11. Their Missions

Zamarah the Pisces

The conversation between the five leaders was about the sightings of the demons in their respective nations. Nagtatanong kasi ang emperor kung kumusta na ang kalagayan ng bawat nasyon na pinamumunuan nila. Bilang nakakataas sa kanila ay kailangan din niyang malaman ang bawat kalagayan ng bawat nasyon.

Wala naman akong masasabi tungkol sa kasalukuyang emperor ngayon. He's very well informed to every events that are happening in the world. Ayaw nitong mahuli sa balita, kahit maliit na commotion lang ay gusto nitong alamin, because he doesn't want to neglect his people.

When the great mage Amaro announced about the Zodiacs, the emperor was the first person who helped the academy. Inutusan niya ang bawat tao mayroon siya na hanapin ang mga batang labing-walong taong gulang at dalhin sa Astar Academy. When the school needs equipments and facilities for our daily trainings, ang emperor din ang  nag provide. Wala siyang ibang ginawa kundi ang tumulong at unahin ang kapakanan ng bawat nasasakupan niya bago ang kanyang sarili.

They said he doesn't possess powers, but his swordsmanship is exceptional.

"I'm sending the Zodiacs to these places, your highness."

"Madali lang lumipas ang panahon at sana ay sa muli kong pag harap sa labin-dalawang estudyanteng ito ay kompleto pa rin. I don't underestimate the Zodiacs, so as the enemies out there waiting for you."

Lahat kami ay tumayo at yumuko sa harapan ng emperor. We did the fist-and-palm gesture as we show our respect to him. Nang umayos kami ng upo ay nagsalita si Torin na siyang nasa unahan.

"Hindi po namin sasayangin ang isang taon na trainings at lessons na ibinigay sa amin ng academy. Pinapangako po namin sa inyo at sa buong Ethorea na ibabalik namin ang katiwasayan ng mundo. Hinding-hindi po namin kayo bibiguin."

I balled my fist as Torin's voice filled my ears. Puno ito ng determinasyon at pag-asa na sa darating na kaguluhan ay mananaig ang kabutihan. Na kami ang mananalo at hindi tuluyang lalaganap ang kasamaan pati na rin ang mga nilalang sa mundong iyon.

The demons that are already in this world is nothing compared to those ones inside the Dark World. They more like humans than them. They have powers. They have goals. They're malicious beings. If we let them roam around, what will going to happened to the future generations? The world will be unbalanced. Between good and evil, it's the latter who will rule the whole Ethorea. There's no use being alive.

Kaya hangga't maaga pa, gagawin namin ang buong makakaya namin upang hindi ito mangyari.

We're just bunch of teenagers but we are carrying the burden on our shoulders. Pasalamat na lang kami na may katulad ni Amaro at Esmeralda na patuloy kaming sinusuportahan. They promised that they will fight alongside with us. Hindi nila kami iiwanan. Sasamahan nila kami kahit ano man ang mangyari.

"This is what the emperor decided," panimula ng kanang kamay nito. "Ten months is only a blink of an eye so we have to move fast. The Emperor has decided for the Zodiacs' mission." Bumaba ito sa entablado at lumapit sa amin. May dala siyang maliit na nakarolyong papel na ibinigay niya sa bawat isa sa amin.

Nang makuha ko ang akin ay agad ko itong binuksan at bumungad sa aking mata ang mapa ng Ethorea. I was filled with a lot questions and was about to voice it out but Haruko got ahead of me.

"Para saan po ito? Why are you giving us the map of Ethorea?" Kaswal nitong tanong. I don't really know why he's too confident talking to the Emperor. Maybe because he's a distant relative? But still, he's the Emperor.

Pero sinagot naman siya ng maayos. Talagang may special treatment kapag magkadugo.

"The red circle indicates the place where you have to go and investigate together with your partner. Lahat ng lugar na iyan ay nakitaan ng kakaiba these past few days. The Emperor believes na may kinalaman ito sa darating na delubyo lalo na at kagagawan ito ng mga demon."

