Chapter 13

"Oh, ano na naman 'yang tingin na 'yan?" puna ko kay Gracia nang mapansin ko na may kakaiba na naman siyang tingin sa akin. Kakatapos lang ng klase. Palabas na kami ng university at papauwi na.


"Anyare sa inyo ni Prof M? Magkaaway ba kayo?" May naglalarong issue sa mga mata niya.


Inirapan ko siya. "Ano ba 'yang tanong mo?" pagmamaang-maangan ko.


"Nakakapagtaka lang kasi, 'insan. First time ka niyang hindi tinawag sa recitation kanina. Isa pa, hindi ka rin niya magawang tingnan kapag may discussion siya. Ano bang nangyari?"


"Walang nangyari." Nagpatiuna na ako sa paglalakad.


Hinabol na lang niya ako ng buntong-hininga.


Magulo pa rin ang isip ko mula kagabi matapos aminin sa akin ni Rix na gusto niya ako. Hindi ko alam ang aking isasagot dahil sa gulat. Nanunubok lang naman kasi ako, hindi naman ako umaasa. Akala ko ay mapapa-walk out siya, o kaya ay magagalit at sasabihing hindi niya ako type, pero hindi ganoon ang nangyari. Walang ganoong nangyari.


Para akong sinabugan ng bomba dahil sa hindi ko inaasahan na pagtatapat niya. Windang na windang ako na ganoon na pala ang sitwasyon. Na ganoon na pala ang gusto niyang mangyari. Gusto niya na akong gawing girlfriend niya!


Hindi ako makapaniwala. Hindi kasi talaga kapani-paniwala! Siya si Rix Montenegro ay nahulog sa alindog ko? Sure ba siya? Hello, hindi ako maganda, cute lang!


Ang hirap paniwalaan. Iniisip ko na lang na baka may maitim siyang plano. Akala niya yata mahuhulog ako sa patibong niya. Hinding-hindi ako papatol sa kanya kahit gaano pa siya kaguwapo.


Tinalikuran ko siya at iniwan nang mga oras na iyon. Wala rin naman kasi akong isasagot sa kanya. Eh ano kung gusto niya ako? Ano naman kung gusto niyang maging girlfriend ako? Haler? Taking na po ako.


Wait. Hindi ba taken?


May boyfriend na po ako. Hindi kumo't maganda ang bughaw na mga mata ni Rix ay magugustuhan ko na rin siya.


Hindi porke't may mahaba siyang pilikmata, mapulang mga labi, matangos na ilong, magandang katawan at matangkad ay mai-in-love na rin ako sa kanya. Kahit pa lahat ay napapalingon sa kanya sa tuwing kasama ko siya, crush ng bayan at pantasya ng iba, pangarap mapangasawa ng mga kaklase ko, kinakikiligan ng taksil kong pinsan, ay hinding-hindi ko siya puwedeng maging boyfriend. Kahit pa ba ubod siya ng yaman, hindi ko pa rin ipagpapalit si Marlon.


Napakamot ako. Teka nga! Bat ba mas pinupuri ko siya kaysa sa boyfriend ko?


Ah, basta! Hindi talaga pwedeng mangyari ang gusto niya. Hanggang taken ako, mali kahit isipin na magiging puwede kaming dalawa.


....


NAKAYUKO lang ako habang palakad-lakad si Kuya Maximus sa harapan ko. Siya nga pala iyong kuya kong juding.


Kahit juding siya, hindi naman siya nagbibihis babae. Normal lang ang suot at ayos niya, jeans, shirt at sneakers. Iyon nga lang ay color pink ang shirt niya, saka naka-false eye lashes siya. Malamya siya kumilos pero pang boy cut ang gupit ng buhok niya. At maliban sa false eye lashes ay wala na siyang iba pang kolorete.


Siya si Maximus L. Manalaglag, ang aking nag-iisang kapatid at kuya sa mundo. Mas matanda siya sa akin ng sobra sa isang dekada siguro, dahil nga menopausal child ako. Kung tutuusin, para ko na siyang tatay dahil sa agwat ng mga edad namin.


Lumabi ako. "Kuya Maximus, sorry na–"


"Anong Kuya Maximus?" Tumaas ang kanyang kilay na halos umabot iyon sa kanyang bunbunan.


Kanina niya pa ako sinesermunan sa cellphone pa lang. Ipinagtapat ko na kasi sa kanya ang tungkol sa nangyari sa bahay namin. Galit na galit siya at kulang na lang ay sabunutan niya ako.


