EPILOGUE

2 MONTHS LATER


Dalawang buwan. Panibagong dalawang buwan ang nagdaan. Tuloy ang buhay. Tuloy ang pagsisikap at mga pangarap.


Totoo siguro iyong sinabi na kapag magkakaanak na, kusang nagma-matured ang mga babae. Mas nagiging wais, mas tumatatag, at nag-iiba na ang mga prayoridad. Alam kasi namin na magkakaroon na kami ng isang mabigat na responsibilidad. Isang bagong buhay na sa amin nakasalalay.


Merong ding parte namin ang nangangamba. Takot sa mga posibleng masasamang mangyari, bukod pa sa takot kaming magkamali. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nanaig puso ang matinding pananabik, dahil ang parating ay natitiyak naming aming magiging kakampi at kahit ano man ang kapintasan namin, mamahalin kami.


Pagiging positibo, masipag, at matiyaga lang, unti-unti ko nang natutupad ang aking mga pangarap. Mula sa napaghatian namin ni Kuya Maximus sa benta ng lupa na tag-two hundred thousand kami, nakapaglagay na ako sa bangko ng one hundred thousand pesos bilang paghahanda sa panganganak ko.


Ang sobrang pera, idinagdag ko sa aking ibang ninenegosyo. Ngayon ay may bagong negosyo ulit ako. Isang negosyo na pinagsososyohan namin ng pinsan ko na si Gracia. Pansitan na dito namin itinayo sa dating lupa naming nasunugan.


Siya nga pala, biglang nagkahimala. Ibinalik sa amin ng bagong may ari iyong lupa namin. Amin na raw iyon ulit. Ayaw na raw niya. Changed of brain daw. Ay, mind pala.


Ah, basta amin na ulit itong lupa. Hulugan na lang daw namin kapag nakaluwag-luwag na kami. Syempre, sino ba kami para tumanggi? At saka, panalong-panalo kami dahil naayos na at nalinis ang paligid. May mga abang na rin at mga natayong batong haligi. Iniwan pa ang mga tirang materyales na napakarami. Mga hallow blocks, ilang supot ng graba, at bungahin na naiwan ay hindi na talaga binalikan. Amin na lang daw dahil wala naman ng pagagamitan ang may ari.


Ang saya-saya namin ni Kuya Maximus. Nakapagpatayo na kami kahit paano ng maliit na bahay. Tag-sixty thousand pesos kami sa ambagan. Sa labor ay maliit lang ang aming nagastos dahil sa maniwala kayo at sa hindi, ang kuya ko mismo ang nag-labor. Isinantabi niya muna ang pagiging mahinhin, at nagpakabrusko muna ng ilang linggo.


Nag-Youtube lang si Kuya Maximus at nagpatulong sa dalawang karpintero dito sa lugar namin. Arawan ang bayad. Maliit na bahay lang na may dalawang maliit na kuwarto ang ginawa. Wala pang kisame pero may insulation foam na nabili namin ng sale sa hardware. Ako naman ang dumiskarte sa pagpipintura. Inaral ko rin para hindi na kami magbabayad pa sa pintor. Akalain mo iyon, nagawa ko naman kahit may ilang palpak.


Sobrang nakatipid talaga kami dahil nga sa may mga abang na at nagawang haligi iyong mga trabahador ng nakabili sa lupa namin. Dagdag pa sa swerte namin ay iyong ibinigay sa amin ang mga naiwang mga materyales. Halos kaunti na lang at mga plywood na lang ang aming binili. Pero syempre, babayaran pa rin namin ng kuya ko ang mga materyales kapag nagkapera kami. Ayaw naman naming maging masyadong abusado.


Sobrang swerte talaga naming magkapatid. Siguro iyon na ang swerte namin matapos naming masaktan sa mga maling lalaki na noon ay pinili namin. Ngayon nga ay may naitayo pa kami ni Gracia na maliit na tindahan sa harapan.


Ayun nga, ang bago kong negosyo ay pansitan tuwing hapon hanggang madaling araw kung saan ay aking kasosyo si Gracia. Fifty-fifty kami sa puhunan. Siya ang nakaisip, siya ang tagapamalengke sa umaga, at siya rin ang kahera tuwing pagkatapos ng klase niya. Sa pagluluto, ako na iyon, syempre.


