12. Lakeside
Kamala the Scorpio
Nang pumatak na ang gabi ay kompleto na ang lahat dito sa lakeside. Hindi lang din si Haruko ang nag prepara para sa gabing ito, kundi kaming lahat. Binalaan din nila si Averill na huwag gumawa ng kahit na ano na ikakasira ng gabi namin. The latter only nodded at balik na naman sa pagiging cold ang aura.
I really don't know kung paano ko siya pakikisamahan lalo na't kaming dalawa lang ang magkasama sa misyon na ibinigay nila Esmeralda at ng Emperor. Alam ko na sa simula na mapapanis ang laway ko sa kanya. Pero ayaw ko rin itong mangyari. Siguro ay kakausapin ko na lang siya, bahala na kung hindi siya makinig sa akin ang importante ay hindi mababaho ang hininga ko.
Hmm let's not worry about that muna.
"Guys, look!"
Sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. We saw Luis from a far, ang dalawang kamay nito ay nakataas at parehong may hawak na jar ng alak. Sa likod niya ay naroon si Samuel na may dala rin na jar ng alak sa parehong kamay at may sipit-sipit pa na dalawa sa magkabilang kilikili. Tumatakbo silang dalawa habang tumatawa. Sa palagay ko ay kinuha lang nila ito. Hindi ko alam kung saan pero kasi bawal ang alak sa loob ng skwelahan.
"Pinuslit namin!" Sigaw ni Samuel nang makalapit na silang dalawa. Kaagad naman nila itong ipinatong sa ibabaw ng mesa habang tumatawa. "Lumabas kami kanina ni Luis para bumili ng prutas nang may makita kaming liquor shop."
"Hoy! Gagi! Baka magalit si headmistress!" Halata ang pag-aalala sa mukha ni Ericka na bahagya pang lumayo sa grupo.
"She will never know." Iyan ang sinabi ni Samantha habang may naglalarong ngiti sa mga labi. "Good job, boys!" Nakipag apir pa ito kina Luis at Samuel at sabay-sabay na silang tumawa. Mabilis ang kamay nitong kinuha ang isang jar at niyakap.
"Oh ghad!" Tanging nasambit ni Torin habang sapo ang kanyang ulo at napapa-iling.
"Hahahaha! 'Pag ito nalaman ni tanda malilintikan talaga tayo!" Si Haruko habang chi-ni-check ang limang jar. Napadako ang mata nito kay Samantha na masama lang siyang tinignan at saka tinalikuran.
"Mamaya na 'yan! Let's eat first since tapos naman na."
Isang oras na ang dumaan nang kinain na ng dilim ang araw ngunit hindi naman madilim ang paligid kung nasaan kami. Bukod kasi sa malaking buwan sa ibabaw namin ay may lumulutang din na mga bolang apoy sa paligid namin. Ginawa ito ni Samantha bilang ilaw.
Nasa tabi lang ako ng pahabang lamesa, nakaupo habang naghihintay magsimula ang kainan. Excited din ako sa dala nilang alak. Noong nasa bahay ako ni Rugia ay palaging may rice wine sa kanyang aparador kaya walang araw na hindi ako umiinom. Palagi rin akong pinapagalitan dahil ako ang umuubos sa mga 'to.
Remembering my days back in Liming Province, put a smile on my face. Kumusta na kaya si Rugia ro'n? I'm sure masaya ang isang 'yun dahil wala nang uubos sa alak niya. Wala nang pasaway at sakit sa ulo. Pero I'm sure miss na rin ako no'n.
Habang naglalakbay ang aking isipan sa mga panahon na nasa Caro ako ay tila may naramdaman kong presensya sa malapitan. Tila ba nakatingin ito sa akin kanina lang ngunit ngayon ko lang napansin. Marahan akong lumingon pero laking gulat ko na lang nang makitang presensya pala ni Averill ang naramdaman ko.
Bakit siya nakatingin sa akin?
Inilihis ko na lang paningin ko at umaktong hindi ko siya nakita. Pero bilib din ako sa kanya dahil hindi man lang binawi ang tingin. May dumi ba ako sa mukha ko?
"Hoy, kumain ka na!" Siniko ako ni Ericka na kaka-upo pa lang sa katabi kong upuan. "Ganda, pakikuha nga 'yung mangkok."
Sinunod ko naman siya. "Salamat!" Nakangiti niyang tugon nang makuha niya ang mangkok.
