Ready... Set... March!
Chapter 26
Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang sumama sa Hacienda Zaragoza sa Tiaong, Quezon kung saan gaganapin ang kasalan.
Ayon sa kanyang ina ay pribado at ilang piling piling kaibigan at kapamilya lamang ang imbitado. Mga miyembro lamang ng entourage, wedding coordinator at ilang kaibigang dalaga at binata ang mauunang i-accommodate sa Hacienda.
The rest of the guest ay sa mismong araw na ng kasal magsisidating. Sagot lahat ng ikakasal ang damit na isusuot ng buong entourage kaya naman hindi na siya pinagdala ng ina ng formal wear.
Napakaganda ng Hacienda Zaragoza. Kompleto ang lugar sa facilities - swimming pools, picnic groves, mini golf course, guest house and cottages at iba pang mga amenities na karaniwang matatagpuan sa isang first class hotel and resort.
Sa sentro nito ay ang isang magarbong Spanish style mansion kung saan ang buong pamilya niya pinatuloy ng mga Zaragoza. Tanging sila lamang at ang mag-amang Coronel ang sa mismong Mansion pinatuloy. The rest of the guest ay sa mga guest houses na pinatuloy.
Ang silid na ipinagamit sa kanya ay ang pinakadulong kuwarto sa east wing ng bahay. Ang teresa ng silid ay nakaharap sa napakalawak na hardin kung saan idaraos ang seremonyas.
Nakahanda na ang altar na gagamitin sa Gazebo, ang mga arko ng bulaklak, mga bangko at mesa. Sa dako pa roon ay naka handa na rin ang set-up ng pagdarausan ng reception.
Hindi na siya dumalo pa sa ginaganap na bachelor at bachelorette party. Nagdahilan na lamang siya na masakit ang kanyang ulo at nag kulong na sa silid.
Mula sa bukas na bintana ay rinig niya ang halakhakan, hiyawan at kantiyawan ng mga dalaga't binata. Nakahiga lamang siya sa kama at nakatitig sa kawalan. Sa isip ay kinagagalitan niya ang sarili. Hindi siya dapat nagpapakalunod sa kalungkutan.
Dapat na maging masaya siya sapagkat masaya ang minamahal na dalaga, Aris is a pretty decent guy, way better than him. Alam niya sapagkat napaimbestigahan niya ito. Wala siyang dapat na ipag-alala. With that resolve ay nakatulog siya.
Kinabukasan ay mas magaan na ang loob ng binata. Kahit papaano ay nagawa na niyang makihalubilo sa iba pang mga bisita. Katakatakang halos mga kalalakihan lamang silang naroroon. Maliban sa may mga edad at may asawang guest ay nawawala ang mga dalaga.
Sa di kalayuan ay natanaw niyang naglalaro ng chess ang kapatid niyang si Jose Maria at Ryan, ang kanyang magulang, magulang ni Jomae at magulang ni Aris ay masayang nagkukwentuhan habang nagmimirienda.
Ang mga matatanda naman ay natanawan niyang nangag-upo sa lounge sa katabi ng pool area. Ilan pang mga kalalakihan ang nagsisipaglibang sa paligid ang hindi niya namumukhaan.
Nakaupo siya sa Garden Set ng lapitan siya ni Aris. "Pare," inilahad nito ang palad sa kanya na dagli naman niyang tinanggap. "Ayos naba pakiramdam mo? Can I sit here?"
"Yah, sure take a sit. Mas mabuti na kesa dati ang pakiramdam ko, thanks for asking." Batid ni Jestoni na may hatid na double meaning ang tanong ng kausap.
"Mabuti naman kung ganoon para bukas eh handang handa ka na. By the way, if you are looking for the girls, wala sila. Sinequester sila ni Lolo Ansel somewhere para daw hindi makita ng groom ang bride. Malas daw."
"Hhhmmm. Ganoon ba?"
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Jomae is a very special woman," hindi nakatiis na wika ni Jestoni. "Your lucky to have her."
