Chapter 10 | The Head Minister's Offer

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟎┊𝗧𝗛𝗘 𝗛𝗘𝗔𝗗 𝗠𝗜𝗡𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥'𝗦 𝗢𝗙𝗙𝗘𝗥

𝐂𝐀𝐒𝐒𝐈𝐄

"So? What's your answer when the Head Minister offered you a temporary dorm?" Isang malalim na buntong hininga ang nagawa ko dahil hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unahin.

We are currently inside the Academy's Dining Hall. Obvious naman na ang grupo namin ang naunang kumain. According to this world's rule, the rank one wizards are always the first to received early lunch time and dismissal. I may sound hypocrite but I was thankful because I was starving listening to their lectures.

'Yon nga lang ay katulad ng dati'y nakabuntot sa akin si Castor. I scoffed beside him. Bigla ko kasing na-alala kung pa'no niya ako itrato dati. May suot pang kadena ang leeg ko kamo habang nakaupo sa maduming floor ng Dining Hall. Worst? He only gave me a peace of green pea.

But now? Castor is slicing my steak beside me and pouring me a glass of sparkling lemon juice. All thanks to the Love Collar...

"There's no need to do those. She's not a child. Let her eat in peace," Mateo demanded. Napansin ko ang palitan ng tingin nila Yohan at Zackie na mukhang 'di nila alam kung dapat ba silang magsalita.

"Tama! Tama!" Yohan commented. Napa-face palm naman si Zackie sa tabi niya.

Mateo eyed me. Akala niya siguro ay magsasalita ako pero doon siya nagkakamali. Nanahimik na lang ako dahil mula nang isuot ko sa kaniya ang Collar na 'yan ay never natahimik ang buhay ko rito.

"Can't you see? She picked the vouegio clamps that stings the eater. Paano na lang kung masaktan siya? Wala ka bang utak?" Sikmat pabalik ni Castor.

I furrowed because I'm not familiar with the kind of clamp that he mentioned. Tinitigan ko ang plato ko habang abala si Castor sa kung ano man ang hinihiwa niya doon. Hinila niya na kasi ang plato ko sa tapat niya.

Napapikit na lang ako sa inis dahil ilang beses ko nang sinabi na hindi ako sanggol. Besides, I shouldn't be bothered, but everyone is staring at us. Hindi ko lubos maisip kung ano'ng panlalait ang laman ng isip nila kay Castor. I don't care. Ang akin lang ay nagmumukha akong mahinang nilalang.

"I can eat. May kamay ako," sikmat ko. Naiinis kong inagaw ang kutsara't silver knife sa kamay ni Castor. Hinayaan niya lang ako't tinitigan. Seconds later, he gentle grabbed the knife on my right hand again.

Napabuga ako ng hangin nang ituloy niya kung ano man ang gusto niyang gawin. What if isaksak ko na lang 'tong knife sa mata niya? Tingnan natin kung makakilos pa siya kamo.

"You have hands yet you don't know how to remove the venom in this clamp," Castor sounded gently.

Gusto ko na lang matawa. The show will be over instantly the moment I removed the Love Collar on his neck. Babalik at babalik ang kulay niyang anyo. Sure akong mas maitim pa sa itim ang budhi niya. Neknek mo blue!

"Kasalanan ko bang may venom pala ang clamp na 'yan? Natakam lang ako?" Nakataas kilay kong sambit. Hindi siya nagsalita't nagtama saglit ang mga mata namin. I noticed how his gaze soften and then, he looked away.

That's when I noticed the redness in Castor's ears. Is he blushing because I stared at him for 10 seconds?!

"I'll do it for her. Akala ko ba ay sinusumpa mo kaming makasabay sa Dining Hall? Akin na." Lalo akong napapikit nang sumabat si Mateo. At dumagdag pa talaga siya. Akmang aagawin niya ang plato ko ngunit agad itong hinila ni Castor pabalik sa harap niya. Nagkatinginan naman sila Zackie at Yohan.

