String Of Misery
"Tsk. Panibagong misyon na naman ba?" wala sa sariling tanong ko. "Obviously. Panibagong misyon nga."
Para akong baliw na nagtatanong sa kawalan pero ako rin naman ang sumasagot. But who cares? Wala rin namang nakakakita sa akin. Walang may alam na nabubuhay ako. Walang may pakialam sa akin.
Nagbuntong-hininga ako habang nagbabasa sa lumilitaw at umiilaw na tablet sa aking harapan ang impormasyon ng taong aking papanain. Nasa ibabaw ako ng puno at nagpapahinga, naghihintay rin sa ibibigay sa aking misyon.
Hawak ko sa kanang kamay ang medyo may kalakihang pana. Hinawi ko ang kulay blonde na kulot kong buhok habang nagbabasa.
Kumunot ang noo ko dahil walang nakalagay rito na pangalan ng taong aking papanain. Tanging nakalagay lang dito ay isa siyang graduating student at walang naging boyfriend o NBSB. Hindi nito alam ang salitang pagmamahal. She hates boys and so as love. At dahil iyon sa isang lalaking iniwan siya.
Iyon ang ipinagtataka ko. Wala siyang boyfriend pero nasaktan siya ng isang lalaki? Why is that?
Sa last page ng tablet nakalagay ang pangalan ng babae. Ganoon na lamang ang pagkalabog ng puso ko nang maisambit ang pamilyar na pangalang iyon. Kahit ang puso ko ay alam na alam kung sino iyon.
"Taylen Linnae Sallador."
Napatulala ako pero kalaunan ay napunta ang tingin sa babaeng nakasuot ng kulay itim na damit habang nakaupo sa isang bench at nagbabasa. Sa kaniyang harapan ay ang isang lalaki na kanina pa nangungulit sa kaniya. Napalunok ako nang pumasok sa aking isip ang mga alaala naming dalawa kung kailan normal na tao lang ako.
"Shit! Tangina!"
Mariin kong tinapakan ang preno ng kotse nang makita ang isang babaeng tumawid sa kalsada. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko kahit na tumigil na ang sasakyan. Nakasubsob ang aking ulo sa manibela kaya dahan-dahan kong inangat ang ulo pero hindi ko nakita ang babae roon.
Mas lalo tuloy akong kinabahan nang naisip na baka nasagasaan ko ito. Dahan-dahan kong binuksan ng pinto ng kotse at naglakad para hanapin siya. Pero muntik nang mahulog ang puso ko nang bigla itong tumayo mula sa pagkakasalampak sa semento.
"Tangina! Gago!" sigaw ko at napaatras. Muntik pa nga akong madapa pero mabuti at hindi naman.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako dahil tumayo siya o makakahinga nang maluwag dahil ayos lang siya.
Ang walang buhay niyang mata ay nakatitig lang sa akin na animong sinasaulo ang aking mukha. Umahon na ang takot sa sistema ko nang naisip na baka idedemanda niya ako sa ginawa ko.
Napalunok ako. "Ahh, Miss... a-ano," nagkanda buhol-buhol na aniya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil nanatiling blanko ang ekspresyon ng babae. Nakatikom ang manipis n labi at nag-isang linya ang kilay. Suot niya ang kulay itim na damit na may sulat Japanese.
Alanganin akong ngumiti. "K-kung gusto mo... bigyan na lang k-kita ng p-pera. Magpatingin k-ka na lang sa o-ospital," humina nang humina ang boses ko nang nakita ang bahagyang pagkunot ng kaniyang noo.
Akala ko ay hindi niya nagustuhan ang sinabi ko pero inangat niya ang kaniyang palad na animong may hinihingi.
"Ano?"
Tinaasan niya ako ng kilay kaya nang na-gets ko ang kaniyang hinihingi ay kinapa ko ang aking pantalon para hanapin ang wallet. Napanguso ako nang hindi ko iyon mahanap.
"Wait. Nando'n pala sa kotse ko. Kunin ko lang."
Naglakad na ako pero ramdam kong nakasunod siya.
"Sama ako. Baka tumakas ka e," kasing lamig ng yell ang boses niya.
Nangingiting napailing ako habang winawaksi sa isipan ang tagpong iyon. Ilang linggo na ang nakalipas pero parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-p-play iyon sa utak ko. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang mangiti.