Hindi niyo naitatanong, mahina man ako sa academics at memorization, pero matindi ako sa kusina. Lahat ng putahe, kahit bukiti ay kaya kong pasarapin.


Meron pa akong ibang talent maliban sa pagluluto, magaling din akong maglaba. Walang mabagsik na mantsa, pagdating sa kusot ni Martina! Hahaha!


"O, 'insan, musta na?" tanong ni Gracia. Kararating niya lang mula sa university. Nagkakabit siya ngayon ng apron. Pinapayagan siya ng mama niya na sumosyo sa akin kasi basta pagkakaperahan, wala namang palag ang aking tiyahin.


"Ayos lang. Kaya ko pang kumilos kasi maliit lang naman ako magbuntis." Bitbit ko ang mga bilao ng pansit.


Napansin ni Gracia na napasimangot ako habang nakatingin sa labas ng tindahan namin. "O bakit bigla kang sumimangot, buntis?"


"Ano ba itong negosyo natin, 'insan?" sita ko. "Akala ko ba pansitan ito? Bakit nagtitinda tayo ng shorts?"


"Ano bang pinagsasasabi mo?"


"Tingnan mo, oh." Itinuro ko iyong nakapaskil sa labas. "Bakit nakalagay dyan 'short order'?


Binatukan niya ako. "Mag-aral ka nga ulit!"


Napakamot ako.


"Wala ka ba talagang balak puntahan 'to?" iniharap sa akin ni Gracia ang screen ng kanyang cell phone.


"Sino ba 'yan?"


"Customer 'yan. Papakyawin daw lahat ng tinda mo sa Avon."


"Sigurado ba 'yan?"


Napangiwi siya. "Ano ka ba naman, 'insan? Heto nga at nakikipagkita na, eh."


"Anong pangalan nyan?"


"Ewan ko. Tawagin na lang daw siyang Mr. Kilabot."


"Eh baka kilabutan ako dyan?"


"Ah basta." Hinila niya ako para makatayo. "Puntahan mo na ito at dalhin mo na lahat ng stocks natin dyan. Bibilhin niya raw ng cash."


"Sigurado ba siya?"


"Oo. Damihan mo 'yong boxers, ha? Iyong malaki raw ang harapan. Malay ba natin, baka malaki betlog nito."


Nagmadali akong pumasok sa kuwarto. Naroon ang mga stocks ko. Kakahango ko lang nang nakaraan, mabuti at naririto ang orders ng bagong customers. Bitbit ang ilang mga produkto ay lumabas na ako para magpaalam kay Gracia. Request kasi ng customer ay ihatid daw mismo iyong orders niya. 


Bawal daw courier. Ang attending—este, demanding. Pero customers are always bright—este, right pala. O di ba? Dami ko nang nalalaman dahil sa pagbabasa.


Ang suot ko ay dilaw na floral maxi dress. Nagtali rin ako ng buhok pa-bun. Naglagay rin ako ng kaunting pulbo sa mukha. Hay, ang ganda ko. Brooming—este, blooming. Malamang panggigigilan na naman ako ni Gracia. Pero nakapagtataka lang na tinanguan lang niya ako paglabas ko. Pinagmamadali niya na ako na umalis.


Naglakad na ako patungo sa labasan at doon nag-abang ng taxi. Kakaiba kasi iyong lugar, hindi dinadaanan ng jeep. Babayaran naman daw ng customer iyong pamasahe. Mahirap palampasin kasi mukhang galante.


Doon ako nagpababa sa address na ibinigay sa akin ni Gracia. Dito raw sa address na ito gustong makipagkita ni Mr. Kilabot.


Mayamaya pa'y ibinaba na ako ng driver sa address na ibinigay ko. Sa pier iyon. Tabing dagat. Walang katao-tao. Talaga bang mapagkakatiwalaan itong customer na ito ni Gracia? Sabagay, hindi naman ako papapuntahin dito ng pinsan ko nang mag-isa kung wala siyang tiwala. Saglit lang ay may lumapit sa akin na guwardiya.


"Asan si..." Bahagya akong natigilan. "Mr. Kilabot?" Tanong ko sa sumalubong sa akin.


