The Interview Part 1
Chapter 21
Napakarami ng nag-aabang sa programang Star Buzz. Sa dami ng teaser na pinalabas bago pa man ang araw ng interview ay talaga namang nagkakagulo ang lahat. Ilang programa na rin ang pilit na nagpapabook sa kanya para mapaunlakan rin ng panayam subalit magalang niya itong tinanggihan lahat. Kung kaya nga halos lahat ay nakatutok sa programa, maging ang mga kalabang istasyon.
Last segment ng programa ang kanyang interview. Maliban sa regular staff at mga guest ng Star Buzz ay maramirami rin ang nasa studio B upang personal na mapanuod ang kanyang panayam. Sa isang sulok ay tahimik na naka-abang si Aris na hiniling niya ang presensiya ng araw na iyon.
Ilang commercial na lang at magsisimula na silang umere. Umayos siya ng puwesto at tiniyak na walang mali sa kilos at pananamit niya.
Isang floral pink full dress ang suot niya. High necked ang bestida subalit walang manggas. Isang simpleng puting slip on sandals na walang takong ang suot niya. Halos hindi rin siya nag lagay ng make up maliban sa pressed powder at manipis na pink lipstick ay wala na siyang ibang koloreteng nilagay sa mukha.
Maging ang buhok niya ay hindi niya ipinaayos sa hairdresser. Hinayaan lamang niya iyong nakalugay at tanging maliit na pearl earings lang ang kanyang alahas.
Simula ng malaman niyang nagdadalang-tao siya at matapos kumunsulta sa doktor ay iniwasan na niya ang kahit anong kemikal, mapa make up, nail polish, hair spray o kahit anong uri ng pabango. Iniiwasan na rin niya ang pagsusuot ng high heeled shoes.
Lahat ng kinakain niya ay organic at hindi na rin siya nagmamaneho, pansamantala ay hiniram niya si Mang Ambo kay Magdalena upang sa kanya muna magsilbi bilang driver.
Nag count down ang program director at nagsimula na ang panayam...
Ate Joy: Muli po ay nagbabalik ang programang Star Buzz at sa pagkakataon pong ito ay masasaksihan na ng buong bansa ang pinakahihintay na panayam sa tinaguriang Refined Princess of Philippine Entertainment. Magandang hapon sayo Miss Jomae.
Jomae : Magandang hapon din sa inyo Ate Joy at ganoon din sa lahat ng mga manonood. It's a pleasure to be here today.
Ate Joy: Maikli lamang angating oras kaya't hindi na ako magpapaligoyligoy pa. Matunog na matunog ang balita at usap-usapan ngayon sa loob at labas ng showbiz ang iba't ibang espekulasyon tungkol sa iyong love life. Ang tanong... In love nga ba ngayon si Jomae Aragon-Zaragoza?
Jomae : Yes, I am, ate Joy.
(Umugong ang hiyawan sa loob ng studio.)
Ate Joy: Is the feeling mutual? Does he love you too?
(Ngumiti siya ng mabini bago sumagot)
Jomae : I'd like to think that he does. He said so himself but I really cannot speak for him, siguro mas mabuti kung siya ang tanunging ninyo sakali mang magpaunlak siya ng panayam.
Ate Joy: Oh, I'm sure he does... So Jomae how did you meet? I'm sure marami sa ating televiewers ang curious?
Jomae : Matagal na naming kilala ang isa't isa. Its been years since we were first introduced, we move in the same circle. Pero kelan lang talaga kami naging magkaibigan and eventually developed deeper feelings for each other.
Ate Joy: Nakakakilig naman ang iyong mga rebelasyon. Here's a question from one of our televiewers... Naipakilala mo na ba siya sa iyong pamilya? How did they like him? Boto ba sila dito para sa iyo?
Jomae : Siyempre naman po, matagal ng magkakilala ang aming mga pamilya. My family absolutely loves him at wala rin naman po akong masasabi sa pamilya niya. I dare say na they treat me as a family already.
Ate Joy: Really? Wow naman! Does that mean that a wedding is forthcoming?
Jomae : Ikaw naman Ate Joy... Hindi pa naman siya nagpopropose, but don't worry, when it happens, I'll give Starr Buzz the exclusive coverage rights.
Ate Joy: O sinabi mo yan ha... Saksi po ang buong bayan sa pahayag ni Miss Jomae. Aabangan naming lahat yan. Magbabalik po ang Starr Buzz matapos ang ilang patalastas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top