Chapter 21
Alam ko hindi ako nanaginip totoong magkasama kami ngayon dito sa may bahay ko nasa may sala kami ngayon sabay nanunuod sa tv ng top rock song sa channel na Kerrang!
A/n: sa mga hindi alam ang Kerrang! isa itong sikat na rock magazine at channel sa may UK puro top rock songs lang ang pinalalabas nila dito 24/7
Parang naninibago ako sa kanya pano naman kasi kanina pa siya hindi nagsasalita eh palagay ko hindi sa pagod lang siya nagaalala na ako sa kilos niya kaya naman tinanong ko na siya
" Gerard ayos ka lang ba kanina ka pa tahimik hindi ka naman ganyan dati ha may problema ba magsabi ka sa akin? " nagaalala na talaga ako sa kanya humarap siya sa akin at hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko
" Frank kasi may gusto akong sabihin sayo eh " sagot niya sa akin napakunot ako ng noo dahil hindi naman siya ganyan eh kaya tinanong ko ulit siya
" Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin sige na sabihin mo na " halata sa kanya na parang nagaalangan siya pero parang may lumipad na paru-paro sa may tiyan ko ng hawakan niya ang dalawang pisngi ko nilapit ang mukha niya sa mukha ko
" Frank sana kapag sinabi ko ito huwag sanang magiba ang tingin mo sa akin sana kaibigan mo pa rin ako, Frank ayaw ko ng magisa ulit sawa na ako sa dilim at kalungkutan ng pagiisa ko sa buhay mangako ka sa akin hindi mo ako iiwan " halata sa kanya na parang may gusto talaga siyang sabihin sa akin pero natatakot siyang ilabas ito makikita rin sa mata niya ang panginginig at para bang lalabas na ang luha sa mga mata niya
" Oo, pangako hindi ako mawawala sayo kapag sinabi mo na ang sasabihin mo " sagot ko sa kanya this time mabuti na lang at nawala na ang expression ng mukha niyang parang maiiyak napalitan ito ng isang matamis na ngiti
" Frank salamat sayo dahil dumating ka sa buhay ko ngayon masasabi kong may nagpapahalaga na sa akin may pumapansin na sa akin, Frank simula ng makilala kita at maging close tayo ikaw ang nagbigay ng liwanag sa buhay kong puno ng dilim at kalungkutan " sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ang mga salitang ito nakaramdam ako ng init ng katawan ng mas nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya halos pantay na ang labi namin sa isat isa hindi ako sumasagot dahil pinakikinggan ko lang ang mga sinasabi niya sa akin at masaya akong titigan ang gwapo at maamo niyang mukha nagpatuloy sa pagsasalita si Gerard pero sa oras na ito ibinulong niya ito sa may tenga ko
" Frank, I Love You at sana ganun rin ang nararamdaman mo para sa akin " natulala ako sa narinig ko ramdam ko ang mainit na hininga niya sa may tenga ko ramdam ko rin ang dampi ng labi niya sa may tenga ko hindi ko na mapigilan ang sarili ko sasabog na ang nararamdaman ng puso ko kaya naman nagtapat na rin ako sa kanya sa totoong nararamdaman ko
" Gerard tama ka ikaw rin ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong buhay, Gerard I love you too " pagkatapos kong sabihin yun sa kanya nakaramdaman ako ng sobrang init sa buong katawan ko nakikita ko na malapit na malapit sa mga mata ko ang mata ni Gerard na nakapikit nararamdaman ko rin sa pisngi ko ang malambot na buhok niya
naramdaman ko rin ang lambot ng labi niya na nakahalik sa labi ko
💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀
A/n: sorry sa mga hindi gusto ang bromance pero addict ako sa bromance nilang dalawa sorry po talaga pero sana naenjoy po ninyo ang chapter na ito...... Pero thanks po sa pagvote at pagread ninyo super napapasaya ninyo ako dahil sa votes ninyo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top