Prologue

Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains mature content, poverty, and adult language. Please feel free to leave if you don't feel comfortable.



Hi! This is the rewritten and extended copy of TWO by Jamille Fumah which will be released now. There are also additional scenes and chapters to explain some things. It can be said that this is an upgraded version of the previous copy. Para hindi kayo maguluhan, itong version ang basahin niyo.



--------------------------------------------------


WHY IS EVERYONE AFRAID OF ME?


Was it because of my icy blue eyes devoid of emotion?


O baka dahil sa mga labi ko na palaging nakapinid at kahit kailan ay hindi ngumingiti?


Paano nga ba ngumiti?


Nagkamalay na lang ako na ganito. Iba sa ibang bata. May sariling mundo. Iba ang gusto. Iba rin ang takbo ng isip ko, advance kaysa sa ibang kaedad ko, kaya hirap ako na makisalamuha. O dahil talagang hindi ko lang gusto na makipaglapit sa iba. Dahil mas gusto ko na palaging nag-iisa.


My parents had taken me to various local and overseas doctors, but nothing had changed. Hanggang ngayon, ganito pa rin ako. Dahil ito talaga ako. Some believed I inherited this strange behavior and exceptional intelligence from my father, but that was not good for my parents.


Were you curious why?


I would tell you why. Ako ang nag-iisang anak ni Lander Montenegro, the infamous heir of the mafia lord, Don Ybarra Montenegro. At the young age of thirteen, my father, Lander, was already in control of their cocaine plantation. He was the genius kid who created the high-grade drugs that made their organization even richer.


And I, Hendrix Ybarra Montenegro, was the last prince of the clan of Montenegro. Since the first grade, I had been homeschooled in another country. Not only because of my strange behavior but also to keep me out of the public eye.


Years had passed, yet everyone still had not forgotten what happened in the past. Not everyone believed that my father was now a changed man. Sa kabila ng mga isinuko, isinakripisyo, at pagpapakulong ni Dad ng ilang taon, naniniwala pa rin ang mga tao na konektado pa rin ang mga Montenegro sa triad at buhay pa rin ang organisasyon hanggang ngayon.


Iilan lang sa mga bagay iyon na dahilan kung bakit maraming tao ang iwas sa akin. I returned to the Philippines after graduating early. Bitbit ang diploma sa isang prestigious university abroad, at ang sariling pera na kinita ko sa paglalaro ng stocks sa Internet, pag-buy and sell ng bitcoins, at pagawa ng iba't ibang software, na naging isang libangan ko since I was fifteen years old.


Pag-uwi sa Pilipinas ay doon ko ulit nakaharap si Rogue Saavedra. Ang leader ng underground elite brotherhood na Black Omega Society. Inalok niya ako na sumali sa brotherhood, samahan ng mga mayayamang bachelors sa alta sociedad. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong tigilan, at dahil sa kakulitan niya, napilitan na akong sumali.


Not only did I become the brotherhood's youngest member, but I was also hired by Rogue to be the manager of their band, the revived band that also acquired the name of the brotherhood itself, 'Black Omega Society'. Since then, I had felt as if my life had finally found its purpose. Although despite the brotherhood's faith in me, I continued to believe I was unworthy of them.


All I had was my name, my brain, and my money. What did I know about other things? Sa pakikisama? Sa pakikisalamuha? At sa pakikipagkapwa?


Kahit ang mga babae na lumalapit sa akin, sinasabi lang nila na mahal nila ako, pero ang totoo ay nakikita ko sa mga mata nila. Ang naghahalong paghanga at... takot.


They would stay because the loved my face, my body, and my money. Pero hindi sila magtatagal. Aalis din sila dahil alam nilang wala silang mapapala. Katulad ng sinabi ng isa sa mga babaeng humalik sa mga labi ko, isa akong taong yelo.


No one could love me. No woman could love me. Except my mother, of course. Sa kabila ng lahat, mahal ako ng nag-iisang babae sa buhay ko—my mom, Aviona Camille Montemayor-Montenegro.


Pero hindi si Mommy ang kailangan ko. Ang kailangan ko ay babaeng magiging ina ng mga anak ko.


Dahil ganoon ang mundo. A man must have his own family. And that was also what my parents expected of me. I didn't want my parents to worry about me forever, so I had to fulfill their wish for me to have a wife and children in the future. Iyon ang gumugulo ngayon sa isip ko. Saan ako hahanap ng babaeng aasawahin at aanakan?


Kahit sinong babae, ayos lang. Wala akong pakialam sa pagmamahal, ipapaubos ko sa kanya ang pera ko, basta bigyan niya ako ng anak at ng pamilya na puwede kong ipakita sa mga magulang ko, at syempre, kailangan niyang manatili sa tabi ko. Habangbuhay.


Ugh! Napahawak ako sa aking ulo. I shouldn't be thinking about it right now. I was still young. Mahaba pa ang oras. Hindi ko lang talaga maiwasang maisip na naman. Nakakarindi kasi ang paligid. Maingay. Dagdag pa na napainom na naman ako ng alak.


Hindi ako sanay uminom. Masusuka na naman ako. Mapapaisip na naman sa magdamag. Sasakit ang ulo. Iyon ang matinding problema ko kapag nasosobrahan sa kakaisip ng tungkol sa buhay. Parang anumang oras ay sasabog ang bungo ko. I'd rather arrange a new concert for the band, start a new business that would make me a fortune, or create new software than think about my life.


