Seven

---

"Ma."

Lumingon sina Mama at Papa nang marinig nila ang boses ko. I did not know what to say to them, actually. Hanggang ngayon kasi ay magulo pa rin ang isip ko dahil sa mga sinabi ko. Kay Theodore, to be specific. My parents were sitting on the chairs of the hallway when I arrived, so I decided to sit beside them and stay silent. I didn't know how long.

"You are right. You're a genius for knowing that. Yes, I like Kailey. Yes, I want to be more than just friends with Kailey. And yes, you have to worry about it."

Hindi ako makapaniwalang nasabi ko 'yon. Parang sinaniban ako ni Preppy. I shook my head at the thought. Hindi ko rin akalaing magkakaroon ako ng lakas ng loob na pagsalitaan ang isang taong tulad ni Theodore. He is Mr. Theodore Hidalgo, still, even if he might be the most dead bush over Kailey.

Pero totoo ba? Totoo bang may pagtingin ako kay Kailey? I asked myself, the voice sounding completely mine, not Preppy's.

Sa tingin ko, kung wala naman ay hindi ko masasabi ang mga 'yon. Pero imposible. Hindi ko pa naman naaamin 'yon sa sarili ko. Pero kung mayroon man, bakit ang dali kong nasabi 'yon? I mean wala naman talaga.

Siguro.

"Oh, anak?" ang sabi ni Papa habang nakangiti. "Bakit ang lungkot mo ulit? Ayaw mo na ba ng balloon na binili ko para sa'yo?"

" 'Nak, ayos ka lang ba?" ang tanong ni Mama. "Mas masigla pa si Papa mo, ah."

Grabe, I thought as I smiled and glanced at the pink balloon. Hanep talagang tunay 'tong tatay ko. Nakangiti pa rin matapos ang nangyari. Parang hindi pa siya natakot sa kung ano mang muntik nang mangyari sa kanya. I always wished I could be like him and Mama.

"Hindi naman po, Pa," ang halos pabulong kong sabi. "Nag-alala lang po talaga ako sa inyo."

I stared at my balloon and pulled it down to touch it. Dust was accumulated on its surface. I ran a finger against it and rubbed the dust on my jeans. I slouched on the chair.

"Alam na namin 'yon, 'nak," ang sabi ni Papa at saka tumingin kay Mama habang inilalagay ang kamay sa lap ni Mama. " 'Di ba, Ma?"

Tumango na lang si Mama.

"Baka may iba pang bumabagabag sa'yo, Glenn?" ang sabi ni Mama. "Anak?"

"Wala naman po, Ma," ang sabi ko at pilit na ngumiti. "Wala, wala po talaga." Itinaas ko rin nang kaunti ang balloon na hawak ko para pagaanin ang atmosphere. I probably looked childish, but who cares? I was doing it for the disappearance of my family's worry. After all, I'm still their little girl. Little girl, Preppy repeated, smiling at me (and my height).

"Promise?" ang sabi ni Papa.

I inhaled before I lied, "Promise."

Kayo po ba, Ma? May problema po ba kayo? I wanted to ask, but I didn't have the chance. Agad kasing iniba ni Mama ang usapan. Pero hindi ko na pala kailangang tanungin 'yon. May binigay na siyang ilang hint. Bumilis ang kabog nang dibdib ko nang mapagtanto ko ang iniisip ko.

"Ang yaman na pala talaga ni Kailey, 'no?" ang sabi ni Mama. "Parang kailan lang, nasa high school pa lang kayo."

"Ma, Pa, 'wag kayong mag-alala," I said. "Makakahanap din ako ng mas magandang trabaho. 'Yong mas malaki ang sahod kaysa sa—"

"Hindi naman namin 'yon iniisip, anak," ang mabilis na sabi ni Papa. "Walang kaso sa amin 'yan, 'nak."

"Hindi nga po," ang sabi ko, kahit na hindi pa ako nakakapagplano kung ano ang magagawa ko para makalipat ng trabaho. "Malapit na po."

Magiging reporter na kaya ako? In my head, I pictured myself in a formal attire. What I was wearing, in my head, was looking expensive. I was in the studio, or whatever name they use to also call it with. Ew, 'di mo alam? Preppy said, chuckling but she looked friendlier. I. . . I was a news anchor. Oh, my dream. I looked a bit taller, too.

Bago pa man makapagsalita si Mama, I already heard Kailey's heels clicking against the sleek floor of the hospital. At sigurado akong sa kanya 'yon. Hindi man 'yon kalakasan, kabisado ko na yata ang bilis ng lakad niya. Maybe, maybe. . . it's because I like her. That's how it sometimes happens, right?

Ugh, whatever.

"Hello po," ang bati ni Kailey, at agad nahagip ng mga mata ko si Theodore na nakasunod sa kanya. "How are you na po?"

Napalingon sina Mama at Papa nang marinig nila ang boses ni Kailey. Kahit sino naman yata ay mapapalingon upon hearing her voice. It was just beautiful, light, and—

Ano ba naman 'yang pinag-iisip mo, Glenn? Preppy interrupted, her thoughts merging with mine, just slowly. And I could tell that it was a good thing.

"Ayos lang naman," ang sabi ni Mama. "High blood siya. Na-check na rin ang osteoarthritis niya. May mga gamot lang na kailangang inumin."

