Chapter 12

Habang nagtuturo ang teacher namin sa Science tulala lang ako sa may bintana tahimik na tahimik, Oo dahil iniisip ko pa rin kung ano ang nakita ko kagabi ngayon alam ko na ang sagot kung bakit ganun ang itsura niya kapag umuuwi siya ng bahay bayaran naman pala siya totoo pala ang sinabi ko noon na mukha siyang bayaran

Nakaramdam ako ng tapik sa may braso ko kaya naman nilingon ko ito " Frank okay ka lang ba parang ang laki  ng problema mo ha " pagtatanong ni Gerard sa akin inayos ko na lang ang mukha at sarili ko saka ko sinabi ang kasinungalingan sa kanyang " Oo Gerard okay lang naman ako eh huwag mo na lang akong pansinin " inabutan niya ako ng isang chocolate bar " Milkey Way pala ang paborito mong chocolate bar ha! " sabi ko sa kanya ng may ngiti

" Yep ang sarap kasi eh alam mo minsan kapag tulala ako kapag may iniisip yan ang kinakain ko para gumaan lang ang loob ko " sagot naman niya sa akin sabay inalok ulit ang chocolate bar sa akin siyempre ayaw ko namang mapahiya siya kaya kinuha ko ang chocolate bar at kinain ko na ito " Salamat Gerard " yun na lang ang huling sinagot ko sa kanya sabay kinain ko na ang chocolate bar

" What the facts! bakit naman kasi umabsent itong si Ray? " malungkot na pagtatanong ko sa sarili ko wala tuloy akong kasabay na uuwi at kakain sa may pizza parlor nagaalala tuloy ako kay Ray baka iniisip pa rin niya ang nakita namin kagabi sana naman okay lang ang bff ko

" Miss mo na bff mo no! Hahahaha, Ganito na lang ako na lang muna bff mo gusto mo sabay na tayong umuwi " napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses na yun at nakita kong si Gerard pala yun sinagot ko na lang siya ng " Ayos lang naman sa akin kung ikaw muna ang kasabay kong umuwi sinabi naman sa akin kanina ni Ray na absent muna siya, doon kasi ako natulog sa bahay niya kagabi eh " napakunot noo naman si Gerard para bang nagtataka siya doon sa sinabi kong doon ako nakitulog sa bahay nila Ray kagabi

" Bakit doon ka nakitulog sa kanila? " paguurirat na tanong nito sa akin sinagot ko na lang siya " wala lang may nangyari kasi kagabi eh " matamlay na sagot ko sa kanya pero masyado palang uratero ang lalaking ito at tinanong niya " Ano bang nangyari kagabi ha? " natulala nanaman ako dahil naalala ko nanaman kung ano ang mayroon kagabi kaya tumutok na lang ako sa teacher at pinakinggan na ang pagtuturo niya sa amin

💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀

A/n: Mukhang hindi pa nakakamove on si Frank sa nangyari noong gabing makita niya ang Mama niya..... Well next chapter na po tayo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top