The Masquerade
Chapter 8
One week later...
Hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ni Jomae ang mga pangyayari pagkatapos ng wedding anniversary celebration ng kanyang mga magulang.
Ang naganap sa paggitan nila ni Jestoni ng gabing iyon ay nagpasimula ng isang hindi pangkaraniwang relasyon sa paggitan nilang dalawa, friends with benefits - sex with no-strings-attached.
Sa compound ng ALC Network, they go about their business as usual. Ma'am Jomae pa rin kung tawagin siya nito sa kabila ng katotohanang isa rin ito sa tagapagmana ng kompanya bagaman at ilan lamang ang nakakaalam.
Maliban sa text messages ay hindi sila personal na nag-uusap maliban na lamang kung tungkol sa trabaho. Sa mata ng lahat ng nakapaligid sa kanila, siya pa rin si Mary Jomae Aragon-Zaragoza, the heir apparent at ang binata ay isa lamang sa mga prized director under contract sa ilalim ng kompanya.
Isang lingo na siyang hindi umuuwi sa kanilang bahay sa St. Lorenz sapagkat araw-araw ay sa condo unit niya tumutuloy ang binata. Madalas ay dis-oras na ng gabi ito kung dumating sapagkat ang teleseryeng dinidirehe nito ay malapit ng matapos.
Hindi man nila pinagkasunduan ang naturang arrangement ay kapwa nila naunawaan na sa kasalukuyang sitwasyon ay hanggang ganoon lamang ang kaya nilang ibigay sa isa't isa.
Dinampot niya ang kanyang i-phone at nagsimulang magcompose ng text message para sa binata.
Going home 2nite
Ngayong araw na ito nakatakda siyang umuwi sa kanilang tahanan. Isang lingo lang ang paalam niya sa mga magulang na hindi niya pag-uwi.
Bagaman at maaari naman niyang i-extend ang pagtuloy sa kanyang condo unit ay hindi niya iyon ginawa sapagkat ayaw niyang may mabago sa kanyang routine.
Magtataka ang mga kasambahay kung may mababago sa kanyang mga kinagawian na. Napakalakas pa naman ng pang-amoy ng kapatid niyang si Magdalena, minsan tuloy naisip niya na mas bagay itong gossip reporter kaysa maging isang manager.
Tumunog ang kanyang message alert tone at binasa niya ang text reply ni Yuli sa kanya.
Yup! We're packing up so I'll be early. Don't cook, I'll bring dinner.
Nagtaka siya sa reply ng binata, then she realize na hindi niya nalagyan ng punctuation mark ang kanyang text kanina kaya naman inakala nito na nagtatanong siya kung sa condo niya ito uuwi mamaya.
Saloob ng ilang sandali ay natukso siyang huwag ng itama ang pagkakaintindi ng binata sa kanyang text subalit sa wakas ay ipinasya rin niyang ituloy ang orihinal na plano.
Kailangan rin naman niyang lumayo muna pansamantala sa binata upang makapag-isip.
Somehow she can't help but feel somewhat apprehensive kaya naman muli siyang nagtext.
No, I mean uwi na ako sa bahay namin sa St. Lorenz.
Tatlong mahabang minuto ang hinintay niya bago makatanggap ng reply mula sa binata at nadismaya siya ng isang simpleng "o'k" lamang iyon.
She took several deep breaths to clear her head and buzzed her secretary in.
Ilang sandali lamang ay pumasok na sa kanyang opisina ang may edad ng sekretarya na kung tawagin ng lahat ay tita Evie. Kasing tanda na yata ito ng lolo niya subalit hanggang ngayon ay aktibo pa ring nagtatrabaho.
Sa tagal nito sa kompanya ay mas alam pa nito ang pasikutsikot sa industriya kaysa sa kanya kaya naman napaka-efficient nito sa kabila ng edad.
Noong mapromote siya bilang Vice-President for Entertainment ay magkasama niyang tinaggap ang posisyon at ang sekretarya.
Dahil napatunayan niyang mahusay ito sa trabaho ay hinayaan niyang manatili ito sa posisyon, napag-alaman din niya na may espesyal na kasunduan ito sa kanyang lolo kaya naman hindi ito basta basta mapapaalis o maililipat ng pwesto.
"Tita Evie, do I still have important appointments? Kung wala na, paki-reschedule na lang yung iba pang natitira. I need to go home early today."
"You have a dinner party at the Ragency's Queen Anne's function hall at 8 P.M." matipid nitong sagot at saka inabot sa kanya ang isang puting sobre na naglalaman ng imbitasyon para sa naturang pagtitipon.
