Chapter 19

" What the facts!, ano ba itong nararamdaman ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko ramdam ko ang mga braso niya sa katawan ko sobrang higpit ng pagkakaakap niya sa akin nararamdaman kong mainit ang katawan ko at para bang ayaw ko ng matapos ang akap na ito kanina lang habang hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at nakatitig sa mga mata niyang malaanghel nawawala ang sakit na naramdaman ko kay Mama sana huwag ng mawala sa buhay ko si Gerard sapat na siya para sa akin sila ni Ray ng kaibigan ko sila na lang ang kakapitan ko ngayon " nagrespond ako kay Gerard inakap ko rin siya ng sobrang higpit parang ayaw ko ng kumalas dahil ngayon halos pumutok sa sobrang tuwa ang puso ko kapag nandito siya nakikita ko ang mukha niya nawawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa buhay ko sana huwag niya akong iwan dahil sa totoo lang aaminin ko sa sarili ko mahal na mahal na kita Gerard

" Frank ito na ang damit mo " narinig ko na boses na yun ni Ray pababa sa may hagdan daladala ang t-shirt na pamalit ko ako na mismo ang kumalas sa akapan naming dalawa para huwag na kaming makita pa ni Ray

" Ito isuot mo na ito magpalit ka na doon sa kwarto mo at hihintayin ka na lang namin ni Gerard dito " dagdag ni Ray sabay abot ng t-shirt sa akin " kukuha na rin kita ng tubig okay " sabat naman ni Gerard sabay punta sa may kitchen, kumuha ng baso at sinalin ang tubig na nasa pitchel sa may baso

Umakyat na ako papunta sa may kwarto ko para magbihis, tumingin ako sa salamin na nakadikit sa may pader malapit sa may kabinet ko

" magang maga nga ang mga mata ko dahil sa sobrang kakaiyak pano nama kasi walang kwenta ang nanay ko mas mahalaga pa sa kanya na sumama sa matandang lalaking yun kaysa sa akin na anak niya " sinuot ko na agad ang t-shirt na binigay sa akin ni Ray after kong magbihis lumabas na ako ng kwarto bumaba ng hagdan papunta ng sala

" Frank ito o inom ka muna ng tubig " inabot na ni Gerard ang baso sa akin kinuha ko naman ito at ininom ko na ang tubig " Salamat Gerard " pagpapasalamat ko sa kanya nagulat naman kami ng biglang nagsalita si Ray

" Mukhang isang araw lang ako nawala sa school at sa buhay mo Frank parang close na close na kayo nitong si Gerard " sabi ni Ray sa amin tinawanan na lang namin siya ni Gerard nilapag ko na ang baso sa may coffee table

" Frank ano na ang problema sabihin mo na sa amin? " simula ng pagtatanong ng bff ko sa akin dahil sa tanong na yun bumalik ang kirot na nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Mama sa akin

" Frank sige na kaibigan mo kami handa kaming makinig sayo " concern na pagsasabi ni Gerard sa akin malaki naman ang tiwala ko sa kanila na totoong sila ang iintindi sa akin kaya nagsimula na akong magkwento sa kanila tungkol sa ginawang paglayas ni Mama sa bahay na sumama na siya doon sa nakilala niya sa bar at magisa na lang ako sa buhay ngayon

" Ano! ginawa niya yun " gulat na reaksiyon ni Ray " Grabe naman siyang Ina napakawalang kwenta niya kaya niyang gawin yun sa anak niya mukha talaga siyang pera " dagdag na reaksiyon ni Gerard at halata sa mukha niya ang pagkainis

" Kalma lang Guys wala naman na tayong magagawa eh mas mahal niya yun kaysa sa akin ang problema ko na lang ngayon wala ng magpapaaral sa akin kaya need ko ng work para makapagpatuloy " pagpapakalma ko sa kanilang dalawa mabuti na lang at hindi masyadong hyper magalit ang dalawang ito kumalma naman sila agad at nagsimulang magisip kung paano akong tutulungan

" Alam ko na Frank pasok ka na lang sa isang pastfood chain na kainan diyan sa may McDonald pwede naman working student diyan eh tutal makakapagipon ka na dahil magsem break naman na eh " offer sa akin ng bff kong si Ray nagisip naman ako ng mabuti tama magsem break na rin naman na eh makakapagipon na nga ako para makapagpatuloy sa pagaaral

" Sige papasok na lang akong waiter sa pastfood chain para makapagipon ng pera "pagtanggap ko naman sa offer sa akin ni Ray

" Huwag kang magalala Frank tutulungan ka naman namin ni Ray eh " masayang pagprepresenta sa akin ni Gerard siyempre need ko naman talaga ng tulong kaya tumango ako

" Frank kaya natin ito " pagpapalakas ng loob sa akin ni Ray sabay inakap niya kaming dalawa ni Gerard at ginawa namin ang Group Hug

💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀

A/n: sorry guys ngayon na lang ulit nakapagupdate super naging busy po kasi sa pagbabasa ng ibang Frerard story... Well hayaan na natin yun never mind ang mahalaga nakapagupdate na ako ngayon

Hope sana naenjoy ninyo ang update ko na ito.... And thanks po sa read and vote ninyo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top