Chapter 17

Nakita ko si Mama na nilalagay ang mga damit niya sa isang malaking maleta nagtaka ako kung bakit niya nilalagay ang damit niya doon kaya tinanong ko siya

" Mama ano yang ginagawa mo? " maayos kong pagtatanong sa kanya sabay pinigilan siya sa ginagawa niya hinatak ko ang mga damit niya paalis sa may maleta

" Putik! Frank! ano ba ang ginagawa mo " galit siyang inagaw ang mga damit sa may kamay ko at binalik ang mga ito sa maleta " sasama na ako sa bago kong magiging asawa magkakaroon ako ng future doon kaya pwede ba bayaan mo ako umalis ka sa tabi ko " sabay tulak sa akin ng malakas lalayasan na niya ako sasama na siya sa kalandian niya

" Mama naman iiwan mo ako para lang sa matandang yun " sabi ko sa kanya sabay hinatak ko ulit ang mga damit sa may maleta paalis

" Akin na yan! " pasigaw na sabi niya sa akin sabay kuha ulit ng damit at nilagay sa may maleta " Sawa na ako sa buhay natin simula ng mawala ang tatay mo kaya pwede ba hayaan mo na ako sa gusto ko umalis ka sa dadaanan ko " kinuha na niya ang maleta at tinulak ako dahilan para mapaupo ako sa may kama pero tumayo parin ako at hinawakan ko ang braso ni Mama para pigilan siyang umalis " tumigil ka bahala ka na sa buhay mo ngayon " inalis niya ang kamay ko sa braso niya at nagmadali na siyang lumabas ng bahay hinabol ko siya hanggang labas ng bahay

" Mama ikaw na lang ang meron ako iiwan mo pa ako please Ma huwag kang umalis " pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak ako sa kanya pero tumawag na siya ng taxi at sumakay na doon

" Bayaan mo na ako magiging masaya ako sa kanya " sabay sinara na niya ang pinto ng taxi at nagmaneho na ang driver nito naiwan na lang akong magisa dito sa labas ng bahay umiiyak dahil sa iniwan na ako ng Nanay ko

Pumasok na ako sa loob ng bahay dahil nakakahiya na rin sa mga kapitbahay kitang kita nila ang pangyayari sa aming buhay naupo na lang ako sa isang sulok umiiyak at nakatingala sa may kisame

" Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko? " paulit ulit na tanong ko sa sarili ko

💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀

A/n: Another sad day for Frank.. Well maputol ko lang ang drama I just want to say thank you for reading and thank for your vote

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top