Marahan akong tumango at tinignan kung anong lugar ang nakapaloob sa pulang bilog sa hawak kong papel.

"Sino magiging ka partner namin?" It was Samantha who asked. "I hope hindi si Haruko ang makakasama ko!"

"Oy! Sa Liming Province ako!" Sigaw ni Haruko habang may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi at pumuslit ng tingin sa hawak ni Samantha. "Luhh! Shocks! Same tayo, Samantha!" Para itong timang na nanlalaki ang mga mata habang nakatakip ang kaliwang palad nito sa kanyang bibig.

"Dimwit!" Gigil na asik ng huli at masamang tumingin sa katabi. "You're just going to be nuisance."

"Well! For your information this nuisance here is actually a very handsome man. So pasalamat ka na lang at isang gwapo ang makakasama mo."

Umirap lang sa huli si Samantha at umayos ng upo.

"Saan ba sa'yo?" Usisa sa akin ni Luis na sumilip pa talaga sa hawak ko at mukhang hindi kami pareho kaya lumayo kaagad siya at lumapit kina Samuel. "Wala bang Moser?" Tanong nito bigla kaya dumako and tingin ko kay Averill na seryosong nakatingin sa kanyang papel.

Hindi siguro nito narinig ang naging tanong ni Luis dahil naka pokus ang kanyang atensyon sa hawak. Well, kailan ba ito nakisali sa usapan namin? He's always on the side listening at ni minsan ay hindi nagsasalita, like stating his own perspectives. Just listening.

"Demons can not enter Moser."

Nagulat ako dahil bigla itong nagsalita ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa hawak niya. Nakatingin din ang iba sa kanya na tila nagtataka. Kasi nga, minsan lang ito magsalita.

"Nakapunta ka na ro'n?" Usisa ni Luis. "How can you be sure na hindi nakakapasok ang mga demon sa Moser." Hamon pa nito.

This time tumingin na si Averill sa kanya. I was waiting for him to say something pero dumaan na ang ilang minuto ay wala pa rin itong imik at tila ba tumagos ang tingin nito sa likod ni Luis. On the other hand ay nagkibit-balikat lang si Luis na sanay na sa katahimikan ni Averill, kahit na sobrang weird nito.

"Moser is such a sacred place, Luis. It is a owned by the Louen Clan who practices cultivation and they are against demons. Bago pa man makapasok ang mga nilalang na ito sa territory nila ay naging abo na ito. They do exorcism. They kill demons," singit ni headmistress.

"Kung gano'n naman pala ay dapat nandito ang lider nila!"

"Ugali nila ang hindi manghimasok. But their leader informed us that if we need help, their door is open."

Mabuti naman kung gano'n kasi base sa naririnig ko ay makapangyarihan talaga ang clan nila. Mailap din naman sila sa lahat at ni hindi rin nga namin alam kung saang banda ang Moser. Siguro curious din si Averill sa mga Louen Clan kasi alam niya ang tungkol sa kanila.

"Zahara, saang lugar sa'yo?"

Nilingon ko si Belenda na namumula habang sumisilip sa hawak ko.

"Nilalagnat ka ba?" Sinalat ko ang leeg nito pero agaran naman siyang lumayo habang nanlalaki ang mga mata. "B-bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"W-wala. Anyway, sa Yaning Province rin ako."

Tumingin ako ulit sa lugar na nasa pulang bilog. Sa Yaning Province pala ako naka assign, so makakasama ko sa misyon na ito ay si Belenda.

Binalik ko ang tingin ko sa babaeng kaharap ko na ngayon ay hinaplos ang leeg nito na sinalat ko kanina. Namumula pa rin ang mukha nito na para bang nakakain ng sangkaterbang sili.

"Sa likod ng papel na hawak ninyo ay karagdagang impormasyon tungkol sa inyong misyon," ito ang huling sinabi niya bago bumalik sa kanyang kinatatayuan kanina.