Nagsimula na rin akong kumuha ng mga pagkain na nasa lamesa. Lahat kami ay nakaupo na pala, ngayon ko lang napansin, at kanina pa yata sila nagsimulang kumain.
Unang kinuha ko ay ang isang sliced bread tapos kasunod kong kinuha ay ang peanut butter na nasa harapan ko lang. Nilagyan ko lang ng palaman ang tinapay at saka kinain. Tapos hindi sinadyang napatingin ako sa plato ni Averill. Diet ba siya? Akala ko ba favorite niya ang fried chicken? Bakit damo lahat nasa plato niya?
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na ito pinansin. He's too composed to the point na sumasakit ang mga mata ko kapag nakikita siya. Boring siyang tignan. Wala man lang interesting tungkol sa kanya. Mabuti na lang at pogi siya.
Nginuya ko na ang pagkain na nasa loob ng bibig ko at pinasadahan silang lahat ng tingin. They are talking about stuffs, and some things na hindi tungkol sa misyon, sa skwelahan, at sa responsibilidad. Nag-uusap sila na parang isang normal lang na teenagers, na parang walang mabigat na tungkulin.
"Back in my hometown palaging ako ang inuutusan ng stepmother ko sa mga gawaing bahay, lalo na sa mabibigat na gawain, kaya heto tignan ninyo!" Kinaluskos nito ang sleeve ng kanyang damit at pinakita ang muscles. "Look at my babies!" She said, boasting.
"Hooy! Mayroon din akong ganyan!" Si Haruko na ayaw magpa huli. He did what Zamara did, kinaluskos nito ang sleeve ng damit at nag flex ng kanyang muscles. "See them? They look so hard!" Ngumisi ito na pati gilagid ay nakikita na namin.
"Yuck! Those are gross, Haruko!" Puna ni Samantha saka lumagok ng alak. Ginamit nito ang manggas ng kanyang damit para punasan ang basa nitong bibig.
"Hindi bagay sa'yo, Zammy!" Maarte na puna naman ni Ericka sa babaeng kaharap, pero ngisi lang ang isinukli ng huli. "You look like a hoodlum!" Tapos tumawa ito habang ang isang palad ay nakatakip sa kanyang bibig.
Akala ko magagalit si Zamarah pero tumawa lang ito. "I'm no noble." Iyan lang sabi nito at tumawa ulit na parang sanay na siyang mapuna.
Kinurot ko si Ericka pero nilakihan lang niya ako ng mata, ako tuloy ang natakot sa huli. Mabuti na lang at hindi na nagsalita pa si Ericka. Mukhang alam din niya na may mali sa sinabi niya kanina. Pero sa palagay ko ay normal na sa kanilang dalawa ang magbatuhan ng masasakit na salita at punahin ang isa't-isa.
"It does suit her, though."
Natahimik ang lahat, lalo na si Zamarah na halata ang gulat at pagtataka sa kanyang mga mata. It was Belenda who said those words pero wala na itong kasunod at umakto itong hindi ramdam ang titig na binibigay ni Zamarah sa kanya.
"Cheese you want?" Alok ni Torin sa akin na agad ko namang kinuha.
"Thanks!" Nakangiti kong wika.
"Seems like you're comfortable na." Ani nito at muli akong binigyan ng cheese, nag lagay na rin siyang mga prutas sa plato ko. "Kumain ka pa."
Nahihiya akong tumango. Ang bait talaga ni Torin. Para akong may ate rito.
"You want some rice wine?" Muli niyang alok na nakatingin sa akin ng diretso at tila nahipnotismo na naman ako sa mga mata niya nangunguryente. Yeap, those two doesn't complement with each other, pero iyan ang pinapadama ng magaganda niyang mata.
"Y-yeah, please."
Kumuha naman siya ng isang jar at inilagay sa harapan ko, may kasama rin itong maliit na baso.
"The lake is so beautiful tonight!" Bulalas niya saka sumandig sa kanyang upuan habang nakatanaw sa lake na nasa harapan lang din namin.
Nag salin ako ng alak sa baso bago ako tumingin sa lake. As I drank the liquor bottoms up, the cold breeze ran through my pale skin and even though I was wearing thick clothes, I'd still feel the coldness pierced through my flesh sending goosebumps throughout my body. I closed my eyes as the wind continued to blow. I can feel my long hair getting tangled with each other as if the wind is playing with them. My face is starting to get cold as I let the wind slap me with its boldness. Then I heaved a sigh before I opened my eyes. The view of the lake, creating crystals on its surface as the wind was trying to harass its peacefulness, met my half-opened eyes.