"This way, please."


Iginaya ako nito hanggang sa makarating kami sa isang yacht. Sosyal naman pala itong si Mr. Kilabot. May sariling yate. Tapos iyong pangalan pa ng yate, letter 'M'.


"Please get it," magalang na sabi sa akin ng guwardiya. Wow, English speaking talaga! Required siguro. Baka foreigner si Mr. Kilabot. Eh, kung foreigner siya, dapat di ba hindi Mr. Kilabot kundi Mr. Scary?


Oha, oha! Dami ko na talagang alam. Nagbubunga na talaga ang pagbabasa ko. Kaunti na lang, maaayos ko na rin itong baluktot at pamali-maling dila ko.


Napalunok muna ako bago ako naglakad sa hagdan ng yacht. May umalalay sa akin dahil medyo mauga. Ang ganda talaga ng yate. May nabasa ako sa isang libro. Sabi roon, pinakamura na raw ang twenty five million na yate. Ang ganitong sukat at ganda, siguro ay mga nasa seventy to eighty million ito.


Tinunton ko ang isang pinto papasok sa loob. Pagpasok ko, isang lalaki ang nakatalikod at nakapamulsa. Ito na marahil si Mr. Kilabot. Matangkad, mabango, mayaman at mukha ngang kilabot. Pero mas kinilabutan ako nang humarap na siya.


Napaatras ako. Hindi ako maaring magkamali sa asul na mga matang iyon. "R-Rix..."


"Nadala mo ba 'yong AVON na order ko?" Kaswal niyang tanong.


"Ha?" Nagluha na ang mga mata ko.


"The boxers. Iyon ang order ko."


Hindi ako makapagsalita. Tigagal pa rin ako sa aking nakikita.


Si Rix ba talaga itong kaharap ko? Bakit parang mas lalo siyang gumuwapo? Bumango? Dalawang buwan pa lang nang mawala siya. Pero bakit parang gusto ko na siyang lundagin dahil miss na miss ko na siya!


"Oo. Dala ko." Sinikap kong magpaka-pormal. "Heto." Inabot ko sa kanya.


Kinuha niya iyon at binulatlat. "Two months to pay?"


"K-kahit 1 year to pay pa 'yan. Okay lang."


"So generous. And how about you?"


"Ha?" Pinipigilan ko ang aking mga luha.


"How much should I pay to make you mine again?"


Napalabi ako. "B-bakit gusto mo akong orderin?"


"Wala lang." Lumapit siya sa akin. "I just wanna marry you, 'yon lang."


Pumatak na ang aking mga luha. "B-bakit? Para makasigurado ka na sa 'yo lang ako? Na hindi na ako maagaw ng iba–"


"I love you."


Napatanga ako sa sinabi niya. "H-ha?"


Mas lumapit pa siya sa akin kaya naamoy ko ang mabango niyang amoy. "I love you, that's the reason."


Napakagat ako sa labi. Pagkuwan ay sinuntok ko siya sa dibdib. "Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?!"


"Because I just realized the words I have missed to say to you. I'm sorry, your man is not good in words."


Tuluyan nang nagtubig ang aking mga mata. Ang daming reyalisasyon ang tumimo sa isip ko. Ang tungkol sa pagbabalik ng pera sa amin ni Skaw—basta iyon ang pangalan. Tapos iyong pagbalik din sa amin ng lupa namin, ang mga naiwang materyales na pampagawa ng bahay, ang mga discount sa hardware. Lahat ng nangyari. Hindi iyon nagkataon lang o dahil sa suwerte.


Wala si Rix sa tabi ko, binigyan niya ako ng pagkakataong mag-isa at buuhin ang aking sarili na wala siya, pero kahit ganoon, hindi niya ako kailaman pinabayaan. Kahit hindi siya nagpapakita, palagi siyang nakabantay, malayo man siya, patuloy niya akong inaalagaan.


Kinuha niya ang kamay ko. "I want you to be my wife. I want you to be the mother of my children."


Napahikbi ako. Galit pa rin ako, eh. Kasi miss ko siya. Gusto ko siyang pahirapan nang kaunti pa. Pigil ang emosyon, at kunwari'y galit na tinabig ko ang kamay niya. "For your transformation, hindi mo ko basta mapapaamo."


