16. Mist of Mischief
Kamala the Scorpio
Hindi ako nakatulog kagabi dahilan para ako ang unang bumangon sa aming lahat kinaumagahan, sumunod naman sa akin si Torin na medyo nagulat pa nang makita ako sa kusina. I was about to cook for our breakfasts, pero hindi rin natuloy dahil sabi niya na sa cafeteria kami kakain. Medyo naguluhan pa ako no'ng una, but then she explained na may cafeteria naman talaga ang academy pero mas pinili nila na rito sa dorm sila kakain dahil malayo rin daw ang kinatatayuan nito.
Bumalik na rin ako sa kwarto ko at doon naligo at nag ayos. Sinabi na rin niya na may training kami at kailangan namin magsuot ng uniform.
Nang matapos na ako ay lumabas na akong ng kwarto at dumiretso sa sala. Kompleto na rin pala sila at ako na lang hinihintay nila. All of us are wearing our usual uniform na kulay purple.
"Let's go!" Hiyaw ni Haruko at saka inakbayan si Samantha na kaagad naman siyang siniko sa tagiliran.
"I wonder what's on the menu today."
"I want to eat meat."
"Refreshing drink is what I need, I hope they put it on the menu."
"We can just tell them to make one if there isn't any."
"Oh! I want some freshly picked blue berries."
Dahil nasa likod ako ay nakikita at naririnig ko silang nag-uusap sa kung ano ang gusto nilang kainin ngayong umaga. Hindi ako nakisali dahil hindi naman ako mapili sa pagkain at saka hindi rin kasi ako gutom pero ang pinaka main reason ay wala akong idea kung ano-ano ang mga putahe na kadalasan niluluto nila.
Habang nagmamasid sa kanila ay napansin ko ang dalawang babae na hindi nag-iimikan. Usually sila talaga ang maingay, a side from Haruko and Samantha, sila rin ang palaging magkasama pero ngayon ay malayo sila sa isa't-isa.
"Hey! Your silence is too disturbing hindi ako sanay. Is there something wrong?" Ligue approached her with full concern, but Ericka didn't budge. She looked at Ligue without any hint of emotion.
"I'm just saving some energy for the training."
Malamig ang boses nito na animo'y ibang tao.
"Geez, I forgot about the training," si Haruko na nakikinig lang sa gilid ay tila nagulat, mukhang nakalimutan nga talaga nito ang sinabi ni Torin kahapon before she ended the meeting na may training ngayon.
"Tsk!" Samantha and then walked passed by Haruko.
"Hoy! Hintay! Dapat ako ang mauuna!" Hinabol nito ang papalayong Samantha na nagmamadali ring maglakad.
Katulad ng sinabi ni Ericka, may training nga ang zodiacs ngayon at gaganapin ito sa training hall na exclusive para sa zodiacs. I haven't been there kasi 'yung lugar kung saan nakipaglaban ako kay Samantha ay ibang training hall iyon. Marami rin kasing estudyante sa Astar Academy, kaya natural na marami rin silang training halls. Now that I think about it, I wonder if the canteen is just as big.
While thinking about it, I was busy looking around the campus. Students wearing red robes were roaming around the corner, and every time their eyes landed on us, they would whisper with each other and then they leave. Hindi ko alam kung bakit, pero parang iniiwasan yata nila kami. Siguro dahil na rin sa parte kami ng zodiacs. Baka ayaw nila sa amin?
"Tsk! Bunch of ungrateful individuals!"
Narinig ko ang bulong ni Ericka at halata sa boses niya ang pagka-irita. I don't have any idea about the relationships between our class and the students in Astar Academy. I also don't know if there were past disputes and I don't want to ask either.
"As if they didn't ask for help last time! Hmp!"
Cali agreed to what she said. Wala talaga akong balak mag tanong pero sa totoo lang ay curious ako kung ano ang rason kung bakit ganyan ang naging turan nila sa ibang estudyante.
Pagdating namin sa cafeteria ay napansin ko kaagad ang pagiging tahimik ng mga estudyante nang makita nila kaming papasok sa loob. Lahat ng mga nakaharang na estudyante ay kaagad na nagbibigay daan para sa amin. Nagulat naman ako sa akto nila at halata ang pagtataka sa mukha ko habang nililibot ang aking paningin sa buong paligid.
Some students were looking at me, especially to the newbies; ako at si Ligue. Gusto ko sanang magtanong kung saang table kami uupo, pero agad na akong hinila ni Ligue sa kalapit na pwesto kung saan nakaupo na ang iilan sa amin.