*****•*****

Ericka the Capricorn


Pagkatapos ng banquet ay bumalik na ulit kami sa dorm namin. Kanina habang papauwi kami ay nagpasya ang iba na bago namin lisanin ang academy para sa misyon ay mag party muna raw kami. For someone like me who likes parties ay um-oo kaagad ako.

Duh? I know why Haruko suggested something like this. This might be the last party we are going to throw for ourselves. One of the reasons din why he planned this is para makilala rin ng lubusan ang mga bago at makilala rin nila kami.

"Are you gonna throw this?" I asked Zahara na nakahiga sa kanyang kama. Hawak ko ngayon ang suot niya kaninang roba na nakasalampak sa sahig dito sa kwarto niya.

"Kung makahawak ka naman sa damit ko parang ang daming germs na dadapo sa'yo!" Ngumisi pa siya.

"Eew!"

I automatically threw her robe on the other side of the room. Baka may germs nga at mahawa pa ako. Ayokong madumihan no! Mahirap na magkasakit sa panahon ngayon!

"Tsk! Ang arte mo talaga!"

Zahara and I are so much unalike. Siya ay babaeng brusko na walang pakialam sa kanyang katawan. Ni hindi ko nga halos makuha kung ano ang fashion taste niya dahil kung ano ang makuha niyang damit ay iyon na ang susuotin niya. She's too wild as well and she doesn't act like a girl. Mas lalaki pa nga siya ni Averill eh!

While I am that kind of girl na super concern sa kanyang katawan. As much as possible I don't want to have a bloody fight. Kasi, what if may germs ang blood ng kaaway ko? What if mahawa ako sa sakit niya?

I was born to bring peace in the world tapos mamamatay lang ako sa isang mababaw na dahilan? 

Shocks! No! That will never ever be happen!

"Sino partner mo?" Kaswal na tanong ni Zahara sa akin habang nakahiga pa rin. Naka de quatro pa ito without taking off her shoe. Napansin siguro nito nakatingin ako sa paa niya kaya binaba niya ito. Good thing hindi nadumihan ang kama niya.

I'm not gonna sit down there! Nu-oh!

"Si Cali. Ikaw?"

Tumawa ito bigla. "Gagi! Totoo? Si Cali? 'Di nga? Ang saklap naman! Hahahah!"

Nagtuloy-tuloy ang tawa niya habang ako ay nakatingin lang sa kanya at nakakunot and noo. Ano namang meron kung si Cali ang makakasama ko?

"Hoy, kung makatawa ka naman diyan! Ano ba'ng meron?"

"Dang! You and Cali are so much alike, Ericka! I can't imagine it! Oh my ghad!"

Muli na naman itong tumawa na para bang may na-iisip siyang hindi kapani-paniwala. What the hell is her point ba?

"Zahara!" Maktol ko. Hindi kasi siya matapos-tapos eh.

"Wait.." she laughed again. "I really can't imagine it! You too are both stagy and health conscious! What if may kalaban na darating na kailangan ninyong patayin? Magtutulakan kayong dalawa sino sasak-sak sa kalaban?"

I am not stagy!

Masama ko siyang tinignan. I know Cali. Oo maarte siya pero kaya niya naman makipagpatayan ah? I can too, but I don't use weapons. Para saan pa ang kapangyarihan ko kung hindi ko gagamitin?

"You're so mean, Zahara. Bakit ba siya nagkagusto sa'yo eh hindi ka naman girlfriend material!? Hmp!"

Nag martsa ako papalabas sa kwarto niya at malakas na sinara ang kanyang pinto. Pero muli ko itong narinig na bumukas at marahas niya akong hinila papasok.

"Waahh! help!" Tawag ko sa taong nakita ko sa labas ng kwarto niya. Pero wala na kaming nagawa pareho.

"Hey!" Tawag ni Zahara sa akin. "What were you saying?"

