Enter : Harrison Crawford

Chapter 13

After three weeks...

(Jomae's POV)

Napagkasunduan nila ni Jestoni na pansamantalang ilihim ang kanilang relasyon sa kanikanilang pamilya at publiko. In front of everybody, they act only as normal acquaintances. Kapag sila lamang dalawa ang magkasama ay saka lamang nila ipinapakita ang lambing sa isa't isa.

Hindi pa rin tumitigil si Magdalena sa pag-aatempt na ihanap siya ng makakapareha. Sinubukan na nitong ireto siya kay Norman Gomez, isang binata at premyadong news anchor sa kanilang istasyon. Ipinakilala na rin siya nito sa tinaguriang 'hardcourt heartthrob" na si Sandro Laxamana. Noong isang lingo naman ay isinet-up siya nitong makipagdate sa isang batambatang Congresista mula sa ikalawang destrito ng Quezon Province. At ngayong gabi ay mukhang may binabalak na naman ang kapatid na ipakilala sa kanya.

Usually, pinagtatawanan lang nila ni Jestoni ang mga antics ni Magdalena sa pag-aatempt nitong ipareha sila, ang direktor kay Christine Rivera at siya ay sa kung kani-kanino. Routine na nila sa araw-araw na magpalitan ng mga kwento sa kung paano nila hinahayaang kunwari ay matrick sila ng kapatid para lamang makipagdate.

Natigil ang kanyang pagmumunimuni ng tumunog ang intercom sa kaliwang bahagi ng malapad na mahogany office table.

Pumailanlang ang boses ng kanyang sekretarya ng pindutin niya ang answer button.

"A certain Harrison Crawford III is asking for you in line one, will you take it?"

Napakunot ang noo niya. Si Harrison Crawford III o Aris ay isa sa mga itinuturing niyang malapit na kaibigan. Ito ang umalalay sa kanya nang mga panahong down na down siya sanhi ng ginawang pag-abandona sa kanya ni Brandley sampung taon na ang nakalilipas. Magkatapat lamang ang tinutuluyan nilang apartment unit noon sa Newyork at natural na naging kaibigan niya ito sapagkat sila lamang ang Pilipino sa apartment building na iyon.

Nang kapwa sila nagbalik bayan pagkagraduate ay bihira na lamang sila magkita, minsan 2 beses isang taon. Kapwa na kasi sila naging abala sa mga kaniyakaniyang responsibilidad sa negosyo. Ito ang nag-iisang anak at tagapagmana ng malawak na chain of departmentstore na may hindi na mabilang na sangay sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at ilang bansa sa Southeast Asia, ang Harrison Malls.

Nasabi nito sa kanya 5 buwan na ang nakalilipas na matatagalan muli itong makabalik sa bansa sapagkat personal nitong aasikasuhin ang pagmamanage ng bagong tayong Harrison Mall sa China.

"O'k tita Evie, I'll take it."

Masigla niyang sinagot ang telepono.

"Aris! What a surprise. Kelan ka bumalik? Hindi ka man lang nagpasabi, sana nasundo kita sa airport." Excited na bungad niya sa kausap.

"Hello to you too sweatheart. Ha...ha...ha...slowdown, will you? One week na ako dito sa bansa, ngayon lang ako nagkaroon ng freetime kaya hindi na muna kita natawagan."

Tumaba ang puso niya pagkarinig sa pamilyar na term of endearment nito sa kanya. Simula ng iligtas niya ito sa isang clinging ex-girlfriend sa pamamagitan ng pagpapanggap na fiancé nito ay hindi na nabago ang tawag nito sa kanya.

"Kaya tayo natsitsismis eh... sweetheart ka ng sweetheart. Anyway hanggang kelan ka free? I'll clear my calendar so we can see each other, I can't tonight eh... I have a business meeting."

"That's why I'm calling. Kailangan ko lang bisitahin ang site ng tinatayong bagong Harrison Mall sa Lucena City. I need to go ASAP para umabot ako sa business hours. Ipapareschedule ko sana ang business meeting natin."

"What! Ikaw ang imimeet ko later? How come?"

"Curious nga ako. Hindi ko alam kung paano pero nacorner ako ni Magdalena kahapon pagkatapos ko umattend ng business conference sa Ragency Hotel. She's babbling something about you needing to be rescued. Masyadong marami siyang nasabi, isa lang ang naintindihan ko... You desperately needed a date."

Nanlaki ang mata niya sa impormasyong ibinigay ng kausap. Ganoon ba siya kung ilako ng kapatid? Desperate? My God! Nakakahiya...

"Nonesense! Me, desperate? Sumosobra na talaga iyang si Magdalena! Nagpapalpitate ako sa mga pinaggagawa niya."

"Relax, sweetheart. Let's talk about it when we meet. How about tomorrow?"

"Hindi na ako makakapaghintay ng bukas! Let's meet today. Sasama ko sa iyo. Then we can stay overnight sa hacienda sa Tiaong. We have a lot to catch-up to. Daanan mo ako dito sa opisina one hour from now, handa na ako noon. Ayusin ko lang dito."

"O'k. See you later and, sweetheart... I missed you."

"Hay! Missed you too. See you later, send me a text message kapag nandito ka na at ako na ang bababa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top