Chapter 24

Kasama ko si Ray ngayon sa may pizza parlor na lagi naming kinakainan dahil kakatapos lang namin magtrabaho sa may pastfood chain na pinapasukan namin

" ano Frank kamusta naman ang date ninyo ni Gerard kagabi nagenjoy ba kayo " halata kay Ray na excited siya sa isasagot ko sa tanong niya pero ngumiti lang ako ng matipid dahilan para magtaka siya

" Frank ano ba namang sagot yan, May masama bang nangyari sa inyo kagabi " tanong ulit niya sa akin sabay kinuha ang slice ng pizza na dapat kakainin ko na

" Sira ka naman Ray akin na yan eh ang takaw takaw mo talaga " inis na sabi ko sa kanya sabay tumingin sa may bintana at sinagot na ang tanong ni Ray sa akin kanina

" Masaya naman ginawa namin ang lahat ng pwede naming gawin " malungkot kong sagot sa kanya habang ang mga mata ko ay busy na nakatitig sa mga kotseng gumagalaw

" Masaya naman pala eh, Pero bakit ganyan ka ang lungkot mo? " talagang uratero ang bff ko na ito eh kaya patuloy lang siya sa pagtatanong sa akin

" Nagpaalam kasi siya sa akin na 3 buwan siyang mawawala 3 buwan kaming magkakahiwalay " sagot ko sa kanya saka tumingin sa kanya at kinuha ang juice sa may baso niya at ininom ko yun

" Bakit naman siya mawawala ng 3 buwan? " sabay kinuha niya ang juice sa may kamay " Pupuntahan niya sa may Chicago si Mikey " sabi ko sa kanya at kinain ko na ang last pizza na nasa may box

" Sino naman yung Mikey na yun? "kunot noong tanong niya sa akin at makikita mo sa mukha niya ang pagkacurious kung sino ba yung Mikey na yun

" Kapatid ni Gerard may sakit kasi si Mikey sa puso eh need niya ang help ni Gerard kaya ayun sasamahan muna niya ang kapatid niya " umayos na ang kunot na noo ni Ray ng marinig niya ang sagot ko na yun

" Kapatid naman pala niya eh pero kawawa rin yung si Mikey no kasi mahirap ang may sakit sa puso eh " malungkot na sabi sa akin ni Ray halata sa kanya na talagang naawa siya sa kapatid ni Gerard kahit naman ako eh naawa ako kay Mikey alam kong mahirap ang lagay niya

" Sana gumaling na lang ang kapatid niya ayaw kong makikitang malungkot si Gerard eh parang mawawasak ang puso ko kapag makikita ko siyang ganun " tumayo na si Ray sa may upuan at saka inaya na akong lumabas na kami sa may pizza parlor nauna na akong lumabas sa kanya hinintay ko naman siyang lumabas dahil binayaran pa niya ang kinain naming pizza

" Magpakatatag ka na lang Frank sure naman ako pagsubok lang yan sa inyong dalawa " sabi sa akin ni Ray pagkalabas niya ng pizza parlor at saka hinawakan niya ang balikat ko at nagsimula na kaming maglakad pauwi

" Paano bukas na lang ulit tayo magkita susunduin na lang kita para sabay tayong pumasok sa work magpahinga ka na bye na  " nagpaalam na si Ray hinatid lang niya ako sa bahay ko dahil sa ramdam ko na ang pagod pumasok na rin ako sa loob ng bahay at dumiretsiyo na ako agad sa kwarto ko

Nahiga ako sa malambot kong kama sabay kinuha ang cellphone ko at pinasok ang gallery icon para tignan ang picture na inisend sa akin ni Gerard kagabi

" Super  mamimiss talaga kita Gerard "  pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun inakap ko ang cellphone ko at pinikit ang mga mata ko sabay inalala ang mga masayang memories namin kagabi sa first date namin

💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀

A/n: sorry guys ngayon lang nakapagupdate nabusy kasi ako sa frerard and synacky stories pero hayaan na natin yun ang mahalaga may update na ako.... BTW thanks for your read and vote

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top