Chapter 14
Chapter 14
Tinago
~Avery's POV
Maaga kaming naghintay ni Henric ng barko na masasakyan papunta sa North Peeliana, nahirapan lang kami dahil walang maglalayag papunta sa North Peeliana dahil sa kaguluhan ng dalawang kingdom ngayon. Isa pa na naging mahigpit ay ang seguridad ng North Peeliana sa mga papasok dito. Kung kaya lang namin kontakin ang pamilya ko doon ay mabilis kaming makakarating doon gamit ang private airplane.
"Princess Avery, North Peeliana po baa ng punta niyo?" ani ng isang lalaki na lumapit sa amin.
Tumango naman ako, "oo, wala pa rin bang barko na papunta doon?"
"Meron na po Princess," aniya. Napatingin naman ako kay Henric dahil mabuti na lang ay may masasakyan na kami, "ang cargo ship po na iyon ay papunta ng North Peeliana." Tinuro naman nito ang isang kalapit na barko.
"Talaga po? Maraming salamat!"
"Wala po iyon Princess, aalis na rin poi yon kaya mabuti ay tumuloy na kayo doon." Aniya.
"Salamat po talaga!" ngiti ko pa.
"Marami pong salamat." Usal ni Henric sa lalaking iyon.
Tumungo naman kaagad kami ni Henric sa cargo ship na tinutukoy ng matandang lalaki kanina, hinarang pa kami ng ilang pahenante doon pero nang makilala naman nila kami at sinabi kung anong kailangan namin ay pinayagan naman nila kaagad kami. Dinala naman nila kami sa isang cabin, doon naman kami nanatili ni Henric hanggat sa makarating kami papunta ng North Peeliana.
Nilagay naman ni Henric ang kamay niya sa balikat ko, "magiging okay ang lahat pagdating natin doon."
Napahinga na lang din naman ako ng malalim, "paano ako magiging okay kung sinuko na ni Queen ang North Peeliana sa kamay nila Jestwick?" napailing na lang din naman ako. "Masyado akong natakot noon kaya umalis ako ng North Peeliana at hindi ko naisip kung anong posibleng mangyari. Nakakapangsisi!"
Niyakap na lamang ako ni Henric, "Avery, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi naman gagawin ni Queen 'yon kung wala siyang ibang gagawin diba? Isipin mo, bakit isusuko na lamang ni Queen Thesea ang North Peeliana nang gano'n lang kadali?"
Napatitig naman ako sa mukha niya nang sabihin niyang iyon.
"Kung gano'n, anong rason niya para isuko ang sarili kay Jestwick?"
Napakibit balikat na lang din naman ito, "malalaman natin pagdating natin doon."
Nag-abala pa ang ilang crew na dalhan kami ng pagkain, 'yon nga lang ay isang tray lang dahil kukulangin daw ang sa ibang crew kaya naman naghati na lang din naman kami ni Henric. Nakikisakay na nga lang kami, makukuha pa ba naming umangal? Nang matapos naman naming kumain ay natulog muna ako at ginising na lamang ako ni Henric nang pumasok ang ilang crew para sabihan kaming nakarating na ang barko sa North Peeliana.
Mga bandang hapon na iyon pero mabilis naman kaming tumungo papunta sa palasyo. Mabilis naman kaming pinagbuksan ng gate ng mga royal guards ng makilala nila kami. Agad naman nila kaming dinala sa pamilya ko. Unang sumalubong sa amin ay si Maisie. Isang mahigpit na yakap na lamang ang naging bati nito sa akin.
"Avery, bumalik ka na." aniya, nangingilid ang mga luha nito.
"Maisie, bumalik ako dahil nalaman ko ang ginawa ni Queen, totoo ba 'yon?"
Napabuntong hininga na lamang si Maisie saka tumango. Mas lalo akong nag-aalala at natakot sa kompirmasyong iyon. Sinama naman kami ni Maisie kung nasaan ang iba ko pang mga kapatid. Natagpuan namin silang lahat sa Grand Hall. Natigil pa sila ng makita ako pero agad naman akong nilapitan ng mga kapatid ko.
Sa sobrang dami nila, damang dama ko 'yong pag-aalala rin nila para sa akin.
"Avery." Ani King. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ko, "we missed you so much."
Sa pagyakap nito sa akin ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
"Bakit niyo hinayaan na isuko ni Queen ang sarili niya? Bakit?"
Lumuwag ang pagkakayakap ni King sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko, "Hindi hahayaan ng Queen na may mangyaring masama sa kanya at buong North Peeliana."
"Pa'no niyo po 'yan nasasabi? Nasa South Peeliana ang Queen, pinamumunuan ni Jestwick ang lugar na 'yon. Sa tingin niyo po ba hindi kami mag-aalala nang ganito?"
"Avery, makinig ka." Aniya, "at kayo..." saka niya tiningnan ang aking mga kapatid. "Sa tingin niyo ba gano'n na lang kadali para sa aming dalawa ni Thesea ang isuko ang North Peeliana at ibigay na lang 'yon kay Jestwick? Maling mali 'yon pero dumating kami ni Thesea sa puntong gumawa ng desisyon na kaming dalawa lamang ang makaalam. Tinago namin iyon dahi iyon ang mas makakabuti sa ating lahat." Aniya.
"King, ibigsabihin ba nito babalik ang Queen?" ani kuya Wilhelm.
Tumango naman ang King, "sa ngayon, ginagawa na ni Thesea ang nararapat niyang gawin. Isa siyang Hampton noon, at nag-iwan siya ng salita sa atin na ang mga kaguluhang ito ay dapat matagal na niyang natapos kaya't bumalik siya para tuluyan iyong wakasan."
"King, ano pong mangyayari pagkatapos no'n?" tanong naman ni Ingrid.
Napailing naman ang King, "hindi ko alam pero sa ngayon, kailangan nating hintayin ang pagbabalik ni Thesea sa North Peeliana."
Kahit papaano ay naging kampante naman ako sa sinabi ni King. Hinatid naman ako ni Henric sa aking kwarto. Ngayong nakabalik na ako sa North Peeliana ay hindi na muli ako aalis, tiwala ako sa desisyong ginawa ng King and Queen para sa buong Peeliana's.
"Henric, kamusta na pala ang Amea?"
"Ayos naman, mas lumakas ang naging pakikipagkalakaran sa iba pang bansa." Aniya, "bakit mo naitanong?"
"Nagtataka lang ako, at hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko pero ngayong magkausap naman tayo, now I can ask you this."
"Yeah, go."
"Bakit mo kasama 'yong Milliesent na 'yon nang pumunta ka sa Halliway noon? At ano 'yong gusto niyang sabihin na hindi ko alam tungkol sayo? Henric, sabihin mo nga sa akin..."
Bigla namang lumikot ang kanyang mga mata at lumapit sa akin, "ano bang tanong 'yan, Avery?"
"I'm just curious, Henric." Ngiti ko pa sa kanya.
Napakamot naman siya sa kanyang batok, "Wala 'yon, hayaan mo na lang." aniya.
Nang nagpaalam naman siya na matutulog na sa kabilang kwarto ay natulala na lamang ako sa kisame. Anong ayaw sabihin ni Henric sa akin? Bakit hahayaan ko na lang 'yon kung feeling ko, may kakaibang nangyayari na pala?
Henric, ano 'tong tinatago mo sa akin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top