''Did she tell you to remove the clamp instead?'' Inagaw pabalik ni Castor ang knife sa kamay ni Mateo. Pinandilatan naman siya ng mga mata ni Mateo. The atmosphere became heavy because all eyes were on us. Alam kong kami ang pulutan ng tsismis kinabukasan. Wala naman na akong pake dahil hindi ko 'yon ikakamatay.

''She didn't tell you to remove the clamp either.'' Kinuha ni Mateo ang maliit na kutsara't ginaya ang ginagawa ni Castor.

Napasapo na lang ako nang noo't sa huli ay napuno. I stood and without saying anything, I left them there. Of course they called for me, but I ignored them.

"Ayaw niyo akong kumain ng payapa? Oh, ito sige. Kayong dalawa ang magsubuan!" Padabog kong pinatong ang plato ko sa gitna.

Yohan and Zackie's jaws dropped as if they witnessed something phenomenal. Tumalikod ako at iniwan ko silang lahat. Mga kupal. Pagkain na nga lang ang pahinga ko sa mundo nila, ipagkakait pa sa akin.

Hindi ko sila pinansin at naging dire-diretso ang lakad. Bahala na kung saan ako dadalhin n mga paa ko. Ang dami ko na ngang iniisip ay dadagdag sila. After Mr. Black's offer, everything became complicated. Lumiko ako sa Green House at paglakad ko sa kaliwa'y napunta nanaman sa iba ang iniisip ko.

No. I wasn't bothered because of Mr. Black's offer. . . I was bothered because I thought I saw Carden.

"Alangan namang gunu-guni ko, kitang-kita ko na nga?" I can't help but to talk to myself. Huminto ako sa harap ng fountain at pinagmasdan ang repleksyon ko mula sa umaagos nitong tubig. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi alam kung ano'ng magiging sagot ko kay Mr. Black.

A temporary bedroom is useless without money. Money isn't just essential basic needs. It's also for survival. Napasuklay na lang ako ng buhok dahil pakiramdam ko'y sasabog na ang utak ko kakaisip. What should I do if their form of money here is the gems that are displayed on their wands?

How can I get gems? I'm not a wizard in this world. . . Everyone claims that I'm their familiar.

"If I'm a familiar, I should have a power." I whispered to myself. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatitig sa mukha ko sa tubig. "Nasa'n na, aber? Kahit abra-cadabra man lang ay wala!" Napabuga ako ng hangin.

I need to think rationally. No. I always think rationally but my mind is occupied. Pumikit ako't huminga nang malalim para naman ay makapag-isip ako ng maayos. Sa pagdilat ko ay nagsalubong ang mga kilay ko dahil bumungad sa akin si Mateo. He's running to my direction.

I rolled my eyes. Tumayo ako't akmang tatalikuran na siya ngunit sinigaw niya na ang pangalan ko. Paglingon ko sa gilid ay natameme ako dahil bumungad sa akin ang pagmumukha ni Castor. He is squatting on top of the fountain's marble statue.

"Are you... mad?" Castor whispered like a scared child. His gaze softened. It was as if he was being very careful about what he would say. I rolled my eyes at him.

"Hindi obvious, Castor? Ka-imbiyerna kayo!" Inis kong sambit at sinuklay ang buhok. Castor looked down like a puppy that has been scolded.

Napahilot na lang ako ng sentido dahil naiipit na ako sa kanilang dalawa. I appreciate Mateo's helps but whenever Castor adds to the picture, everything seems to be messy. Please lang, kahit konting rest lang ang ibigay nila sa akin.

"I'm sorry," Castor whispered. Napaawang na lang ang bunganga ko dahil narinig ko siyang sumisinghot. Don't tell me he's crying just because I raised my voice at him?!

Naiinis kong ginulo ang buhok ko dahil sa inis. Everything is making me crazy. Ang gusto ko lang naman ay kahit konting segundo na mapag-isa't makapagisip pero parang ang hirap ibigay sa akin. I just stared hopelessly at Mateo when he stood in front of me, as if he didn't know what to do when he saw me with Castor.

