Chapter 14

PAGPASOK ko sa sala ng bahay nila Marlon ay ang kapatid niyang teenager na si Shena agad ang aking nakita. Nineteen ito. Nakaupo ang babae sa sofa. May kinakalikot sa mga kuko. Nilalagyan nito iyon ng kung anu-anong disenyo.


Nabalitaan ko kasi na na-dischange na si Marlon sa ospital kaya dito na ako sa bahay nila dumeretso. Dischange nga ba o discharge? Saka na lang daw siya ibabalik sa hospital kapag ooperahan na. Ang kaso ay hindi pa sila pool paid sa bill nila sa hospital—Full paid yata.


Kaya problema pa rin ang bayarin nila roon. Kaya suhestiyon ng doktor na iuwi na lang muna habang naghihintay ng cash para sa operasyon.


Umangat ang mukha ni Shena nang maramdaman ang aking presensiya. "Oh, Ate Martina! Nandito ka pala! Andoon si Kuya Marlon sa kuwarto niya!"


Tinanguan ko ito. Naglakad na ako paakyat sa second floor ng bahay nila, papunta sa kuwarto ni Marlon. Nakakailang punta na ako rito sa kanila kaya feel-at-home na ako. Okay naman ang pamilya ni Marlon, isa sa mga bagay na nagpapabalik sa akin dito. Feeling ko kasi, pamilya ko na rin ang pamilya niya.


"Magandang araw po," bati ko sa nanay ni Marlon nang makasalubong ko. Si Tita Minnie. Mahigit sikwenta na ang edad. Pustoryosa dahil may kaya sila dati. Galing siya sa kwarto ni Marlon.


"Mabuti at nandito ka na. Kausapin mo 'yong anak ko para malaman mo kung paano ka makakatulong." Pawisan ang leeg niya. May dala siyang planggana.


Nanghina ako sa sinabi ni Tita Minnie. Mula nang maaksidente si Marlon, kasama na siya sa nagbago ng pakikitungo sa akin. Hindi man siya sobrang bait noon, kahit paano ay hindi naman siya ganito magsalita dati. Ngayon ay kapag nakikita ako ay napapasimangot siya agad. Kapag nagsasalita siya, aakalain mong lagi siyang nilalamangan sa gawain. Iyong tono ng pananalita niya ay para bang laging nanunumbat.


Nang malampasan niya ako, pumasok na ako sa nakaawang na pinto ng kuwarto. Naroon si Marlon na nakatanaw sa kawalan. Humarap siya sa akin. Parang hindi siya masaya na makita ako. "May pera ka ba riyan?"


Yumuko na lang ako. Kaya ngayon lang ako nagkalakas ng loob na pumunta ay dahil sa wala nga akong pera. Ang natatabi ko ay sapat lang para sa aking budget na pangkain ngayong linggo.


"Martina, tatlong buwan lang ang ibinigay na palugit sa amin ng hospital para bayaran ang bill." Walang buhay ang kanyang boses. "Kailangan na ring maoperahan agad ng paa ko. Ayaw naman lumapit nina Mama sa PCSO o mga politiko. Syempre nga naman, nakakahiya ang manghingi ng tulong sa iba."


Hindi ako makatingin sa kanya. "G-gagawan ko ng paraan. Ako ang lalapit sa mga politiko o kahit saan na puwedeng makahingi ng tulong para—"


Napasabunot siya sa kanyang buhok. "Tangina. Kailan pa yang paraan na sinasabi mo?!"


Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Marlon, ginagawa ko naman ang lahat. Hindi ko lang talaga mapagsabay-sabay dahil may trabaho rin ako. Alam mo naman na nangungupahan na ako ngayon, dagdag pa na nag-aaral din ako—"


Tinabig niya ang kamay ko. "Napapagod na ako, Martina. Hanggang kailan ako mararatay dito? Wala na kaming makain. Sa katapusan bayaran na naman ng tuition ni Shena. Paano 'yon? Paano mo gagawan ng paraan 'yon?"


Nauunawaan ko naman. Nauunawaan ko na basag na basag na ang pride niya dahil wala siyang magawa para sa kanyang pamilya. Inuunawa ko na lang. Inuunawa palagi. Inuunawa hangga't makakaya.


Malungkot ako na tumango sa kanya. "B-basta ako na ang bahala, Marlon. Makakagawa ako ng paraan."


