Chapter 8
Chapter 8
Call
I knew that I promised not to date him. Nangako ako sa sarili na hindi ko bibigyan ng pagkakataong makipaglapit sa akin ang klase ng lalaki na maituturing kong katulad ni papa at ni Kuya. But when I saw Alec with that painful scene with the child, it made me become more lenient to one of the principles I had in my life.
"You want us to date." Alec's words were careful.
"Yes."
Tinitigan niya pa ako ng ilang minuto. "Bakit nagbago ang isip mo?"
Nangapa ako sa isasagot sa kanya. I swallowed as I gave myself some time to think of a reason. Nahirapan ako dahil ayaw kong sabihin sa kanya na ang dahilan ng pagpayag ko ay dahil sa nakita kong nangyari kanina.
"I... I just want to date you, I guess," sabi ko na lang.
He nodded and stared at me for a while. He did not respond so it made me feel anxious.
"Ayaw mo na ba?" tanong ko sa maliit na boses.
Dumaan ang gulat sa mga mata niya.
"Gusto."
Para akong nabunutan ng tinik. Mahina akong natawa. I nodded and went inside the car.
Ilang minuto pa bago siya sumunod sa pagpasok sa loob ng kotse. Nang maupo na ay nakabibinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa lalo pa't mukhang wala pa siyang balak paandarin ang sasakyan.
"Do you want to keep this between the two of us for now or do you want me to tell the elders?" he suddenly asked.
I looked at him. "If we tell the elders, for sure they'd talk about marriage."
He simply nodded so I continued, "You said you're not gonna date me for marriage."
"And you told me you won't date me," he pointed out.
Nawalan ako ng ibabato sa kanya pabalik. He used my own words earlier against me.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Maybe we'll see what will happen?"
He smirked and put a hand on the steering wheel. "Pa'no kung magustuhan mo pala ako? Pakakasal ka sa'kin?"
"And if you fall in love with me?" I retorted. "Would you be willing to settle down for a married life?"
"I told you, I don't know anything about love," paalala niya. "Since you sound like an expert of love, once it happens, you tell me."
"Ibig mong sabihin, ako pa ang magsasabi sa'yo kung in love ka na sa'kin?" Natawa ako. "Are you kidding me?"
Muli niya nang pinaandar ang sasakyan.
"Oo," tugon niya habang deretso na ang tingin sa kalsada. "'Wag kang mag-alala, paniniwalaan agad kita."
I looked at him in disbelief. Walang bahid ng kung anong pagbibiro ang hitsura niya.
Tumahimik ako at hinayaan ang sarili na makapag-isip. I entertained the idea which had crossed my mind.
"You know what," I started conversationally, "siguro nga tama ka na wala naman talaga akong choice kung sino ang pakakasalan."
Alec glanced my way. He did not interrupt me from talking.
"I'm thinking of giving this a chance," matapang kong sinabi. "Let's get to know each other then at baka sa huli, okay naman pala na magpakasal sa'yo. Kahit na hindi naman kita gusto."
He looked serious and thoughtful as he drove.
"You don't mind marrying for convenience?" aniya.
Tumango ako. "That's my fate. At least if I end up with you, kilala na kita."
Bigla siyang natahimik. I guess he was trying to take in what I just said. I stopped talking and the drive continued in silence.
Nakarating din kami sa exclusive subdivision kung nasaan ang mansiyon namin. Alec already knew my address and it did not surpise me since he had read my profile. Marami na siyang alam na impormasyon tungkol sa'kin.
The huge gate was opened by our two security staff. Instead of stopping right then and there, Alec maneuvered the car on the entrance.
Bukas ang ilaw sa portico ng mansiyon. Mula sa loob ng sasakyan ay natanaw ko kaagad si mama na nakatayo sa labas. Sa tabi niya ay isa sa mga kasambahay namin na mukhang naalimpungatan pa. My mother busied herself looking at the car though she could not see us because the car was tinted.
I deeply sighed. Kahit mag-aala una na ay hinintay niya pa rin ang pag-uwi ko. Maybe she anticipated that Alec would be with me since pinauwi ko ang driver.
"You don't have to go out, " I told Alec. Tinatanggal ko na ang suot na seatbelt.