''Ano? Tapos na kayo magsubuan?'' Naiirita kong sambit. Napaiwas tingin na lang si Mateo dahil alam kong ramdam niya ang inis ko sa kanilang dalawa. Dapat lang na marunong siya makiramdam. I was busy thinking about Mr. Black's request, and then I also had to think about them.

''Where will you go?'' Castor asked. Rumolyo ang mga mata ko sa kaniya.

''Ano'ng pake mo kung saan ako pupunta?'' Pambabara ko sa kaniya't napakamot ulo na lang siya na para bang hindi alam ang gagawin. Mula sa pag-squat niya sa gilid ng fountain ay lumundag siya papunta sa akin.

''But you don't know this place,'' he said in a soft tone. Saglit akong natigilan at nakipagtigasan ng tingin sa kaniya. He has a point. I only went to the first section's class and to the green garden. Ni dormitoryo ay wala rin akong alam at kung mag-isa ko ay siguradong mawawala't mawawala rin ako.

''I know this place.'' Pagmamatigas ko. ''I will go back to the Dining Hall.''

''You can't because Obi's class is there. It's already the section five's turn to eat.'' Castor towered me. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil mukhang wala talaga siyang balik na tumuloy ako sa Dining Hall. Maawa siya sa akin kamo dahil ni isang piraso ng clamp na pinag-awayan nila ni Mateo ay wala akong natikman dahil sa kabobohan nilang dalawa.

''Ano'ng pake ko kung sino man ang Obi na 'yan?'' I rolled my eyes and gritted my teeth. Mateo stepped in.

''He's right. It's better if you stick on our dorm. Hindi rin maganda ang timpla ni Obi dahil narinig niya ang mga usapin tungkol sa'yo.'' Lalong nalukot ang mukha ko nang magsalita si Mateo. I scoffed because, even here, I encounter people who are mad at me for no reason at all.

''E 'di magalit siya sa akin kung gusto niya. Kahit pumutok pa ang bunganga niya'y wala akong pake.'' They couldn't do anything when I started walking. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ko dahil halos magmakaawa na si Castor sa akin para lang hindi ako tumuloy.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya o ano. When I first met him, he did nothing but announce that he was Arthur Vaughn's reincarnation and acted all mighty, as if everyone was scared of him.

But now he is begging me not to walk to the Dining Hall with a random guy named Obi? And he's with someone from section five, when in fact Castor belongs to the first section? Nasaan na ang tapang ni Castor noong una ko siyang nakilala?

Where is the Castor who used to put a chain around my neck, drag me, and treat me like a dog?

''We're not acting like this because we're afraid of Obi. We will be busy next week because we have upcoming quizzes.'' Pagpapaliwanag ni Mateo. Mukhang may sasabihin pa siya ngunit natawa na lang ako sa rason niya.

''Ano namang kinalaman ng Obi na 'yan sa quizzes niyo? Hawak niya ba ang ballpen niyo?'' Pagtitimpi ko sa kanilang dalawa. Mateo took a deep breath.

Akmang magsasalita na sana si Castor pero ayaw ko siyang patapusin at agad akong umiling. Kung ano man ang gusto niyang sabihin ay 'wag niya na lang sabihin. The best way for him to impress me is by keeping his mouth shut. Kahit na dumikit-dikit siya sa akin na parang linta't shut up na lang ang mouth niya.

''He's the leader of the group who attacked you—''

''Ano ngayon?'' I interrupted Mateo's sentence by scoffing. Castor's gaze softened, and I looked away because if he weren't wearing a Love Collar, he would have surely cursed me or, worse, put a chain collar around my neck again.

''Obi is not powerful or not. He's the Principal's—''

''Uso rin pala ang ganyan dito? Akala ko kasi si Castor lang na kala mo hari kung umasta porke reincarnation ni Arthur. Wala akong paki kung anak ng prinsipal 'yang Obi na 'yan.'' I rolled my eyes at them. Hindi ko sila pinansin at naging diretso ang lakad ko sa harap hanggang sa si Castor na mismo ang humarang sa akin habang naglalakad ako sa daan.

