1. Attacks


Torin the Taurus

Clashing of the swords, droplets of water, a sudden rough movements of the floor, a warm yet destructive blue fire, and a man who is now moving from place to place in a fast speed. I don't know what triggered them to fight, but this is not new to me. Halos araw-araw naman kase sila na ganito kahit hindi training time namin.

Tinignan ko ang mga kasama ko sa apat na sulok ng silid na ito, the two are fighting seriously and me and the others are just watching how they grew for the past one year. Hindi lang naman sila kundi kami lahat ang nag grow dahil sa daming trainings na dumaan sa amin.

"They're fast."

Nilingon ko ang nasa gilid ko na parehas ko ay nakatingin din sa dalawang nag-aaway sa gitna ng training room.

"Yeah," walang gana na tugon ko at muling nanood sa labanan na nangyayari.

"I could see both blue and red fire coming from the Virgo, I guess Samantha's in control with her fire now."

I heard him murmuring about Samantha but I didn't bother to say something about it. We're not close to begin with, we may be part of the highest class inside this school but it doesn't mean we need to be close to each other.

"And Haruko's using his special water to deflect her fire, also he's using his speed to go from place to place without being seen by Samantha but she's using her eagle eye right now. I can see it's glowing white. Wow!"

Namamangha siya ngayon na parang ngayon lang niya nakita ang dalawa na nag-aaway. The Virgo and the Cancer of the Zodiac Section at ang palaging napupunta sa detention. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo nila sa isa't-isa kaya minsan nasasabihan si Haruko ni Samantha na bakla dahil pumapatol ito sa babae.

Samantha on the other side is a short-tempered type of person, kaya madali lang siya magalit and just seeing Haruko is enough for her to get angry.

Nagpatuloy ang away nilang dalawa sa gitna na parang wala silang pakialam sa kung ano ang kahihinatnan nang ginagawa nila.

"Aray! Tongue in the lungs, Haruko! Yung buhok ko!" Rinig na rinig ang sigaw ni Samantha sa buong silid at sumunod naman ang isang malakas na halakhak galing kay Haruko. Kailan naman kaya sila matatapos this time? Yung huli nilang away ay mas malala pa sa nangyayari ngayon. They almost ruined the whole training room that day, kung hindi lang talaga dumating si Sir Filipe ay baka tuluyan na nga itong nasira.

"It's not my fault if you have long hair, idiot!"

"Bakla ka nga talaga at balak mo pa talaga na maputol ang magandang buhok ko! Why don't you let your hair grow nang sa gano'n ay patas na tayo!?"

Tumigil sila sandali dahil hinihimas ni Samantha ang buhok nito at tinignan kung nasira nga ba ang buhok niya dahil sa pincer ni Haruko. That pincer is made of steel and I am very sure na matalim ito, 'cause I touched it once at kahit hindi ko naman idiniin ang daliri ko ay nasugatan ako nito.

"What the hell! HARUKO!"

She shouted that made me cover my ears at nakita ko rin ang iba pa na gano'n din ang ginawa, even Haruko.

I saw how her eyes change colors and how the barrier inside this room broke because of her voice. Dahil lang sa buhok nito.

"Damn it!" It was Haruko at tila hindi alam kung ano ang gagawin. Nakita rin nito kung paano nabasag ang barrier at nakita ko kung paano nanglaki ang mga mata niya. "Sandali OY! Nasira na yung barrier! Patay tayo kay tanda!"

Oh, alam ko kung sino ang tinawag niya na tanda.

Samantha was ready to attack Haruko using her holy fire when a sudden wind force filled inside the whole room making us duck and cover our head, or maybe it's just me who did that. Lumalakas yung ipo-ipo to the point na pati ang ilan sa mga kagamitan dito ay natutuklap na. Nakita ko pa nga kung paano nabiyak ang sementadong pader. And minutes later the wind stopped and was replaced by a tremendous aura that made me shiver. Literal na nanginig ako dahil dahil sa bigat nang aura na pumapasok sa buong training room.

"ZODIACS!" At sumunod ang isang boses na tila isang kulog sa lakas nito. " In my office, NOW!" That's their cue, Samantha and Haruko, to stop fighting with each other. Nothing is changed.

