02
"Bro, totoo ba talaga?"
May nakapasok na ngayong bulak sa ilong ni Jimin dahil may lumabas na dugo kanina dito dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Yoongi.
Nakaupo siya ngayon sa sala ng kaibigan niya habang si Yoongi naman ay nagsuot ng dalawang dalawang shirt para hindi na ito masyadong bumakat at para hindi na siya ulit bastusin ng kaibigan niya.
Kahit naiinis siya sa ideya na siya pa ang mag-aadjust dahil sa kalibugan ng kaibigan niya, kahit na ang dapat ay ang kaibigan niya ang mag-adjust na tigilan na ang pagiging bastos niya.
"Mukha ba akong nagbibiro Jimin?" Inis na tanong ni Yoongi.
Hindi pa rin kasi makapaniwala si Jimin sa nakikita niya, hindi niya akalain na maganda pala ang kaibigan niya kapag naging babae ito, pero syempre hindi niya ito sasabihin dahil sa kanilang motto na BRO AND NO HOMO na paniniwala.
Napabuntong hininga si Jimin dahil sa sinabi ng kaibigan niya, hindi pa rin siya makapaniwala, sino ba naman kasing tao ang bigla-bigla nalang maniniwala na naging babae ang tropa mong lalaki na kasama mo lang kagabi na naghahanap ng mga chicks na maikakama?
"Tsaka na tayo magdesisyon kapag nawala na yung hangover natin bro, medyo may hangover pa ako at mukhang may hangover ka pa rin, malay mo kapag nawala na yung hangover natin maging lalaki ka ulit, high lang siguro tayo." Ani Jimin habang tinatapik niya ang braso ng kaibigan niya.
"Wala akong hangover Jimin! Hindi naman ako nalasing kagabi!" Giit nito.
"Okay." Tipid na sagot ni Jimin.
Mas lalong nainis si Yoongi para bang isinasawalang bahala lang ni Jimin ang napakalaking problema niya, ikaw ba naman ang mawalan ng pinagkakaingat-ingatan mong hotdog hotdog diggity dog ay hindi ka mababaliw?
"Jimin! Magseryoso ka naman! Kaylangan ko yung tulong mo ngayon! Hindi ko alam kung papaano maibabalik yung pagkalalaki ko!" Halos maiyak na si Yoongi, kung lalaki pa rin siya ngayon ay paniguradong hindi siya ganto kaemosyonal.
"Dude, talaga bang nawawala yung espada mo?" Tanong ni Jimin, unti-unting gumuhit ang kakaibang ngiti nito, bigla tuloy naalala ni Yoongi ang emoticon na lenny face dahil sa hitsura ni Jimin ngayon.
"Ibig sabihin napalitan iyon ng ano?" Nagtaas baba ang kilay ni Jimin habang nakangisi sya. Para bang nakakaisip ng isang bagay na hindi magugustuhan ni Yoongi.
"Park Jimin, tumigil ka." Banta ni Yoongi sa kaibigan niya.
"Patingin ako, dali dali!" Excited na sabi ni Jimin habang hinihila niya ang kaibigan niya sa hita nito.
Naglagay ng panibagong bulak sa ilong Jimin pero sa kabilang butas naman ito ng kanyang ilong, sinapak ulit kasi siya ng kaibigan niya ni Yoongi kaya naman dumugo ulit ang ilong nito.
Isa pang dahilan kung bakit ayaw maniwala ni Jimin ay dahil napakalakas pa rin ni Yoongi kahit na babae na ito, para bang inilipat lang siya sa katawan ng babaeng mukhang mahina pero hindi.
"Kapag hinawakan mo ulit ako Jimin isinusumpa ko hindi lang pagdugo ng ilong mo ang mangyayari sa'yo." Banta ni Yoongi.
"Hays, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong ipakita sa akin, papaano ko maniniwala sa'yo niyan?" Inis na tanong ni Jimin.
Pero ang totoo niyan ay medyo naniniwala na siya, medyo lang. Kasi hindi naman kapani-paniwala talaga na bigla nalang magiging babae si Yoongi. Unless na pagtransgender ito pero hindi naman isang araw lang ay magiging instant real life babae na ito. At isa pa para saan ang motto nila na BRO & NO HOMO kung magpapatransgender ito?
"Sige payag na ako, basta hahawakan mo nalang." Sabi ni Yoongi.
Mabilis na sumigla si Jimin, naexcite na naman ang loko at gumuhit agad ang kakaibang ngiti sa labi niya.
"Asa." Mabilis na bawi ni Yoongi, gusto niya kasing maniwala na sa kanya si Jimin pero makita palang niya ang kakaibang ngiti ng kaibigan ay ayaw na niyang ipahawak iyon.
Nakakailang kasi lalo na ang kaibigan mo ang hahawak sa ano mo, natatakot siya na makaramdam siya ng kakaiba, at tsaka kahit sabihin niyang for important and professional purpose iyon ay hindi ganoon ang dating kay Jimin noon, matagal na silang magkaibigan at alam na niya ang takbo ng utak ng kaibigan niya.
Paniguradong kapag nahawakan iyon ni Jimin ay puro kasalanan na ang maiisip nito.
