Seloso, Selosa... Huli Ka!

Chapter 11

"Well, three days ago your sister Lena called me from Australia and asked me if I can meet up with you here in the Philippines. I was busy but she already sent an all expense paid vacation package for a week so here I am."

Tumiim sa utak ni Jomae ang implikasyon ng sinabi ni Bradley.

Ten years ago ay tinangka ng pamilya nito na bayaran siya upang layuan ang binata. Ngayon naman ay pamilya niya ang nagbayad upang bumalik ito.

Naikuyom niya ang mga kamao upang pigilan ang sarili na masampal ito.

"How dare you! How dare you! How! Dare! You!" paulit-ulit na nasabi ng dalaga sa kaharap. Hindi siya sumisigaw subalit bawat bitaw ng salita ay halata ang papatinding gigil na kanyang nararamdaman.

"Jestoni!!!!!"

Napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan at marahas na nilingon ang pinagmulan ng tili, hindi pansin ang kung anuman ang sinasabi ng nagpapaliwanag na banyaga.

Sa kabila ng malamlam na ilaw, isang dipa mula sa kinauupuan niya ay walang magkakamali kung sino ang okupante ng table three. Walang iba kundi si Jestoni at Cristine Rivera – magkayakap habang magkatabing nakaupo sa love seat!

Saglit lang na nagtama ang paningin nila ni Jestoni bago siya tuluyang umalis ng hindi man lang nilingon ang kanyang kadate.

Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan man siya ng mga taong kanyang nadaraanan. Ang kanyang mga mata ay wala na halos maaninaw sapagkat hilam na ito sa luha.

Ang dahilan ng kanyang pag-iyak ay hindi pa niya matiyak sa sarili kung ito ba ay dala ng inis sa kapatid sapagkat pinakialaman nito ang pribadong bahagi ng kanyang buhay, o kung ito ba ay dahil sa galit sa muling nakatagpong ex-boyfriend o marahil sa di maipaliwanag na sakit na kanyang naramdaman dala ng nakita niyang eksena sa pagitan ni Jestoni at Christine Rivera.

Habang papasara ang elevator na magdadala sa kanya patungo sa basement parking ay nakita niyang pilit siyang hinahabol ni Bradley. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagpindot sa close button ng elevator upang tuluyan ng magsara ito at hindi na umabot pa ang humahabol na binata.

Samantala sa Queen Anne's Hall...

(Jestoni's POV)

"Oh no... Kuya Jestoni, your princess does'nt look o'k."

Lingid sa kaalaman ng publiko, si Christine Rivera o Maria Cristina Tanuatco-Madlangawa ay pinsang buo niya sa maternal side. Ang ina nitong si Tita Devine ay kapatid ng kanyang inang si Dr. Josie.

Noong ipaliwanag niya sa pinsan ang gusto niyang mangyari ngayong gabi ay dagli itong pumayag.

Hinayaan niyang isipin ni Magdalena na pumapayag siya sa gusto nitong ipagawa sa kanya subalit iba ang dahilan ng kanyang pagpapatinuod rito.

Una, gusto niyang masaksihan kung ano ang magiging reaksiyon ni Jomae sa muli nitong pakikipagharap sa ex-boyfriend.

Pangalawa, nais niyang makita kung magseselos ba ito kapag nakita nitong may kadate siyang ibang babae.

Dito niya balak ibase ang mga susunod niyang hakbangin, kung aabante o aatras ba siya sa kanyang hangarin sa dalaga.

Subalit hindi niya mabigyan ng malinaw na interpretasyon ang mga naging aksiyon ng dalaga. Malinaw na hindi ito masaya sa muling pagkikita nila ng ex-boyfriend. At base sa naulinigan nila bago ito umalis ay matindi ang galit nito sa kausap.

Hindi tuloy niya malaman kung ang dahilan ng pag-alis nito ay dala ng galit sa kausap o sa selos sa pagkakita sa kanilang magkayakap ng pinsan.

Pinigilan niya ang sarili na sundan ang umalis na dalaga, bagkus ay kinuha niya ang kanyang cp at tinawagan si Magdalena.

"Lena, it doesn't look good. Jomae just walked out from here and she's angry." Bungad niya matapos sagutin ni Magdalena ang tawag niya.

"Oh no! I'm gonna be dead! Shit! Shit! Shit! Ano gagawin ko? Ryaaaan!!!!! Itago mo ko.... Kakalbuhin ako ni ate pag nakita niya ko. Direk, sorry. Gotta go. Ooops. Don't try to call me at this number. Io-off ko muna cp ko. I'll call you na lang when it's safe. Bye... Ryaaaaan!!!!"

Halos mabingi siya sa tinis ng boses nitong halatang nagpapanic. Ini-off niya ang cp at binalingan ang pinsan.

"We should go. Come on." Inalalayan niya ang pinsan sa pagtayo at magkaabrisiyete silang naglakad palabas ng function room. Naghiwalay sila sa lobby ng hotel at dumeretso na siya sa labas kung saan nag-aabang na ang kanyang sasakyan na dala ng valet ng hotel.

Habang nagmamaneho ay hindi niya mapigilan ang sarili na hindi tawagan si Jomae subalit hindi nito sinasagot. Nagsend na lamang siya ng text message dito.

R u o'k?

