Sapatos na Kapos at Pantalong Bitin
"Style is knowing who you are, what you want to say and not giving a damn"
Quotesfrenzy.com
Mary Jomae Aragon-Zaragoza is getting bored.
Isa na namang charity event ang kanyang dinadaluhan. Ang kaibahan nga lang, sa unang pagkakataon ay kasama niya ang kanyang lolong si Don Anselmo Aragon, ang reclusive and eccentric CEO ng ALC Group of Companies which, includes ALC Entertainment Network na isa sa pinakamalaki sa buong bansa, kung saan siya ang kasalukuyang Vice-President for Entertainment.
Hindi niya minsan man naalalang dumalo ang kanyang lolo sa mga ganoong klaseng pagtitipon, "Waste of time, let's just send them a fat check," he used to say.
Kaya laking gulat niya nang bigla siya nitong ipatawag three nights ago at sinabing isasama siya nito sa ayaw niya at gusto sa isang pagtitipong ang host ay ang mga Lardizabal.
"Maria, get ready and clear your appointments on the 27th. We're going to a benefit party."
"Lo, the 27th is Mom and Dad's wedding anniversary. We're suppose to have a celebration dinner sa bahay."
Hindi rin niya maintindihan kung bakit Maria kung tawagin siya ng abuelo.
It's her mom's name!
Matagal na siyang sumuko sa pagkumbinsi ditong tawagin siyang Jomae lalo na kung magkasama sila ng ina.
"This is important. Hindi tayo puwedeng hindi dumalo, the Lardizabal's hosting this one. Just ask Magdalena to arrange for an 8:00 P.M. dinner good for 14 people, we have a few family friends to invite. Better do it in the penthouse place. The benefit party will be at the Ragency."
Michael or Mic owns the penthouse of the Ragency Hotel, bagaman at sa ancestral house pa rin ng mga Zaragoza ito tumutuloy sa Saint Lorenz Village sa Quezon City. Ang bunso at kaisa-isang kapatid niyang lalaki ang namamahala ng nasabing hotel na isa sa mga pag-aari ng pamilya ng kanyang amang si Victor Zaragoza.
Apat silang magkakapatid at may kanya kanya ng condominium unit sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila pero bihira nilang tuluyan. In between Mic and her there is Ruth and Magdalena.
Si Ruth ang nagmamay-ari at namamahala ng chain of fitness and Spa clinics na matatagpuan sa lahat ng sangay ng Ragency Hotel - isa sa Cebu, isa sa Davao, isa sa Baguio at isa sa Quezon City kung saan gaganapin ang nasabing pagtitipon.
Si Magdalena naman ang namamahala ng Talent Management and Consulting firm kung saan kabilang ang sikat na actor-model na si Ryan Coronel sa mga exclusive talents.
"The Lardizabals' of the Lardizabal Group of Companies?"
"Yes, please don't ask, you'll know soon enough. Go and have your driver pick that box for you.'Yan ang isusuot mo."
Great! He even picked out a dress for her. A white high necked, long sleeved, tight fitting and flowing skirt gown, not to mention satiny and lacy.
Maganda sana ang kasuotan pero mukha itong classically designed wedding gown na walang belo.
Natural, pamilyar sa kanya ang mga Lardizabal! Sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga ito?
They own a chain of pharmacy, a Big Hospital, Derm Clinics where she is a regular customer and God knows what else.
Sa pagkakaalam niya, they are as rich as her family though not as famous or infamous as the case maybe.
The Lardizabals stay low keyed.
Maliban sa business section ng pahayagan ay hindi mo mababasa ang kanilang pangalan saan mang bahagi ng gossip column o society pages.
Napatigil ang kanyang pagmumunimuni sa katakatakang bahagi ng kanyang alaala sapagkat nananakit na ang kanyang mga paa dahil, ang katernong sapatos ng suot na gown ay mas maliit marahil ng kalahating pulgada sa kanyang aktuwal na sukat ng paa.
Her lolo insisted she cannot wear any other shoes besides that, it's tolerable but after a couple of waltz, she can't even stand to stand!
Naupo siya sa isang sulok matapos kumuha ng isang kopita ng champagne sa dumaang waiter at nagpalingalinga. Hinahanap ng mata niya ang kanyang lolo na sa pagtataka niya ay bigla na lamang nawala pagkarating na pagkarating nila sa grand ballroom ng Ragency Hotel kung saan ginaganap ang okasyon.
Finally, she spotted the Don at the far side talking to a man in white tuxedo.
Nakatalikod sa kanya ang kausap ng kanyang lolo kaya hindi niya mapagsino ito.
But from what she could tell, the man is over six feet tall and lean muscled.
And what a butt he got!
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at muntik ng masamid nang mapansing bitin ng dalawa o tatlong pulgada ang itim na slacks na suot nito.
Here she is wallowing in her discomfort because of ill-fitting shoes and there he is standing in confidence in an ill-fitting garb.
Hindi niya mapigilan ang sariling ma-impress.
Napahiya siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay isa siya sa mga evil older step-sisters ni Cinderella na pinilit isuot ang masikip na glass slippers upang makilala ang kanyang prince charming. Ayun! Nakarma tuloy siya sapagkat sahalip na perfect ay baduy na prinsipe ang nakatagpo niya.
Pagbaling ay muntik ng malaglag ang puso niya sa gulat nang tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng host ng pagtitipon - no other than Don Antonio Lardizabal himself!
"I'm sorry, nagulat ba kita Maria? I'm...."
"Don Antonio Lardizabal.... How please I am to finally meet you, Sir. Thank you for inviting us, it's a successful event. "
"We'll see if it's successful or not. There are checks that we're still waiting to receive."
Matapos ang kinagawiang beso beso, inalalayan siya ng matanda at iginiya palapit sa unahan kung saan may platform na nagsisilbing entablado.
Sa pagitan ng mangilan-ngilang pagtigil upang bumati sa ibang bisita, patuloy ang pakikipag-usap sa kanya ng matanda. Sa loob lang ng ilang sandali ay marami na siyang impormasyong napag-alaman mula rito na nakapagpakunot ng kaniyang noo.
Tulad ng kanyang lolo ay Maria kung tukuyin siya nito at ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya ay para bang matagal na matagal na siya nitong kilala.
The old man even questioned her past deeds and misdeeds.
Like, kung totoo raw bang may ugnayan sila ng nag-iisang anak ng may-ari ng Harrison Malls?
At kung, kumusta naman ang kanyang trabaho bilang bagong promote na Vice-President for Entertainment ng ALC Networks?
At iba pa tulad ng, kung totoo raw bang masarap ang chicken feet sa Anita's Kitchen?
Tsismosong matanda!
Ayon sa kausap ay matalik itong kaibigan ng kanyang lolo.
Strange!
Ngayon lang niya nalaman iyon dahil ni minsan sa tanang buhay niya simula ng magkamalay siya ay hindi nababanggit ang pangalang Lardizabal sa loob ng pamamahay nila.
From across the room, napansin niyang tinatahak ng kanyang abuelo ang parehong direksiyon kasama ang kausap nito kanina lamang.
Habang papalapit sila sa isa't isa ay unti-unting nagiging pamilyar sa kanya ang lalaking nakasuot ng bitin na pantalon.
By the time they meet at the foot of the platform, she remembered who the man is.
It's Direk Jess!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top