"Dinner party?" Binasa niya ang nilalaman ng sobre subalit walang nakasulat sa puting card na nilalaman nito kundi: please come...
Muli niyang binalingan si tita Evie.
"Sino nagbigay ng invitation tita?"
"Si Magdalena. Nagmamadali siya kanina kaya naman hindi ko na naitanong ang buong detalye. Since pamilya naman ang nagpa-schedule kaya ikinalendar ko, by the way, pinabibigay rin n'ya yang box na iyan sa iyo." Itinuro nito ang kulay pink na kahon na parehaba. Sa laki nito ay halos sakupin ang kalahati ng conference table sa gawing kaliwa ng malawak niyang opisina.
"o'k tita, is there anything else?" Umiling lamang ang kausap at saka tuluyan ng lumabas ng kanyang silid.
Tumayo siya sa kinauupuan at saka lumapit upang matingnan ang nilalaman ng kahong iniwan ni Magdalena. Nanlaki ang kanyang mata ng tumambad sa kanyang paningin ang kulay pulang sequined mini dress, 3 inch red pumps at pulang maskarang kapag sinuot mo ay tanging labi lang ang makikita.
Mabilis niyang pinindot ang speed dial sa kanyang cp at tinawagan si Magdalena.
Sa ika-tatlong ring ay sinagot nito ang tawag niya.
"Ate, what is it? Pakilakasan ng boses mo, please. Hindi kita masyado marinig." May kaingayan sa background kung saan ito naroroon.
Nilakasan niya ng bahagya ang kanyang boses, "I said, ano itong dinner party invitation na dinala mo dito sa opisina? Pagod ako ngayon, ikaw na lang ang dumalo."
"Hindi ba nabanggit sa iyo ni lolo? You need to entertain some important guest tonight daw. Nautusan lang ako na dalhin diyan sa office mo ang costume and invitation. Last taping today ng Love and Let Love. There's going to be a celebration party after so I can't represent you."
Nawala sa isip niya na si Ryan nga pala ang bida sa teleseryeng dinederehe ni Jestoni at bahagi na ng tradisyon ang magkaroon ng celebration party pagkatapos ng bawat show na ipinuproduce nila, huwag nang sabihin na top rater ang nasabing teleserye.
Inaasahan na rin nila na manonomina ito kundi man magwawagi sa susunod na award season.
"No. One week na kaming hindi nagkikita at nagkakausap ng lolo." Come to think of it, matapos ng wedding anniversary ng kanyang mga magulang ay hindi na man lang nagparamdam ang kanyang lolo.
Ni hindi man lang siya nito ipinapatawag sa opisina nito sa main office na nasa kabilang gusali lamang sa loob ng compound ng kompanya. Datirati naman ay hindi lumilipas ang araw na hindi siya nito pinagrereport sa opisina nito o kaya naman ay ito ang pumupunta sa kanya. Masyado siyang naging abala nitong linggong ito kung kaya't hindi niya namalayan.
"Eh, call him na lang para kayo na mag-usap. Ate I have to go na, direk Jestoni is calling me. See you, muah!"
Tumahip ng bahagya ang kanyang dibdib ng banggitin ng kapatid ang pangalan ng binatang may isang linggo ng hindi nawawala sa kanyang isip.
Sinubukan niyang tawagan ang kanyang lolo subalit wala ito sa opisina nito. Sang-ayon sa sekretarya nito ay isang linggo na itong hindi nagpapakita at lahat ng importanteng dokumento ay pinapadala na lamang via a messenger sa bahay nito sa New Manila.
Nang tawagan naman niya ito sa bahay nito ay sinabi ng mayordoma nitong si Manang Tess na nagbabakasyon ang matanda at kahapon pa umalis.
Sa huli ay tinawagan niya ang mga magulang ng hindi siya makakonekta sa cp nito sapagkat out of coverage area daw. Nakausap niya ang kanyang ina at sinabing pumunta ang kanyang lolo kasama sina lolo Anton at Uncle Connie sa Palawan para magbakasyon.
Wala siyang pagpipilian kung hindi ang dumalo sa masquerade dinner party. Kung sino man ang kanyang kailangang i-entertain ay siguradong importanteng tao talaga, sapagkat kung hindi naman ay hindi siya personal na papupuntahin ng lolo niya. Ipinasya niyang umuwi na muna ng maaga upang makapaghanda para sa dadaluhang pagtitipon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top