Emptiness

Chapter 19

Halos isang buwan na ang nakalilipas simula ng naganap ang kaguluhan sa Ragency Hotel na naging sanhi ng pagwa-walk-out ni Jestoni.

Hanggang ngayon ay hindi pa muli sila nag-uusap. Walang lakas ng loob ang dalaga na humarap sa kasintahan, kung kasintahan pa nga niya itong maituturing. Matapos ang makahulugang pahayag nito bago sila tuluyang talikuran ay walang dudang tinatapos na nito ang anumang ugnayan sa pagitan nila.

Aminado naman siya na kasalanan niya ang lahat, subalit hindi matatanggap ng pride niya na siya pa ang magpakumbaba at manuyo sa binata. Minsan na siyang nagpakababa at simula noon ay isinumpa niya sa sarili na hindi na muli pang isususko ang dignidad sa harap ng isang lalaki.

Kung talagang mahal siya ni Jestoni ay dapat sana ay hinintay nito na makapagpaliwanag muna siya bago bumuo ng konklusyon.

Siguro nga ay hanggang doon na lamang sila. Nagsimula at natapos ang kanilang relasyon na sila lamang dalawa bukod kay Aris ang nakaalam. Mabuti na rin ang nangyari, kung nagkataon ay hindi sila makakaiwas sa pakikialam ng kanilang mga kapamilya.

Sa ganitong paraan, nagagamot niya ang sugat sa kanyang puso ng tahimik, her pride is intact.

Sa tulong na rin ni Aris ay nilubayan na siya ni Magdalena. Inakala marahil na successful na ang match-making efforts nito. Tulad kasi ng dati ay hindi sila nagcomment ni Aris sa mga issue tungkol sa kanila subalit patuloy ang sitings sa kanilang dalawa na magkasama. Sa mata ng publiko ay pag-amin na lamang ang kulang sa kanila para maging opisyal ang kanilang relasyon.

Napakalaking tulong ng presensiya ng binatang kaibigan sa buhay niya ngayon. Si Aris ay isang matibay na pader na kanyang nasasandalan sa mga panahong tila siya nauupos na kandila. Sa tulong nito ay natapos ang problema niya kay Bradley ng tahimik at walang iskandalong naganap.

Naipadeport nila ang banyagang over-staying na sa bansa matapos makuha rito ang lahat ng negatives at original na kopya ng mga litrato at video. Sa tulong rin ng mga koneksiyon ni Aris, naipaban nila si Bradley sa muling pag-pasok sa bansa. Halos hindi na rin ito umalis sa kanyang tabi, bastat libre ang schedule nito ay nagkikita sila kahit ilang sandali lang para kumain ng lunch o ihatid siya sa pag-uwi.

One thing she really liked about Aris ay napakaperceptive nito. Alam nitong tonohan ang kanyang mga moods. Tulad ngayon, magkasama silang maglalunch sa Anita's Kitchen, hindi na niya kailangan pang sabihin kung ano ang gusto niyang kainin. Antimano ay ibinigay nito ang order sa waiter.

"Please give us three servings of spicy chicken feet, pancit canton, seafood plater, one green mango juice and mineral water."

"Will that be all sir..." Halatang nagtataka ang waiter sa dami ng inorder nila, ang isang plato kasi ng pancit canton ay good for 3-4 people samantalang ang seafood plater naman na naglalaman ng isang lobster, mga sugpo, scallops at king crab ay sapat para pagsalusaluhan ng isang pamilya.

"That's all for now. We'll order dessert later."

"O'k sir, I'll arrange another table for you. How many company are you expecting?"

"Oh! Its fine here. Kami lang dalawa ang kakain." Napapangiti ang binata habang kinikindatan siya.

Nagtataka man ay tumalima na ang waiter upang ihanda ang kanilang order.

"Ang dami mo namang inorder. Sabagay puwede naman nating itake-home ang hindi natin mauubos," sabi niya sa binatang mataman na nakatingin sa kanya.

"Why? What's wrong? May dumi ba ako sa mukha?" Unconsciously ay hinawakan ng dalawa niyang kamay ang kanyang mga pisngi upang makatiyak.

Ginagap ng binata ang mga palad niya, "I've kept quiet and didn't ask you about anything for as long as I can. I respected your privacy but now I'm really worried."

Nagbaba siya ng tingin. Hindi rin niya alam kung bakit pero hindi niya magawang mag-open dito ng tunay niyang saloobin patungkol sa kaniyang nararamdaman kay Jestoni. Dati rati naman ay malaya siyang nakakapagsiwalat dito ng kahit ano, maging ang sex life niya noon kay Bradley ay hindi niya kinahiyaang idetalye rito. When it comes to Jestoni, unexplainable but she have this instinct to keep everything to her self.

"Please, don't think na iniitsapuwera kita. It's just that there are things na hindi ko pa kayang pag-usapan."

"That's why I'm worried, siguro hindi mo napapansin pero may naiba na sa iyo. Parang hindi mo napapansin na isang hakbang na ang inilayo mo sa akin," pinisil nito ang kanyang mga palad ng manlaki ang mga mata niya at akmang pabubulaanan ang mga sinabi nito.

"No, don't get me wrong. I'm not jealous or anything. I'm just saying na siguro dapat panahon na para isaayos mo ang mga priorities mo. Chase after your happiness once and for all. Nagiguilty ako, dahil alam ko na malaking bahagi ng hindi ninyo pagkakaunawaan ni Jestoni ay dahil sa akin." Patuloy nitong paliwanag sa kanya.

"Hindi totoo yan! Please don't say that... Oh, I don't know what to think anymore," binaha ng kalituhan ang kanyang isip. May katotohanan nga ba ang sinabi ng kaibigan? Unconsciouly ay tinitimbang nga ba niya ang halaga ni Aris at Jestoni sa kanyang puso?

"Listen to me... I know my place in your heart and you also know yours in mine. Lagi lang ako narito kung kailangan mo ako. But there are things that I cannot do for you not because hindi ko kaya o ayaw ko, but because we both know na hindi ako ang tamang tao na makakagawa no'n para sa'yo."

Wala siyang naisagot sa tinuran ng binata. Suddenly, realization hit her. The emptiness in her heart, there is only one person who could fill it for her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top