"Yes, Jomae is one hell of a woman. Matagal ko ng alam. Masaya ako na sa wakas she found her happiness. God knows she deserved it! Marami pa akong aasikasuhin, maiwan na muna kita. Mga minsan kuwentuhan tayo."
Lumipas ang maghapon na ni anino ni Jomae ay hindi niya nakita. Sinubukan niyang maglakad lakad sa paligid, umaasang sa huling pagkakataon bago ito mag-asawa ay masulyapan man lamang niya at tuluyan ng makapagpaalam sa dalaga subalit sadyang magaling magtago ng apo ang matandang Aragon. Sa huli ay sumuko na rin ang binata.
Alas-nueve ng umaga ang kasal. Madaling araw pa lamang ay abala na ang lahat. Alas siete ng umaga ng katukin siya ng isa sa assistant ng wedding coordinator. Dala nito ang isusuot niya.
Dahil nakapaligo na ay pinaupo na siya nito sa dresser at inayusan ng buhok. Bahagya nitong pinolbuhan ang kanyang mukha subalit tumanggi na siyang mag palagay ng lipstick.
Ibinilin nito sa kanya na quarter to nine dapat nasa garden na siya. Ng buklatin niya ang damit na isusuot ay laking gulat niya ngang tumambad sa kanya ay ang tuxedo na ipinasuot sa kanya ng lolo Anton niya noong wedding anniversary ng magulang ni Jomae. Ang kaibahan nga lamang ay hindi na ito amoy alimuom at mothballs. Masikip at bitin pa rin ang pantalon ngunit wala siyang nagawa kundi ang isuot ang damit.
Punung-puno na ng guest ang garden, nalalatagan ng mahabang red carpet ang gitna nito na siyang lalakaran ng buong entourage. Pumapailanlang sa ere ang mabining musika, ang wedding march. Inayos na sila ng wedding coordinator. Subalit sa pagtataka niya ay pinasabay siya nitokay Aris.
Siya ba ang best man?
Pumailanlang ang malamyos na tinig ng pinsang si Christine at sinimulan nitong awitin ang "Ikaw" na pinasikat ni Regine Velasquez at Martin Nievera. Hudyat na kailangan na nilang magsimulang lumakad.
Kasabay ni Aris ay pinangunahan nila ang entourage at pagdating sa unahan ay magkatabing tumayo paharap sa likuran upang hintayin ang bride.
Hindi na nabigyan pa ng pansin ni Jestoni ang iba pang kasali sa entourage kaya't hindi niya nakita na ang kanyang mga magulang ay naupo sa silyang nakalaan lamang para sa magulang ng ikakasal.
Wala siyang ibang tinitingnan kundi ang bride sa dulo ng entourage.
Suot nito ang parehong gown na ipinasuot ng lolo Ansel nito noong unang tangkain ng matatanda na ipagkasundo sila. Wala rin itong belong suot, walang make-up yapak at imbes na bouquet ng bulaklak, ang tangan nito ay isang pares ng sapatos.
Tulala at hindi makapagsalita si Jestoni.
Habang papalapit ng papalapit sa kanya ang dalaga ay nagrewind sa isip niya ang mga huling katagang binitiwan nito sa kanya...I will only marry the father of my child. I love him so much I'd do anything for him... Sigurado na ako ngayon na mahal na mahal niya ako at ang magiging anak namin. There is no doubt in my heart; he will take care of us for the rest of our lives.
"Isn't she the most beautiful bride in the world?" Hindi na mapigilan ni Jestoni ang mapangiti as realization hit him full force, there is no doubt of the meaning behind his attire and the bride's Traje de Boda.
Nag-uumapaw ang kasiyahan sa kanyang dibdib. Siya si Jestoni Tanuatco-Lardizabal ang pinakamasayang biktima ng Shotgun Wedding.
"No doubt she is," sagot ni Aris sa kanya.
"And she's mine!" Malakas na wika niya, proud and possessive.
"Yes she is, always have been. Congratulations!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top