Then You Left
"Dear Love..." , iyon ang mga unang salita na nagpakaba sa akin nang makita ko itong nakaipit sa gate namin pagkauwi ko ng bahay.
Love.
Tawagan namin iyon ni Albert magmula ng sagutin ko siya at maging opisyal kami.
Mabilis akong pumanik sa kwarto ko para simulang magbasa.
Ilang araw na akong hindi nakakarinig mula kay Albert simula ng pinili niyang tanggapin ang promotion sa kanya ng kanyang boss. Kahit sa messenger ay hindi siya nakapagreply sa akin sa loob ng halos anim na buwan na nasa Amerika siya.
Inisip ko na lang na abala siya sa trabaho at nag-aadjust pa sa bagong environment. At ngayon na nagpadala na siya ng liham, alam kong sapat na ang mga oras na iyon sa kanya kaya sabik akong malaman ang kalagayan niya.
"I want to break up."
"I fell out of love."
"Goodbye, love."
Mabilis na bumuhos ang mga luha ko ng mabasa ko ang mga katagang iyon.
We were happy.
But, he chose to leave me.
Pikit-mata kong binaliwala ang mga sabi-sabi ng mga kaibigan naming may nililigawan siya sa opisina at kaya daw tinanggap ang promosyon para makalayo sa akin.
Ang tagal kong nagbingi-bingihan sa mga sinasabi ng iba at ang sulat na ito ang kumumpirma sa bigat na nadarama ko.
Ang mga hikbi ay naging hagulgol. Ang mga inis ay naging pagkayamot.
I was still holding on to you.
To our love.
But then you left.
Iniyak ko ang lahat hangga't wala na akong maiiyak pa.
Sa ngayon, hahayaan ko ang sarili kong ilabas ang hinanakit sa mga salitang binitawan niya.
Pero pagdating ng araw, alam ko lilipas din ito. Alam ko makakayanan ko rin.
Kakayanin ko ang buhay ng wala siya. Hindi man ngayon. Pero sa susunod na mga panahon.
Pangako iyan.
End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top