9. Meeting
Kamala the Scorpio
"Yes, headmistress," ang tanging nasabi ko na lamang habang nakayuko bilang pagtanggap ko sa misyon.
Hinintay ko na makaupo si Averill bago ako umupo. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong bumalik sa dorm namin dahil na o-overwhelmed ako sa mga nilalang na nasa paligid ko lang. Umaapaw ang kanilang mga presensiya na parang sinasakal ako at hindi makahinga. Hindi ako komportable habang nakaupo rito sa bandang likod.
May nakaupo naman sa bandang likod ko, ang bagong dating, ang Sagittarius. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kong katulad ko rin ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Hindi mapakali ang kanyang mga mata na parang may iniiwasan na matignan. I know she's too overwhelmed.
Bagama"t hindi komportable ay pinilit kong kumain, ang bango kasi nang nasa lamesa ko hindi ko kayang hayaan lang na hindi tinitikman. Isang buong lechon na manok na sobrang sarap tignan dahil sa sauce na nakayakap dito. May ibat-ibang klase ng prutas din na naka sliced na at nabalatan. May lotus soup at tsaa din na sobrang bango ng aroma. Bukod sa mga pagkain na ito ay may ibinigay din silang dessert, isang scoop ng vanilla ice cream na may bulaklak sa ibabaw bilang desinyo.
Nag desisyon na akong kumain habang nakikinig sa kanilang mga report tungkol sa naging misyon nila. Hindi ako kasali dahil bago lang din naman ako rito, kahapon nga lang ako dumating.
Ayon na nga, kahapon lang ako dumating ngunit may misyon nang nakahain sa akin at sa kasamaang palad ay kasama ko pa ang tao na iyon.
Lihim kong nilingon ang direksyon kung nasaan nakaupo si Averill. He's silently eating gamit ang chopsticks. Nakayuko lang ako ng bahagya upang hindi mahalata na nakatingin ako sa kanya, malakas pa naman ang pandama nito.
Tila ba tansyanado niya ang pagkuha ng laman mula sa manok, sa pagnganga niya at pagsubo pati na rin aa pag nguya niya. Tuwid na tuwid din ang likod nito habang kumakain at tanging ang mata lamang nito ang tumitingin sa baba at kamay lamang nito ang pinapagana. Sa nakikita ko sa kanya kung paano ito gumalaw ngayon, paano niya dalhin ang sarili ay tila ba galing siya sa angkan na iyon. I tried to remember his moves back there in Caro, pulido at parang tansyado rin niya ang bawat galaw niya habang nakikipaglaban.
Baka galing talaga siya sa Louen Clan, they practice cultivation and they are not easy to mess with. Madali rin ma distinguish ang clan, isang tingin mo lang malalaman mo kaagad. Mahaba ang kanilang mga buhok at ang kulay ng kanilang roba ay kakulay ng langit at ulap, may band of fabric din silang inilalagay sa kanilang noo na nakapusod sa likod ng kanilang ulo. I don't know what is that for, but most of the men in Louen Clan has headbands. I even heard about their ancestor na nakamit ang phase of immortality, hindi ko lang din alam kung totoo ito.
Present din sila sa nagdaan na labanan dahil galit din sila sa mga demon or anything that has something to do with dark entities. Sa mundo na aming ginagalawan ay natural na ang mga ganito. Kaya rin siguro may tulad nila na pumupuksa sa kasamaan.
Hindi ko yata napansin na sa kanya lang naka pokus ang aking atensyon ng ilang minuto dahil tila naramdaman niya ang mga mata ko na sa kanya nakapukol. Hindi ako kaagad nakabawi nang bahagya siyang lumingon sa aking direksyon. Nanlalaki lang ang aking mga mata nang magkatinginan kami. Walang emosyon ang abuhan nitong mga mata na hindi man lang nag bawi ng tingin kahit na ilang segundo na kami sa gano'n posisyon. Ako na mismo ang pumutol sa tensyon sa pagitan naming dalawa.
Bumalik na ako sa pagkain ko at nakinig sa kasalukuyang nagsasalita.
"May palagay ako na iisang rank lang ng mga demon ang gumagawa nito, headmistress. Sa Cameron ay gano'n din kasi ang nangyari. All the mythical creatures inside that town was killed. Although we captured one but I don't think it will survive. Their magic is gone even their core is missing. Hindi na namin maramdaman ang bawat presensya nila sa buong lugar at unti-unti na ring kinakain ng kadiliman dahil wala ng pomo-protekta rito. We've done further investigation and found nothing. Wala namang napahamak na mga mamamayan, tanging ang mga magical beasts lang."
