Chapter 2

NAKATITIG lang ako sa bag na puno ng pera. Hindi ko alam ang gagawin ko rito. Mali. Maling-mali!


Kung tutuusin, marami na akong magagawa sa perang ito. Puwede ko ng mapa-opera ang mga binti ni Marlon. Makakabayad na rin ako sa tuition ko. Puwede ko ring bilhin sa kuya ko iyong scooter na pinapahiram niya sa akin kahit kakarag-karag iyon, o kaya ay bumili na lang ako ng bago at mas maganda. Pati nga iyong bahay namin, mapapaayos ko na. At may matitira pa sa pera. Sobra-sobra pa. Pero hindi ko kayang gastusin ang perang hindi naman sa akin. Hindi tama.


Mahirap ako, oo. At aminado ako na mahina talaga ang utak ko. Pero mayaman ako sa pangaral ng yumaong mga magulang ko. At malakas ang konsensiya ko.


Mayamaya ay tumunog ang aking cell phone. Kamuntik pa akong mapalundag sa gulat.


Heto na siya. Kanina ko pa hinihintay ang tawag niya. Sinagot ko ang tawag. "M-Mr. R–"


[ What the hell is this, Martinie?! ] Bungad niya sa akin sa malagom at malamig na boses. Iyong pang DJ sa radio talaga.


"I-iyong order niyo po..." sagot ko.


[ Bra? Bikinis? ]


"Y-yes, Mr. R. S-sinukat niyo na po ba? Sure na bagay na bagay sa inyo 'yan." Pinilit ko nalang maging masigla.


[ Is this some kind of a joke? ]


"Hindi, Sir. Bagong design 'yan ng Avon, galing po sa bagong brochure."


[ Damn it! Where are my drugs?! ]


Nanlaki ang mga mata ko. "Drugs? Ano pong drugs?"


[ You're dead meat. ]


Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. "Hoy! Ano bang drugs ang mga pinagsasasabi mo?! Makuntento ka nga sa mga undies na natanggap mo! Avon 'yan! Matibay 'yan! Kaya nyan sumalo ng apat na betlog!" Napapikit ako.


Ano ba itong mga nasasabi ko?


[ Who are you? ]


Kumulo ulit ang dugo ko. "Ikaw ang who you?! Ibabalik ko 'yong sobrang binayad mo!!!"


[ You don't know who you are talking to. ]


"Hindi nga kita kilala. Pero sigurado ako na mas maganda pa ako sa 'yo! Ang arte-arte mo! Baka nga supot ka pa, eh! Kapag nakita kita, huhubuan kita!"


Matagal siyang hindi nakapagsalita. [ I am Rix Montenegro. At ikaw pa lang ang nakapagsabi sa akin ng ganyan. ]


"Rix." Napahalakhak ako. "Tangenang pangalan 'yan!"


Pinatay na niya ang linya.


Napasuntok ako sa hangin. Akala niya yata uubra siya sa akin, eh. Si Martina kaya ito. Sanay sa hirap, sanay sa lusak, hindi pasisindak!


Napabaling ako sa bag. Ibabalik ko pa rin ito. Ang kukunin ko lang ay iyong karapat-dapat na bayad sa mga orders.



"RIX MONTENEGRO?" Namimilog ang mga mata ni Gracia. Ang only pinsan ko sa mundo. Kaedad ko, kasangga, at kaklase na mula nursery. Nasa canteen kami ngayon ng university. Katatapos lang namin sa P.E.


"Sabi niya eh. Iyon daw pangalan niya."


Natawa siya. "Baka binibiro ka lang. Imposibleng si Rix Montenegro iyon."


"Bakit? Sino ba 'yong Rix Montenegro? Negro ba siya?"


Napailing siya. "'Di ka ba nagbabasa ng mga magazines? Ang daming magazine sa junkshop namin."


May negosyo kasing junkshop ang pamilya ni Gracia. Medyo yayamanin sila. Sana all, di ba?


"He's part of the Black Omega Society."


"Iyong banda?" Iyon lang naman ang alam kong Black Omega Society, iyong bagong banda na pinagkakaguluhan ngayon, palibhasa eh mayayaman at mga guwapo ang members.


"Hindi." Iling ni Gracia. "Hindi siya kasali ron, pero alam ko siya ang nagma-manage nong band. Pero member siya ng Black Omega Society Elite Fraternity!"