Sinamaan ko siya ng tingin. My lips are sealed so hindi ako magsasalita. I promised to them that no one will ever know about their feelings towards this freak. Gulat nga rin ako bakit siya nagka crush sa babaeng ito. She's not likable, honestly!

"Ericka, sino ang 'siya' na tinutukoy mo'ng may gusto sa'kin?" Nag-isang linya ang kilay niya dahil sa pagtataka.

Aba natural na magtataka siya dahil siya mismo ay aminado siyang hindi siya kagusto-gusto! Ha!

"Now you're asking," nakangisi kong sabi.

"Ericka!" Pilit niya pa.

Binelatan ko siya at akmang tatalikod na nang bigla na naman niya akong hablutin at nawalan ako ng balanse. Mabuti na lang at maagap ang mga kamay ni Zahara. She pulled me closer to her and my hands are automatically wrapped around her waist.

"Gagi!" Rinig kong bulong niya.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap at pinagpagan ang sarili. Baka nag transfer na sa akin ang germs na nasa katawan niya. Oh my ghad! Kadiri!

Habang ginagawa ito ay napansin kong nakatunganga lang si Zahara habang nakatingin sa may pintuan. Tinignan ko naman kung ano ang nakita niya at bakit sobrang gulat niya, only to see Belenda watching us with disbelief.

Nice timing!

Her eyes landed on me at kiming ngumiwi ako, then bumalik ang tingin nito kay Zahara.

"Ahem.. do you need something?"

Eh? Why does she sounds annoyed?

Palihim ko siyang siniko at inirapan nang tumingin siya sa akin. Bobo nito!

"Nakita ko kasi si Ericka na hinablot mo bigla. I thought something happened kaya binuksan ko ang pinto. Anyway, sorry for interrupting you. Balik na ako!" Kumaway pa ito sa amin at marahan na sinarado ang pinto.

"Tsk! Ang bobo mo!" Asik ko at lumabas na rin sa kwarto niya.

Hindi ko naman sinundan si Belenda. She knew I don't like Zahara and we are just that close since kami ang nauna sa school. We bond like how sisters bond, pero most of time ay hindi kami magkasunod. She's too touchy and I hate it!

Dumako na lang ako sa sofa at umupo sa tabi ni Kamala. She's reading a book tapos pangiti-ngiti pa siya habang kumikibot ang mga labi. I wonder if si Averill pa rin ang kasama niya sa misyon na binigay ng Emperor.

"Kamala." Marahan na tawag ko rito.

"Bakit?" She closed the book she's reading and looked at me. Her full attention is on me now. Isa ito sa napapansin ko sa kanya. She's not hard to talk to and whatever you are going to say, she's listening carefully.

"Kayo pa rin ni Averill ang magkasama sa misyon?"

I honestly pity her. Sila ni Ligue. Kakapasok pa lang nila pero sasabak na sila sa misyon.

Marahan itong tumango. "Gano'n pa rin naman ang misyon namin."

Baka sinabihan ni headmistress ang Emperor tungkol sa misyon na binigay nito sa dalawa.

"Alam ko bago ka pa lang kaya sasabihan na kita. Averill is a kind person kahit na sobrang tahimik niya. Kapag magsasalita naman ay sobrang ikli rin at sobrang lamig na parang may lalabas na usok sa kanyang bibig. But in terms of fighting, he's actually a pro. Sa ensayo namin ay palagi siyang nangunguna kaya huwag kang matakot sa kanya. He's maybe cold but he has a kind heart."

Ngumiti naman ang katabi at tila ba nabunutan ng tinik. Alam kong natatakot siya sa lalaking iyon.

"Anyway, mag prepare ka na para mamaya sa party natin."

"Sus, sabi ni Haruko ay simpleng party lang naman ang gaganapin doon sa may lake side. Sakto rin dahil full moon ngayon."

Ahh yeah! Tonight is full moon. I hope the weather is friendly dahil tiyak na sobrang ganda ng view mamaya.

