Chapter 20
Chapter 20
Avery's Condition
As we heard the gun shot echoing around the grand hall, the girl I'm with falls on my arms.
Kahit ako ay kinagulat ko nang makita ko si Arthwest na siyang bumaril kay Avery. Mabilis naman siyang dinakip ng mga royal guards at inilabas kaagad ito. Mabilis kaming dinaluhan ng ibang naki-usisero. Agad ko namang binuhat si Avery at dinala ito sa castle clinic. Agad naman siyang inasikaso ng mga nurse at doctors at naiwan naman ako sa labas.
Nasuntok ko na lamang ang pader pero agad naman akong pinigilan ni Leonard sa ginagawa ko.
"Henric, 'wag mong saktan ang sarili mo!" sigaw ni Leonard sa akin.
Napailing na lang din naman ako.
Hindi ko alam kung paano nakapasok dito si Arthwest at sa pagkakaalam ko ay nasa Amea siya kasama ang kanyang anak pero ngayon? Si Arthwest na naman ang naging hadlang para matuloy ang isang coronation. Nahuli na rin naman daw ito pero hindi sapat 'yon! Paano kung buhay ang maging kapalit nito.
Paano kung mawala si Avery sa akin? Hindi ako makakapayag.
Lumabas ang Doctor mula sa loob ng room.
"Ginagawa namin ang lahat King and Queen pero ang balang pumasok sa kanya ay tumama sa kanyang spinal cord, gagawin namin ang lahat para maging ligtas at maayos ang kanyang kondisyon pero pinapaalam namin sa inyo na may posibilidad na ma-coma si Princess Avery kapag aming natanggal ang bala sa kanyang spine."
"Doc, please do everything! Save her!"
Tumango naman ang Doctor, assuring us that they will do their best to save Avery.
Hindi kami mapakali lahat sa labas ng operating room. Nag-aalala kami sa kondisyon ni Avery. Hindi ganito ang inaasahan naming mangyayari sa kanyang coronation. Lahat na lang ba ng pagsubok ay kailangang pagdaanan ni Avery? Sobra sobra na ata 'yon. Hindi ko kakayanin kung sumuko na lang si Avery at hindi kayanin ang lahat ng ito.
Pero hindi pwedeng mangyari 'yon, alam kong matapang si Avery and she wouldn't leave us just like that. Hindi niya kami hahayaang mangulila sa kanya. Marami pa akong pangrap sa aming dalawa. I don't know what will happen if Avery wasn't here beside me.
Nang dumating naman ang ilang royal guards para sabihin sa amin ang ginawa ni Arthwest kanina. Nakatakas daw ito sa Amea at sinamantala ang pag-alis ng mga royals doon. Hindi ko inakala na makakatungtong 'yong dito. Hindi ako makakapayag na babalik lang siya sa kulungan. Kailangan na niyang mawala sa mundong ito.
Halos lahat kami sa labas ng operating ay inaabangan ang anunsyo ng Doctor kaya nang lumabas na ito, lahat kami ay lumapit sa kanya upang malaman ang hatid niyang kalagayan ni Avery.
"Doc, pwede na kaming pumasok?" tanong ni Maisie.
Tumango naman ang Doctor, "huwag lang kayong ma-iingay, nagpapahinga ang princess." Aniya.
Pumasok ang magpapakapatid sa loob habang naiwan naman kaming kaharap ang Doctor. Kasama ko ang King and Queen, si Koby at ang aking mga magulang.
"Doc, ano na pong kalagayan ni Avery?" Queen asked.
Agad na ngumiti ang Doctor, "we successfully done the operation on her spinal cord. At ang mabuti pa roon ay hindi mauuwi sa coma ang Prinsesa, ginawa namin ang lahat ngunit sa kabilang banda ay hindi dapat mapagod ang katawan niya at kailangan ng sapat na pahinga para bumalik sa dati ang kanyang kalagayan. For her few weeks, kailangan niya munang magwheel chair upang hindi mabigla ang kanyang opera sa spinal cord." Aniya.
Now that's a good new for us, nakahinga rin kami ng maluwag sa sinabi niya.
"And one more thing, the baby is safe."
Nagulat naman ang lahat sa sinabi ng Doctor. Napunta naman sa akin ang lahat ng atensyon nila.
"Doc, Avery's pregnant?" I asked.
Napakunot noo naman ito, "you didn't know, Prince?" I shook my head. "So, there it is, Congratulations Prince Henric, she's now two weeks and half pregnant." And with that news, nabato na lamang ako sa kinatatayuan ko.
Avery's pregnant and soon I will be a father?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top