"What's your orders guys?" Magiliw na tanong ni Haruko suot ang malawak na ngiti sa labi. Sa tabi naman niya ay naroon si Samantha na lukot ang mukha.
"The usual."
Halos sabay-sabay silang lahat, si Averill lang yata ang hindi sumagot. Nakita ko naman si Haruko na tumingin sa gawi namin ni Ligue habang nagtatanong ang mga mata. Kaagad naman naming nakuha ang ibig nitong sabihin.
"Anything soup ayos na sa'kin!" Imporma ni Ligue.
Dumako naman sa akin ang tingin ni Haruko at dahil wala akong alam sa kung ano ang nasa counter ay tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Hindi ka makapag-decide?"
"Uh.. yeah."
Marahan siyang tumango at saka nagpatiuna na nang lakad patungo sa counter. Nasa tabi ko naman si Samantha na tahimik lang.
Pagdating namin sa counter ay agad ngumiti sa amin ang tindera at parang alam na rin nito ang bibilhin nila. Nang makita niya ako ay marahan itong nagtanong kung ano ang gusto kong kainin.
Nag tingin-tingin naman ako sa mga nakahilerang pagkain sa harapan. It was so hard to decide kung ano ang kakainin ko dahil ang daming choices at lahat ng pagkain ay mukhang masarap.
"Try mo ang fried lotus nila, masarap."
Awtomatikong gumalaw ang mga mata ko sa pagkain na sinabi ni Haruko. Mukha nga itong masarap, but fried lotus is already familiar to me.
"As a newbie, it is better to try their famous breakfast menu: the black shrimp mushroom soup."
Muli na namang dumako ang mga mata ko sa pagkain na sinabi ni Samantha. Nangangalahati na ito sa lalagyanan at mukhang ilang minuto lang ay mauubos na nga ito.
Hindi na ito muling nagsalita pa at kinuha na ang in-order niya. Nang magtanong ang tindera sa akin, I ended up buying the black shrimp mushroom soup.
Pabalik na ako sa table namin nang makuha ko na ang tray na puno ng mga in-order ko, hindi lang kasi iyong soup ang binili ko I also bought juice and some sweets. Excited akong matikman lahat ng mga pagkain na in-order ko dahil lahat ay bago sa akin. I haven't tried foods from other places; ngayon lang.
I was humming a melody in my mind and smiling while walking going to our area when a group of students suddenly blocked my way. Nagtaka ako kaagad dahil biglaan, at mabuti na lang talaga at tumigil ako agad; kung hindi, masasagi ko ang isa sa kanila.
"Uhh... may kailangan kayo?" Marahan kong tanong sa kanila, minabuti ko rin na magaan ang tono ng boses ko.
"I really don't know why your crew are here today and that bitch, Samantha, is trying to get on my nerves! Do you even realize what she did to you? You're new right? You're a zodiac? I don't know what you are or what power you possess, but you really are gullible!"
Nakita ko ang nakakainsultong ngisi nila at sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin. Ano ba ang ginawa ni Samantha sa akin? We were just talking a while ago. Magtatanong na sana ako pero nagsalita ang isa sa kanila.
"You have to buy another tray of shit because we're taking this," tinuro nito ang tray ko sabay agaw sa akin. Natakot akong matapon ang pagkain kaya agad kong binitiwan ito. "It's the last portion and our master wants to eat it."
Master? Tatlo silang lahat at puro babae. They are wearing uniforms of a normal students and they look feisty. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang master kasi they just look like ordinary to me.
"Anyway, thanks for ordering it, we don't need to spend a penny anymore."
Tumalikod na sila at akmang aalis na pero bigla silang tumigil at tila nanigas sa kanilang kinatatayuan. Hindi ko naman alam kung ano ang naging rason at wala rin akong planong alamin pa. Babalik na lang ako sa counter at pipili ng ibang pagkain. Ayaw kong makipag-away lalo na at alam ko naman na mas lamang ako sa kanila. I just shrug at nagsimula nang maglakad papalayo.
"Give it back to her."
Isang baritonong boses ang narinig ko dahilan upang matigilan ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kinatatayuan ng mga estudyanteng humarang sa akin kanina, nandoon pa rin sila nakatayo at tila nanginginig sa takot.
Si Averill ba iyong narinig ko?
Yes, it was him. He's standing in front of the girls, showing no emotion other that the coldness of his eyes.
