit naman hindi?" Nagtatakang tanong nito.

"Basta! Ayoko lang, ayoko ng may pumupuntang lalaki sa apartment ko, baka kung anong isipin ng mga tao." Aniya.

"Ano naman? At isa pa kilala na ko ng mga tao doon, alam nilang magkaibigan tayo-- well, noon nung si Yoongi ka pa, I mean si Yoongi ka pa rin naman pero babae ka na." Pati si Jimin ay naguluhan sa sinabi niya.

Natahimik si Yoongi dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan, "Uuwi na ko." Malamig na sabi nito bago akmang aalis na pero hinawakan siya ni Jimin agad sa kamay niya.

"Dude nagagalit ka ba? Bakit ka ba nagagalit? Naiinis ka ba kasi nakama ko yung babae mo nung nakaraang linggo? Sorry na oy, di ko naman alam na may gusto ka pala dun."

Mas lalong nainis si Yoongi dahil sa sinabi ni Jimin, ang totoo niyan ay hindi niya alam iyon at hindi niya rin gusto yung babae na yun pero nainis siya, basta naiinis siya kay Jimin yun na yun.

"Bahala ka! Magsama pa kayo kung gusto mo! Bagay naman kayo! Pareho kayong malandi! Pagbuhulin ko pa kayo ng hindi na kayo maghiwalay tapos itatapon ko kayo sa ilog hanggang sa malunod kayong dalawa! Kapag umangat ulit kayo sa tubig hihilahin ko kayo pababa hanggang sa mawalan na kayong malay mga bwisit kayo. Kapag nakita mo ulit siya pakisabi hindi kamo siya masarap! Kumpara sa pagkain tira-tira nalang siya!" Biglang nagburst out si Yoongi sa galit.

Napanganga si Jimin dahil sa dami ng sinabi ni Yoongi, pati ang mga taong malapit sa kanila ay napatingin na rin sa kanila, halos mapapapalakpak si Jimin dahil nag-effort si Yoongi ng magsalita ng mahaba pero wala siya sa tamang oras para hangaan iyon.

"Sige, sasabihin ko yun, pero wag mo naman akong patayin sa isip mo." Malumanay na sabi ni Jimin.

Kayang kaya kasi niyang magpaamo ng babae, iyon ay dahil sanay na sanay na siya sa mga babae at alam na rin niya ang mga soft spot ng mga ito, bukod kay Yoongi dahil syempre ngayon lang naman ito naging babae.

Pero wala naman sigurong masamang itry lalo na at matagal na silang magkaibigan.

Hinawakan ni Jimin ang kamay ni Yoongi pero iwinakli agad iyon ng kaibigan niya pero dahil makulit si Jimin ay hinawakan niya ulit iyon.

"Wag mo naman akong iwan dito oh, wag ka ng magalit sa akin. Sorry na, bati na tayo please?" Pagpapaawa ni Jimin pero tiningnan lang siya nito gamit ang normal resting bitch face nito.

"Ano gusto mong kainin mamayang gabi, bibili na ko ngayon, gusto mo ba ng fries? Magtitake out ako, gusto mo bang manuod ng movie mamayang gabi sa bahay ko? Gusto mo bang mag-over night sa aming mamayang gabi?" Panunuyo ni Jimin.

Napabuntong hininga nalang si Yoongi kaya naman napangiti agad si Jimin pero mabilis rin nawala ang ngiti niya ng magsalita ulit ito.

"Sorry bro, hindi ako normal na babae na madadali mo sa mga pacute mo, better luck next time." Malamig na sabi ni Yoongi bago niya kinuha yung bag niya at naglakad na siya paalis ng kainan.

Naiwan si Jimin doon na hindi makapaniwalang iniwan siya ng kaibigan niya mag-isa doon kasama ang napakarami nilang pinamiling gamit.

Bago tuluyang makaalis si Yoongi ay hindi na niya napigilan ang maliit na ngiti sa labi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top