Nganga sa Katotohanan

Chapter 4

Pinigilan ni Ryan ang iba pang sasabihin ni Ruth at ginagap ang kamay nitong kanina pa nanlalamig.

"Let me do the talking honey... here drink some water." Matapos nitong abutan ng tubig na maiinom si Ruth ay binalingan nito ang ama at si Don Anselmo.

"I would have married Ruth a long time ago if she'd let me and I'd still do it in a heartbeat kung papayag siya. I love Ruth and Marie at patuloy akong susuporta sa kanila until the time that someone claims them as their own."

"Que horror! Anong ibig mong sabihin? Matapos mong madisgrasya ang apo ko ay hindi mo pananagutan?"

"I will disown you Adrian Coronel... I'll make sure that you will get nothing from me."

Akma nitong susulatan ng halaga ang isang blank check sa harapan nito ng pigilan ito ni Victor na ama ni Ruth.

"There seems to be a misunderstanding here. Ryan... Ruth... Please enlighten everyone."

Tumikhim muna si Ryan bago nagsimulang magpaliwanag.

"Ruth and I have never been lovers. We were never in a relationship. Mahal namin ang isa't isa bilang magkaibigan, kulang na lang ay maging magkapatid kami - wala ng iba pa - kaya naman inobliga ko ang aking sarili na protektahan sila laban sa masasamang balita na tiyak na ipupukol sa kanila oras na maisapubliko ang pagdadalang-tao niya. No'ng mga panahong iyon ay maselan ang kalagayan ng mag-ina, their life was at risk kaya naman hinayaan namin ang lahat na mag-isip na ako ang ama ng dinadala ni Ruth. This is an agreement between us matapos niyang tanggihan ang alok kong magpakasal kahit kunyari lamang. I'd love to be Marie's biological father but sadly I am not."

Signal number three...

"He's my classmate in a subject in my senior years of college. I thought he loved me but one day he just disappears. Walang paalam, basta na lang siya nawala. Nalaman ko na lang na nasa ibang bansa na pala siya at doon nagpatuloy ng pag-aaral. Nang malaman ko na two months pregnant na pala ako ay tinulungan ako ni Ryan na hanapin siya. I wrote him dozens of letter to inform him of my condition but all was returned unopened. Sinubukan ko rin siyang kausapin ng personal. Sinamahan ako ni Ryan noong 4 na buwan na ang tiyan ko at nagsisimula ng mahalata, pero hindi niya kami pinansin nang makasalubong namin siya. Tiningnan lamang niya kami ng masama at nilampasan na parang hindi niya kami nakita. Muntik na ako makunan sa sama ng loob, it was touch and go. After 1 month sa hospital saka palang ako nadischarge at ligtas na nakapagtravel pabalik ng Pilipinas. Kinausap namin ni Ryan si Papa at Mama. We told them the situation and they understand. Until now akala ko nasa ibang bansa pa siya. It was a shocked to see him today."

Nakatingin sa kawalan si Ruth habang nagkukwento, hindi kumukurap pero tuloy tuloy ang daloy ng luha. Walang nakapagsalita.

Bigla ang pagtayo ni Jose Maria sa kinauupuan, sa lakas ng puwersa natumba ang mahogany chair sa marmol na sahig. Gulat na bumaling ang tingin ng lahat sa binata.

"That can't be true! I can't be... I did'nt know... what... when... how... why...."

Kandautal ito at tila nalimutan na kung paano bumuo ng pangungusap, ihinilamos ang mga palad sa mukha at marahas na sinuklay ng mga daliri ang buhok.

Tumayo rin si Ruth at namay'wang, "what? Binuntis mo ako at inabandona ng walang dahilan. When? 7 years ago ng nasa kolehiyo pa tayo. How? Don't you remember how you fucked me like a horny rabbit whenever, and wherever you feel like it!!!! Why? Because you're a good for nothing, user, son of a bitch!" tumatahip ang dibdib ni Ruth matapos ang outburst nito bilang sagot sa mga katanungan ng kaharap na binata.