By her words, I felt relieved kahit papaano. Nagpasalamat pa rin ako at hindi sakit sa puso ang sakit ni Papa. Or the other severe ones. I wouldn't know what to do if that ever happened. My parents, always, remained as my weakness, my fatal point, my Achilles' heel. But just as they hold my surrender button, they are also my sword of strength. Call it cheesy or corny now. I don't care.

Oh, my. Ano ba naman akong klaseng anak? I thought upon realizing that I still hadn't asked what the findings of Papa were. Naunahan pa ako ng ibang tao sa pagmamalasakit sa sarili kong mga magulang. Ew, Glenn.

"Ah, Ma," ang paninimula ko. Ayaw ko nang maunahan pa ako ng ibang tao ulit, 'no? Magulang ko 'yan, duh. "Bilhin na po natin? May pharmacy pong malapit dito sa pagkakaalam ko."

Nang inalalayan na namin ni Mama si Papa sa pagtayo, narinig ko ang boses ni Theodore na nagsabing, "I wish to help po. . . in paying."

"Para saan pa po ang yaman namin kung hindi po kami tutulong, hindi po ba?" ang dagdag pa niya. Oh my goodness, cringe, sa part na si Theodore ang nagsabi no'n.

"Naku, hindi na," ang magkasabay naming sabi ni Mama. Ang pagkakaiba nga lang ng sinabi namin ay ang tono ng pananalita namin. Mabuti na lang ay nagkasabay kami ni Mama dahil kung hindi, malamang ay narinig ni Kailey kung paano ko sungitan ang manliligaw niya. Mas malakas din ang boses ni Mama since pa-murmur ko itong sinabi. I heard Preppy laughing in my brain, the monster crawling under her skin slowly fading.

"May pera naman ho akong dala," ang sabi ko na lang. . . para tumigil si Theodore, at saka kami naglakad para puntahan ang pharmacy ng ospital. I was way too careful in pronouncing "ho." I might blend sarcasm and irritation as its tone.

"Ay, oo nga pala, Glenn," ang sabi ni Mama. "Nahanap ko na ang health card ni Papa mo. Nasa bag ko lang pala. Pasensya na, 'nak. Malilimutin na si Mama."

"Nagamit naman po, 'di ba?" ang bulong ko kay Mama habang naglalakad kami nina Mama at Papa papalayo kina Kailey at Theodore.

"Oo, 'nak."

"Halika na, Ma." I looked at Theodore and Kailey para ipahiwatig na bibili kami ng gamot. "Theodore, Kailey, doon lang kami."

---

Hinatid kami nina Theodore at Kailey sa bahay namin, and fortunately, we arrived earlier than we expected. Hinintay pa nila kami makabili ng gamot, 'di ba? How sweet of Theodore (when in front of Kailey). Kung ano mang anti-traffic equipment ang mayroon ang kotse ni Theodore, gusto kong bilhin 'yon.

Uhm, nope.

Cars are overrated.

Sa buong biyahe namin ay hindi masyadong nagsalita ang dead bush na 'yon—si Theodore, in case you're wondering. Tama ang inisip ko. Hindi niya gagambalain ang payapang pag-iisip ni Kailey gamit ang mga kanyang combo of concern and curiosity about me and. . . well, Kailey.

Pero tahimik din si Papa sa buong biyahe. And sigurado akong may malalim siyang iniisip at hindi payapa ang utak niya.

"Uy, anak!" Nagulat ako nang tawagin ako ni Papa. Oo nga, si Papa.

"Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Papa na katabi ko lang sa hapag-kainan. In one second, parang hindi siya ang napakatahimik kanina sa kotse. I mean. . . baka dahil naospital siya, kaya siya tumahimik nang gano'n. " 'Di ka pa nakakalimang kutsara," ang dagdag pa niya.

Yumuko ako para makita ang plato ko. Papa was right. Halos hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko, and that was never good because what I was eating was Menudo, my favorite. I always wanted more than a plate of rice with Menudo. But my meal tonight seemed. . . weak. Weak, Preppy repeated, nodding like it was a correct adjective for a word like dinner.

Well, that could be.

"Anak, ayos ka lang ba?" ang isa pang tanong ni Papa. " 'Yong totoo, 'nak?" Kanina pa siya tahimik (at seryoso), at hindi siya ganito normally. He would always joke. He would always smile. He would always talk.

I nodded, and he asked again, " 'Yong totoong-totoo, 'nak?"

I nodded for the second time around, but he asked again, " 'Yong totoong-totoong-totoo, 'nak?"

I gave my eyes a chance to have a short glance at Mama, and she was quiet. . . like she was confused of what was happening.

"Glenn, anak," ang sabi ni Papa, snorting about what he just said earlier, "sino ba 'yong lalaki kanina?"

At that moment, I was a bit sure that I could not eat more. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila, at 'yon ang nagpakaba sa akin. Our home was a sweet, sweet place. I never hated home, but I didn't like it when they are worried about something.

"Bakit parang. . ." ang sabi ni Papa, "galit ka sa kanya?"

And he smiled, trying to keep the atmosphere light. Well, Papa couldn't do that anymore. Hala, halata ba na naiinis ako kay Theodore?

I didn't want to answer anything about Theodore and Kailey. I was certain about it. And it's a fact.

Shallow, aren't I?

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top