Tumayo ako sa aking kinauupuan. Kasalukuyan akong nandito sa bar na nasa underground. Maingay. Magulo. Dito kasi nagtitipun-tipon ang mga taga alta society. This was a private property. Dahil ang lugar na ito ay pag-aari ng Black Omega Society. We owned this place.


"What do you think, Rix?" untag sa akin ng lalaking nasa gilid ko. His raven black hair was disheveled and he was leaning against the wall while holding a glass of whiskey in his left hand.


Napatingin ako sa kulay berde niyang mga mata. He was Rogue Saavedra, our frat leader. Siya rin ang vocalist ng banda na mina-manage ko.


"I need your opinion, Rix." His green eyes narrowed at me.


He was talking with Voss Damon, ka-frat din at kasamahan sa banda, pero bakit opinion ko ang hinihingi niya? Hindi ako ang kausap niya, 'tapos sa akin siya biglang magtatanong? Yeah, our leader was indeed a weird person.


"Come on, Rix," sabi ni Damon. Nasa tabi siya. Sinisenyasan ako na sagutin si Rogue. "Say something to him, would you? Pagod na akong kausapin 'to, ikaw naman. Kailangan ko nang umuwi, e."


Hindi ko sila kinibo. Humakbang ako palabas.


Humabol sa akin si Rogue at kinwelyuhan niya ako. "What the hell is wrong with you? Tinatanong kita, tinatalikuran mo ako!"


Tinabig ko ang kanyang kamay. He should know me. If I didn't want to talk, I would not talk. Never talaga kaming nagkasundo. Palagi kaming nagbabanggaan dahil wala akong pakialam sa mga trip niyang hindi maunawaan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya pa ako inaalis sa brotherhood at kung bakit ako pa ang ginawa niyang manager ng banda.


Tinalikuran ko siya. Bahala siyang mag-tantrums. Ugali niya na 'yan. Ang laki-laking tao pero parang bata. Matanda siya sa akin ng ilang taon, pero ang edad niya yata ay paurong.


Napapailing naman si Ryder Vito na nakaupo sa mismong mesa. Nakatungtong ang kanyang mga paa sa table. Ang laki rin na tao pero para ding bata. Isa rin ang lalaki sa brotherhood at miyembro ng banda. Lahat yata ng miyembro ng brotherhood at banda ng Black Omega Society ay may tagas sa ulo. Okay, fine, kasama na rin ako.


I blasted the fire exit open. Hindi ako gagamit ng elevator, sa halip ay hagdan para matagtag ang aking utak. I went up the stairs until I got to the first floor. This was the structure beneath which our brotherhood's bar was hidden. I went to the parking lot after exiting the lobby and drove my brand-new Audi away.


Mabilis ang takbo ng kotse. Binuksan ko ang mga bintana dahil parang hindi ako makahinga. Nakaramdam na naman ako ng pagsisikip ng dibdib. Ganito ang nararamdaman ko kapag nalulunod ako sa pag-iisip.


Paano ako ngayong gabi? Aatakihin na naman ako ng kung anu-anong isipin. Mahirap huminga. Masakit sa dibdib. Ilang taon ko nang tinitiis, hinahayaan lang, at sinasarili. Palala nang palala. Was this what they call 'anxiety'?


Could I handle this tonight? This seemed worse than what I felt in the past. I was now running out of breath and my vision was getting fuzzy. I once heard from Grandpa Ybarra what was the effective remedy for my situation. Ayaw ko sanang subukan, pero ngayon ay parang wala akong pagpipilian. Kaysa bumulagta ako rito at makarating pa sa parents ko ang aking kalagayan.


Drugs? Maybe I should try to use drugs. All I had to do was to call Martinie. She was the best drug dealer ayon sa mga koneksyon ko.


Nakita ko ang grandpa ko na ginagamot ang sarili gamit ang mataas na grado ng ipinagbabawal na gamot. Ngayon lang naman. Ngayon ko lang susubukan. I would just need to control my drug intake. Kay Martinie na isang dating miyembro ng organisasyon ako kukuha. Mapagkakatiwalaan ang 50-year-old na babae. Siguradong bibigyan niya ako ng dapat sa akin.


Pero bago ko pa siya tawagan ay siya na ang tumawag sa akin. I bought drugs from her. At ngayon nga ay nasa akin na agad ang order ko. It was in my house.


Pagpasok ko ng gate ng aking mansion ay bumaba agad ako sa sasakyan. Nagtungo ako sa vault room ko at binuksan ito. Sa loob non ay naroon ang isang shoulder bag.


I know what was inside. Ito na iyon. Ang magpapatahimik sa akin ngayong gabi. Ang pupuksa sa walang patid na pag-iisip ko. Ang sandaling magpapatigil sa pag-inog ng mundo.


Rogue would kill me kapag nalaman niyang gagamit ako nito. Pero wala na akong matatakbuhan kundi ito. Gusto kong sandaling makalimot. This was the only way to end everything. I wanted to be free from all of this.


My parents would be devastated if they found out. My mother would cry, but I knew she'd understand. And what about my father? He'd probably kill me.


I approached the leather shoulder bag to see what kind of high-grade drugs were inside. I slowly opened the zipper. Kabado ako. Pero sa huli, napaatras ako nang makita ang laman nito.


What the fuck? Bakit puro panty ito at bra? May stockings at pabango pa na ang tatak ay Sweet Honesty?


Nasaan ang drugs ko? Bakit puro Avon products ito?!


I must call Martinie!!!


jfstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top