"Ate Maxine pala," pagtatama ko. Ayaw niyang tinatawag siya sa totoo niyang pangalan. "Sorry na..."


Kumamot siya sa kanyang ulo na napapanot na. Pagkuwan ay hinawi niya ang pitong pirasong hibla ng buhok na nagsisilbi niyang bangs sa gitna ng noo.


"'Sabi mo kilala mo ang sumunog ng bahay natin?! Iharap mo nga sa akin 'yan at kakausapin ko!"


Napangiwi ako. "Ano naman ang sasabihin mo sa kanya?!"


"Tangina niya! Syempre pagbabayarin ko siya! Gago ba siya? Ano iyon, ganon-ganon na lang? Dapat pagbayarin siya sa ginawa niya! Gusto mo ngayon din puntahan ko yang tarantadong 'yan, eh!" Kahit galit ang kanyang tinig ay malamya pa rin ito. Habang nagsasalita siya ay hindi niya maiwasang ikembot ang kanyang baywang.


Matanda na si Kuya Maximus. Mahahalata naman sa hitsura niya dahil mukha na siyang bungo. Payat kasi siya at mukhang kulang sa sustansya. Mukha siyang laging sumisipsip ng straw.


Sa ngayon ay nakatira siya sa maayos na tirahan. Apartment ito ng boyfriend slash live in partner niya. Inaalok niya ako na dito tumira pero tumanggi ako. Ayoko kasi na maging kargo niya pa ako.


"Kuya Max, relax ka lang. Bukas mo na lang siya kausapin." Tumayo ako upang awatin siya.


"No! I well talk to him now! Tell me where he leave."


Tulad ko, sablay rin siya sa English. Ayaw ko naman siyang sitahin dahil alam kong parehas lang kami. Pero kahit naman sablay rin siya sa english, masasabi ko na mas matalino pa rin siya sa akin. Mabilis ang pick up niya at marami siyang talent sa buhay.


"Ate Maxine, belief me. Bukas na lang at sasamahan pa kita."


"Fine. Bukas kami magtutuos ng lalaking 'yan." Pumungay ang kanyang mga mata matapos humalukipkip. "Ipapakita ko sa kanya ang galit ng ishang Manalaglag. Makikita niya kung gaano tayo katatapang na tao!"


"Kumalma ka lang, Ate Maxine. Kausapin mo na lang siya nang maayos–"


"Aba, Martina, bakit parang natatakot ka riyan?!"


Napayuko ako. "Hindi sa ganoon." Baka kasi patulan siya ni Rix. Wala siyang ideya kung gaano kalakas at ka-abnormal ang lalaking 'yon.


"Pagbungad ko pa lang sa kanya, mumurahin ko na siya."


Napahilot ako sa aking noo. "'Tapos?"


"Sasampalin ko siya."


"Tapos?"


"Sisingilin ko siya."


"Tapos?"


Pumungay muli ang kanyang mga mata. "Basta, sasaktan ko siya!"


....


"Oh, Kuya – este Ate Maximus, anong nangyari? Nakausap mo na?" Bungad ko kay Kuya Maximus matapos niyang manggaling sa faculty.


Ayaw niyang magpapigil nang pumunta siya rito sa aming maliit at public university system. Inaway niya talaga ang nag-iisa at naghihingalo ng guard sa gate kanina. Galit na galit niyang hinagilap si Rix. Hinayaan ko silang mag-usap sa loob ng office nito. Dahil stock holder na si Rix dito ay may sarili na siyang office.


"Oh, ano? Minura mo ba?"


"Minura ko," sagot ni Kuya Maximus sa tanong ko.


Aba, tapang talaga ng kapatid ko! "Anong sabi mo?"


"Sabi ko tangina mo... bakit ang guwapo mo?"


Bumagsak ang balikat ko. "Ha? Akala ko sasampalin mo?"


"Hindi ko na sinampal dahil mukhang matigas ang panga. Kaya hayun pinisil ko na lang."


"Akala ko sisingilin mo?"


"Siningil ko siya. Siningil ko siya ng hustisya kung bakit ang guwapo niya."


Napanguso ako. "Akala ko ba sasaktan mo?"


"Hindi ko siya kayang saktan... ako lang masasaktan kapag nakita ko siyang nasasaktan..."


Bumigay na naman si Kuya Maximus. Inirapan ko siya.


Nagbabago talaga itong si Kuya Maximus kapag guwapo na ang kaharap.


Hindi pa siya titigil kung hindi pa lumabas si Rix mula sa office. "Can I talk to you, Martina?"


