PROLOGUE
PROLOGUE :
Lahat ay abala sa kani-kanilang ginagawa at kahit hindi ako nakatingin ay alam ko pa rin kung anu-ano ang ginagawa nang mga nilalang na nadadaanan ko. Kanina pa ako naglalakad at hinahanap ang isang lugar kung saan alam ko na manunumbalik sa aking isipan ang mga ala-ala na hatid nang lugar na iyon at nang mahanap ko na ito ay saktong lumabas ang isang babae na hindi pa rin nagbabago ang hitsura kahit ilang taon na ang dumaan.
"Oh! Amaro, bakit ka nandito hindi ba't nasa Cameron ka? Akala ko ba ay hindi ka na babalik dito sa Astar?" Iyan ang bungad sa akin ni Esmeralda na suot-suot pa rin ang malaki at bilog na salamin sa mata. Wala siyang sakit o depekto sa kanyang mata, sinusuot lamang niya ito upang hindi makapaminsala.
"Iyon nga ang sinabi ko noon nguni't hindi ako naririto upang dumito sa Astar, Esmeralda," pormal na wika ko at tinanggal ang sumbrero ko sa ulo at bahagyang yumukod bilang pagbibigay galang sa headmistress ng paaralan na nakagisnan ko. "Nandito ba ang ilang miyembro ng konseho?"
Nakita ko ang pag kunot ng kanyang noo at tila natutunugan na niya na may dala akong masamang balita. "Sumunod ka sa akin at huwag kang magpapakita sa mga estudyante sa loob."
Bago pa man siya maka alis sa kanyang kinatatayuan ay naglaho na ako sa kanyang paningin at naging mistulang usok na dumadaloy sa ihip nang hangin at hinahayaan ang sarili na tangayin tungo sa mataas na gusali kung saan naroroon ang opisina ng mga guro sa eskwelahan na ito at iilang miyembro ng konseho. Nang lumapag ang aking mga paa sa sahig na yari sa kahoy ay naramdaman ko na kaagad ang samut-sari'ng enerhiya mula sa loob ng silid. Nasa loob na rin si Esmeralda at mukhang sinabihan ang nasa loob ang tungkol sa pagdalo ko.
Ako na mismo ang nagbukas nang pinto gamit ang kakayahan ko, at bumungad sa akin ang sampung nilalang na kilala ko at kilala ako.
"Amaro!"
"Mabuti naman at buhay ka pa, Amaro!"
"Kita mo nga naman oh, akala ko ba ay hindi ka na pupunta sa lugar na'to?"
Iilan lang iyan sa mga sinabi nila. Hindi ko naman mapigilang hindi matawa sa mga tinuran nila. Sila ang mga malalapit sa akin dahil sabay-sabay kaming lumaki nuon sa lugar na ito nguni't nag desisyon ako na umalis at lumayo dahil ang akala ko ay matitigil ang mga pangitain na nuon pa bumabagabag sa akin.
Umupo kami sa isang stipa sa salas nang opisina at napapagitnaan naman ang isang mahabang lamesa na gawa sa salamin. Nag-uusap-usap sa mga nangyari sa nakaraan noong estudyante pa kami rito, nguni't hindi ko magawang mag diwang sa muling pagsasama-sama namin dahil hatid ko ay hindi ka aya-ayang balita na muling sisira sa katiwasayan ng lugar at sa buong mundo.
"May sasabihin ako."
Ito ang paunang sabi ko at nakuha ko naman kaagad ang atensyon nilang lahat at ngayon ay nakatuon na sa aking direksyon ang kanilang mga mata. Nagtatanong at naghihintay sa mga sasabihin ko sa kanila.
"Simula noong pumasok ako sa paaralan na'to ay may mga pangitain na akong nakikita at nahuhulaan. Sa una ay hindi ko naiintindihan at inaakalang isang masamang panaginip lamang ngunit sa nagdaang taon ay unti-unti ko'ng naiintindihan ang babala sa mga pangitain na iyon."
"Batid namin ang pagkakaroon mo nang mga pangitain, Amaro at batid rin namin na ito ang dahilan kung bakit ka umalis," singit ni Siona na tulad ni Esmeralda ay hindi pa rin nagbabago ang pigura at aurang dala.
"Ano'ng mga pangitain ang nakikita mo?"
Humugot muna ako nang isang malalim na hininga at marahas na pinakawalan ito.
"Muling mabubuksan ang lagusan ng itim na mundo."
"Ano?"
"Nguni't papaano? Ang sabi sa libro na matagumpay na naisalyado ang lagusan sa nagdaang mga ZODIAC."
Pumikit ako habang nakikinig sa mga sinasabi nila, dahil tulad nila ay hindi rin ako makapaniwala.
"Bakit ngayon mo lamang ito nasabi, Amaro?" Si Esmeralda na bakas sa mukha nito ang pangamba.
"Dahil kagabi ko lamang napagtugma-tugma ang mga pangitain na nakikita ko. Bukod sa muling pagbubukas ng lagusan ay may isa pa."
"Ano?"
"Muling sisilang ang labindalawang sodiyak, sisilang ang dugo nito kapag umabot na ang napili nitong nilalang sa edad na labinwalo at kapang tagumpay na naisilang ito ay lalabas ang isang marka ng kanilang sodiyak sa kanilang likod. Kailangan malikom natin silang lahat sa paaralan at isalang sa isang mabigat na ensayo upang handa sila sa darating na delubyo. Kailangan nating hanapin ang mga nilalang na malapit nang mag labinwalo dahil tuluyan nang mabubukas ang ang lagusan dalawang taon mula ngayon."
"Hindi ako handa sa dala mo'ng balita, Amaro nguni't kung gano'n ay handa kami na gawin ang mga dapat gawin at kailangan na rin nating sabihan ang karatig lugar upang makapaghanda rin sila," suhestiyon ni Rubi na ngayon ay nakatayo na at hindi mapalagay. "Hindi ito maliit na problema."
"May isa pa akong dapat sabihin."
"Ano?" Sabay-sabay nilang tanong.
"May mas malakas pa na kalaban ang darating mula sa lagusan at sila ang dapat natin pag handaan. Hindi ko nakikita ang kahihinatnan nang laban nguni't nasisiguro ko na ang mga ito ay may pambihirang kakayahan tulad natin. Sila ang makakaharap ng ZODIAC."
rizue_imperial03
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top