Thesis
HINDI ako ang nagsulat neto. Nakita ko lang itong kumakalat sa FB. Naluha ako at nakakalungkot ang short story na toh. Gusto ko lang i-share dito sa Watty World.
Credits sa gumawa nito. Salamat po! :)
P.S. Baka maiyak karin gaya ko, kaya ihanda mo na lang yung tissue o panyo sa tabi mo :D
*********************************************************
THESIS
(Text message ni Boy at Girl)
Boy: Hi baby!! Kamusta ka na? Ang saya saya ko ngayon!!
Girl: Teka lang text ka na lang mamaya.
Busy ako kasi sa thesis namin.
Boy: Ehh mamaya na yan baby. Usap muna tayo. Miss na kasi kita ehhh :)
Girl: Kailangan ko ngang matapos to, kasi nga malapit na ang due nito.
Boy: Sige na baby, minsan lang naman ako man lalambing ng husto eh. Gusto
kita makasama ngayon, ipagpabukas mo na lang yan. Please? :D
Girl: Ano ba kase?! Bigyan mo naman ako ng oras sa sarili ko oh?! Hindi mo
ba naiintindihan?! Project ko to! Thesis namin!! PWEDE BA? ORAS NAMAN!! HINDI NAMAN IKAW LAGI SAYO IIKOT ANG MUNDO KO!! WAG MO NGA MUNA AKO I TEXT!!
Boy: Sorry baby. Mahal na mahal po kita. Sige po.. Sorry.. Text na lang kita
mamaya...
Boy: Hi baby, hindi ko matiis na hindi ka itext. Gusto ko po talagang makausap ka. Gusto ko maging masaya ulit :D
Boy: Hi baby, hindi ka parin nag rereply.. Kamusta na po thesis mo
diyan?
Boy: Baby... Di ka pa rin nag rereply..Nag aalala na po ako sayo... Boy: Baby 10pm na... Dalawang Oras ka ng hindi nag rereply sakin, ui miss na po kita. I love you po...
Boy: Uhm baby.. I love you. Sana po ok ka lang diyan. Andito lang ako palagi, malapit na kitang laging makasama :)
Girl: Diba sabi ko sayo mag tetext ako sayo pag tapos na ko dito sa THESIS
ko?! Hindi mo ba naiintindihan yun?!!? Ano bang mahirap sa BUSY at hindi mo
maintindihan?! Parang wala ng bukas eh. Ang OA mo naman! Pwede ba?! Matulog ka na lang!
Boy: Sorry baby.. Ok po.. Goodnight po sayo. I love you.. Mag iingat ka palagi,
lagi kitang babantayan. Andito lang ako, hindi ako mawawala sayo.
**Kinabukasan...
Girl: Baby, gising na po. Sorry po kagabi sa mga nasabi ko. Busy lang talaga ako. Kain ka na po, papasok na ako..
Girl: Gising ka na, papasok ka na. Text mo ko pag gising mo..
Girl: Ui, bakit hindi ka pa nagtetext. Break na namin. Pumasok ka ba? Wala
ka bang load? Ui... Text naman..
Boy: Anak.. Iniwan na niya tayo..Iniwan na ko ng anak ko at iniwan ka na rin ng kasintahan mo. Iniwan na niya lahat ng mahal niya sa buhay. Nasabi ba niya sayo na may taning ang
buhay niya? Ngayon ang pangatlong taon na ibinigay ng doktor sa kanya, akala namin hindi totoo, wala naman kasi makakapagsabi ng buhay ng isang tao. Pero nagulat kami, hindi na rin
kinaya ng puso niya. Ginigising namin siya kaninang umaga, hindi na siya nagigising.
May huling text pa nga sayo, na hindi na send ito ang sabi niya sayo anak..
"Mag-iingat ka palagi,masaya ako sa pupuntahan ko, huwag kang iiyak. Pasensya hindi ko sinabi sayo, ayaw kong ipaalam sayo dahil ayaw kong mamroblema ka sakalagayan ko, pati sa thesis mo, ayaw kong dumagdag. Hindi ko alam kung swerte pa kong sisinagan ng araw bukas. Araw-araw akong nagdadasal na sana bigyan niya ako lagi ng araw para makita ka, araw para makasama ka, sobrang mahal kita. Sayang, yung huling araw ko dito di man lang kitang nakausap. Pero naiintindihan kita.. Baka nga naman ikabagsak mo pa yan. Sorry talaga. I love you baby, promise me. Magiging matatag ka. Nasa tabi mo na ako ngayon."
******************************************************************
Oh ano reaksyon mo?
Ako kasi nung nabasa ko ito, ay naman oh!
Sinisi ko talaga ang thesis na un!
Kung hindi dahil sa thesis eh di sana nagkasama pa ung couple sa last day ni boy :((
Hay, minsan di natin alam ang mangyayari o rason kung bakit nagiging ganito yung tao o etcetera. May rason sa bawat ginagawa ng tao. May nais silang ipahiwatig sa bawat aksyon nila, negatibo man o positibo.
Ang masasabi ko lang, pahalagan niyo bawat ginagawa ng tao para sa inyo.
Malay mo, yun na pala ang huling bagay na magagawa nila para sayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top