8. The Sagittarius


Ligue the Sagittarius

"Mag-iingat ka sa Astar, Ligue. Don't trust anyone inside the school, even the Zodiacs. Even I accepted the truth about your reality, I'm still hoping to see you again. I love you, daughter."

Iyan ang huling sinabi ni ina sa akin bago ako umalis sa palasyo. Matagal na pala nitong alam ang tungkol sa totoo kong layunin sa mundong ito at pinili niya ang manahimik dahil hindi niya matanggap.

Noong nag rebelde ako at umalis sa palasyo ay ginugol ko ang buong oras ko sa loob ng gubat. Marami akong natutunan at na diskubre na hindi tinuturo sa Jade Palace.

I learned how to treat wounds. I studied every plants I encountered in the middle of the forest and used it. Marami akong nagawang potion, medicine, and even foods. Thinking what I did back then I could say, I did the right thing. Two months ago ang naging awakening ko bilang Zodiac and at that same day I saw a vision of myself. Hindi ko alam kung anong klasing vision ang nakita ko, but I saw myself together with eleven individuals fighting together with dark entities. Hindi ko mawari kung saan ito naganap dahil wasak lahat ng infrastructures sa buong paligid dahil sa matinding labanan.

Ramdam ko ang tensyon sa vision ko na parang nandoon talaga ako. I can feel every injuries I had, the broken rib, dislocated arm, and the feeling of defeat. Oo, sa vision na nakita ko ay natalo ang Zodiacs dahil may isa sa amin ang naging traydor. Hindi ko nga lang alam kung sino dahil hindi ko nakikita nang klaro ang buong mukha nilang lahat.

Hayst! Hindi pa nga ako nakakapasok sa Astar ay may inaalala na ako.

If I have a chance to choose my own path, I would never choose to be a Zodiac. I hate having all the problems of the world fell all together on my shoulders. I hate authority. I just want a simple life together with my family and running the whole palace like I used to. Why would the Sagittarius chose me to be it's vessel?

Why would the Zodiacs chose us to be their vessels? Gagawin ba nila ulit ang ginawa nila sa naunang mga Zodiacs?

Napatingin ako sa palad kong nakabuka, mariin ko itong kinuyom. Hindi ko ginusto na mangyari ito pero ito ang naka tadhana sa akin na hindi ko dapat talikuran. Wala na akong magagawa pa kung hindi ang harapin ang ibinigay sa akin ng tadhana. Marami man akong tanong tungkol sa bagong yugto na aking tatahakin, alam ko makakahanap din ako ng tanong.

Hindi ako papayag na matulad kami sa naunang Zodiacs.

We will meet at the end and will see the sunrise again, together.

"Nandito na po tayo, Mis Ligue." Rinig kong anunsyo ng gwardiya na inutusan ni ina na ihatid ako sa tarangkahan ng Academy. Kasunod nito ay narinig ko ang pagbaba niya at marahan na binuksan ang pinto ng karo. Nakita ko ang kamay nito na naka abang ngunit hindi ko ito inabot. Babae ako, pero hindi ako babae lang.

Nakita siguro nito ang malamig kong titig sa kanyang kamay dahil mabilis niya itong binawi at inilagay sa kanyang likod.

"Hanggang dito na lang po ako, Mis Ligue."

Tango ang naging sagot ko habang nakatingin sa nakabukas na tarangkahan ng Academy. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang bulto ng tao na nakatayo habang ang dalawang kamay ay nasa likod.

I never saw him but I know a lot about him. He played a huge part of the last Zodiacs' battle with the darkness.

The great mage Amaro.

Narinig ko ang paglayo ng karo na kanina ay lulan ako. I heave a deep breath before taking a step inside the school. Habang papalapit ako sa bulto ay unti-unti kong nasisilayan ang nakangiting mukha ni Amaro. Base sa nabasa ko ay isa siyang matandang singkit ang mga mata, puti ang buhok, kilay, at balbas, kulubot ang balat at matangkad. Pero parang exaggerated ang nakatala sa mga libro tungkol sa kaniyang hitsura.