Iyan ang narinig kong report ni Samantha. Sa napagalaman ko ay pinadala sila ni Esmeralda sa tatlong nasyon; ang Cameron, Caro, at Semidia dahil sa gulong nangyari roon. Hindi kaya magkaugnay nga talaga ang mga ito?
"Is their any writings on the ground? A talisman?" Tanong ni Torin na nanatiling nakaupo lang. Nilingon naman siya ni Samantha na tila napapa-isip din. "How about outside that town you mentioned?"
Tumahimik ng ilang minuto ang paligid, inaabangan ang magiging sagot ni Samantha. Pagdaan ng ilang segundo ay may biglang tumayo, gumawa ito ng ingay dahil tumama ang tuhod niya sa gilid ng lamesa kaya ang iilan sa mga prutas na naroon ay nahulog. Nakatanggap naman siya ng masamang tingin mula sa babaeng katabi.
"Aray..aray.." bulong nito pero rinig naman naming lahat.
Iilan sa narito ay napapa-iling na lang kay Haruko. Wala namang nagsalita o nagbigay ng komento dahil nanatiling seryoso ang temperatura sa paligid.
"What the hell are you doing, dimwit?" Mariin na tanong ni Samantha.
Nakahawak ngayon si Haruko sa tuhod nitong tumama sa lamesa at may kiming ngiti sa mga labi. May tumulo pang maliit na butil sa gilid ng mukha niya dahil nakuha niya ang atensyon ng lahat.
"Ahemm.." umayos ito ng tayo pero himas-himas pa rin ang tuhod. "Wala kaming nakita markings sa lupa or kahit sa mga kabahayan na naroon, pero may nakita kaming talismans sa mga puno."
Talisman. Don't tell me itim na talisman na naman ito?
"But it's color red," pagtutuloy ni Haruko. "Unfortunately wala kaming ideya kung para saan ang talisman na ito at kung bakit nasa mga puno ito nakalagay."
Mag su-summon din ba sila tulad don sa Caro? Pero hindi pa naman sigurado na iyon talaga ang tunguhin nila.
Hmm..pati ako napapa-isip na rin. Sa Caro ay itim na talisman at siguradong hindi magandang pangitain ito. Idagdag pa natin ang writings na nakita nila. Kung iyon nga ang goal ng mga nilalang na ito, ano ang i-su-summon nila? Halimaw?
"Haay!" Rinig nang lahat ang pag 'haay' nang nasa unahan. I don't know him yet dahil anim lang sa kanila ang nakilala ko at apat pa ang hindi ko pa pormal na kilala. Hindi rin sila nagpakilala kanina dahil saktong pag dating nila sa dorm ay pinatawag kami para sa isang pagpupulong. Nasa gawing kanan ko siya kaya nakikita ko kung paano siya ngumisi habang ang siko ay nakatukod sa kanyang lamesa at ang kamay ay sapo ang kanyang baba.
"Luis!" Saway nang nasa tabi niya. "Let the others talk."
Saan kaya sila nanggaling at bakit wala sila no'ng dumating ako rito? Galing din ba sila sa misyon? Baka nga siguro.
"Lahat ba ng mga puno na naroon ay may mga talisman?" Tanong ni Amaro na nakaupo sa seat niya at seryosong nakatingin sa amin. "It's possible that there's a formation."
"Ah!" Sigaw ni Haruko habang nakatingin kay Samantha. "Ito 'yung sinabi ko sa'yo na weird!" Wika pa nito. "Ever two meters ang pagitan nila at pabilog din ang formation. Pero aside from that ay wala na. I went to the middle, pero open space lang naman ito walang kakaiba."
"The citizens of Cameron buried the magical beasts and they sealed the tunnel so that no one could get in the town. Kinuha rin nila ang mga talisman nang sa gano'n bago sinalyado ang lugar upang hindi matuloy ang binabalak nila," yumuko muna si Samantha at Haruko bago umupo pabalik sa kanilang upuan.
"There's no any other commotion happened in Cameron that day. The king informed me that everything is fine now and there's no danger around, but let's not be complacent."