Nakita ko naman ang iba pa na lumabas na kaya lumabas na rin ako dahil baka magalit pa si headmistress kung may isa sa amin ang hindi sumunod. Baka one month kami na ipatapon sa ilalim nang dagat. Kainis!

Pagdating namin sa office ni headmistress ay nadatnan namin siya na naka-upo sa kanyang trono wearing her personal eyeglasses na mukhang mas malaki pa kaysa sa kanyang mukha. She has a small face kase. Sa kanyang desk ay may mga naka tambak na mga papel. Pero hindi nakatuon ang tingin ko sa mga iyon kundi sa mukha ng headmistress na masamang nakatingin sa amin, lalo na sa dalawa.

"This is the ninth time this month!" Sigaw niya sa amin.

Nakita ko yung dalawa sa gilid, hindi sila magkatabi. Haruko is sitting on the floor while legs are widely spread at ginagalaw-galaw pa nito ang parehong paa na parang wala lang sa kanya ang nangyari. He's not also looking at the headmistress, he's looking at the ceiling. While Samantha is just standing while leaning on the wall and her hands are both behind her head, na parang ginawa niya ito as a pillow.

Habang yung iba namin na kasama ay naka-upo na sa sofa kung saan nasa gitnang bahagi nang opisina. May nakita akong teapot na ngayon ay hawak na ni Cali at dahil may mga baso naman na naka file sa gilid lamang nang opisina ay kumuha ito doon, for sure, dahil may mga maliliit na cup ang mesa ngayon at may laman na tsaa. Silang tatlo ay eleganteng uminon sa tea cup, habang nakatingin si headmistress sa kanila.

Ako? I'm just standing in front the headmistress, but there's a huge gap between us.

"I'm sorry for the mess, headmistress," sabi ko at nag bow.

"It was her fault, she started the fight!" Tila isang bata na sumbong ni Haruko at nakaturo pa talaga yung index finger niya kay Samantha.

"You triggered the fight, idiot!"

Masama nilang tinignan ang isa't-isa at kulang na lang ay may lumabas na kuryente sa pagitan nila. They really don't like each other, that's may be what other people see about them but I could feel something between them and it's not anger nor hate.

Narinig ko ang marahas na buntong hininga ni headmistress at marahan pa niyang minasahe ang batok. Base sa reaksyon niya ay mukhang nawawalan na siya ng pag-asa sa dalawa.

"Sinira na talaga ninyo ang barrier sa training room. I thought the school was under attacked, mabuti na lang talaga at may naka kita sa inyo sa training room. This is getting out of hand Zodiacs. Marami na kayong nasira na pag-aari ng school, ilang beses na kayong nambubulabog sa buong school. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa inyo."

Frustrated na ata siya sa amin, pero yung dalawa na man talaga ang issue eh. Behave lang ang iba, especially ako. Those two are aggressive at once nagsimula na silang mag-away ay wala nang makakapigil sa kanila unless it's her...the headmistress.

Tahimik lang kami habang hinintay kung ano pa ang sasabihin niya. But a man suddenly showed up infront of us and then lumapit kaagad siya sa headmistress at parang may ibinigay na isang golden card.

"A letter from the Semidia, Cameron, and Caro, headmistress Esmeralda," wika nito sabay abot sa nakita ko'ng golden card. "It's from the kings of the three nation. They need help from Astar."

Kaagad ko tinignan ang tatlo na pare-parehong nakatingin sa gawi ni headmistress at sa lalaki na bagong dating. Sa tingin ko nga ay parehas lang din kami nang nasa isip.

"Nakakapagtataka naman yata? Ang tatlong nasyon na ito ay may kani-kanilang malalakas na sundalo, bakit sila hihingi ng tulong sa atin?"

Hindi ko iniwas ang paningin ko kay headmistress kaya nakita ko kung paano ito tumingin sa amin isa-isa, tapos ngumiti ito ng nakakaloko.

"I almost forgot about these beasts here."

"I have to go, headmistress Esmeralda," then in just a snap he vanished. Whoa!