In the distance, I saw a file of pine trees, though only their silhouette was visible in my eyes. The wind is also playing with them. I could hear the leaves rustling, trying to fight back the mischievous wind.
Marahan kong hinaplos ang buhok ko na alam ko na nagkabuhol-buhol na, ngunit laking gulat ko dahil maayos pa rin ito. I'm sure of it na nagulo ito dahil sa hangin. Bigla ko naman narinig si Torin na mahinang tumawa, na para bang may diskubre siyang hindi kapani-paniwala.
"Hays! You're a godsent, Kamala." Iyan lang ang tanging sinabi niya at saka tumayo at nakisali na sa usapan nila Samuel. Likod na lang nito ang tinignan ko, hindi na kasi humarap ulit. Nakisali na rin pala sina Ericka sa usapan ng mga lalaki.
"So, you also know kung ano ang mga pwedeng gamitin na damo 'pag magkasakit ka? How about poisons?"
Si Ligue na pala topic nila.
"Alam ko lahat ng mga halaman na may lason at kung ano rin ang antidote nito. I did my experiments back there in Cameron."
She sounds confident na parang alam niya talaga ang ginagawa niya. Hindi siya tunog mayabang, actually maliwanag ang mga mata niya ngayon while sharing her knowledge to everyone.
"Hey! Hey! How about snake bite? Alam mo rin ba gamot nito?"
Haruko is probably looking for something na hindi alam ni Ligue ang sagot or gamot.
"I know everything," malawak na ngiting sagot sa kanya ni Ligue. Haruko can't argue more, wala kasi siyang maipangbabato. Hindi kasi maalam sa herbs, pero bigla itong lumingon sa akin saka ngumiti ng nakakatakot.
"W-what?" Asik ko.
But he didn't say anything. Bumalik ang tingin niya kay Ligue habang suot pa rin ang nakakatakot na ngiti.
"How about Kamala' s poison?"
Lahat tumingin sa'kin at kay Ligue, nag-aabang. Alam ko sa sarili ko na may panlunas ang bawat lason mayroon ako, hindi ko nga lang din alam kung paano. Ang ginagawa ko lang kasi ay higupin ang lason, hindi hanapan ng lunas.
"I don't have herbs right now." Kibit-balikat na sabi ni Ligue.
"Psh! Come on, Kamala strike me with those poison!" Panghahamon ni Haruko na mukhang timang. Lasing na rin ito dahil dalawang jar ang naubos niya. Kapansin-pansin na rin na namumula na ang kanyang pisngi.
"Try mo lang, Kamala!" Sulsol pa ni Luis na lasing na rin.
"Hindi naman mamamatay si Haruko eh!" Segunda ni Samuel.
"Basta 'wag lang yung nakamamatay ha?" Pa-alala ni Cali bago lumagok ng alak.
"Ooy! I wanna see your power, Kamala. I heard from Torin na kakaiba mga kapangyarihan mo!" Nangungusap ang mga mata ni Ericka nang magtapo ang aming tingin.
"I also want to see it," nag second the motion naman si Zamarah.
"It's too dangerous, guys! May tiwala naman ako kay Ligue pero kasi lasing na si Haruko." Ramdam ko ang pagkabahala sa tono ng boses ni Belenda. "Let's just do it in some other day." Suggest pa nito.
"There will be no other day dahil may misyon tayo, Belenda. Just do it right now. Wala namang masamang mangyari, 'diba?" Sulsol ni Samantha na may malokong ngiti. I know the reason behind her smile. Gusto niyang masaktan si Haruko lalo na at lasing na rin ito.
Hays! Napahilamos na lamang ako habang bagsak ang parehong balikat. Tinignan ko si Ligue gamit ang nangungusap na tingin, pero kagaya ko ay wala rin siyang magagawa. Naipit na kaming dalawa.
"Torin!" Tawag ko sa babaeng nakikinig lang sa amin at naghihintay sa susunod nilang gagawin. "Awatin mo nga sila!"
