Aray Naku!

Chapter 25

Sa loob ng sasakyan, hindi magawang makapagmaneho ni Jestoni.  Sa unang pagkakataon simula ng magka-edad ay napaiyak ang binata sa labis na kabiguang nadarama.

Ang mga sumunod na araw ay naging napakabagal para sa batang direktor.  Tila ba kay bagal ng oras.  Walang nakakaalam subalit, he is slowly dying inside. 

Habang nagdiriwang ang buong mundo sa napipintong pakikipag-isang-dibdib ni Jomae ay unti-unti namang dinudurog ang puso niya.

Gustuhin man niyang takipan ang mga tainga at mata para wala na siyang makita o marinig na balita tungkol dito ay hindi niya magawa.

Kahit saan siya bumaling ay walang mapagtaguan.

Sa trabaho, lahat ay walang bukang bibig kundi si Jomae at ang guwapong groom-to-be; sa ancestral house nila ay ganoon din sapagkat kasama sa buong entourage ang buong pamilya nila; sa dyaryo, t.v. o radio ay laman ng balita si Jomae; at sa kanyang tahanan kahit nag-iisa siya ay si Jomae pa rin ang laman ng isip niya.  Gabi-gabi ay kailangan pa niyang uminom ng alak para lamang makatulog.

"Kuya Jestoni, ekskyus mi pu, si Duktura Jusi nasa tilipuno, kausapin daw kau." Ginulat siya ng malakas na boses ni Tisya, ang 40 anyos na bisaya niyang kasambahay. Tanging ang maitim na mukha lamang nito ang nakasungaw sa bahagya ng nakabukas na pinto ng kanyang silid.

"Sige Tisya, salamat. Dito ko na sa extension sa kuwurto sasagutin."

Pagkasara nito ng pinto saka niya dinampot ang telepono, "Ma, napatawag po kayo," halatang halata sa tinig niya ang katamlayan.

"Aba, Jestoni! Ano pang ginagawa mo? Sabi ni Tisya eh, hindi ka pa lumalabas ng kuwarto. Anong oras na? Tanghali na, are you all packed and ready?" As usual ay high pitch na naman ang boses ng ina.

Kung anong taas ng emosyon ng doktora ay siya ring itinaas ng boses nito.  Mas excited mas high pitch, mas galit mas lalo pang high pitch. "All packed and ready para saan, Ma? Wala akong nakaschedule na trabaho ngayon kaya nagpapahinga ako."

"Santisima Trinidad! Sa makalawa na ang kasalan sa Tiaong.  Dapat ngayon ay naroon na tayo. Mamayang gabi ang Bachelor at Bachelorette Party. Huwag mong sabihing nakalimutan mo?"

Napabalikwas ng bangon ang binata, "ha? Sa makalawa naba yon?  Puwede ba ma, hindi ninyo na lang ako isali diyan? I'm really not feeling very well. I need to rest.  Marami namang puwedeng mahila diyan para magproxy para sa'kin."

"I'm warning you Jestoni, dadaanan ka namin diyan.  Pag hindi ka pa ready o kaya ay hindi ka namin datnan riyan, magsisisi ka! Get yourself out of the bed, maligo ka at uminom ng isang banig na paracetamol! Hintayin mo kami at paalis na kami rito." Binagsak nito ang telepono. Sa lakas ay parang nabasag ang eardrums niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top