Consuming and Assuming
Chapter 9
Samantala nang mga sandaling iyon sa location shooting ng teleseryeng Love and Let Love ay tahimik na nakaupo si Jestoni sa kanyang director's chair.
Kanina pa niya gustong dagukan ang sarili ng magkamali siya ng pag-intindi sa text message na natanggap mula kay Jomae.
Naging napakasaya niya nitong mga nakaraang araw at inaamin niya sa sarili na iyon ay dahil sa dalaga.
Hindi nila personal na napapag-usapan ang tungkol sa relasyong namamagitan sa kanila.
Sa bahagi niya, bilang lalaki ay hindi siya makapaniwala na ang isang tulad ni Mary Jomae Aragon-Zaragoza ay papayag sa relasyong seksual with no-strings-attached.
Although ilang taon na rin naman silang magkakilala, hindi naman masasabing sila ay malapit sa isa't isa. Ma'am Jomae is someone you could know but couldn't get close to.
Merong ere ang dalaga na para bang nagsasabing hanggang diyan ka lang.
Hindi naman ito suplada, pero batid ng lahat ang invicible line na naghahati sa pagitan nito at ng mga nakapaligid rito, after all, ito ay apo ng may-ari ng kompanya.
Aminado ang binata na isa siya sa mga humahanga sa dalaga. Kakaiba kasi ang aura nito, gandang habang tinititigan ay lalong tumitingkad. Dignified kung kumilos at may pinatunayan. Narating nito ang posisyon hindi lang dahil apo ito ng may-ari kundi dahil deserving talaga ito.
Up until a week ago ay hindi niya naisip na mabibigyan siya ng pagkakataon na mapalapit dito, everything was business between them.
Natibag ang pader sa pagitan nila marahil sapagkat tulad nito ay isa rin siya sa tagapagmana ng ALC Group of Companies o marahil dahil sa muntik na silang maipagkasundong ipakasal o dahilan siguro ng kaalamang they are practically one family.
Honestly speaking, he's willing to take their relationship to the next level. Their first night together, inakala niyang simpleng one-night-stand lang ang nangyari sa kanila dala ng mapanuksong sundot ng pagkakataon.
Nang hindi niya mapigilan ang sarili na puntahan itong muli sa condo unit nito ng sumunod na araw at naulit muli ang naganap sa kanila ay inakala niyang aftermath lamang ng init na namagitan sa kanila ng nagdaang gabi ang kanyang nararamdaman.
Matapos ang pangatlong gabi ay inamin niya sa sarili na nahuhulog na ang damdamin niya kay Jomae. Hook, line and sinker.
Sa pagdaan ng mga raw ay lalo pang tumitindi ang damdamin niya para dito. Sigurado na siya na hindi lang simpleng kaso ng intense sexual desire ang nararamdaman niya.
Karaniwan na pagkatapos niyang makipagniig sa isang babae ay hindi siya natutulog kasama nito. With Jomae, its different.
He felt the urge to watch her sleep and see her face first thing when he wakes up.
Nang i-text nito na uuwi na ito sa bahay ng mga magulang ay matinding disappointment ang naramdaman niya.
He felt stupid for assuming. Sigurado siya sa kanyang damdamin subalit hindi niya masasabi ang tunay na nararamdaman ng dalaga.
Napakaraming kontradiksyon sa mga kilos nito. Kapag nasa kompanya ay halos hindi siya pansinin ng dalaga. Tulad ng dati, ito ang boss at siya ay isa lamang sa napakaraming talent sa kompanya.
Kapag silang dalawa lamang sa condo nito naiiba ang personalidad ng dalaga. Inside the confines of that unit, they have a different world.
Naabala ang kanyang pagmumunimuni ng lapitan siya ni Magdalena. Ang nakababatang kapatid ni Jomae na siya ring manager ni Ryan Coronel, ang bida sa katatapos pa lamang nilang i-shooting na teleserye.
Humila ito ng upuan at pasalampak na naupo sa tabi niya.
"Hello, direk. I have a favor to ask. Please... please... umatend ka naman ng mixer party mamaya. And please make sure na hindi magwawalk-out si ate sa blind date niya. It took me a while to look for the perfect guy para ipair-up sa kanya. Here, take this. This is your invitation. Doon kita ipinuwesto sa katabing lamesa ng kay ate. Don't worry hindi ka madidisappoint sa date mo, I'm sure you'll enjoy the company of Christine Rivera. Huwag kang mag-alala sa celebration party mamaya. Pinagpaalam na kita sa buong staff, kami na ni Ryan bahala mag-entertain sa kanila. O'k?"
Parang machine gun ang bibig nito sa pagsasalita. Halos hindi niya naunawaan ang mga sinabi nito.
"You want me to attend a mixer and babysit your sister while she's having a blind date?" Tumango tango lang ang kausap bilang tugon sa kanyang katanungan.
"Why are you arranging a blind date for your sister and what makes you think na papayag ako sa binabalak mo?" muli niyang tanong sa dalaga.
Iminuwestra nito ang mga kamay sa ere, "Eh kasi nga, eto makinig ka. Lolo wouldn't allow any wedding in the family unless ate Jomae marries first. Malas daw laktawan ang panganay. So paano naman magpapakasal si ate Jomae eh, wala namang boyfriend. Sintigas ng bato puso no'n. Hindi mo rin mapipilit 'yon na basta-basta makipagdate simula ng ma-indispair sa first love niya eh parang ikinulong na ang puso sa bilibid prison. Dalawang beses nga uli nagkaboyfriend kaso wala ring nangyari. Umabay pa kamo si ate sa kasal ng mga ex niya. How pathetic! Gets mo?"
Napatango na lamang ang binata kahit hindi pa rin malinaw sa kanya ang sinasabi ni Magdalena.
"And so?" Susog tanong niya upang ipagpatuloy nito ang sinasabi.
"And so, It took me one week para makita iyong first love ni ate. Ang laki laki ng nagastos ko. Kaya dapat hindi masayang. You need to help kasi kapag hindi nag-asawa si ate..." Dumukwang ang dalaga upang ibulong sa kanya ang susunod na sasabihin.
"...hala ka... baka matuloy ang arrange marriage sa pagitan ninyo. Ayaw mong mangyari 'yon hindi ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top