"Come with me if you're hungry. I'll tell the Dining Hall's chef to cook for you." Castor looked serious. Hindi ko nga lang maiwasang matawa sa sinabi niya dahil sino ba'ng may sabing kailangan ko ang tulong niya?

''Mateo! Mateo!''

Sabay-sabay kaming lumingon nang marinig namin si Yohan. Our forehead knotted because he was alone. Ngunit ayon sa itsura niya ay parang nagmadali siyang tumakbo papunta sa amin.

"May tsismis! Mr. Black is mad at the office because of Carden came back—" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya agad dali-daling sumiksik. My eyes widened because I wanted to make sure I heard the right thing. Ramdam ko pa ang nginig ng kalamnam ko.

"Carden? Sino'ng Carden? I know someone named Carden too!" Nagmamadali kong sambit. "Who is he? You have a Carden in this world too?" Hindi ko alam kung bakit kahit hindi pa ako sinasagot ni Yohan ay may kutob na ako.

"Carden? The one who was gone for two semesters?" Nakataas na kilay na sambit ni Castor. Sunod ko siyang tinitigan at hindi ko napigilang mag-isip. Kung hindi ako nagkakamali ay nag-aral din ng two sems si Carden sa school ko.

"Where can I see this Carden? Nasaan siya?!" Natataranta kong sambit habang ramdam ang panginginig ng kamay ko. Kamuntik ko pang hilain ang braso ni Yohan dahil ang bagal niyang sumagot sa akin. Mahirap bang intindihin ang mga tanong ko?

"Nasa office ni Mr. Black! Pinagkakaguluhan siya! Cassie, tawag ka rin ni Mr. Black!" My forehead knotted because I didn't know why I was called again. Siguro dahil wala pa akong sagot sa offer sa akin.

"You know a Carden too?" Mateo leaned closer. Lumingon ako sa kaniya't bago pa ako sumagot ay pumagitna sa pagitan namin si Castor.

"You had a Carden in your world too? That man used to ace their exams. He belongs to the Gold Cloak wearers too." For the first time, I paid attention to Castor. Saglit kaming nagkatitigan. I stared at him for the longest time, and I noticed his face turned red as he looked away.

Hindi ko na siya masyadong pinagtuunan ng pansin pagkatapos. Mas focus ako sa pag-confirm kung ang Carden nga na kilala ko ang tinutukoy nila dahil malakas ang kutob ko na oo. Hindi na nga ako masyadong umiimik kahit na halos umabot ng hallway ng ingay ni Yohan sa pagkuwento.

I am sure it was Carden all alone who brought me into this world.

And gave me the Love Collar.

''You were right. There's a lot of wizards here.'' Narinig ko pa ang komento ni Mateo nang makarating nga kami sa tapat ng opisina ni Mr. Black. Ang iba'y nagbigay daan sa amin upang makadaan.

''No wonder why. It's because that Carden guy made folks when he leaked the final examinations to almost twenty sections in silver cloak wearers.'' I stare at Castor with horror in my eyes because of what he said. Natigilan din siya dahil sa reaksyon ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa't nang buksan ni Mateo ang pinto ay mas nauna pa akong pumasok sa kanila.

I walked quickly into Mr. Black's office as I felt my heart pounding. Namataan ko ang isang pamilyar na likod. The familiar man is standing in front of Mr. Black, facing him. Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay ko dahil sa pinaghalong kaba't galit. I took a deep breath before shouting his name.

''Carden!'' Halos umalingawngaw ang sigaw ko sa loob ng opisina't kahit si Mr. Black ay nagulat.

I lifted my hand, eager to give him a slap because he deserved it for putting me through hell in this world. Yet, when we faced each other, my necklace started to float in the air.

All I saw before my vision went black was Carden's smirk.

𝙒𝙊𝙈 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #2 | 𝙏𝙊 𝘽𝙀 𝘾𝙊𝙉𝙏𝙄𝙉𝙐𝙀𝘿...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top