Few minutes have passed nakita namin si Ligue na kakalabas lang sa hallway kung saan banda ang kwarto niya. Nakasuot na ito ng pambahay at magulo ang buhok. Mukhang umidlip siguro ito sandali.

"Hindi ka ba nakatulog sa first night mo rito, Ligue?" Tanong ko rito na nakapikit pa ang mga mata. She yawned before she opened her eyes.

Nag magkatinginan kami ay ngumiwi siya at naglakad papalapit sa amin ni Kamala. Pasalampak naman siyang umupo sa sofa.

"Naninibago ako." Sagot niya. "The bed is so soft and the room is too quiet."

Ha? Eh kung gano'n naman pala ay dapat maganda ang tulog niya. 'Diba princess siya?

"Eh?" Tanging naiboses ko.

Napansin siguro nito ang pagtataka ko kaya marahan siyang tumawa.

"I spent few years outside the palace. Doon ako sa gubat nanatili hanggang sa makita ko sina Samuel."

Woah! For someone who have everything, she's weird.

"Omo! Naka survive ka naman no? I can't imagine myself being on your shoe. I mean, living in the forest? Ghad! No! There's a lot of bacteria running around the place and some dirty insects na papasok sa damit mo! Just imagining it makes me wanna throw up! Ugh!"

I wiped the imaginary sweat on my forehead at pinaypayan ang sarili gamit ang aking palad.

"Okay ka lang, Ericka?" Usisa ni Kamala.

"Well you're right, but the forest taught me a lot of things. I gained knowledge by sleeping on a tree branch while crickets are singing in the middle of the night and while those tiny bugs are trying to get in my commoner clothes. You will never know the happiness I felt during those days."

Nakangiti si Ligue habang sinasabi niya ito sa akin. It was a genuine smile. Siguro nga ay nag enjoy siya sa gubat. But not me! No never!

So the reason why she can't sleep well is because she's more comfortable sleeping on a tree branch than sleeping on a soft bed. Nahulog siguro siya sa puno at nabagok ang ulo kaya ganyan ang taste niya.

"Si Haruko na naman ba ang nag prepare para mamaya?" Iyan ang naging tanong ni Samuel nang dumating siya sa sala na may dalang dalawang basket ng prutas.

"Yes! He's outside, dala-dala ang panluto," sagot ni Belenda na kakapasok lang buhat sa labas. Siguro pinuntahan niya si Haruko. "Tinutulungan siya ni Averill ngayon."

Shocks! Really!?

That's a first!

Hindi kasi nagluluto si Averill, ever, dito sa dorm. Ewan ko lang kung hindi ba siya marunong mag luto or sadyang tamad siyang bata.

"Let's go out and help them!"

Nang marinig namin magsalita si Torin na galing pa sa ikalawang palapag ay awtomatikong tumayo na kami at tinungo ang pinto.

"Nakita niyo ba si Samantha?" Tanong nito sa amin. "Siya ang nakatokang mag linis sa kusina na ginulo ni Averill. Nasaan ba ang babae'ng iyon?"

If that's the case, for sure nagtatago ngayon si Samantha.

"Anyway, tara na."

Torin is holding a tray na may ibat-ibang klase ng cheese at chips. Gagawa siguro siya ng cheese board. Sa isang kamay naman ay may dala siyang malaking basket na puno ng tinapay.

"Let me help you," marahan na kinuha ni Kamala ang basket mula kay Torin at siya na ang nagbuhat.

Si Ligue naman at siyang nangunguna na walang dala kahit ni isa. Tutulong siguro ito sa pagluluto.

Sinadya kong mahuli, watching their backs. I don't know why I'm feeling something in the deepest part of myself. Something is telling me that I have to treasure this memories we are making together.

May mangyayari kayang hindi maganda? Sana naman ay wala.

Maybe I am just overthinking things. We're the Zodiacs, we're going to win...no matter what.

-BM-

Thank you for reading this part!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day ahead!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top