Hindi ako makatingin sa kanya. Ilang araw na niya kasi akong hindi kinakausap pagkatapos nang gabing nagtapat siya sa akin. Ngayon lang siya nagyaya na mag-usap ulit kami. "S-sige..."


"Goes! Mag-usap muna kayo ni Prof!" Itinulak ako ni Kuya Maximus na ngayon ay malambing na. "'Wag kang mag-alala, sister, mabuting tao ang prof mo. Hindi ka mapapaano."


Nakapamulsa lang si Rix habang nakatitig sa amin kahit na halatang nagpapapansin sa kanya si Kuya Maximus.


Hindi pa sana ako makakalakad kung hindi pa ako nilapitan ni Rix. Nagulat ako nang hilahin niya ako sa pulso. Dinala niya ako sa loob ng office niya. Kami lang ang tao sa loob, 'tapos ang lamig-lamig pa dahil nakatodo ang AC.


Nakayuko lang ako at walang imik habang siya ay nakatayo sa harapan ko at nakatitig sa mukha ko. Mayamaya ay umupo siya sa desk kaharap ako. Naka-long sleeve siya at naka-neck tie. Naka-glasses siya na may makapal na frame kaya kamukha niya si superman.


"Uhm, ano pala ang napag-usapan niyo ng kuya ko?" tanong ko para lang magkaroon ng sasabihin.


"Your brother is nice."


Talaga lang, ha? Kung alam lang niya kung gaano kagigil sa kanya ang kuya ko bago pa siya nito makita.


"Listen... What I said that night–"


Marahan akong nag-angat ng paningin. Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Nagbibiro ka lang, di ba?"


Tumitig sa akin ang asul niyang mga mata. "Actually, I'm about to say that... it's all true. That I'm serious about it."


Napalunok ako. "Feeling mo naman mahuhulog ako sa patibong mo."


"I don't know what you're talking about."


"Alam ko ang plano mo. Paiibigin mo ako, 'tapos saka mo ako sasaktan. Hinding-hindi ako mahuhulog diyan sa patibong mo. Napanood ko na sa dramarama sa hapon 'yan!"


Namungay ang asul niyang mga mata. "You don't believe my feelings for you?"


Muli akong napalunok. Parang nagkandabara-bara na ang laway ko sa lalamunan. "A-aba, malay ko ba kung trip-trip mo lang 'yan!"


"Martina, don't you realize how distracted I am whenever you're around?"


Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin.


"I've never been so distracted in my entire life, Martina. I am always calm, collected, and composed. I am also not the type to be concerned about others. People call me names behind my back. The ice king, the apathetic guy, and worse, the man with antisocial personality disorder. But to tell you what, I don't give a damn."


Napaatras ang aking mga paa nang muli siyang humakbang.


Nagpatuloy siya sa sinasabi habang ang mga mata ay hindi humihiwalay sa akin ng tingin. "I thought I would be like that until the end. Even my parents, after all the years of trying to reach out to me, have already accepted the fact that they can't change what kind of person I am. Na ganito na talaga ako, walang nararamdaman, walang interes sa kahit anupaman, at nabubuhay para sa sarili lang. But then, I met you, Martina. In a short period of time, you turned my world upside down."


Napaatras ulit ako. Ang haba ng sinasabi niya, di ko na nga naintindihan iyong iba. Basta na-gets ko iyong binaliktad ko raw iyong mundo niya.


Tumikhim ako. "Ahm, t-teka lang, ah? Taympers muna!" Itinaas ko ang isang kamay ko dahil akmang lalapit na naman siya. "Kung totoo man 'yang mga pinagsasasabi mo, malabo pa rin ang gusto mo. Alam mo naman siguro di ba? M-may boyfriend na ako..."


"Is he treating you right?"


Natigilan ako sa tanong niya.


"I can treat you better, Martina," sabi niya sa mababang boses pero sigurado. "I may be new to this, I may be clueless in this field, and for the first time in my life, I don't know what to do. But despite all that, I'm sure of one thing... And that is, I wanna be with you."


Umawang ang mga labi ko. Shet, mukhang seryoso nga ang lalaking ito!


"It wasn't planned, it just happened. I was also surprised. But I have no plans to let go of this strange yet wonderful feeling. It was the first time I felt alive, my heart was beating, and the world could be this colorful. So, tell me, Martina, because I want to know. Tell me what do I need to do for you to choose me?"


Laglag ang panga ko. "S-seryoso ka ba talaga?!"


"I am. And I swear to you, I am better than that good-for-nothing bum. I will give you everything you need, treat you the way you want to be treated, and I'll take care of you and protect you because that's what you deserve."