Napairap ako. "Ano iyon? Parang Power Rangers?"


"Gaga!" Tinuktukan niya ako.


"Hay, eh sino ba kasi siya? Hindi ko talaga siya kilala."


"Bihira naman kasi talaga ang nakakakilala sa kanya, hindi kasi siya laging nasa publiko. Madalas nagtatago iyon. Takot sa tao. Loner."


"Eh, ba't kung makapagsalita ka ay kilalang-kilala mo siya?"


"Stalker kasi ako ng BOS." Humalakhak siya.


"Sa mga sinabi mo, lalo tuloy naging malabo na siya ang Rix Montenegro na tinutukoy ko."


"True, Martina! Baka nga nagkakamali ka lang! As if naman na siya nga talaga si Rix Montenegro. Na-wrong number ka lang, 'insan. Malamang manloloko 'yan."


Manloloko? Pero may involved na malaking halaga ng pera? Mahina ang utak ko pero pagdating sa usaping pera, sanggol pa lang ako ay alam ko ng ang sagot sa 1+1 ay 2!


"Anyway, ito pala iyong number nung client na sinasabi ko. Si Mr. R."


Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "So mali pala talaga iyong nabigyan ko ng mga orders..."


Tumango si Gracia. "Tumpak!"


"Mukhang kailangan kong ibalik ang pera niya. Pero syempre, kailangan ko rin kunin 'yong mga Avon products na naibigay ko sa kanya."


"Sure ka? Pero marami ka nang mabibili roon sa pera. Baka nga makabili ka na ng bahay at second hand na kotse, eh."


Napakagat-labi ako. "Hindi kaya ng konsensiya ko, 'insan. Baka mamaya ay kailangan niya 'yong pera na 'yon para bilhin talaga 'yong dapat na bibilhin niya."


"Drugs?"


Napakibit balikat na lang ako. "Ewan." Kung tunay mang may drugs din na sangkot sa usapang ito, iiwas ako. Masyado na akong maraming problema para dagdagan pa ng droga. Sa laki ng halaga na nasa bag, nakakatakot nang sumugal sa pulisya. Mamaya niyan, ako pa ang mapagbintangan.


"Alam mo, ibalik mo na nga lang 'yan. Mahirap na baka ikapahamak mo 'yan."


"Iyon din ang plano ko." Iniba ko ang usapan. "May tanong ako, 'insan. Paano kung nagsasabi siya ng totoo? Paano kung siya nga si Rix Montenegro?"


"Ay teka..." Napalunok si Gracia. "Kung siya nga si Rix Montenegro, bakit drugs ang hinahanap niya sa 'yo?"


Napalunok din ako.


"OMG!" Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi ko alam na totoo pala na may kinalaman sa droga ang angkan ng mga Montenegro! Akala ko, paninira lang iyon sa kanila! Kung ganoon ay totoo pala!"


"A-anong ibig mong sabihin?" Kinabahan na ako. Kung ganoon ay tunay ngang may droga na nawawala?


"Ang ibig kong sabihin..." Lumapit sa akin si Gracia at hinawakan ako sa magkabila kong balikat. "Ibig sabihin... yari ka, 'insan!"


"Ano? Ba't ako yari?!"


"Isang mafia lord ang lolo ni Rix! Bukod sa mayaman sila, marami silang koneksyon. At kung iniisip nga ni Rix na nasa 'yo ang drugs niya, naku tiyak na hahanapin ka niya!"


Nalintikan na!



ILANG beses na akong nagpapalakad-lakad habang hawak ang aking cell phone. Tatawagan ko ba siya o hihintayin ko na tumawag siya? Ano ba talaga?!


Sabi kasi ni Gracia, kinatatakutan sa bansang ito ang mga Montenegro dahil sa kinalaman nila sa droga.


Totoo pala na may dirty business ang mga ito, at marami silang tauhan na handang pumatay para sa angkan nila. Tapos itong Rix na ito ay ang only prince ng mga Montenegro kaya naman ito raw ang magiging tagapagmana.


Natuklasan ko ang isang lihim sa pagkatao nitong Rix Montenegro na ito, at tiyak ng dahil sa lihim na ito ay manganganib na ang buhay ko!