"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo, ha?"
Napatitig ako sa mukha ng girlfriend ko. Maaliwalas ang kaniyang mukha. Hindi katulad sa babaeng iyon na napakalamig. Malinis din ang pagkakaayos ng kaniyang buhok.
Isa siya sa mga dahilan kung bakit kinakabahan ako sa mga iniisip ko. Kung bakit ako kinakabahan lalo na kapag bumibilis ang tibok ng puso ko maisip lang ang mukha noong babaeng iyon.
Umiling-iling ako. "Wala. Tara na. Pasok na tayo sa bahay niyo."
Pinagbuksan ko siya ng pintuan bago kami sabay ba naglakad. Tahip-tahip ang kabog ng puso ko lalo na nang nakita ang nanay niya. Ganoon na lamang ang pamimilog ng mata ko nang namukhaan ang kapatid ng girlfriend ko.
Siya iyong babaeng malapit na niyang masagasaan!
"Jude, this is my Mother and Sister. Ma, Taylen, si Jude, boyfriend ko."
Hindi ko alam kung ako lang ba pero sa tingin ko ay napakasikip ng lugar na ito. Lalo na nang naramdaman ko ang titig ni Taylen sa akin.
"Len! Bumili ka nga muna ng yelo at saka juice! Nakalimutan ko tuloy! Naku, sorry Jude, ha?"
Tipid siyang ngumiti. "Okay lang po, Tita. Samahan ko na lang siya."
Wala nang nagawa si Tita dahil pumunta ba ito sa kusina. Ganoon din ang girlfriend ko.
Tahimik lang kaming naglalakad. In-e-expect ko na iyon dahil alam ko naman na hindi siya nagsasalita.
"A-ano... hindi ko alam na k-kapatid ka pala ni Pen."
Nanatili siyang tahimik. I tried to open an interesting topic pero walang talab iyon. Mas lalo tuloy akong nailang sa katahimikan namin.
Dahil sa likot ng mata ko ay napansin kong na mula t-shirt hanggang tsinelas niya ay mayroong mga Japanese characters. Naalala ko na iyon ang mga pinapanood ng kaklase ko. Ah, it's anime.
"You like anime?"
Doon ko na nakuha ang atensyon niya. Nilingon niya ako dala ang nakataas na kilay. "Why?"
Ngumisi ako at nagkibit-balikat.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin nang nakita ko na lang ang sarili na nanonood ng anime na hindi ko naman talaga gusto. Nang nalaman kong gustong-gusto niya ang mga ganoong palabas ay nagsimula na rin akong magka-interest doon.
Wala namang malisya iyon pero habang tumatagal, nararamdaman kong may mali. Parang may hindi tama.
And maybe it was because my heart is beating so damn fast whenever I'm talking to her. Ni hindi ko nga iyon naramdaman sa girlfriend ko. Tinuturing ko siyang parang kapatid ko pero habang lumilipas ang panahon, naiiba iyon.
"Whoa, ang dami naman," manghang saad ko at pinasadahan ng tingin ang mga anime figurines niya bago isara ang pinto.
Nakita ko ang pagsulyap niya roon. Binasa niya ang kaniyang labi.
"Yeah." Umiwas siya ng tingin.
Marahan akong naglakad palapit sa kaniya. Nakita ko ang paglunok niya at ang pagdako ng tingin sa aking binti.
"What are you doing, Jude," the warning on her voice is very evidence. Pumikit siya nang mariin at sumandal sa pader sa kaniyang likod.
"Nagbuntong-hininga ako. "Len, h-hindi ko na alam. I-I think I like you."
Mariin niya akong tiningnan. "You can't be, Jude. Naguguluhan ka lang."
"Paano, ha? Hindi ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman ko—"
"Bakit, Jude? Ano ba ang nararamdaman mo?" tanong niya.
Naitikom ko ang labi ko pero kalaunan ay sinabi na ang nararamdaman ko.
"Gusto kita, Len. Gustong-gusto kita kahit alam kong hindi tama. Kahit alam kong m-mali. Nagising na lang ako na ikaw na ang laman nito." Tinuro ko ang aking dibdib.
Umiling-iling naman siya na para bang hindi naniniwala sa mga narinig.
"H-hindi 'yan totoo! H-hindi p'wede. It's not true! Bawiin mo! Bawiin mo ang mga s-sinabi mo! It's just an infatuation, I'm sure!"