The Amaro in front of me doesn't have, even an inch, of corrugations on his skin. Although his hair turned white, he doesn't look old like in the book. Gwapo rin ito kahit na may edad na. If I am not mistaken ka edad lang niya si Esmeralda, ang headmistress ng Astar Academy.

"Magandang umaga, binibini." Bati sa akin ni Amaro nang makalapit na ako sa kanya. Dahil ilang pulgada na lang ang pagitan namin ay naikompara ko ang katangkaran niya sa akin.

"Magandang umaga rin po." Sagot ko sa mababang boses at bahagyang iniyuko ang ulo bilang pag galang.

"Nagagalak akong makilala ka at sana ay maging maayos ang iyong pananatili sa Academy."

Bakit siya ang sumalubong sa akin? Bakit hindi ang headmistress? Busy ba siya? Siguro si Amaro talaga ang sumasalubong dahil hindi naman ako ordinaryong estudyante. Well, I don't care anyway.

"Sakto ang pag dating mo dahil nandito na ang lahat, ikaw na lang ang kulang."

Hindi ko mawari ang sinabi niya pero hindi ako nagtanong. Wala akong naging vision tungkol sa pagdating ko sa Astar and I can't use my ability well. Hindi ko pa ito kontrolado.

"Sumunod ka sa akin, Ligue naghihintay sila sa iyo."

Sumunod naman ako sa kanya at nayayamot ako sa kung gaano ka bagal siya maglakad. Pagong ba siya? Can he just walk a little faster?

"Rinig ko na dugong maharlika ka, ganito ba maglakad ang isang katulad mo? Binibilang ang bawat hakbang?"

Nagpang-abot ang aking kilay sa narinig. Sinasadya niya ba na maglakad nang mabagal? Alam niya rin ba kung gaano ka nipis ang pasensiya ko?

"I am a princess but I don't act one. I have my own pace."

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Ngunit dahil sa sinabi ko ay naging mabilis na ang paglalakad niya, mabilis ngunit nasasabayan ko siya na hindi nagmamadali.

"May tanong ako," bigla itong huminto at marahan na lumingon sa akin. "Nakita mo ba ang mga nilalang na iyon sa gubat?"

Is he talking about the demons?

"Hindi, pero nararamdaman ko sila tuwing gabi."

He nodded his head while holding his beard na naging triangle na sa kahihimas niya.

"They are not moving during the day." Dagdag ko pa.

"Dahil?"

Nakatingin siya sa akin habang nag-aabang sa magiging sagot ko na tila alam niya na alam ko ang sagot. I know everything about the demons. Those days na nasa loob lang ako ng Jade Palace ay tinuon ko ang aking buong atensyon sa pagbabasa ng mga libro niya.

"D rank demons are afraid of the sun. They can be seen during the night but they are also hard to deal with and annoying too. Their main targets are animals with high spirit mana like the guardians of the forest. Hindi sila kumakain ng tao, pinapatay lang nila dahil ito naman talaga ang nature nila."

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya. Tumalikod lang ito habang nakangiti. Iyon lang at muli na naman kaming naglakad. Nasa loob na kami ng isang gusali na gawa sa kahoy ang bawat parte at hinuha ko nasa apat na palapag ito. Tahimik lang si Amaro habang naglalakad, ako naman ay nakasunod lang din habang tumitingin sa paligid. May mga estudyante akong nakikita ngunit mukhang wala naman silang paki sa nakikita nila. Bawat isa sa kanila ay may kani-kanilang ginagawa.

Nang huminto si Amaro sa harapan ng isang double door na gawa sa kahoy ay kusa itong bumukas para sa kanya. I don't know if it was him or not. Pormal na pormal ang hitsura nito nang pumasok. Ngayon ko lang din nabigyan nang pansin ang suot nito. Puti lahat ng damit na suot niya mula sa roba, sa ilalim ng roba at pati na ang suot nitong sapin sa paa.