Naintindihan ko naman. Ang sarap lang pakinggan, pero ang hirap lang paniwalaan. Nasa kanya na ang lahat. Sa totoo lang tayo, sobrang layo ng aming agwat, kaya bakit siya naghahangad ng isang katulad ko lang?


At hindi rin puwede dahil may boyfriend ako. Kahit ganoon ang boyfriend ko na si Marlon, may compartment ako rito. Este, commitment pala. Basta, hindi talaga kami puwede ni Rix.


Umigting ang kanyang panga. "Just tell me what I need to do, Martina."


"Kaya mo bang pantayan ang pitong taon?"


"Huh?"


"Pitong taon na kami ng boyfriend ko. Kaya mo bang tapatan 'yon?"


Pitong taon na kami ni Marlon, at iyon ang isa sa mga dahilan kaya hindi ko magawang magdesisyon. Mula pa high school ay kami na. Mabilisang panliligaw lang ang namagitan sa amin, dahil nataon iyon na sobrang lungkot ko. Ulila ako at nag-iisa na sa buhay, para bang takaw na takaw ako sa pagmamahal nang panahong iyon. At si Marlon ang nagbigay sa akin ng pag-aalaga at atensyon.


Sinagot ko agad si Marlon dahil aking nakita na mabait naman ito, malambing, at magalang. Ito ang unang boyfriend ko. Unang pag-ibig o kung puppy love ba iyon kung tawagin. Sa unang taon ay okay kami, sweet, at masaya. Sa pangalawang taon na unti-unting nagbago ang lahat sa amin. Madalas na itong magalit dahil hindi ko napagbibigyan sa aspetong pisikal. 


Naiinis si Marlon sa akin dahil ang kaya ko lang daw ibigay ay hanggang holding hands, yakap, at magaang halik lang. Doon ko naranasan na unang beses nitong mapagsalitaan ng masasakit. Dinamdam ko iyon lalo pa't hindi man lang ako nito sinuyo. Nagkabati na lang din kami dahil sa ako ang unang gumawa ng hakbang.


Nakalampas din naman kami sa parteng iyon ng aming relasyon. Nasanay na rin kalaunan si Marlon na hindi pa talaga ako handa sa bagay na hinihingi nito. Ang kaso, ngayon ay may bago na naman kaming pagsubok. Naging mas mainitin ang ulo nito mula nang maaksidente at maospital. Galit ito sa mundo, at damay ako. Pero hindi ko ito maiiwan. Nasanay na ako kay Marlon. Nakakahinayang na bumitiw lalo pa't marami na kaming pinagdaanan.


Kaya kahit totoo ang sinasabi ni Rix, malabo na piliin ko siya. Kahit pa ang puso ko sa mga oras na ito ay tila ba nalilito na.


"Hindi ko alam kung ano 'yang pinagsasasabi mo. Pero kung ako sa 'yo, wag kang magpadalus-dalos sa mga sinasabi mo. Baka nabibigla ka lang. Baka naninibago ka lang kasi napapalibutan ka ng magaganda, sexy, mayayamang babae, kaya nang makakita ka ng cute lang, tingin mo na agad sa akin ako na ang the one! Basta pag-isipan mo ang mga desisyon mo sa buhay! Ba-bye!" Tinalikuran ko siya.


Palabas pa lang ako ng pinto nang magsalita siya, "Try me."


Nilingon ko siya habang namimilog ang aking mga mata.


"Why don't you try me for seven years? I'm gonna prove to you that I'm way better than him."


Napahilamos ako sa aking mukha. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?"


"I hear myself, yes. Isang linggo ko itong prinaktis sa harapan ng salamin." Pinamulahan siya ng mukha at umiwas ng tingin sa akin.


Akma na akong tatalikod nang magsalita ulit siya.


"Whenever I'm with you, Martina... I feel like I'm not the wrong person."


Sinasabi niya na kapag ako ang kasama niya, pakiramdam niya ay hindi siya maling tao. Pero bakit? Bakit nga ako? At bakit kailangang abalahin ko pa ang aking sarili na mag-isip?


Tuluyan ko na siyang tinalikuran. Hindi na ako humarap sa kanya. "May boyfriend ako..."


"Do you love him?"


Napapikit ako. Parang may pumipigil sa bibig ko.


"Sorry..." Bumigat ang dibdib ko. Para bang may nakapasan sa akin na malaking bato.


"I'm sorry too..." Maliit na ngumiti siya sa akin. "But, Martina, I will not give up on you..."


jfstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top