Lahat sumangayon. Hindi nga dapat kami pa kampante dahil hindi namin alam kung kailan muli sila gagalaw.
"Tch! We've been doing these missions about those damn demons, headmistress but we still don't have any lead where the portal is located. Kahit ang pinakamagaling ninyong tauhan ay hindi ito mahanap-hanap. Malalaman na lang ba natin kung nabuksan na ang tarangkahan?" Nangingibabaw ang boses niya sa silid na ito. Hindi siya tunog galit pero nakakakilabot ang laki ng boses nito. Nakatayo na rin siya at nakangising nakaharap kina Amaro at Esmeralda. "Great mage Amaro, wala po ba kayong panibagong pangitain ngayon, lalo na at kompleto na ang Zodiacs?" Kahit may galang sa sinabi niya ay iba naman ang himig ng boses nito.
"Luis, calm down!"
Nakita kong pumikit si Esmeralda hawak pa rin nito ang mansanas na hindi pa nito kinakain. "We have a meeting with the leaders and the council tomorrow. It's a banquet and tomorrow we will discuss about the portal, the visions, and the things you need to do. I know some of you wala pang proper training and are still not in control with their powers, I'll give you a month to control and master your abilities," then she opened her eyes at diretsong tumingin sa lalaking nagsalita. "As of now I want to hear all your reports."
Pabalang na umupo si Luis na masamang nakatingin sa dalawang nasa harapan. Wala akong alam kung bakit naiinis siya sa dalawa kaya hindi ko na pinuna pa ang reaksyon niya.
Kanina ay ni-report nila Samuel the Leo ang nangyari sa misyon nila. Hindi ako nakinig dahil wala sa paligid ko ang atensyon ko that time. Basta I hear na mangkukulam yata ang nakalaban nila. Sila din ang nakahanap kay Ligue, na isa palang prinsesa. Bigatin pala itong nasa likod ko.
Ngayon naman ay kasalukuyang nagsasalita ang isa sa apat na hindi ko kilala. Katulad nang nauna, by pair din sila sa misyon nila.
"We went to that abandoned city, the Waiern, and found nothing as well," madaliang sabi nong katabi ni Luis. Hinuha ko silang dalawa ang magkasama sa misyon nila. "The city is covered with black miasma and the whole place is full of raging souls. Wala kaming nakitang markings or talisman sa paligid, bagkus ang nakita namin ay mga dugo forming circle in a wide range. Nangalap naman kami ng mga impormasyon sa karatig lugar kung may nakita ba silang pumasok sa Waiern o may nakita ba silang demon sa lugar, pero wala raw. Wala rin kaming nakitang bangkay sa paligid."
"Ericka and I assumed na they forming a sacrificial thingy sa lugar na iyon."
"We don't practice that nowadays. Pinagbabawalan na ito ngayon. Who would dare to do that?" Asik ni Samantha.
The demons malamang. Demons are already lurking in the world at palagi silang gumagawa ng mga bagay na ikakasama ng mundo. They do things to make the world out of balance.
Kaya siguro may Zodiacs para mabalanse ulit ang mundo. Darkness cannot exist without the other, ika nga. They have to both exist at the same time.
"Headmistress!" May nagtaas ng kamay at tumayo. "Zamarah and I went to Cerlean and if those cities na nauna ay tila not in a bad shape lang, pwes sa Cerlean ay hindi. Mabuti nga lang at maaga kaming dumating kundi tuluyan nang nawasak ang buong lugar. The demons attacked all the citizens, inuna nila ang leader at ang pamilya nito bago ang mga mamamayan. We helped them escape and find a place to hide, may dumating din na tumulong sa amin na kalabanin ang isang grupo ng D rank demons. After the battle we investigated the whole place and found something. We found huge dead magical beast and their core are missing, magkalayo rin ang distance nila sa isa't-isa and they're forming a big circle."
W-what?
What the hell is going on?
*****•*****
Torin the Taurus
I don't know how to absorb all these information in one day. Kagagawan ba talaga ito ng mga D rank demons na iyon? But why? What are they trying to achieve?
"Paano kung ang goal nila ay buksan ang tarangkahan?" Tanong ni Ericka habang may subong jerky sa bibig niya.
Nakabalik na kami lahat sa dorm at kanya-kanyang pumasok sa aming kwarto. Nakapagbihis na rin silang lahat, malibang kay Averill na dumiretso sa rooftop. Alam ko nagtatanong na rin sila kung ano ang koneksyon nang mga iyon. Pero hindi kami pwedeng magpadalos-dalos at mag assume ng mga bagay na wala kaming basehan. We have to know the truth.