Simula noong araw na iyon ay nagsimula na naman sa umpisa ang lahat. Hindi na niya ako pinapansin katulad noon. Para akong estranghero sa harapan niya.
And I understand it because it's my fault. Naiintindihan ko.
Pero kahit na ganoon ay hindi ako nagpapigil. Natalo na naman ako ng puso ko.
Sinimulan ko siyang kausapin. Nagsimula akong magpakita sa kaniya ng totoo kong intensyon. Na gustong-gusto ko siya at hindi lang ito basta-bastang paghanga o biro.
Alam ko naman na maling-mali itong ginagawa ko. I have a girlfriend and what worst it, it's her sister! Pero susubukan kong itama lahat para lang sa kaniya.
Pero hindi siya nagpatalo. Hindi ko alam kung ramdam niya ba na gustong-gusto ko siyang kausapin pero napakalamig niya pa rin.
"Len, usap tayo, please," saad ko nang makakita ulit ng magandang tyempo.
Hindi naman na ako nag-e-expect na kakausapin na niya ako dahil sa ilang beses kong nakiusap sa kaniya ay hindi niya ako pinapansin. Akala ko ay pareho lang ito sa mga araw na hindi niya ako papansinin pero bahagya akong nagulat nang harapin niya ako dala ang pagod niyang mukha.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi.
"Jude, please lang, h'wag mo na akong guluhin. H'wag mo nang sirain ang relasyon niyo ni ate dahil alam ko naman na m-masaya na kayo."
Umiling ako. "Akala mo ba masaya ako? Ha, Len?"
"A-anong ibig mong sabihin? N-na hindi ka na masaya kay ate? Gano'n ba?!
Umigting ang panga ko. Tinitigan ko siya nang mabuti. "Hindi sa gano'n, Len." I swallowed hard. "Masaya ako sa kaniya pero iba ang saya ko kapag kasama kita. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag nginingitian mo ako. Pakiramdam ko ay napaka-espesyal kong tao. H-hindi ko na alam, Len."
Nanubig ang kaniyang mga mata kaya napaiwas agad ako ng tingin. Tahimik siyang humikbi. Gustong-gusto kong lumapit sa kaniya st punasan ang mga luha niya pero natatakot ako na baka lumayo siya.
"Mahal kita, Len. Siguradong-sigurado na ako."
Umiling siya habang umaagos ang kaniyang mga luha. "Jude..."
"Len, please, ayaw kong isuko 'to. H'wag mo namang sabihin sa 'king itigil 'to dahil hinding-hindi ko iyon gagawin."
Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. "Jude, m-mahal din kita. Pero alam k-kong m-mali. M-masasaktan si ate at mama. Hindi ko gustong m-mangyari 'yon. M-mali 'to."
Umiling ako at nilapitan siya bago kinulong sa aking mga bisig. Mahigpit ko siyang niyakap at naramdaman ko na lang ang paghagulhol niya sa aking dibdib. Hinalikan ko siya sa kaniyang ulo.
"Ipapaintindi ko sa kanila. Gagawin ko ang lahat para itama 'to. Mahal na mahal kita, Len."
Nakaplano na ang lahat. Ngayong sabado ay kakausapin ko na ang ate at nanay niya. Kakausapin ko ang girlfriend ko. Sasabihin ko sa kaniya ang lahat. Ayaw kong sumuko.
Pero totoo nga ang mga sinasabi nila. Na ang mga pinaplano ay hindi talaga nangyayari. Sa hindi inaasahan ay nahuli kami ni Penelope, ang ate niya at girlfriend ko. Mas napaaga pa ang dapat na sa sabado.
"Pen," malumanay kong saad pero tahip-tahip na ang puso ko sa kaba. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Taylen sa nakasalikop naming kamay.
"Pen, I'm sorry."
She smiled sadly. "I knew this would happen. P-pero ang sakit pa rin pala. A-alam ko e. Alam ko ang nangyayari habang t-tayo. Hindi ko pa n-nakikita ang k-kapatid kong gano'n k-kasaya." Sinulyapan niya si Len na ngayon ay mahinang umiiyak.
"A-ate... I-I'm s-sorry," hikbi niya.
I swallowed the lump on my throat. Nangilid ang mga luha ko.
