Pregnant and Prepared

Chapter 20

Naubos nila ang lahat ng kanilang inorder o mas tamang sabihin na naubos niya ang kanilang inorder. Bahagya ng kumain si Aris at halos puro tubig lang ang laman ng sikmura nito.

"Sa tingin ko," matiim nitong wika matapos bayaran ang bill. "Kailangan mo ng magdesisyon kaagad. Before you get as big as ship."

Kumunot ang kanyang noo. Dati na siyang maganang kumain at alam iyon ng binata. Pasalamat siya sa mabilis niyang metabolism kaya hindi niya kailanman prinoblema ang pagtaba. Kaya naman nagtataka siya kung bakit inaalala ni Aris na tataba siya dahil lang sa gana niyang kumain.

Nitong mga nakaraang araw ay sadyang masmagana ang kanyang pag-kain. Hindi na siya nagtataka sapagkat sa tuwing stressed out siya ay talagang pag-kain ang napapagbalingan niya.

"Don't be ridiculous! Kelan mo ba ako nakitang tumaba dahil sa dami ng nakain ko?"

"There's something I'm curious about... What do you think? Should we find-out?", at mula sa bulsa nito ay iniabot sa kanya ang isang kahon na ng abutin niya ay pregnancy test kit pala ang laman, "I'm sure you need to use the bathroom before we go."

Pregnant? She could be pregnant?

Come to think of it... mahigit isang buwan na ng huling may nangyari sa kanila ni Jestoni at mula noon ay hindi pa uli siya dinaratnan ng kanyang buwanang dalaw. Hindi niya iyon pinapansin sapagkat talaga namang irregular ang kanyang menstrual cycle. Huwag ng sabihin na nag-pipills naman siya.

"Excuse me," kunaha niya mula sa kamay ng binata ang iniaabot nitong pregnancy test kit at nagtungo na sa CR ng restaurant. Hindi naman siguro masama kung maniniguro siya.

Matapos ang ilang sandali ay bumalik na siya sa kanilang kinauupuan. Habang naglalakad patungo sa kanilang mesa ay hindi niya maiwasang sapuin ng kaliwang kamay ang sinapupunang hupyak, sa isip ay nakikinikinita na niya na come September ay halata na ang umbok noon, hindi dahil mataba siya kundi dahil sa dinadala niya ngayon ang bunga ng kapusukan nila ni Jestoni Tanuatco-Lardizabal.

"So... is there gonna be a wedding or what?" Salubong na tanong sa kanya ni Aris. Hindi na nito kailangan pang itanong sa kanya ang resulta ng test, ang ekspresyon lang sa kanyang mukha at ang body language ay sapat ng kompirmasyon.

Nang mga sandaling 'yon din mismo nabuo ang desisyon sa kanyang isip. Wala na ang kalituhan, pinalitan na ito ng determinasyong gawin ang lahat ng paraan upang makuha ang kanyang gusto, it will be all or nothing.

"I believe, I'd like to be a July bride."

Niyaya na niya ang kaibigan na umalis at bumalik sa kanikanilang mga trabaho. Wala siyang oras na kailangang sayangin. More or less ay may isang buwan siya para isakatuparan ang mga binabalak.

First order of business, pagdating niya sa opisina ay nag-padeliver siya ng isang box ng family size pizza sa paborito niyang Italian restaurant.

Sinabihan niya ang sekretarya na lahat ng schedule niya para sa araw na iyon ay ikansela at kung importante ay idelegate sa ibang executives. Nagpatimpla siya ng pineapple juice at sa pagitan ng pagkain ng pizza ay ginawa niya ang kanyang To Do List.

1. Visit an OB Gynycologist

2. Talk to the parents and grandparents (His and Hers)

3. Give an exclusive live enterview sa Star Buzz

4. Hunt Magdalena

5. Prepare for the wedding

Tinawagan niya ang kanyang ina, "Mom, how fast can you arrange a dinner with

the Lardizabals? Just the grandparents and parents. I have something important to say."

Matapos ipaliwanag sa ina ang gustong mangyari ay tinawagan naman niya ang Program Host ng Star Buzz na si Ate Joy. Ang Star Buzz ay isang weekly entertainment talk show ng kanilang istasyon at ang isa sa mga host nito na si Ate Joy ay isa sa mga well respected commentator sa buong industriya.