Hindi ako duwag. Kung totoo man na mafia prince siya ay wala akong pake! Ipapakulong ko siya kapag pinagtangkaan niya akong patayin! Susugal ako para sa kaligtasan ko! Hindi pa ako puwedeng mamatay! Hindi lang halata pero marami pa akong pangarap sa buhay!


Bahala na. Matawagan na nga siya. Tinipa ko ang kanyang number at tinawagan. Sinagot naman niya agad ang kabilang linya pero hindi siya nagsasalita.


"H-hello, Mr. R?" Shet bat kailangang mautal?


Naririnig ko ang paghinga niya, nakikinig lang siya sa boses ko.


"Psst... pogi." Kailangang magpalakas. Baka naman kasi madala ang issue na ito sa magandang usapan.


Wala siyang imik.


"Sir Pogi, musta?"


Naririnig ko lang ang paghinga niya.


"Pasensiya na, Sir Pogi. Nagkaroon lang tayo ng misunderestimating." Misunderestemating ba 'yon o misunderstanding? Bahala na nga. Magkatunog naman eh. Nagpatuloy ako. "Na-wrong sent po ako sa inyo. Baka pwedeng ibalik niyo na lang 'yong mga orders na Avon, at ibabalik ko na lang po 'yong pera niyo."


[ Akala ko ba huhubuan mo ako kapag nakita mo ko? ] tanong niya.


"Sensiya na, Sir Pogi. Nagkamali lang po talaga ako. Akala ko po kayo si Mr. R..."


[ My name is Rix. R for short. ]


"Akalain niyo po! Kapangalan niyo 'yong may order sa akin ng bra at bikinis na nadala ko sa 'yo." Sinikap kong matawa.


[ But I'm not gay. ]


"Ay, Sir Pogi, nagkamali lang naman po talaga ako. Sorry na, o. Alam niyo, boses niyo pa lang talaga, ang pogi na, eh. Hay, ano pa kaya sa personal? Siguro sobrang pogi niyo lalo at—"


[ I burned it. ]


"Oh, ang hot niyo pa! Basta burn, hot 'yan eh."


[ I said I burned it. ]


"I knows. You're burning."


[ I burned the orders. ]


Napalunok ako. "I-iyong bra at bikinis po? L-lahat po 'yon?"


[ Yes. ]


"Eh gago ka pala, eh!" Umusok ang ilong ko. "Bahala ka sa buhay mo! Hindi ko na ibabalik itong pera mo! Pakyu!"


[ You messed with the wrong man. ]


"Wag ka lang talagang magpapakita sa'kin dahil bubungian kita!"


[ You're dead, Martina. ]


"Kung iniisip mo na natatakot ako sa 'yo, nagkakamali ka. Pagpapalitin ko yang mukha mo sa pwet mo kapag inupakan kita!"


[ Panindigan mo 'yang sinasabi mo. ] Pagkasabi niya niyon ay pinatayan na niya ako ng linya.


"Duwag!" Ibabato ko sana ang aking cell phone, pero napigilan ko ang sarili. Ito na lang kasi ang nag-iisang kayamanan ko. Sayang 'to, baka maibenta ko pa.


Biglang tumunog ulit ang cell phone ko. Galit na sinagot ko ito. "Ano, bakla? Duwag ka, duwag!"


[ Hello? ] Isang boses ng matanda ang sumagot.


Napatingin ako sa screen. Number lang ito. Sinagot ko ulit. "Pasensiya na po. Akala ko 'yong kaaway ko."


[ Ikaw si Martina? ]


"Yes po."


[ Nirekomenda ka sa'kin ng pinsan mong si Gracia. Ako 'yong o-order sana ng Avon sa 'yo. At oo bakla ako, may problema ka ba sa bakla? ]


Shit! Napasabunot na lang ako sa buhok ko.



MALALIM na ang gabi nang maalimpungatan ako. Saan nanggagaling ang amoy na iyon? Bakit punung-puno ng usok ang kabahayan? Nanakbo agad ako patungo sa pinto nang makaramdam ako ng init. Una kong dinampot ang aking cell phone.


May apoy! May malaking apoy! Ang bahay ko – nasusunog! Ang kalahati ng bahay ko ay natipak na ng apoy!


Shit! Nasusunog ang bahay ko!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top