"Ano ba yan!" Inis na sabi ni Jimin bago niya inis na tinalikuran ang kanyang kaibigan.
"Gusto mo pa talaga ng ibang patunay! Hindi pa ba halata? Pagkatapos mong lamutakin yung dibdib ko hindi ka pa naniniwala! Gusto mo pa ng iba, ang bisyo mo namang gago ka." Singhal ni Yoongi.
"Eh kasalanan ko bang ang hirap paniwalaan ng nangyari sa'yo?! Sa tingin mo kapag nagchat ka sa akin na 'uy bro nawawala yung titi ko, baka nakita mo? tulungan mo naman akong hanapin ulit' ay maniniwala agad ako?! Syempre hindi!" Sigaw ni Jimin dahil naiinis na siya sa mga oras na 'to.
Hindi kasi maintindihan ni Yoongi kung bakit hindi maintindihan ni Jimin yung sitwasyon niya.
"Hoy! Hindi ganyan yung pagkakachat ko sa'yo! Imbento ka!" Sigaw pabalik ni Yoongi.
"Pareho nalang rin yun! Sa tingin mo kung ikaw nasa sitwasyon ko at nagchat ako sa'yo ng ganoon sa tingin mo maniniwala ka agad?!" Iritadong sigaw ni Jimin
Literal na nagsisigawan na silang dalawa ngayon, which is ito ang unang beses na nag-away sila ng sigawan, kasi usually kung lalaki pa rin si Yoongi ngayon ay magwawalk out na siya ngayon at hindi na lang niya kakausapin si Jimin hanggang sa hindi na makatiis ang kaibigan niya at makipagbati na sa kanya.
"Sa una syempre hindi! Pero kapag ganto! Ganto na nasa harap mo na ako at nakita mo na yung nangyari sa akin! Bakit hindi ka pa rin niniwala?!" Galit na sigaw ni Yoongi.
"Mahirap maniwala dahil lalaki ang kaibigan ko! At hindi babae na may maiksing buhok at cute na dibdib!"
"Ngayon na naging babae na ako hindi mo na ako kaibigan?! Kapag naging lalaki na ulit ako tsaka mo nalang ulit ako kakaibiganin?! Papaano kapag naging babae na ako habang buhay?! Edi hindi mo na ko kakausapin ulit?!"
"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin Yoongi!"
"Ayoko ng makausap ka! Umalis ka na! Alis!" Sigaw ni Yoongi habang tinutulak niya si Jimin palabas ng apartment niya.
"Yoongs naman, wag namang ganto!" Ngayon ay nagsisisi na si Jimin sa mga sinabi niya kay Yoongi.
"Wag mo na kong kakausapin ulit! Wag ka ng babalik! Wala na kong kaibigan!"
Sinipa-sipa pa ni Yoongi si Jimin habang pilit niya itong pinagtutulukan palabas ng apartment niya, pero nang nasa pinto na sila ay hinarang ni Jimin ang katawan niya para hindi siya mapagsaraduhan ni Yoongi.
"Hindi sa ganoon Yoongi, mag-usap muna tayo ng ayos." Pakiusap ni Jimin.
Dala na rin siguro sa stress ni Yoongi at nang pagiging babae niya kaya ang drama niya ngayon, hindi naman talaga siya ganto dati nung lalaki siya kaya naman pati siya ay naninibago sa sarili niya.
Naiiyak na si Yoongi pero ayaw niyang ipakita iyon kay Jimin, ayaw niyang ipakita na mahina siya kahit noong lalaki pa siya. Ayaw niyang nalalaman ng ibang tao ang nararamdaman niya, pero nahihirapan na siya ngayon.
Napabitaw si Yoongi sa pagkakahawak niya sa pinto kaya naman nakahinga ng maluwag si Jimin, pumasok siya ulit sa apartment ng kaibigan niya at sinarado iyon.
Hanggang sa naramdaman niyang yinakap siya ng kaibigan niya, ramdam na ramdam niya yung dibdib nito, totoong totoo iyon sa pakiramdam kaya naman napabuntong hininga nalang si Jimin bago niya niyakap si Yoongi pabalik.
"Ano ng gagawin ko? Ayokong mawalan ng kaibigan! Walang maniniwala sa akin!" Nanginginig na sabi ni Yoongi, hindi siya umiiyak pero nanghihina na siya ngayon, siguro ay dahil babae na siya ngayon kaya naman madali na niyang maipakita ang nararamdaman niya.
"Hindi naman ako mawawala Yoongi, kahit talikuran ka ng lahat ng tao kaibigan mo pa rin ako bro." Ani Jimin habang tinatapik niya ang likod ng kaibigan niya.
Medyo naiilang siya dahil sa nangyari sa kaibigan niya, hindi pala medyo kundi naiilang talaga siya na may babaeng nakayakap sa kanya ngayon at yung babaeng iyon ay ang pinakabasagulerong tropa niya.
"Pero mukhang hindi na magandang pakinggan na bro ang itawag ko sa'yo." Napangiti si Jimin habang sinasabi niya iyon.
"Ano sa tingin mo kung babe nalang?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top