"So what now?" Haruko na ngayon ay nakatayo na nang maayos katabi si Samantha na malaki ang ngiti sa labi at nang tignan ko ang tatlo na nasa gitna ay wala na sila roon. They are already in front of me, facing the headmistress.

"Pupunta kayo by pair sa nasabing nasyon. This is a mission and a punishment as well. You need to know what happened and solve it, afterwards you have to report everything," deklara nito at imbis na matakot kami ay sobra-sobrang excitement and nararamdaman namin ngayon. This is it, after two months of staying inside the school may panibagong misyon na naman though not totally a mission because of those two, Haruko and Samantha.

"Kailan kami pupunta doon?" Tanong ni Haruko.

"Now. You and Samantha will going to Cameron. Cali and Samuel will be in Semidia and the two left, Torin and Averill will be in Caro. I want a nice report after this, Zodiacs."

*****•*****

Kamala

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtatago sa mga halaman sa paligid habang nakamasid sa mga nilalang na ngayon ay payapang natutulog. Lahat sila ay busog, alam ko iyon, dahil binigyan ko sila ng alay na isang baboy ramo na nakita ko kanina.

Naghanap ako kahapon ng isang misyon sa Capital na malaki-laki ang bayad at nakakita naman ako. Kailangan ko lang patayin ang apat na hybrid na makikita sa gitna ng kagubatan dito sa Caro, isa ito sa mga mapanganib na kagubatan around Eophorea at base sa naririnig ko mula sa mga taga Capital ay nandito rin daw ang iilan sa mga mababangis na nilalang. Rinig ko rin na may nakita silang demons dito, pero mahirap paniwalaan sapagkat tapos na ang laban nila nang nagdaang mga bayani.

Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang aking palaso na may lason ang dulo. It's not a deadly poison but it will make you numb for a day or two and aside from that I can control the poison even it's already inside their body.

Pinakawalan ko na ang apat na pana nang sunod-sunod at magkasunod din ito'ng dumapo sa leeg ng hybrid. I controlled the poison and made it through their systems, but one of them screamed so loud that made every flying creature flew away the forest. Tinakpan ko rin ang tenga ko dahil sa sigaw na ginawa niya. The three hybrids are already unconscious and only the one with a weird face is awake. Wala akong idea kung bakit hindi siya tinablan ng lason ko, but when I saw my arrow in tacked to a tree branch I realized that he's not screaming because of pain.

Damn! Na-alala ko agad yung bilin sa akin ni Ullyses.. "If you're planning to use your poison then you need to aim their necks because that is their vulnerable spot. You need to do that quickly because those four are connected. One of the sorcerers here said they are quadruplets and they shared the same emotion, if one of them feel the poison it will scream loudly for reinforcement. Remember there are a lot of deadly creature inside that forest, so be careful."

Shit! Shit! Shit! Ang malas ko yata sa araw na ito! I just made one of them call a back-up and it means a war between me and the creatures inside this goddamn forest. Nag-iisa lang ako kaya alam ko na dehado na ako.

Kanina pa ako nag-iisip ng plano kung paano tumakas pero tila nawalan yata ako nang lakas nang makita ang mata no'ng hybrid na nakatingin sa akin.

The fuck!

This is suicide!

With my hands shaking, I get some of my arrows and aimed it towards the hybrid and unleased it. Dumiretso ito sa kanyang leeg, and few minutes later ay natumba ito. But I don't have time to celebrate it dahil naramdaman ko kaagad ang pag galaw ng lupa kasunod no'n ay ang mga hiyaw nang ibat-ibang nilalang na nakatira dito patungo sa kinatatayuan ko.

I already killed the four hybrids and I need their heads to sell it and to prove the Capital that I indeed killed them. Pero wala na akong oras para putulan sila ng ulo. I might die. So I decided to run, yes, run dahil hindi ako gano'n ka lakas para harapin ang mga nilalang na iyon and I am not familiar to those creatures.

Diretso lang ang takbo ko at wala akong plano na lumingon dahil hindi lang pagod ang nararamdaman ko ngayon kundi takot. Pero alam ko rin na naramdaman na rin ng buong Caro ang nangyayari, these creatures are screaming and some of them are flying. May kutob din ako na ang iilan sa kanila ay pumunta sa bayan.