May misyon sila Averill at Kamala patungkol sa D rank demons sa Caro. Sila pa lang dalawa ang binigyan pero posible pa itong mabago lalo na at may banquet bukas ng gabi sa gitnang bahagi ng eskwelahan.
"Ano'ng pinagkaiba sa mga demons at sa mga nilalang sa itim na mundo?" Tanong na naman nito. "Wala tayo noong unang digmaan at ang nasa libro ay tanging mga importanteng detalye lang."
That's true as if the school doesn't want us to know everything what happened in that day. Anyway, I don't wanna overexert my mind thinking those frustrating things. May mas importante pa kaming gagawin.
"Guys, okay na!" Sigaw ni Haruko na nasa hagdanan.
Ang nakatambay sa sala ay kami nina Ericka, Samantha and Kamala, while the other except from Haruko and Averill are staying inside their rooms.
"Let's call the others!" Anyaya ko sa kanila.
"Ako na bahala, dumiretso na kayo sa rooftop."
Tinanguan ko si Ericka na nag presentang tawagin ang iba. Gano'n naman talaga ang babaeng ito. Tinungo na nga namin ang hagdan patungo sa rooftop.
Nag decide kasi kami na e-welcome ang mga bago at pormal na magpakilala sa isa't-isa. We have to do it because we are family and we shares the same goal.
Pagdating namin sa rooftop ay nakahanda na ang mga pagkain sa hapag. Si Haruko ang nagluto at si Averill yata ang tumulong sa kanya.
Minutes passed dumating na nga ang iba na may ngiti sa mga labi. Alam kasi nila na masarap ang pagkain. As is na 'yung pag si Haruko.
"Wow! Ang dami naman!"
"Ayos! Hindi ako nabusog kanina sa meeting. Ang awkward kasi kumain eh," komento ni Luis na ngayon ay balik na sa maamo nitong mukha. Kanina kasi sa meeting ay ang agresibo niya at panay sigaw kung makapagsalita. Ngayon naman ay ang hinhin niya pakinggan.
"Ha? Who's he?" Si Kamala na nagtataka.
"He's the Aries." Sabi ko pero nagtataka pa rin si Kamala.
"Hep! Hep! Bago tayo kumain ay kailangan isa-isa tayong magpakilala!" Anunsyo ni Haruko. "Ako mauna!"
Dahil nakaupo na kami at kailangan na lang namin tumayo para magpakilala sa lahat at dahil sariling suggestion niya ito ay siya ang nauna.
"I'm Haruko, the Cancer." Tapos bigla nitong pinakita ang pincer niya. So we also have to show one of our abilities? Show off talaga itong si Haruko kahit kailan. "Hoy, ikaw sunod!" Sita niya kay Samantha na katabi niya lang.
"I'm Samantha, the Virgo." She then let out a small blue fire on her palm. Pagkaupo niya sumunod na ang katabi niya.
"I'm Luis, the Aries." He then let out a horn above his head.
"I'm Samuel, the Leo." Then biglang naging lion ang mukha niya and even let out a roar.
"I'm Ligue, the Sagittarius." The newbie. Wala siyang ginawang kamangha-mangha bagkus ay nagkibit-balikat lang ito. "I can see visions."
Nag 'ooh' kami lahat.
"I'm Zamarah, the Pisces." She then nag manipulate siya ng tubig.
"I'm Belinda, the Libra." Then she manipulated the air.
"I'm Cali, the Aquarius." He then nag manipulate ng tubig at ginawang ice.
"I'm Ericka, the Capricorn." She manipulate the vines na nasa labas ng dorm na kitang-kitang namin dahil nasa rooftop lang kami.
"I'm Kamala, the Scorpion." I was waiting for her to manipulate the dark dimension, pero iba ang ginawa niya. Her long thick hair ay naging tila buntot ng isang scorpion.
Dahil ako na ang kasunod ay tumayo na ako. "I'm Torin, the Taurus. I have a power fist!" I said at pinakita ang kamao na tila umuusok pa.
Kasunod ko at si Averill na walang emosyon ang mga mata.
"I'm Averill, the Gemini." He then pinaulan niya ang langit.
-BM-
Thank you for reading this part!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top