"Alam k-ko naman na masaya kayong d-dalawa. P-pero nasasaktan din ako e." Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. "P-pero ano... okay lang! M-masaya naman k-kayo, 'di ba?"
Hindi niya pa natatapos ang mga sinabi niya ay napapikit na siya nang mariin at napahawak sa kaniyang ulo na parang may iniinda roon. Napasalampak siya sa lupa habang ako naman ay parang napako sa kinatatayuan.
"Ate!"
Naging malabo ang mga nangyari Sinugod siya sa ospital pero wala pa rin ako sa sarili. Walang pigil sa pag-iyak si Taylen sa tabi ko.
"She has a tumor cancer. K-kaya pinipigilan ko ang sarili na mapalapit sa 'yo. Na m-mahalin ka dahil alam k-kong ganito ang mangyayari. T-this is my fault," si Taylen habang umiiyak.
Wala akong masabi. Parang naputol ang dila ko. Blanko rin ang pag-iisip ko. Hindi ko alam bakit ganoon.
Nagising lang ng tuluyan ang diwa ko nang may masamang balita na namang dumating sa gabing iyon. Nasa gabi ang nanay ni Taylen nang sagutin ko iyon.
"H-hello, Len? N-nasaan ka?"
"Hello, Sir? Is this Taylen Sallador's boyfriend? I'm sorry to inform you buy Miss Sallador occurred an accident. Papunta na po kami sa Hospital ngayon."
Hindi ako nakagalaw agad. Para akong nabingi. I froze on my seat. Wala akong ibang narinig kundi ang tibok lang ng puso ko.
Namalayan ko na lang ang sarili na nakaluhod habang magkasalikop ang dalawang kamay. Taimtim akong nananalangin na iligtas Niya ang dalawang importantebg babae sa buhay ko. Gagawin ko ang lahat. Kahit ano. Mailigtas lang sila.
Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang pareho silang nagising. At ang kapalit ng hiling kong iyon ay ang pagiging immortal ko. Na magiging isang ganap na kupido ako.
Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kaniya. Nagbuntong-hininga ako.
Sa ilang sandaling pag-iisip ay may napagtanto ako. Isa lang ang gusto ko para sa kaniya. Sa lahat ng mga pinagdaanan niya, gusto ko ring maging masaya siya. Gusto ko ulit na makita ang mga ngiti niya. Kahit hindi na ako ang dahilan noon.
Ang kaniyang ate ay doon na sa America pagkatapos nitong maka-graduate. Nakapangasawa na iyon ngayon ng foreigner at kinasal din sa ibang bansa. Alam ko rin na hindi na galit ang ate niya sa kaniya kaya kampante ako. Pero hindi ko alam kung masaya ba talaga siya ngayon.
Pagkatapos rin nilang magising ay nawala na ako. Nabura rin sa kanilang memorya na nabubuhay ako. Hindi na nila ako naaalala.
Huminga ako nang malalim bago bumaba sa punong iyon pagkatapos ay tumayo nang maayos. Sa nanginginig na mga kamay ay inangat ko ang pana na hawak bago pinikit ang kaliwang mata.
Hindi nakasaad kung sino nga ba ang lalaking nakatadhana sa kaniya. Pero may pakiramdam na ako na ang lalaki sa kaniyang harapan ang talagang para sa kaniya.
Sa minsan kong pagbisita rito ay paminsan-minsan ko ring nakikita ang palihim na mga ngiti niya. Ang pagpula ng pisngi niya kapag kausap ang lalaking iyon. Alam kong masaya siya sa kaniya. At alam ko ring mabuting tao ang lalaking ito. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.
Kaya kahit na alam kong masakit ay dahan-dahan kong binitawan arrow na hawak at nag-iwas ng tingin. Agad akong tumalikod dahil alam ko na kung ano ang masasaksihan ko. Alam ko na na lungkot lamang ang dala ng tadhana sa akin.
Pero sa huling pagkakataon ay nilingon ko ulit sila, nagbabakasakali na baka hindi totoo ang mga iniisip ko. Pero sa ilang beses kong umasa at nagbakasakali ay natupok na naman iyon. Nadismaya na naman ako.
Agad akong tumalikod nang naramdaman ang pagtulo ng aking mga luha. I smiled bitterly.
In the end of the day, misery will be my alliance. My companion. Because the string of destiny brought me there. Misery is my ending.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top