Chapter 23

Sinabi ko na kay Ray ang kung ano ang mayroon sa amin ni Gerard kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na lalaki na ang minamahal ko hindi na babae. Siguro kasi nadala akong magmahal ng babae dahil sa naloko lang ako ni Jamie pero kinalimutan ko na yun dahil sa araw na ito magdadate kami mamayang gabi super excited na ako sa date naming dalawa

" Hay naku! Frank talaga bang serious ka na diyan kay Gerard talaga bang handa ka sa bromance " nakakunot noo na tanong sa akin ni Ray habang kumakain kami sa paborito naming pizza parlor

" Ano ka ba naman Ray parehas lang naman kami ng buhay eh walang nagmamahal sa amin pero simula ng magkakilala kami magbabago na ang lahat sa amin " sagot ko kay Ray sabay sinubo ang malaking slice ng pizza umiling na lang si bff sa akin

" Sige na nga bahala ka na kung talagang mahal na ninyo ang isat isa ang mahalaga naman sa akin atlis masaya kayong dalawa na bff ko " sagot sa akin ni Ray

" Salamat Ray talagang bff nga kita mabuti na lang ikaw ang naging true friend ko " sabi ko sa kanya habang punong puno ng pagkain ang bibig ko

" Akala ko ba don't talk when your mouth is full eh ano yang ginagawa mo aber " pagsasaway sa akin ni Ray ningitian ko na lang siya naalala ko dati ako ang laging nagsasabi nun sa kanya

" Pero Frank wala yun masaya rin naman ako na ikaw ang naging bff ko eh " nakangiting sabi sa akin ni Ray masaya kaming kumain dito sa may pizza parlor

Hanggang sa sumapit na ang gabi na pinakahihintay ko, Oo gabi na at kasama ko na ang pinakamamahal kong lalaki sa mundo si Gerard

" Ano ang gusto mong gawin? " panimula ng pagtatanong sa akin ni Gerard habang magkahawak ang kamay naming dalawa dito sa may malamig at madilim na bridge

" Gusto kong magrelax tapos panuorin na lang natin ang buwan dito langhapin ang masarap na hangin ganun lang simple lang " sagot ko sa tanong niya ngumiti siya ng malaki sa akin at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko

" Para sa mahal ko sige maganda ang idea mo tutal pagod rin naman tayo dahil sa pagtratrabaho kanina sa may pastfood chain eh " sabay kaming tumingin sa may buwan bilog na bilog ito at talagang kitang kita dahil maganda ang pwestong natayuan namin dito sa may bridge nilanghap rin namin ang masarap na hangin tahimik lang kaming nanuod sa buwan

" Nga pala Frank may sasabihin ako sayo " pagbasag ng katahimik ni Gerard sa pananahimik namin " ano naman yan ha? " pagtatanong ko sa kanya " Frank baka hindi muna tayo magkakasama at magkikita ng 3 buwan " malungkot niyang sinabi sa akin na ikinagulat ko naman

" Bakit Gerard?, Bakit hindi tayo magkakasama at magkikita ng 3 buwan may problema ka ba sa akin? " sunod sunod na tanong ko sa kanya hindi ko maipaliwanag ang emosiyon ko parang hindi ako mapakali

" Frank huminahon ka walang problema sayo kailangan kong pumunta ng Chicago kailangan kong samahan ang kapatid kong si Mikey kailangan niya ako dahil nalaman kong may sakit siya sa puso " malungkot na pagbabalita niya sa akin hinawakan niya ang dalawang kamay ko para mapakalma ako

" Gerard sasama ako sayo Handa rin naman akong tumulong sa kapatid mo eh huwag ka lang mawala sa akin hindi ko kaya yun 3 buwan kang wala sa tabi ko please Gerard sasama na lang ako sayo " pagmamakaawa ko sa kanya dahil ayaw ko talagang mawala siya sa akin

Hinawakan niya ang kanang pisngi ko " Frank hindi na ayaw kong mapagod ka pa ayaw kong maging pabigat ako sayo ganito na lang hintayin mo ako Okay " ramdam kong mabigat na mabigat ang damdamin niya ngayon kaya naman hindi ko na lang siya pinilit inisip ko na lang na kailangan talagang magkahiwalay kami para lang sa kapatid niya

" Ganito na lang Frank magpicture na lang tayo dito Okay para kahit wala ako sa tabi mo tignan mo lang ang picture na ito para na rin akong nasa tabi mo lang yakap yakap ka ng sobrang higpit Okay " kinuha niya ang cellphone niya at nilagay sa camera

" Frank smile ka ha " utos niya sa akin sabay pindot sa may buttom at nakakuha na kami ng shot

" Frank bukas na ang alis ko kaya gawin na natin ang lahat ng gagawin natin Okay "

Sa araw na yun ginawa namin ang lahat ng pwede naming gawin na makakabuo kami ng isang masasayang alaala na pwede naming isipin habang magkahiwalay kaming dalawa

💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀

A/n: yung media picture po sa taas ginamit kong yun ang picture nila sa may bridge na magiging memory picture ni Frank habang mawawala si Gerard sa tabi niya..... Hope sana nagustuhan ninyo ang chapter na ito again thanks for the vote and read super napapasaya ninyo ako doon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top