"Information. Not transformation."


"Galit lang ako kaya ako nagkamali!"


Napamewang siya at napabuga ng hangin. Mayamaya ay lumapit siya sa pinto at ni-lock ito.


"A-anong ginagawa mo?"


Inabutan niya ako ng calling card. "His name is Quiro Saavedra. He's one of the Damned Phoenixes. Wala siyang sinasanto. Lapitan mo siya kapag idedemanda mo na ako."


Napaatras ako. "A-anong plano mo? May balak ka na naman sa akin, ano?!"


Tumitig siya sa akin ng masama. "Brace yourself, Martina."


"Uhm, bakit?"


"Because I'm gonna marry you."


"A-ano?" Parang sabay yatang nag-tumbling ang puso ko at ang aking baby sa tiyan. Speaking of baby, hindi ba napapansin ng lalaking ito na medyo bundat ako ngayon?


Humugot siya ng cell phone at nagtipa. May tinawagan siya. "Let's go." Ilang segundo lang ay biglang umandar ang sinasakyan namin na yate.


"A-anong nangyayari? S-saan tayo pupunta?"


"Magpapakasal tayo. Saka mo na ko kasuhan kapag kasal na tayo."


Humugot din ako sa aking sling bag ng calling card at iniabot sa kanya. Calling card na ipina-print ko noong nakaraan sa malapit sa aming computer shop. Mabuti pala ay nakapagdala ako ng isa.


"What's this?" Tinanggap naman ni Rix ang card. Nasa perpektong mukha niya ang pagtataka. Hay, kagigil. Mamaya ka talaga sa akin.


"Ang pangalan niya ay Maximus Manalaglag. Kapatid ko siya. Sa kanya mo ko isumbong at hindi niya ako sasantuhin."


"W-why? Anong balak mo?"


"Base yourself, Rix–"


"Brace."


"Brace yourself, Rix. Dahil hindi na kita pakakawalan." Pagkasabi'y lumapit ako sa kanya at itinulak ko siya pahiga sa ibabaw ng malaki niyang kama. Sumunod ako at umupo sa kandungan niya habang nakayuko sa kanya.


"I'm gonna sue you." May naglalarong ngiti sa mapula niyang mga labi.


Bigla akong mas yumuko hanggang sa gahibla na lang ng aming mukha sa isa't isa. Nadadama ko na ang kanyang paghinga na mabango at mainit. Namungay sa kanya ang mga titig ko. "Saka mo na ko kasuhan kapag nakaraos na ako ng pangungulila sa 'yo."


Bigla niya akong kinintilan ng halik. "Are you sure? Baka masaktan si baby?" Sabay himas niya sa tiyan ko.


Nanlaki ang mga mata ko. "Alam mo?"


"Do you really think I went to London, huh? I'm just here the whole time at ini-stalk ang estudyante ko."


"Hindi na ako pumapasok at mas lalong hindi ka na nagtatrabaho sa university!"


"I know. That's why I'm not your professor anymore, nor your boss anymore."


Ang mahahaba niyang daliri ay masuyong dumama sa aking pisngi.


"I'm gonna be your husband, sa gabi man o sa araw." Bumangon siya at binaligtad ang aming posisyon. Siya naman ang kumubabaw sa akin.


"A-anong plano mo?"


"Brace yourself, Martina. Because you're about to experience the best life that you can ever have."


"I love you, Rix Montenegro." Hinalikan ko ang labi niya.


"I love you more, Martina Montenegro." Akma na niya akong hahalikan nang pigilan ko ang labi niya.


"Teka." Ngumuso ako. "May utang ka pa sa'kin."


"Hindi mo pa pinapalitan yung cell phone ko na sinira mo."


Ngumisi siya. "I will buy you a mall tomorrow, soon to be my wife." Pagkasabi ay siniil niya na akong mainit na halik.


Mall talaga? Ay, bet! Donya Martina it is!


WAKAS

Jamille Fumah



This story has a new edition book available (and other uncut JF Books) that is more complete and uncut than the first old print and what is posted here on Wattpad. Just search for the jfstories Facebook page, and request the 2023 book version if you want to obtain a copy of the book for your collection.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top