Hot News
Chapter 17
Kinaumagahan...
Kinaugalian na niyang magbasa ng pahayagan habang nag-aalmusal, ugaling nakuha niya mula sa kanyang ama. Araw-araw ay tatlong broadsheet ang palitan nilang binabasa ng ama kabilang ang The Sun Post, ang broadsheet ng ALC Publication at iba pa na mula naman sa dalawang malalaking publishing house ng bansa.
Tulad ngayon, kasalukuyan niyang binubrowse ang Society Pages ng The Sun Post.
Nanlaki ang mata niya ng tumambad sa kaniyang paningin ang isang pictured item na halos sumakop sa kalahati ng pahina. Litrato nilang dalawa ni Aris habang masuyo siya nitong yakap at aktong hinahalikan sa noo. Sa ilalim ng litrato ay nakasulat ang caption in bold letters:The Elusive Tycoon and The Refined Princess: In love?
Hindi siya maaaring magkamali, ang litratong iyon ay kuha sa mismong compound ng ALC Networks ng sunduin siya ni Aris isang linggo na ang nakalilipas. Sa ibang pagkakataon ay ipapagwalang bahala lamang niya ang issue tulad ng kinagawian na sa tuwing may lalabas na intriga patungkol sa relasyong namamagitan sa kanila ng binata. Subalit sa pagkakataong ito ay nagpapanic ang kalooban niya. Hindi pa niya naipapakilala si Aris kay Jestoni o naikukuwento man lang sa direktor ang nature ng relasyon nila ni Aris kaya naman kinakabahan siya na mamis-interpret nito ang article.
Napansin marahil ng kanyang ina ang pag-iiba ng kanyang mood.
"What's wrong iha? You looked ashen." May pag-aalala sa tono nito. Sinilip nito ang article na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang bitawan.
"Oh! When was this taken? You look cute together, don't they honey?" Baling nito sa kaniyang ama na saglit lamang na sumilip sa ipinakitang article ng ina bago muling ibinaling ang atensyon sa binabasang dyaryo.
Hindi na bago sa mga magulang ang paglabas ng kung anu-anong balita patungkol sa kanila ni Aris kaya naman walang pagkagulat sa mga ito ng makita ang article. Hinala pa nga niya ay umaasa ang mga ito na totoo ang mga balibalita.
"I'm sorry Mom, Dad... Please excuse me..."
Matapos iwan ang mga magulang ay naghanda siya sa pagpasok sa opisina. Habang nagmamaneho ng sasakyan ay tinangka niyang tawagan si Jestoni subalit hindi ito sumasagot.
Ilang text message na rin ang ipinadala niya rito subalit hindi ito nagrereply. Sa huli ay tinawagan niya ang sekretarya upang ipakuha rito ang iterenary ng binata. Nalaman niyang nasa studio A lamang pala ang binata at kasalukuyang naghahanda para sa press conference na gaganapin maya maya lamang para sa launching ng pelikulang kasalukuyan nitong dinedirehe.
Pagdating na pagdating pa lamang sa compound ng ALC Networks ay sinalubong na siya ng ilang reporters na nagpipilit siyang makapanayam patungkol sa lumabas na article. Kinailangan pa niya ang assistance ng ilang guwardya para lamang makapasok ng ligtas sa gusaling kinaroroonan ng kanyang opisina.
Pagdating sa opisina ay agad niyang inutusan ang sekretarya na tawagan si Abbigail Andrade ang editor-in-chief ng The Sun Post upang kanyang makausap.
Matapos ang ilang minuto...
"Abby is in line three... and this package marked private just arrived for you. Also a certain Bradley keeps calling." Inabot nito sa kanya ang package na maliit lamang ng kaunti kahon sapatos.
"Thanks tita. Just hold all my calls for now. And please ask Direk Jestoni to come to my office ASAP"
Matapos lumabas ng sekretarya ay dinampot niya ang telepono upang kausapin ang editor-in-chief ng The Sun Post.
"Hello Abby, Jomae here. Gusto ko lang itanong kung bakit hindi mo muna ikinonfirm sa akin ang article between Aris and me bago mo pinublish?"
"I'm sorry Jomae but you did not care before. This is not the first time naman na nagpublish kami ng article tungkol sa inyo. And besides, ikinunsulta ko muna kay Don Anselmo bago ko binigyan ng go signal ang article. Your grandfather gives the consent." Sagot sa kanya ng kausap sa apologetic na tono.
"O'k, but please next time pakisuyo na bigyan ninyo ako ng curtsey. Alam ko na wala akong direct authority sa publication but I'm asking you just the same as a favor." Madiin at halata ang iritasyon sa kanyang boses.
Matapos ibaba ang telepono ay binuksan niya ang package. Ganoon na lamang ang gulat niya ng tumambad sa harapan niya ang nilalaman ng kahon. Mga litrato nila ni Bradley sa mahahalay na posisyon at isang cd na ng isalang niya sa disk drive ng kanyang PC ay naglalaman ng video ng pagtatalik nila ng dating kasintahan. Kalakip ng cd at mga litrato ay isang simpleng note....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top