It Could Be Mine!
Chapter 23
Nang mga sandaling iyon ay malalaki at mabilis ang mga hakbang ni Jestoni.
Dirediretso ang binata palabas ng gusali patungo sa parking lot. Hindi niya pinapansin ang mga bumabati sa kanya. Ilan sa mga nakasalubong ay nabangga niya subalit hindi siya tumigil man lang upang humingi ng paumanhin.
Pagkasakay niya sa kanyang sasakyan ay kinalas niya ang necktie at inalis ang ilang butones ng suot na polo. Inubos niya ng isang lagukan ang laman ng isang maliit na bote ng mineral water subalit kinakapos pa rin siya ng paghinga.
Napakabigat ng kanyang pakiramdam, tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib at parang nanlalaki ang kanyang ulo. Humugot siya ng malalim na hininga, pinipilit kalmahin ang sarili. Pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa direksiyon ng Lardizabal General Hospital.
Habang daan ay tila paulit-ulit pa rin niyang naririnig ang mga pahayag ni Jomae kasabay ng paglitaw ng imahe nito at ni Aris na magkayakap habang nakangiti...I'm a fool to turn my back on you before and mistakenly thought that I needed someone else to complete me as a person... Thank you because you have given me the greatest gift a woman can ever want in her life... Hayaan mong sabihin ko sa iyo kung gaano kita kamahal... Please be with me for the rest of my life... Will you marry me?
Sumigaw siya ng malakas "Ahhhhhhhhh... Damn you! Damn him! Damn you all to hell!"
Hindi niya inaasahan ang biglang pagbaling ng mga pangyayari.
Mahigit isang buwan na ang nakalipas ng talikuran niya ang mga ito sa sixth floor ng Ragency Hotel. Ni hindi man lang tinangka ni Jomae na habulin siya.
Halos araw-araw ay hinihintay niya na tawagan man lang siya ng dalaga upang kahit papaano ay magpaliwanag. Ni hindi man lang nito iginalang ang kanyang pagkalalake.
At least he expected na kahit papaano ay nagkaroon naman sana ng decency ang kasintahan na pormal na tapusin ang ugnayang namamagitan sa kanila.
Handa na sana siya na magpakumbaba at maunang gumawa ng hakbang subalit pinigilan niya ang sarili ng maya't maya na ay i-update siya ng kapatid nitong si Magdalena ng latest na pangyayari sa pagitan nila ng amerikanong hilaw na si Aris.
Mahal na mahal niya ang kasintahan. Napatunayan niya iyon sa sarili nitong mga huling linggo na wala silang komunikasyon. It has been pure hell for him. Miss na miss niya ang dalaga at halos hindi siya makatulog. Pride lang niya ang pumigil sa kanya para makipagkasundo rito.
But damn it! He did not expect this. Masyado naman yatang napakabilis ng pagbabago. Hindi pa natatagalan ng sabihin sa kanya ng dalaga na mahal siya nito pero bakit sa harap ng buong mundo ay ipinagsisigawan nito na nagkamali ito at ngayon ay natauhan na...I'm a fool to turn my back on you before and mistakenly thought that I needed someone else to complete me as a person.
Bale wala lang ba sa dalaga ang mga pinagsamahan nila?
Ipinarada niya ang sasakyan ng marating ang ospital at parang tangang kinausap ang sarili... "Did I not also deserve to be appreciated if only for the stud service I provided? Ano ang sabi mo? Thank you because you have given me the greatest gift a woman can ever want in her life...May pahawak hawak ka pa sa puson mong nalalaman. Bakit, mas magaling ba siyang magpaligaya kaysa sa akin? How dare you say...I want you to be the last person I see before I sleep and the first face I see when I wake up, samantalang kung pigilan mo ako na huwag umuwi gabi-gabi."
Lalong tumindi ang paninikip ng kanyang dibdib.
He cannot believe it! How dare Jomae propose marriage to someone else in front of Philippine television. Sa isip ay pabalikbalik ang imahe... Jomae smiling animatedly, her hands touching her abdominal area protectively while saying...Thank you because you have given me the greatest gift a woman can ever want in her life... Will you marry me... Will you marry me... Will you marry me...Napatuwid siya ng upo.
"The bitch! That damn bitch is pregnant!"
Naging erratic ang tibok ng kanyang puso at kinapos ng husto ang kanyang paghinga. Bago pa siya tuluyang mawalan ng huwisyo ay mabilis niyang napindot ang speed dial laan para sa kapatid.
"Kuya," marahil ay narinig nito ang kakaibang ritmo ng kanyang paghinga kaya naman agad ang pag-aalala sa tinig nito. "What's wrong? Are you in pain? Asan ka?"
"I'm... here...parking lot... LGH... hurry... heart attact..." Nakuha pang isagot ni Jestoni sa kapatid. He can barely breathe. Sapo na ng kamay niya ang kaliwang bahagi ng dibdib. He feels like a ton of brick is pinning him down.
Bago siya tuluyang nawalan ng malay ay nakita niya sa nanlalabong mga mata ang nag-aalalang mukha ng kapatid habang tumutulong na isakay siya sa streatcher. Nagawa pa niyang hilahin ito palapit sa kanya sa pamamagitan ng stethoscope sa leeg nito at sabihing... "Don't tell anybody or I'll kill you."
Nang magkamalay siya ay nasa private ward na siya at may nakakabit ng oxygen sa mukha niya at dextrose sa kamay niya. Wala na ang kanyang damit at tanging hospital gown na lamang ang suot niya. Nagulat siya ng magsalita ang kapatid, "Mabuti naman at nagising ka na... Don't worry, there's nothing wrong with your heart. Anxiety attack lamang ang nangyari sa iyo at wala namang naging komplikasyon. Sobrang stress at kulang ka sa tulog kaya naman I gave you a shot so you can rest. How do you feel now?"
Pinakiramdaman niya ay sarili, "Refreshed? Anong oras na? Gaano katagal akong nakatulog?"
"Relax, isa-isa lang ang tanong." Isinuot nito ang stethoscope at ineksamen ang dibdib niya. "It's almost 10 P.M. may tatlong oras ka ring nakatulog. Ano bang nangyari? You keep mumbling while you were asleep. Paulit-ulit mo sinasabi – it could be mine, it could be mine."
Dagli ang pagbaha ng alaala sa kanya. Tinanggal niya ang dextrose at oxygen sa katawan.
"Hey! What are you doing? Hindi ka pa puwedeng madischarge. You need to rest."
Hindi niya pinansin ang kapatid at derederetsong bumaba ng kama at kinuha ang damit na nakatiklop sa ibabaw ng side table. "I have to go somewhere. Don't tell anybody about any of this or I'll kill you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top