Wala na ang luhang kanina lamang ay umaagos sa mga mata nito, pumalit ang tinging punungpuno ng kimkim na galit at determinasyon.

Nagulat s'ya sapagkat Ruth is not the type to raise her voice like that, let alone use crude language. Ang kapatid niyang ito ang walang kavioviolence sa katawan, usually tahimik na lang itong umiiyak sa isang sulok.

"At kung inaakala mo na papayag ako ng ganon na lang 'yon. You can think again! Pakakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo! I'll make you suffer for the rest of your life the way I suffered for the last seven years." Binalingan nito ang mga magulang at ang matatanda na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang mangha sa mga mukha.

"Siguro naman, you'll be satisfied with that? Ate Jomae and Jess will not be forced into a loveless marriage. I'll carry that burden alone for the sake of the family. I'm going. Mom... Dad, Happy Anniversary. You grandpas arrange the wedding yourselves. Just tell me the time and place at darating ako. And you Dr. Jose Maria Lardizabal, don't you dare jilt me in the altar like your father did to my mother."

Iyon lang at tuluyan na itong nag walk-out, susundan sana ito ni Jose Maria ng bigla itong bumaling, "Huwag ka magtangkang sundan kami ng anak mo. Hindi kita gustong makausap. Not now at least. See you at the wedding... and by the way, you're daughter's name is Josie Marie."

Saglit lang na natigilan ang binata at sumunod rin sa paglabas ni Ruth. Naiwan silang hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari.

Binasag ni Ryan ang katahimikan. "That settles it. The Lardizabals and Aragons are now about to be a family. Pa'no kaming mga Coronel? You know ayaw ko namang mawalan ng mamanahin, kung kinakailangang pakasalan ko si Mic sa lahat ng simbahan ay gagawin ko."

Lumuhod ito sa harap ni Mic na malugod na tumayo at nagpaunlak, Ryan magically produce a diamond ring from his jeans pocket and solemnly recites his proposal. Nakatingin hindi kay Mic kundi sa kanyang kapatid na si Magdalena na nakaupo sa katabing bangko.

"I have always imagined this day would come, for seven years after that bar fiasco ay hindi nawawala sa bulsa ko ang singsing na ito hoping that I could finally asked for your hand. It's you I want to spend the rest of my life with. It's always been you I love, not Ruth, not anyone else. Only you from time immemorial.... Will you marry me and save me from this agony?"

Hindi tumitinag si Mic. Nilingon nito si Magdalena na nakaupo sa katabi niya, walang kurap na nakipagtagisan ito ng tingin kay Ryan. Malinaw sa lahat na ito ang kausap ng naninikluhod na binata at hindi si Mic

Ilang sandali pa ay inabot nito ang kahita at isinuot ang singsing na nilalaman nito. "0k... Ayaw ko ring mawalan ng mamanahin."

In the end, the night was deemed successful by the old mens' standard.

Ang kanilang mga magulang ay lumipat sa living room at nagsimula na muling maging komportable sa isa't isa at nagpalitan na ng mga contact numbers.

Inalok ni Dr. Josie ang kanyang ina ng isang complete package ng beauty reguvinizing procedures sa clinika nito free of charge sa katuwaan ng may kakuriputan niyang ina.

Samantala nag-schedule naman ang kanyang ama ng weekend relaxation vacation sa kanilang hacienda sa Tiaong, Quezon kung saan balak mag paligsahan ng dalawa sa golf.

Si Ryan at Lena naman ay nagpaiwan sa mini bar at doon itinuloy ang pag-uusap at pagpapaliwanagan sa kung anuman ang naging hindi nila pagkakaunawaan sa mga nakalipas na taon.

Sapagkat kumirot ang bukol sa ulo ni Dos, nagpaalam na itong matutulog na sa kaniyang silid.

Ang tatlong matanda naman ay bumalik sa benefit party sa ibaba upang makihalubilo at iabot ang kanilang donasyon.

Nai-imagine na niya ang malapad na ngiti ng presidente ng foundation na tatanggap ng 3 cheke na bawat isa ay eight figures ang halaga.

Naiwan sila ni Direk Jess sa hapag kainan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top