Ghost from the Past
Chapter 10
(Jomae's POV)
Ang Queen Anne's hall ay isa lamang sa mga function halls ng Ragency Hotel. Matatagpuan ito sa ground level. Ang partikular na hall na nabanggit ay hindi kalakihan. Dinisenyo ito para sa mga maliliit na gatherings kung saan limitado lamang ang participants. Roughly it could accommodate 20 to 30 person sa tantiya ng dalaga.
Inabot niya ang kanyang invitation sa registration booth sa labas ng pinto bago pumasok ng hall.
Matapos siyang abutan ng isang tangkay ng pulang rosas ng magalang na receptionist ay sinabi nitong sa table four siya dapat maupo. Bago pumasok ay isinuot na niya ang maskarang katambal ng suot niyang damit. Ang sequined dress na suot niya ay puff sleeved subalit bahagya ng umabot sa kalahati ng hita niya ang haba. Expose na expose tuloy ang mapuputi at mahaba niyang biyas. Ang suot niyang pumps na tatlong pulgada ang taas ay nagpadagdag sa taas niyang 5'7. Kaya naman hindi maiwasan na maglingunan sa kanya ang mga bisita ng pumasok siya sa function hall.
Natigilan siya sa paghakbang patungo sa lamesang nakalaan para sa kanya. Iginala niya ang paningin at napansin niyang ang set-up ng lugar ay kahinahinala.
Sampung pares ng love seat na magkakatalikuran ang nakakalat sa iba't ibang bahagi ng Queen Anne's Hall. Sa harapan ay may mahabang buffet table na punong puno ng mga pagkain. Bawat lamesa ay may tig-iisang wine-rack at naglalaman ng red whine sa gitna habang naka set for two ang dinning utensils na nakahain.
Malamlam ang ilaw at malamyos na instrumental music ang pumapailanlang sa ere. Ilang lamesa ang okupado na ng magkapares na babae't lalaki at ang ilan naman ay bakante pa. Sa itaas ng entrance door ay nakasabit ang banner na may nakasulat na :
A night to remember...sponsored by: BlindDate.Com.
Bigla ang sulak ng dugo sa kanyang ulo. Tanga lang ang hindi makapagsasabi na ang dinaluhan niya ay mixers para sa mga single na naghahanap ng ka-blind date at siya – si Jomae Aragan-Zaragoza ay hindi pa desperada!
Dahan dahan siyang tumalikod upang lumabas ng nasabing pagtitipon bago pa may makakilala sa kanya. Ipinagpasalamat niya na masquerade ang tema ng dinner party kaya mababa lamang ang tsansa na may makakilala sa kanya.
Natigilan lamang siya ng mahagip ng paningin niya na parehong biglang tumayo ang okupante ng table 4 and 3 na magkatalikuran lamang. Kapwa ito matatangkad na mga lalake, well dressed, at sa kabila ng mga maskarang tumatakip sa mga mukha ng mga ito ay ramdam niyang parehong sa kanya nakatingin ang mga ito. Marahil, umaasang siya ang hinihintay na ka-blind date. Pareho pa kasing wala ang mga kapareha ng mga ito.
Sa isip niya ay bumilang siya ng hanggang sampu, huminga ng malalim at hindi na itinuloy ang balak na pag-alis. Dala ng kagandahang-asal ay pinili niyang huwag lisanin ang lugar. Wala namang kasalanan ang kung sino mang makakadate niya ngayong gabi at unfair para dito kung ma-iindian wika nga ng kadate. Habang tinatahak niya ang direksyon sa mabigat na paa ay bumukas na muli ang pinto sa kanyang likuran at mabilis na pumasok ang isa pang participant. Mabibilis ang mga hakbang ay dirediretso ito at muntik pa siyang mabangga ng lagpasan siya nito upang pumunta sa table three.
Gentleman naman at halatang aral ang kilos ng kanyang kadate. Dahil nakasuot rin ito ng maskarang kapareho ng sa kanya ay hindi niya mahulaan ang hitsura nito.
But something about him feels familiar. Maging ang boses nito ay sinusubukan niyang alalahanin kung saan at kanino niya narinig.
Ilang sandali pa matapos matiyak ng organizer ng event na kompleto na ang participants ay nagsalita na ang host upang magpasalamat sa lahat ng dumalo at magbigay ng assurance na anuman ang maganap sa gabing iyon ay strictly confidential.
Bilang tanda ng opisyal na pagsisimula ng date ay sinabi nitong maaari na nilang tanggalin ang maskarang kanilang suot kung kanilang nais.
Sukat sa announcement na iyon ay tinanggal ng katabing binata ni Jomae ang maskarang tumatakip sa mukha nito. Ang kaniyang pinipigil na inis simula pa kanina ng mapagtanto n'yang sinet-up siya sa blind date ng kapatid ay tuluyan ng humulagpos at nauwi sa matinding galit ng mapagsino ang kaharap.
Walang iba kung hindi ang ex-boyfriend niyang si Bradley.
Sampung taon na ang nakalipas ng huli niya itong makita. Minahal niya ito ng todo, ibinigay niya ang lahat lahat para dito subalit hindi siya ipinaglaban sa mga magulang nito.
Tinangka pa siyang bayaran ng ina nito ng dalawampung libong dolyar para lamang layuan niya si Bradley, akala kasi ng mga ito ay isa lamang siyang struggling working student sa New York.
Tinanggihan niya ito at isang sampal sa kanang pisngi ang pinalasap sa kanya bago siya iwan sa café kung saan sila nagtagpo.
Isang lingo ang lumipas at sinabi sa kanya ni Bradley na inayos na ng mga magulang nito ang papeles upang makabalik sa Australia. Nagmakaawa siyang huwag iwan nito at kung talagang mahal siya ng binata ay pupwede na silang magpakasal at sabay na magsumikap upang maabot ang kanilang mga pangarap. Subalit binalewala lamang nito ang kanyang pagsusumamo at sinabing "He can not afford to go against his parents,"at sinabi pa nitong dapat raw tinanggap na niya ang salaping inalok sa kanya.
Nang gabi ring iyon ay umalis ang binata dala ang lahat na personal nitong gamit mula sa maliit na apartment na kanilang nirerentahan.
Matagal na panahon bago siya nakarecover. Sinisi pa nga niya ang sarili dahil hindi niya ipinaalam dito na hindi lang basta mayaman ang pamilyang kinabibilangan niya sa Pilipinas kundi kabilang din sa Asia's top 50 wealthiest. Marahil kung alam ng pamilya nito na bariya lang para sa kanila ang 20,000 US Dollars ay baka sakaling magustuhan siya ng mga ito.
Now ten years later ay may gana pang magpakita ang lalaking ito sa kanya?
Ang kapal naman ng pagmumukha!
Tinanggal niya ang maskara sa kanyang mukha.
"Jomae darling, I'm so happy to see you again?" Nakangiti from ear to ear ang makapal ang mukhang foreigner habang mahigpit nitong ginagap ang kanyang kanyang palad.
Pilit niyang binawi ang kamay mula rito at sa mahina subalit madiing tono ay kinausap ito. "Why are you here? How did you find me?"
BBij;
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top