Pero tila wala itong narinig. Nakatukod ang isang siko nito sa lamesa habang ang kamay niya ay nakasuporta sa kanyang pisngi. Nginitian lamang niya ako at saka nag kibit-balikat.
"Even you, Torin?" Tila hindi makapaniwala na sigaw ni Belenda. Tapos may hinanap siya sa paligid at nang makita niya ay walang pagdadalawang-isip niya itong tinawag. "Averill, can you stop them?"
Tinignan ko naman ang magiging reaksyon nito. Pero ano ba ang inaasahan ko sa kanya? Wala rin naman itong pake.
"Tsk! Fine!" Sabi ko saka tumayo. Wala na akong choice. Lumapit ako kay Ligue na hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi pa niya alam ang mga lason na kaya kung gawin kaya hindi ko rin batid kung kaya niyang gamotin si Haruko.
"Oh ghad! You are really going to do it?"
"There's nothing to be afraid of, Belenda. This thug right here is immortal." Lasing na rin si Zamarah saka tinampal-tampal niya ang balikat ni Haruko na ngayon ay sobrang lawak na ng ngiti.
"He's going to regret it." Bulong ni Belenda saka bumalik sa kanyang upuan.
"Ano'ng lason ba kaya mong ipalabas?" Bulong na tanong sa akin ni Ligue. "I actually have all the herbs I collected." Kinumpas nito ang kanyang kamay at may lumitaw na mga halaman sa ibabaw ng kanyang palad.
Bumuga na lamang ako ng hangin at saka hinarap ang mga lasing namin na kasama. Mapupula ang mga pisngi at mapupungay na mga mata, at saka nakangiti silang lahat na nag-aabang. Ang tanging hindi pa lasing sa kanila ay sina Ericka, Belenda, at Torin habang si Averill naman ay malayo sa grupo nila at may sariling mundo pero ramdam ko naman ang tingin niya sa gawi namin.
"Hindi ko rin alam," kiming sagot ko sa kanya. "I don't use herb kasi."
Nagtataka naman siyang tumingin sa akin pero sandali lang dahil mukhang alam na niya ang rason. Ang mga lason na nagagawa ko ay hindi normal, meaning ako lang din ang natatanging makakatanggal nito.
"Before we leave for the mission, can I have all the samples of your poisons?"
"Pag-aaralan mo?" Excited na tanong ko at tumango ito. "Yes! Of course!"
"But, are you really going to poison him?"
Humarap ako muli kina Haruko na kanina pa nag-aabang sa susunod kong hakbang. Marahas akong bumuga ng hangin saka itinaas ang aking kamay, kapantay sa kanyang ulo.
"Here it comes!" Excited nitong usal.
Para talaga siyang timang. Siya lang ang alam kong excited ma lason.
But I'm not gonna do it. It's too dangerous. So I summoned a needle. Kuminang pa ito nang tumama ang sinag ng buwan. When I was about to flick my fingers, Haruko flew few meters away and fell into the lake. Lahat ay nagulat at tinignan ang lalaking may gawa nito. Naka angat pa ang kamay niya habang walang emosyon ang mga mata.
"Tch!" Wika nito at tumalikod na.
"Waaahhh! Ang ginaw!" Atungaw ni Haruko na rining ng buong paligid. Some of the birds flew away dahil sa sigaw niya. "Walangya!!"
Kasunod nito ay ang halakhakan nila Luis, Samuel, Cali, Samantha, Zamarah, at Torin. Umahon naman kaagad si Haruko pero sobrang basa na nito. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya.
"Tang'na, bro! Ang sakit ng bagsak mo! Hahahaha!" Si Luis na sapo ang tiyan dahil sa kakatawa.
"Nahimasmasan ka na yata! Ano? Masarap ba?" Kantyaw ni Samantha.
"Gagi. Wala na naman yata sa mood si Averill."
"Kailan ba ''yun naging good mood?"
Napalingon ako sa lalaking naglalakad patungo sa dorm namin. Nasa likod nito ang dalawang kamay habang tuwid na tuwid ang katawan habang naglalakad. Nilalaro naman ng hangin ang mahaba nitong buhok at sumasayaw ang asul na roba na suot niya.
Nanliit ang mga mata ko habang nag-iisip ng mga paraan kung paano ko matitibag ang malaking harang sa pagitan naming dalawa. I want to ruin that towering wall. I want to see what's behind it.
I want to see more of him.
-BM-
Thank you for reading this part!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top