Narating na niya ang gate ng pag-aaring bahay sa Maharlika Village sa Antipolo City subalit wala pa ring reply mula sa dalaga. Hindi siya bumaba ng sasakyan bagkus ay nagpasyang muli itong padalahan ng text message.

I'm worried! Pls. say something. I thought we're friends?

Ilang sandali pa at nagreply na ang dalaga.

sorry, I'm not o'k. can't talk right now. tnx for d concern. I luv u

Minaniobra niya ang sasakyan palabas ng Village at tinahak ang daan pabalik sa Quezon City. Sigurado siya, na hindi uuwi si Jomae sa bahay ng mga magulang nito sa ganoong kondisyon. He's crossing his fingers nasana tama ang hula niya na sa condo unit nito ito tumuloy.

(Jomae's POV)

Pagdating na pagdating sa condo unit niya ay tuluyan nang humulagpos ang damdamin ni Jomae. Napahagulgol siya ng iyak kasabay ng pag-amin sa sarili na umibig na siya ng tuluyan kay Jestoni Tanuatco-Lardizabal.

Katunayan ang hindi maampat na sakit sa dibdib na nararamdaman niya ngayon dala ng matinding selos. It's a feeling unlike she's ever felt before.

Mas masakit kaysa naramdaman niya noong iwan siya ni Bradley.

Parang sasabog ang kanyang puso. Daig pa niya ang pinagtaksilan ng asawa.

Malinaw naman sa kanya na no-strings-attached ang namamagitan sa kanila ni Jestoni subalit kahit papaano ay umasa pa rin siya na exclusive ang kanilang no-strings-attached relationship.

Ang tanga tanga talaga niya. Saan ka ba naman nakakita ng relasyong walang commitment pero exclusive?

Kanina pa ito tumatawag sa kanya pero hindi niya makuhang sagutin. Nagpadala rin ito ng text message pero hindi rin niya alam kung paano sasagutin ng hindi magmumukhang tanga.

Kumuha siya ng isang bote ng red label sa liquor cabinet at sinimulang inumin ang alak mula mismo sa bote habang nakasalampak sa carpeted floor ng sala. Nakakatatlong lagok na siya ng iniinum ng muling makatanggap ng text mula kay Jestoni.

May punto naman ang binata. Hindi nga ba at siya naman ang nagsabi na magkaibigan sila? Wala siyang karapatan na masaktan o magpakita ng kahit na anong galit dito. She should be responsible for her own feelings at hindi nito kasalanan kung maapektuhan siya ng involvement nito sa ibang babae.

Nangangalahati na ang bote ng alak ng sunod-sunod na tunog ng doorbell ang gumulat sa kanya.

Tangan pa rin ang alak sa kaliwang kamay ay pasuraysuray siyang lumakad patungo sa front door upang pagbuksan ang kung sinu mang makulit na nagdodoorbell.

Her heart jumped out of her heart ng mabungaran ang binatang dahilan ng kanyang paghihinagpis.

"Anoh ginagawa mho dhito? Aren't you hon ha date?" sapagkat tipsy na ay halos mabulol na ang dalaga. Dinuroduro niya ng hintuturo ang dibdib ng bisita habang tinatanong ito.

Imbes na sumagot ay kinuha nito ang alak sa kanyang kaliwang kamay, ginagap ang kanan nyang kamay at hinila siya papunta sa sala.

Uminom rin ng tatlong sunudsunod na lagok mula sa bote ng red label ang binata habang lumalakad patungo sa sofa kung saan ito naupo. Iginiya siya nito paupo sa kandungan nito. Sa nanlalambot na tuhod ay walang nagawa ang dalaga kung hindi ang magpatinuod.

She ended up sitting astride him with her red dress bunch around her waist.

Hindi na napigilan ni Jomae ang damdamin at napasubsob siya sa dibdib ng binata habang tahimik na umiiyak. Niyakap siya nito at hinaplos haplos ang kanyang likod hanggang sa siya ay pumayapa.

Nang mahimasmasan ay tinangka niyang tumayo mula sa pagkakasaklang dito subalit lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Please let go... We gotta stop doing this. Akala ko kaya ko ang ganitong arrangement but I can't. I felt like a cheap whore. You still have her smell on your clothes and yet here you are." Sukat sa sinabi ay muli na namang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.

Masuyo siyang tinitigan ni Jestoni habang pinapahid ng likod ng palad nito ang kanyang mga luha.

"Shhh... Stop crying. Christine is my first cousin. You have nothing to be jealous about." Malumanay nitong paliwanag.

"Whaaat!" sukat sa narinig ay binaha ng pag-asa ang kanyang puso.

Masuyo siyang hinalikan ng binata sa noo saka ginagap ng dalawang palad nito ang kanyang mukha.

"Yes she is. Our mothers are sisters and... I love you too."

"Whaaat?" Nanlaki ang kanyang mga mata. Paano nito natiyak ang kanyang damdamin para dito. Ganoon na ba siya katransparent?

"Ang sabi ko, mahal rin kita. How did I know you love me? Because..." Ipinakita nito sa kanya ang huling text message na pinadala niya rito. Pilyong napangiti ang binata habang binabasa niya mula sa inbox nito ang sariling text na ipinadala niya rito.

sorry, I'm not o'k. can't talk right now. tnx for d concern. I luv u

"OH MY GOD!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top