"Gawin mo! Wag iyong puro salita ka!" Humiga siya at tinalukuran niya ako.


Alam ko kapag ganito na ang puwesto niya. Tiyak na gusto na niya akong umalis.


Sinalubong ako ng nanay ni Marlon nang makababa ako sa sala. "Martina, pahingi nga ng pera. Bibili lang ako ng bigas. Hindi naman pwedeng hindi kumain yang si Marlon, baka mabaliw na 'yan."


Dumukot ako sa aking bulsa ng isang daan. "Ito po, Tita Minnie." Nakalukot ang papel na pera nang ilabas ko. Iniaabot ko ito sa kanya.


"Saan ka ba nagtatrabaho?" tanong ni Tita Minnie matapos idapa sa mesa ang isang daang papel.


"Sa isang coffee shop po na malapit sa university."


"Baka puwede mo itong ipasok si Shena diyan. Para naman makatulong ang babaeng ito kahit pangkain lang."


Nalukot ang mukha ni Shena na nakupo lang sa di kalayuan. "Ma, naman! Hindi ko kayang magtrabaho habang nag-aaral!" reklamo nito.


"Aba! Eh, tingnan mo nga itong si Martina kinaya. Bakit ikaw hindi?"


"Eh, basta ayoko!" Padabog na tumayo ang babae at lumabas ng pinto.


Umiling-iling ang ginang. "Ang mabuti pa, hija, itanong mo na sa boss mo kung puwede mo bang maipasok yang si Shena."


"Sige po, itatanong ko."


"Itanong mo na rin kung puwede ka pang mag-advance. Para mabayaran natin 'yong bill ni Marlon."


Napabuntong-hininga ako. "Sige po."


Tinapik niya ako sa pwet. "Wag mong pababayaan ang anak ko, ha?"


Tumango na lang ako. Pihado pag-uwi ko, mamomroblema na naman ako. Iisipin ko na naman kung saan ako kukuha ng pera nito.


....


MALAKI talaga ang tulong sa akin ng scooter na ito. Ayaw ko pa nga sanang tanggapin ito nang dalhin ni Rix sa tinutulyan ko, kung hindi niya pa sinabi na iaawas na lang daw niya sa sahod ko.


Ang kaso, binabawi na sa akin ito ni Kuya Maximus. Hinahanap na raw kasi ng boyfriend niya. Kailangan ko raw itong maiuwi sa Linggo.


Pagpasok ko sa coffee shop, halos walang tao. May ilang mga customers pero hindi kasing dami noong una. Nasaan kaya ang mga katrabaho ko? Nakapagtatakang wala akong makita ni isa man sa kanila.


Nagtungo ako sa locker room at nagpalit ng uniform. Paglabas ko, nadatnan ko sa counter desk si Rix na nagpupunas ng mga mug. Nakasuot siya ng apron na nakapatong sa brown niyang long sleeve. Kahit umasta pa siyang empleyado, hindi siya mapagkakamalan. Nangingibabaw pa rin kasi sa karamihan ang maganda niyang kutis at ang powerful niyang aura.


Tumikhim ako. Alam kong naramdaman na niya ang presensiya ko, pero hindi niya ako magawang tingnan. Nilapitan ko na siya.


"Nasaan ang mga kasama ko?" Tiningala ko siya.


"Tinangggal ko na."


Napanganga ako. "Ha? Bakit?!"


Nakita ko ang pag-ismid ng mapula niyang mga labi. "They are bad influence."


Namilog ang mga mata ko. "Ano?"


Napahinto siya sa kanyang ginagawa at namulsa sa apron. "Remember the night na isinama ka nila sa bar para mag-inom?"


Tumango ako.


"That's why I fired them."


"Ha?" Ang tagal na niyon, ah? At bakit pati iyong iba ay nadamay? Mababait naman ang iba, kahit pa madalas akong irapan at paringgan ng mga babae kong katrabaho, habang ang mga lalaki naman ay mga tamad at hindi kumikilos kung hindi uutusan. Basta, mababait naman sila.


"No more questions. Magtrabaho na tayo. Tayong dalawa na lang ngayon."


Napapakamot na lang ako. "Paano kapag dumagsa ang customers?"


"I'm here. Kaya natin 'to."


"Seryoso ka?"


"I'm your boss, Martina. You shouldn't talk to me like that."


Kung hindi ko lang kailangan ng pera, magre-resign na ako ngayon din. Marami ang customers lalo na kapag madaling araw. Tiyak na magkakandarapa kami sa orders nila kapag kaming dalawa lang.


Biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng table.


"Can you get my phone?" utos niya. Sakto kasing may lumapit na customer sa counter at inaasikaso niya.


Nilapitan ko ang kanyang phone at dinampot ito. Nawala ang tunog nito nang mahawakan ko. Kanina pa pala kasi tumatawag ang caller.


Mayamaya ay napatitig ako sa screen ng cell phone. Napangiwi na lang ako sa nakita ko. Ano ito?! Bakit mukha ko ang screen saver niya? Pati yata wallpaper at themes niya, ako rin!


Ang hinayupak na lalaking ito, lihim pala akong pini-picture-an. Naka-school uniform ako sa screen saver niya, dito naman sa themes niya, naka-coffee shop uniform ako.


Nang ma-serve niya na ang order ng customer, nilapitan ko siya. "Anong ibig sabihin nito?" Iniharap ko sa mukha niya ang cell phone niya.


Hinablot niya iyon sa akin. "Who's the caller?"


"Ewan. Pero hindi iyon ang tanong ko. Bakit mukha ko yang nasa screen saver mo?"


"Really?" Kumunot ang kanyang noo. "Seriously?"


Maang-maangan pa ang mokong. Pumamewang ako. "Patay na patay ka ba sa 'kin?"


"No way. Hindi kumo't gusto kita, feeling mo maganda ka na."


Inirapan ko siya. "Eh, bakit mo ko pini-picture-an nang hindi ko alam?! Alam mo bang bad ang ganyan?!"


"I don't know what you're talking about. Malay ko ba na nagselfie ka lang dito sa cellphone ko. Baka nga ikaw pa ang nag-set dito sa phone ko na gawing screen saver at themes itong mga selfie mo."


Ang kapal talaga ng mukha. Ayaw pa kasi umamin na patay na patay siya sa akin.


"And what the hell are you looking at?!" sita niya sa akin nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanya. "Get back to work!"


Nakapila na pala ang mga customers sa counter. Biglang dumagsa ang mga suki namin. Halos mapuno ang buong coffee shop.


"Fuck," usal ni Rix nang mapatingin sa coffee brewer.


"Anong nangyari?"


"I forgot. Wala na palang stocks ng ground coffee."


"Hala!"


"Dito ka lang. Bibili lang ako."


Inawat ko siya. "Ako na lang ang bibili. Mas mabilis kang kumilos sa akin."


"That's not gonna happen. Gabi na masyado."


"Kapag ako ang humarap sa counter, baka magkamali-mali lang ako. Isa pa, kaya lang naman marami yang customer natin ay dahil sa 'yo. Ikaw lang ang sinisilayan ng mga 'yan."


"Huh?"


Totoo naman. Karamihan sa mga customers namin, puro babae. Iyong iba kahit di tagarito, dumadayo pa para masilayan siya. Iyong iba naman na dating hindi nagkakape, ngayon nagkakape na.


"Kaya ako na lang ang bibili. Mabilis lang ako dahil may scooter ako."


Sinimangutan niya ako. "Bahala ka."


Kumuha ako sa kaha ng pera ng pambili. Pagkuwan ay nanakbo na ako.


Hinuli niya ang pulso ko. "Kapag wala kang mabilhan, 'wag ka nang lumayo. Gabi na! Okay?"


"Nag-aalala ka ba?"


Nagsalubong ang kilay niya. "Who told you na nag-aalala ako? Sinisigurado ko lang na makakabili ka. Marami ng orders, oh!"


Tinalikuran ko na siya. Lumabas ako ng coffee shop at mabilis na sumakay sa scooter ko. Wala sa sariling nilingon ko siya mula sa glass wall. Hindi ko nasupil ang aking ngiti ng makita ko siyang kandahaba ang leeg habang tinatanaw ako ng tingin.


Binuhay ko ang makina ng scooter matapos kung isuot ang aking helmet. Kailangan kong magmadali, kawawa naman kasi si Rix dahil naiwan siyang mag-isa sa shop.


Wala pang dalawang kilometro ang layo ng isang coffee store dito. Mabilis ko lang na mararating iyon. Humaharurot ako hanggang makatawid sa kabilang kanto. Ang kaso, hindi ko napansin na may humaharurot din na sasakyan patungo sa akin.


Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi na ako nakailag kaya nabundol ako nito.


jfstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top