"P-pero o-our ma-master wants to e-eat t-t—"
Averill snatched the tray from the female students effortlessly and walked pass them. Nagulat ako sa pangyayari; nakita ko na lang siya sa harapan ko na hawak ang tray. Sumilip pa ako sa likod niya, pero wala na roon ang mga babae.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'to."
Marahan kong tinanggap ang tray mula sa kanya. I checked the food if may natapon ba, mabuti na lang talaga wala.
"Hmm." Tanging wika niya at umalis na sa harapan ko.
*****•*****
Iyong nangyari sa canteen kanina ay paulit-ulit kong naiisip hanggang ngayon na nasa training na kami. Hindi ko talaga alam kung anong iniisip nang isang iyon. Sometimes tahimik siya at walang pakialam, ay hindi pala sometimes kung hindi araw-araw! Kaya nagtataka talaga ako sa akto niya kanina.
Kung sabagay hindi ko naman siya talagang kilala dahil bago pa ako.
"Kamala, you're spacing out again!"
Dahil sa sigaw ni Torin ay napaigtad ako sa gulat at nabitawan ang hawak kong pana.
"What is happening to you? May sakit ka ba?"
"Wala naman. I was just thinking, ulitin ko na lang."
Pinulot ko ang pana sa lapag at muling tumira. Kanina nang pumasok kami rito sa training room ay ito kaagad ang kumuha sa atensyon ko, ang mga pana at palaso na nakasabit sa ding ding. Ito agad ang nilapitan ko.
"Focus, Kamala!" Paalala ni Torin sa akin. "You have to find all the targets! Sharpen your senses and concentrate on your arrows! Don't get distracted! Disregard all hesitations and doubts! Stay firm!"
Ako ang unang sasalang dahil kailangan ko ang buong training room. May twenty targets silang nilagay sa buong paligid at kailangan ko itong hanapin gamit ang pana, kailangan din na hindi ko sila masugatan at dapat din na wala akong masasaga na kahit anong kagamitan sa loob ng training hall.
Twenty lang ang ibinigay sa akin na arrow, sakto lang kaya hindi ako dapat magkamali. Although it's just a training, but I need to make no mistakes.
*****•*****
Torin the Taurus
I saw her take a deep breath, and as she exhaled, she closed her eyes and aimed the roof. Walang target sa ibabaw kaya nag taka ako. How she would find all the targets if wasn't even trying to look for them.
Can she control the arrows? Possible. But how will she locate her targets? She doesn't have great focus, so I am expecting a mistake.
"She will never find all of them."
Ramdam ko ang kumpiyansa ni Samantha kaya lumingon ako sa kanya. I didn't speak; just by looking at her facial expressions, I could tell she's not even impressed. I thought naka get over na siya sa duel nila.
"Woah!"
Muli akong humarap at nakita kung paanong magkasunod-sunod na pinakawalan ni Kamala ang lahat ng mga pana. She's just aiming them at one direction and like what I am expecting, she's controlling the arrows. What's more unexpected is that the tips of the arrows are producing purple sparks, and we can't see the arrows themselves —only the sparks.
"How can she do that?"
"There's more in that sweet face pala."
"Sam, are you jealous?"
"The heck!"
"Sus!"
All twenty arrows are flying on the air, and Kamala is standing in the middle of the training hall with eyes are closed. Kada may natatamaan siyang target ay nahuhulog ito sa lapag, kaya alam namin kung ilan na ang nahanap niya.
"Four, five, six, seven..."
Isa ako sa mga nagbibilang din pero hindi ko isinaboses.
"Tsk! Her task is too easy."
"Sam, huwag masyadong halata ha?"
"Shut up, Haruko!"
I know deep down, Samantha was amazed as well. Because she couldn't accept the fact that Kamala could do such a thing, her competitive side was triggered.
"Eleven, twelve, thirteen."
"Stop counting!"
"Aba! Kasalanan ko ba na may tenga ka? Takpan mo, gaga!"
Tanging masamang tinginan lang naging labanan nilang dalawa. Hindi ko na rin sila pinansin dahil naging isip-bata na rin ako dahil sa kanila. I focus my attention to the girl in the middle. Nakatingin lang ako sa mukha niya at isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko.
"You must not let your guards down against the scorpio, child. You knew what happened in the war and who caused it. While we don't know the new possessor, you must be aware of them and ensure that this creature does not repeat the mistakes of their ancestor."