Kasalanan ko ito. Isang mali ko lang ay ganito na kaagad ka grabi ang resulta. It's not easy to mess with those hybrids at wala akong plano na gawin muli iyon. Learn from your mistakes, Kamala!

Nang makalabas na ako sa kagubatan na iyon ay may biglang humila sa akin, hindi ko kilala at mas lalong hindi si Ullyses ito. Sana lang din ay hindi siya isa sa mga council dahil baka kamatayan ko na ang susunod na mangyayari. I just created a huge commotion!

Tumigil bigla ang nilalang na humila sa akin, nandito kami sa isang area na malapit lang sa bukana ng kagubatan. Napansin ko naman mahigpit ang hawak nito sa aking kamay kaya iniwaksi ko ito upang mabitawan niya ako.

"Sino ka?" Tanong ko rito pero tinignan lang niya ako at tumalikod na. Wow! Bingi yata ang lalaking ito, pero wala akong pakialam dahil ang importante sa akin ngayon ay nakalabas na ako sa gubat.

"Where did you get those arrows?"

Nilingon ko yung lalaki na humila sa akin na ngayon ay nakatitig sa kagubatan kung saan ako nanggaling. Nakita ko kung paano lumiwanag ang kanyang mata, kanina kulay abo ang mga ito but now it's white and it's glowing. Nakanganga lamang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mukha niya. He's taller than me kaya naka-angat ang aking mukha.

"What are you?" Bulalas ko dahil sa pagkamangha. Isa ba siya sa sikat na grupo na tinatawag nila na Zodiacs? But it's impossible dahil nasa Astar sila at malayo ang Caro sa lugar na iyon.

Ilang sandali pa ay biglang kumulog at kumidlat na ipinagtataka ko dahil tanghaling tapat at kanina lang ay sobrang init ng sikat nang araw.

"You made them angry!" Sigaw no'ng lalaki na nakatingin sa akin.

Paano niya na laman iyon? Pero kung parte nga siya ng grupo na'yon, then there is a huge possibilities na malalaman ng council ang ginawa ko. I need to escape! Mahal ko pa ang buhay ko!.

With the amount of energy I have, I run as fast as I could para lamang hindi ako malagay sa alanganin, which is nangyayari na nga ngayon. But standing in front of the council is more scary than this. Tumatakbo lang ako at hindi na nililingon ang lalaki kanina, I have this feeling that it's him who made the storm. I guess he can manipulate the weather. Damn! He's one of a kind then, but dangerous.

Nang malayo na ako sa lugar kung nasaan ang lalaki kanina ay nag desisyon ako na lumingon, nakikita ko pa naman siya yon nga lang ay malayo na siya sa kung nasaan ako ngayon. He's still standing there and using his storm to kill those creatures and then I saw another creature few meters from him. It was a girl and I think she's controlling the ground and the rocks. Nakita ko kung gaano ka laki ang mga bato ang nasa ere at bumabagsak sa mga creatures na patuloy na lumalapit sa kanila. Good thing those creatures are not the one who possessed powers.

Nasa isang cliff ako and was ready to dive since tubig naman ang babagsakan ko. I am ready to escape pero may pumipigil sa akin. I just caused trouble to someone and to the residents living near  the forest. Kahit alam ko na may pinadala na ang kaharian na mga kawal para pigilan ang mga nagwawalang nilalang ay hindi pa rin iyon sapat para maiwasan na may masawi.

This is my fault. But helping them means I'm going to face the council. I need to think what's the best thing to do. Face my mistakes and I'll be in the chair facing the overwhelming aura of the council or turn my back and hide but for sure the council will make a way to find me. Hindi biro ang nagawa ko. At iisa lang din ang kahahantungan ko. Putcha! Bakit ba kasi hindi ko natamaan sa leeg ang isang iyon?

Damn! Damn! I'm going to regret this for sure.

Muli akong humarap sa direksyon ng gubat and afterwards I heard something was broken. The seal is broken. My seal is broken and with that I could feel my power run throughout my body. Pagsisihan ko talaga ito!

- BM -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top