Reminiscing

Chapter 16

Isang linggo na ang nakalilipas simula ng makabalik si Jomae buhat sa Quezon. Kasalukuyang nakahiga siya at nagpapahinga sa kuwarto niya sa kanilang bahay sa St. Lorenz Vill. Apat na araw na rin siyang dito umuuwi simula ng tawagan siya ng ina. Pinilit siya nitong umuwi muna sapagkat nalulungkot umano ito.

Si Mic ay sa penthouse nito tumutuloy sapagkat after seven years ay muli itong nakakapagpinta. Hindi niya alam kung paano nawala ang artist block nito subalit masaya siya para sa kapatid.

First love nito ang pagpipinta subalit matapos nitong ipinta ang series of paintings na may pamagat na portrait of a womanthe six faces noong nasa kolehiyo palamang ito sa kursong fine arts ay hindi na muli ito nakapagpinta dahilan kung bakit nagshift ito sa Hotel and Restaurant Management course.

Samantalang si Ruth naman at ang anak nitong si Marie ay pansamantalang tumutuloy sa bahay ng mga Lardizabal upang mabigyan ng pagkakataon ang bata na makilala ang ama at ang lolo at lola nito.

Si Magdalena naman ay tila pinagtataguan siya. Ilang lingo na rin itong sa sariling condo unit tumutuloy.

Nag balik tanaw siya sa mga pangyayari nitong nakaraang lingo.

Naging napaka meaningful ng muli nilang pagkikita ng kaibigang si Aris. Naibulalas niya rito ang lahat ng mga pangyayari sa buhay niya simula ng huli silang magkita limang buwan na ang nakalilipas. Malakas ang naging paghalakhak nito ng ikuwento niya ang fiascong naganap nuong wedding anniversary ng kaniyang mga magulang. Tila nalungkot naman ito ng isiwalat niya ang katotohanan sa nagaganap sa pagitan nila ni Direk Jestoni.

"Are you sure this time sweetheart?" malungkot nitong tanong sa kanya.

"I am not, but for the time being... what we have is enough. I'm threading on waters. Ayaw ko na muli pang masaktan. Masaya ako sa ngayon. I love him and he said he loves me too. I want this to last a life time kaya nag-iingat rin ako. Don't worry about me. Alam ko na nag-aalala ka, but please trust me. I can take care of myself. I'm stronger this time around."

Ikinulong siya nito sa mga bisig at masuyong binulungan. "I'm happy for you but at the same time malungkot rin ako. Things between us will never be the same. If I were that man, I'll be jelous as hell seing us together like this."

"No way! Sino man ang dumating sa buhay ko ay kailangang tanggapin kung ano ang mayroon sa pagitan nating dalawa. You are my friend for life."

"I doubt that very much sweetheart. Pero I'm willing to relingquish my post if he is truely worthy. Pero sa sandaling saktan ka niya hindi ako magdadalawang isip na saktan rin siya."

"Oh... really. Just make sure na hindi ikaw ang maa-ICU pagkatapos. Ang alam ko blackbelter sa taekwando si Jestoni." Nakangiting biro niya sa binata habang naalala ang insidente ng magpakabayani ito noon at minalas na siyang nabugbog sapagkat miyenbro pala ng special forces ang kinatalong banyaga na nagpupumilit na isayaw siya sa isang bar sa Newyork ten years ago.

"Don't you worry. I've learned my lesson. Since that shamefull incident in Newyork ay tatlong self-defence courses na ang namaster ko. Sorry pero hindi ko sasabihin sa iyo kung anu-ano yon. Mahirap na baka mabigyan mo pa ng babala si Jestoni." Ganting biro naman nito sa kanya.

Sa kabilang banda, iniisip rin niya kung talaga nga kayang darating ang pagkakataon na kailangang mamili siya.

Maliban sa ilang text message ay hindi pa uli sila nagkikita o nagkakausap man lang ni Jestoni. Marahil ay talaga lamang na abala ito sapagkat nagsisimula na itong magshooting ng pelikulang balak nilang ihabol na entry sa film festival na gaganapin sa December. Subalit hindi maalis ang kanyang hinala na iniiwasan siya nito. Maging ang mga tawag kasi niya ay dumediretso sa voice mail at hindi man lang ito nag rereturn call.

Huminga siya ng malalim at pilit inalis ang pagdududa sa isip. Pinili niyang matulog na sapagkat maaga pa siyang papasok kinabukasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top