Chapter 2

May transper student sa section namin ngayon galing siya sa isang private school ngayon lumipat siya ng public dahil sabi niya parang wala naman daw siyang natutunan sa private dahil walang challenge sa pagaaral magbayad ka lang sa mga guro doon pasado ka na di daw tulad dito sa public talagang pahirapan para lang pumasa

" Okay class pakisamahan naman ninyo ng maayos ang inyong new transper classmate na si Gerard Way " sabi ng teacher namin sa amin sabay pasok ng bagong student sa room namin

...

My gosh ngayon lang ako makapagsasabi ng ganitong salita sa isang lalaki, what the facts ang cute niya ang tangos ng ilong may magandang mata at ang mas nakakapagpagwapo ng mukha niya yung haircut niyang color black

sinubukan kong sampalin ang sarili ko para magising at sabihin sa sarili kong " okay ka lang Hoy! lalaki ka hindi babae kaya huwag kang magreact ng ganyan sa new classmate mo " mabuti na lang nagising ako bigla pero nagulat ako ng bigla akong tinapik ni Ray

" Hoy Frank ayos ka lang ba diyan para kang ewan diyan bakit mo sinampal ang sarili mo? " nakakunot noo na tanong sa akin ni Ray " wala may lamok kasi na dumapo sa may pisngi ko eh " pagsisinungaling ko naman sa kanya

...

" Okay akala ko naano ka na diyan eh " balik ng sagot sa akin ni Ray parang nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ng bigla kong marinig ang malaanghel na boses ng new classmate namin na si Gerard

" Ako nga pala si Gerard Way dati akong nagaaral sa may private school pero nagpatransfer ako kasi feeling ko parang hindi naman ako natututo sa school ko dati... Ummmmm sana makasundo ko kayong lahat at sana maging maganda ang samahan natin " pagpapakilala ni Gerard sa sarili niya sa amin tulala lang ako sa mukha niyang napakagwapo hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya siya lang ang unang lalaking binigyan ako ng ganitong klaseng pakiramdam

" Frank tulala ka na diyan " sabi ni Ray sa akin na may kasama pang sipa sa may sakong ng paa ko " Aray! ko ha " inis kong sabi na kasabay ng paglingon sa kanya tinignan lang niya ako ng kunot ang noo sabay tanong ulit " Okay ka lang ba Pre? " this time serious na ang mukha niya sa pagtatanong agad ko siyang sinagot ng " oo nga okay nga lang ako " for the second time na pagsisinungaling ko sa kanya nagsalita na ulit ang teacher namin dahilan para humarap na ulit kaming dalawa sa may pisara

...

" Okay Gerard pili ka na ng seat mo para naman makapagstart na tayo ng class " utos ng teacher namin sa kanya nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo ng bigla kong maramdaman na dumikit sa may braso ko ang braso niya totoo ba ito dito siya sa may tabi ko uupo

" Hello ayos lang ba sayo na dito na lang ako maupo? " pagtatanong niya sa akin sa isang malaanghel na boses nilingon ko siya gosh para akong nafreeze ng makita ko ang gwapo niyang mukha ng face to face hindi ako agad nakapagsalita parang tumigil ang oras ano bang nangyayari sa akin

" Okay ka lang ba kung ayaw mo hahanap na lang ako ng iba " sabi niya sa akin biglang bumalik ang ulirat ko sabay sabi sa kanya ng " huwag ka ng lumipat okay lang sa akin na dito ka na lang sa tabi ko maupo " sabay ngiti sa kanya biglang natambol ang puso ko ng suklian rin niya ako ng isang napakagandang ngiti ang ganda ng labi niya mayroon siyang kissable lips

" Class start na tayo ha " sabi ng teacher namin sabay nagsimula na siyang magturo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top