"Amaro!"

Tila lahat ng balahibo ko sa katawan ay tumayo nang marinig ang malamig na boses ng isang babae. Hindi ko kilala ang may-ari nito ngunit nakakakaba ang presensya niya.

"Esmeralda!"

Ha? Siya si Esmeralda?

Dahil nasa harapan ko si Amaro ay hindi ko makita ang babaeng kausap niya kay marahan akong sumilip. Itinagilid ko ang ulo ko upang makita siya.

"Hah! Kailan ba ito magsisimula, headmistress? Gutom na po ang mga bulate ko sa tiyan!"

Nang masilayan ko ang hitsura ni Esmeralda ay awtomatikong nanlaki ang aking mga mata dahil direktang nakatingin ito sa akin, animo'y alam niyang sisilip ako.

"Nakaharang ka sa bata, Amaro."

"Pasensiya na," wika nang nasa harapan ko.

Umusog siya sa gilid kaya tumambad sa aking harapan ang babaeng sinilip ko kanina. Nakasuot ito ng kulay green na roba habang nasa ilalim nito ay kulay puti may nakasabit na ornament sa kanyang bewang, palatandaan na siya ang headmistress ng eskwelahan na ito. May suot din siyang salamin sa mata na mas malaki pa yata sa maliit niyang mukha. Mahaba rin ang bagsak nitong buhok na kakulay ang gabi.

"Welcome to Astar Academy, Ligue the Sagittarius!" Nakangiti niyang bati sa akin at may inilahad na isang ornament na may disenyong pana. "Ikaw ang kokompleto sa Zodiacs." Dinipa nito ang isang kamay patagilid dahilan upang makita ko ang mga tao na nasa likod niya.

Lahat sila ay nakatingin sa akin na may ibat-ibang emosyon sa kanilang mga mukha. Sila ba ang magiging kasama ko sa misyon na ito?

Naka-upo sila lahat at may sarili silang lamesa na gawa sa kahoy. Sa ibabaw ng mesa ay may isang baso ng tsaa at isang takure. All of them are wearing purple robe and each one of them has menacing aura. They are just probably sitting over there but the power they possess are dripping everywhere around the room. Nakakakaba ang tensyon sa pagitan namin. Hindi ko alam kung aatras ba ako or aabante dahil sa kaba na aking naramdaman.

They are powerful.

"Yes! Makakakain na talaga ako!" I heard the same voice earlier. Tinignan ko ang nagsalita. Magulo ang buhok nito na parang galing sa rambol, ang suot nitong roba ay bahagyang nagusot sa parteng leeg at hindi rin maayos ang pagkasuot niya sa kanyang roba. Nang tignan ko ang tagiliran niya ay nakita ko ang kanyang ornament na may simbolo ng isang pincer. He must be the cancer.

"Shut up, Haruko! Gusto mo ba'ng masakal ulit?" Asik ng babaeng katabi niya na may masamang tingin. Sobrang desente nitong tignan na parang isa itong priestess. Nagnining-ning siya sa aking paningin dahil sa kanyang kagandahan at kaputian. Ang suot nitong roba ay naka ayos, walang gusot o kahit isang dumi man lang. Nang nabaling ang atensyon niya sa akin ay nagsalubong ang aming mga mata at tila na kuryente ako sa tagpong iyon.

She's definitely the Virgo.

"Pwede ka nang maupo, Ligue."

Marahan akong yumuko at tinungo na ang upuan kung saan wala pang naka ukupa, obviously this is my seat. Pagka upo ko ay saktong may dumating na mga kawaksi at nag lagay ng pagkain sa aming mga lamesa.

"Yees!! Pagkain!"

"Tsk!"

I have a feeling na hindi magkasundo ang dalawang taong iyon. Magkatabi pa naman sila.

"Don't mind them," biglang nagsalita ang babae na katabi ko. Tumingin ako sa gawi niya at napansin na pinapagalaw niya ang sabaw gamit ang hintuturo. "Pero kailangan mo nga lang sanayin ang sarili mo sa kanilang dalawa," lumingon siya sa akin na may ngiti sa mga labi.