Kamala had an innocent look on her face, and I wondered if the previous possessor had looked the same. As I continued examining her face, I noticed something moving on top of her head. It was like a mist dancing, but something seemed off.
Kamala’s forehead began to wrinkle, and her brows furrowed into a straight line.
"Ano'ng nangyayari?"
Suddenly, an arrow dropped on the floor without hitting a target. I watched as the remaining arrows moved erratically. I looked back at Kamala and could clearly see the strain on her face.
"Kamala, focus! Your ruining everything here!" Sigaw ko sa kanya but it seems like she can't hear me.
"Argh!"
Mabilis akong lumingon kay Luis na biglang napaupo, bumungad sa akin ang tagiliran niyang natamaan ng palaso.
"Putang ina! Luis may tama ka!"
"Kamala!"
"Damn it! Stop your arrows, bitch!"
I don't know what is happening, but the arrows on the floor are starting to move uncontrollably. I also noticed that the arrows are moving back and forth as if not just one person is controlling them. It looks like...am I thinking this right?
Tinignan ko si Averill na kalmado lang sa isang tabi pero nakatingin lang kay Kamala.
"Someone is controlling her, right?"
I'm waiting for an answer from Averill, and when he nodded his head I cursed silently. The mist is still there, but it looks like I am the only one who could see it.
"Samantha's arrow could, perhaps, help her." Iyan ang sinabi nito na agad namang narinig ni Samantha.
"What? I'm not gonna help her! Ghad! She's showing off a while ago and now she's making a mess! She should be the one fixing it, not me!" Angal nito.
"She's possessed," muling wika ni Averill.
"W-what? Possessed?" Samantha na hindi makapaniwala, and hearing what Averill said alam kong naintindihan na niya kung bakit kailangan niyang gawin ang sinabi ni Averill. "Damn it!"
Dahil alam naman nilang kayang mag self-heal ni Luis ay walang tumulong dito, he doesn't look helpless naman at nang makuha niya ang pana ay agad niya itong binali at muling tumayo na parang walang nangyari.
"Dalian mo oy!" Siniko ni Haruko si Samantha na kanina pa inaayos ang anggulo ng kanyang pana.
"Buwiset ka! H'wag kang magulo!"
When Samantha released her arrow, Kamala suddenly collapsed. We thought she wasn't hit by the arrow, but she was. Hinanap ko ang mist na nakita ko kanina pero wala na ito. Nawala ito na parang bula. Muli na naman akong lumingon sa gawi ni Averill, na nanatili lamang sa kinatatayuan niya kanina, nakalapit na kasi kami kay Kamala ngayon.
I checked Kamala before going to Averill. The arrow was still intact in her body, but it hadn't caused a wound or made her bleed. She's now unconscious, and it will take a minute or two for her to be awake.
"Ang weird naman. Why would she possessed?"
"Mist of Mischief."
Lahat kami ay napalingon kay Belenda na tutok na tutok sa walang malay na si Kamala.
"What do you mean about that, Belenda?"
"Well..." Belenda was about to speak when Averill interjected.
"It's one of the students. It's his doing. I don't know how he did it, but I am sure of it."
Oh! I saw Kamala kanina sa canteen na parang may kausap na tatlong estudyante, pero puro babae ang mga iyon.
"He? Sino?" I asked.
"Someone they called 'master'."
My brows automatically raised on their own. It sounds corny, but anyway why would he do this to Kamala?
As far as I remember, this creature is a malevolent entity that preys on confusion and fear. This sinister fog engulfs its victims, distorting their surroundings and playing on their deepest fear. It delights in causing accidents, leading people astray, and instilling a sense of dread. Far from harmless, this creature can lead to dangerous situations, trap people into perilous locations, or even drive them to madness. Its presence is a harbinger of trouble, leaving a trail of chaos and distress in its wake.
I was just staring at the floor for a moment, engulfed by thoughts of this creature. When I came back to my senses, I saw how Averill carefully carried the unconscious girl in his arms. Nakita ko naman ang iba na nagtataka sa akto ni Averill.
"Woah, is that Averill?" Tunog hindi makapaniwala ang naging tanong ni Zamarah at pareho kaming nagkatinginan dalawa.
Who would even thought of Averill to do that kind of act? Ni kahit kami na matagal na magkakilala ay never pa niyang tinulungan.
"Let's continue!" Sigaw ko na lang sa naiwan at nang makapag-training na ulit kami.
*****•*****
- B M -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top