Begging Her
Chapter 24
Sunod sunod na tunog ng door bell ang gumising sa nahihimbing niyang tulog. Binuksan niya ang ilaw sa side table at tiningnan ang oras. 11: 15 na ng gabi. Bumangon ang dalaga at lumabas ng silid upang tingnan kung sino ang umistorbo sa kanyang tulog. Matapos masilip sa peep hole ang haggard looking na si Jestoni ay binuksan niya ang pintuan."What are you doing here? Dis oras na ng gabi..."
Tila wala itong narinig at tuloy tuloy na pumasok ng kanyang condo unit. Derederetso nitong nilibot ang kabuuhan ng tirahan at sinilip ang mga silid, walang itinira maging ang banyo at laundry area.
Wala siyang nagawa kundi sumunod rito, hindi nito pinapansin ang kanyang protesta sa ginagawa nitong pamamasok sa kanyang bahay. Nang matiyak na walang ibang tao ay saka lamang siya nito hinarap. Nasa loob sila ng kanyang kuwarto noon.
"What the hell are you thinking?!" Nayanig ang buo niyang pagkatao sa lakas ng boses nito. "Nagpropose ka pa ng kasal sa harap ng buong madla! How can you do that?"
Naupo siya sa ibabaw ng kama, "Puwede ba, huwag kang sumigaw? Hindi ako bingi. FYI, last I heard this is a free country. I can do whatever I want for as long as it is not a crime. Tingin ko naman ay wala akong nilabag na probisiyon ng constitution sa ginawa ko."
"Huwag kang pilosopo. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. How can you be so brazen in front of me?" Sagot ng binata sa mas mahina ng boses. Lumuhod ito sa harapan niya at hinawakan na ng dalawang kamay ang magkabila niyang balikat.
Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata, "honestly, hindi ko alam. Hindi ako manghuhula para malaman kung ano ang iniisip mo. So why don't you tell me kung ano ang ikinagagalit mo."
"Hindi mo alam? Paano mo nasasabi yan? You committed yourself to me, said you love me and then propose marriage to someone else! At least have the decency to break it off with me first."
"As far as I'm concern, tinapos mo na ang anumang namamagitan sa atin the day you walked out on me. So anong problema?"
"Tinatanong mo kung anong problema? This is the problem..." Ginagap nito ang mga kamay niya at inilapat sa dibdib nito malapit sa puso. "My heart is hurting so much, it nearly gave out..."
Sunod ay kinabig siya nito at hinalikan sa labi, "My mouth is so hungry for you, I missed you so much..."
"And this," kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. "This man is so crazily in love with you. Mahal na mahal na mahal kita. I wanted to spend the rest of my life with you. Kung sa akin ka nag propose, I will tell you... yes I will marry you whenever, wherever."
Lihim na napangiti ang dalaga. Pinipigilan niya ang sarili na huwag mapaluha sa sobrang kaligayahang nadarama sa mga sinabi ng binata. Mas pinili niyang sundin script by script ang kaniyang plano. Sa mahina at halos pabulong na boses ay sinabi niya ritong nagdadalangtao siya.
"It could be mine. And even if it is not. Aariin ko siyang akin. Ang lahat ng galing sa iyo ay mamahalin ko. That's how much I love you. Please give me a chance."
Sukat sa tinuran ng binata ay tuluyan ng humulagpos ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Thank you for loving me this much. I do not deserve this. I do not deserve you. Hindi na ako malinis ng makuha mo but still you accepted me for who I am, no questions asked. Thank you but, I will only marry the father of my child. I love him so much I'd do anything for him. Pakiusap, hayaan mong maging maligaya ako sa piling ng taong mahal ko. Can you do that for me."
Ilang sandali itong hindi nakatinag at natili lamang na nakayakap sa kanya. Kahit hindi niya kita ay alam niyang tahimik itong lumuluha. Katunayan ang basa ng bahagi ng kanyang damit pantulog sa kanang balikat kung saan nito isinubsob ang mukha. Nang mahimasmasan ay saka lamang lumuwag ang kapit nito sa kanya at saka siya tinitigan.
"Just one question... Sigurado ka bang mahal ka rin niya? Are you sure that he loves you as much as I do?"
Sinapo ng dalawang palad niya ang mukha ng binata at pinahid ang luhang naglalandas sa mga pisngi nito. "Yes he does. Sigurado na ako ngayon na mahal na mahal niya ako at ang magiging anak namin. There is no doubt in my heart; he will take care of us for the rest of our lives."
Pinisil ng madiin ni Jestoni ang mga palad niya bago iyon tuluyang bitiwan. "If that is the case, then I wish you all the best," tumikhim ang binata upang maalis ang bikig na bumabara sa kanyang lalamunan. "Congratulations. Please be happy," at tuluyan na itong tumalima paalis ng kanyang condominium unit.
Naiwan si Jomae na napahagulgol sa labis na tuwang nadarama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top