Bumalik na ang atensyon namin sa harapan nang magsalita si Esmeralda. She's sitting on her seat at may hawak-hawak na mansanas.

"Fill me in!" Anunsyo nito sa ma awtoridad na tono at kasunod nito ay may tumayo mula sa mga Zodiacs.

"Caro has been infiltrated by D rank demons even before we arrived in the country. After we managed to escape from one of their kind I came back to Caro to investigate more, with your consent, headmistress.
I discovered some D rank demons in the heart of the forest and they are forming an army, based on my observation. They killed almost all the magical beasts and the guardians of the forest, causing its progressive destruction. The remaining magical beasts are already under the care of the royal family," his monotonous voice sounds scary lalo na at bumabanda sa magkabilang dingding ang boses niya.

"Do you have any idea about the army, Averill?"

Bumalik ang tingin ko sa lalaking nakatayo. He's on my left side at ngayon ko lang napansin ang ornament nito na may yingyang symbol. He must be the Gemini.

"I only have an assumptions, headmistress and it's uncertain."

"Tell us about your assumptions then," singit ni Amaro na naka abang sa susunod na maririnig.

Nang bumalik ang atensyon ko sa Gemini ay nakita ko kung paano ito nag buga ng hangin. Mukhang tensyonado rin siya sa kung ano man ang palagay niya sa sinasabi niyang army.

"I have an assumptions that these D rank demons are working on something bigger. They killed the beast and absorbed their mana. I also discovered some drawings on the ground and some black talismans and chains. I think they are trying to summon something...or someone."

What?

"Hey! That's nonsense!" Biglang may sumaway sa lalaking nakatayo. "That impossible!"

"That's why I said it's absurd, Leo." Malamig na tugon nito sa sumingit. Muling bumaling ang atensyon nito sa babaeng nasa harapan. "But you can consider my assumptions, headmistress. We don't know anything about the demons yet and how their mind works."

Bumalik na sa pagkaka upo ang Gemini at prenteng uminom ng tsaa na para bang wala siyang sinabi na ikinagulo naming lahat.

"That's Averill, the Gemini. Hindi siya palakaibigan at palagi lang siyang mag-isa. 'Wag mo lang siyang galitin dahil short-tempered ang lalaking iyan," bulong sa akin ng babaeng katabi ko.

Kakapasok ko pa lang, this is my first day at problema kaagad ang kinakaharap ko.

"This will be your mission, Averill. Investigate about the D ranks and find out what their goal is."

Muling tumayo ang Gemini at yumuko bilang pag tanggap sa misyon nya. Nakayuko pa siya nang muling magsalita si Amaro.

"Bring Scorpion with you."

I saw how his eyes grew bigger. "P-po?"

"Amaro is right. Bring Kamala with you her power is very useful for the mission."

Marahan akong nag cross arm habang pinapanood ang paligid. The Haruko guy wasn't listening the whole conversation bagkus ay kumain lang ito nang kumain habang ang katabi naman niya na babae ay saway nang saway sa kanya. These two aren't paying any attention.

"Kamala!" Sigaw ni Esmeralda at may tumayong babae sa aking harapan. Ahh yeah, may babae sa aking harapan. Mahaba ang itim nitong buhok, matangkad din siya at malakas ang presensya mayroon siya. "The two of you will investigate about the D rank demons in Caro."

"Yes, headmistress!"

When her soft voice meet my ears, a chilling sensation promptly run throughout my system. Kumalam ang sikmura ko hindi dahil sa gutom kundi dahil sa ginaw na nasa kailaliman ng aking pagkatao. Alam ko nanlalaki ang aking mga mata sa nasaksihan. This sensation is familiar. I have it in my vision months ago. This voice.

The voice of the dead.

- BM -

Thank you for reading.
Don't forget to vote and comment!
Have a nice day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top