"Hello, Ate Joy... Jomae here, can you spare me sometime? I'd like to discuss something with you. When will you be available? Oh... great! Libre ka ngayon. Can you come up here in my office? Yes... Sorry for the trouble... Thanks, I'll be waiting."

Tinawag niya ang sekretarya.

"Tita Evie, hahanapin ako later ni Ate Joy, paderetsuhin mo na papasok dito, please, and pakisuyo naman... Pakihanap si Magdalena. Alam ko pinagtataguan ako ng isang yon but I believe na alam nyo kung paano siya makocontact....Ooops...Don't try to deny it... Just do what I tell you to do at pakisabi kay Magdalena na hihintayin ko siya dito hanggang alas-kwatro ng hapon. I don't want any excuses... malinaw ba?"

"Loud and clear."

Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. Matapos ang costumary greetings ay pinaupo na niya ang bisita. Hinintay lang niyang mahainan ng isang basong juice ni tita Evie ang bisita at dumeretso na siya sa punto.

"Ate Joy, gusto ko sana matapos na ang mga espekulasyon sa aking love life so I decided na magpainterview na. Ito ang una at huling beses akong magsasalita tungkol sa issue."

Nagliwanag ang mukha ng TV Host. Hindi siguro makapaniwala sa suwerteng natamo. "I'll be honored! Salamat naman at napagkatiwalaan ninyo kami. I'm warning you, ha. This will be a no hold barred interview."

"Of course, wala akong balak magpatweetums. I'll answer all your questions. But I have a condition... Leave Harrison Crawford out of it. I don't want his name mentioned. He is a private person and I would appreciate it very much kung hindi natin kalakalin ang pangalan niya. Can I trust you with that?"

"I understand. I know just what to do. So deal?" Inilahad nito ang mga palad sa kanya.

Tumayo siya at kinamayan ang bisita. Hudyat na tapos na ang kanilang usapan.

"Deal."

Pagkalabas na pagkalabas nito ay siya namang pagpasok ni Magdalena.

"So... we meet again my busy little sister."

Halata sa mukha ng kapatid ang kinikimkim na kaba. Alam kasi nitong may kasalanan ito sa kanya. "Ate... Its like this kasi... you know..." At halos hindi humihinga itong nagpaliwanag sa kanya. Daig pa nito ang nagmonologue ng pagkahaba-haba sa harapan ng malaking audience sa teatro, kompleto muwestra ng kamay at mukha. "And that's why I did what I did... You cannot blame me naman talaga, ate. Besides, I did you a very big favor pa nga eh... o, di ba... Mukhang masaya naman kayo ni kuya Aris. Congratulations!"

"Kelan naman kami hindi naging o'k ni Aris? Simula noon hanggang ngayon ay walang nabago sa relasyon namin. On the contrary, you owe me big time! Dahil sa pakikialam mo ay muntik ng makaladkad sa kahihiyan ang pangalan ng ating pamilya at ngayon ay nanganganib na ako ay madisgrasya, unless I do something drastic about it, ASAP"

"Hindi kita maintindihan ate, what do you mean? Kahihiyan, disgrasya? Your so cryptic... Oh no... what exactly did I do?"

Inisa-isa niya rito ang mga nangyari simula ng makialam ito. Magmula sa problemang dinala ni Bradley hanggang sa problemang kinakaharap niya ngayon. "You see... ito ang resulta ng pakikialam ninyo. Ikaw at nina lolo. Kung hindi kayo nakialam dapat sana ay nakuha nating parepareho ang ating gusto ng walang kahirap hirap."

Naitakip ni Magdalena ang dalawang palad sa mukha nito. Halata ang pagsisisi sa maling nagawa. "Sorry... so sorry... ate...I did not know, please... what can I do? I do anything to help. I swear from now on hindi na ako makikialam. Promise!" Itinaas pa nito ang kanang palad bilang tanda ng panunumpa at patunay na tapat ito sa sinasabi.

"Now, what I need you to do is... Do what you do best...Makialam ka hangga't gusto mo, and be creative about it... of course you have to follow my instructions to the dot."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top