"You sure?" aniya sabay sulyap sa ina kong titig na titig sa sasakyan. "I can go ahead and explain to your mom—"
"Please, don't. I'll handle it," agap ko at pagkatapos ay binuksan na ang pinto ng sasakyan at lumabas.
Lumapit ako kay mama. Imbes na sa akin ang tingin niya, nanatili ito sa sasakyan na umaandar na palabas.
"Was that Alec Von Cua?" kuryoso niyang tanong. "The driver told me and your father also called."
"Yeah," pag-amin ko. "Pagod na po ako, Ma."
"Hindi man lang bumaba para magbigay pugay sa'kin?"
Pagod akong napairap. "Mom, it's already 1 a.m."
"Oh, well," bawi niya maski halatang pilit. Interesante njya akong binalingan. "Pumasok na tayo sa loob and you can tell me all about your dinner."
"In the morning, Ma," I patiently told her. "I'll tell you all about it in the morning."
" Pero 'di ba po morning na?" biglang sabad ni Manang na katatapos lang humikab.
I stared at her sharply. "Manang, ba't 'di mo dalhan si Mama ng gatas pagkaakyat ninyo ng kwarto?"
Ngumiwi siya. "Ay sige po, Miss Jia."
Nakumbinsi ko rin sila na pumasok na sa loob. I went straight to bed. I felt tired to the bone. At maski pagod, tumatakbo pa rin sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Alec. Hindi ko lubos maisip kung sa'n ko nakuha ang tapang sa pagpayag ko sa kanya.
As I thought about it, I actually realized that my decision was of sane mind. Kapalaran ko naman na magpakasal. Nakakapagod na rin ang pressure na gawa ng pamimilit ng pamilya. At hindi naman ibig sabihin na pumayag na akong makipagdate eh ikakasal na kami agad.
Nakatulugan ko ang pag-iisip. I woke up very late the next day.
I did my morning routine, including skincare kaya tinanghali na ako nang pagbaba. I was expecting that my mom would be waiting for me, bombarding me with questions about last night. Nagulat ako nang sabihan ng isa sa mga kasambahay na nakaalis na raw ito ng mansiyon.
"Where did she go?" tanong ko kay Ate Shen nang nagpunta ako sa abalang kusina.
I saw her helping our kasambahays on the wide marble kitchen nook. They were carefully wrapping some vegetable lumpia.
"She said she has a schedule for a facial today," she responded without looking up.
"That's weird. Hindi niya ako inimbita."
Pansamantalang huminto si Ate Shen sa ginagawa at tiningnan na ako. "Is it true that you had dinner with Alec last night?"
"It was just a friendly dinner."
"Hmm." There was a ghost of smile on her lips.
"I'm going out," paalam ko at tumalikod na para makalabas ng kusina.
"Hindi ka rito kakain ng lunch?" I heard her call out.
I shouted back a no.
I was free for the day dahil Linggo. Nagbihis ako kaagad ng damit panlakad dahil naisipan kong bisitahin sana si Feng sa ospital. Mabuti na lang at tinawagan ko muna siya at napaalam niya sa'king nadischarge na pala siya at kasalukuyang nasa bahay na.
Sa bahay na inuupahan nila ako nagpunta. Feng was all ears when I told her about the dinner I had with Alec. I told her everything except the Bahay Ampunan part. I felt like it was a very private moment for Alec and I did not have the right to share it with others, not even to my best friend.
"You like him," komento niya matapos kong magkuwento.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ang sabi ko susubukan lang namin!"
Inirapan ako ni Feng. "You agreed. Kilala kita. Hindi ka basta-bastang pumapayag sa date. Mailap ka sa lalaki!"
"He's not even my type."
"I-chika mo sa pagong, Jia." Tinapunan niya ako ng iilang piraso ng kanyang fries.
"That's gross!" Inabala ko ang sarili sa pagtanggal nito na dumikit pa sa buhok ko.
Tinawanan niya lang ako at inabot ang isang baso ng juice para uminom.
"Ipupusta ko 'yong restaurant namin, mahuhulog ka kay Alec Von Cua," saad niyang may buong kumpiyansa.
"Excuse me, you think that I'd fall first?" I scoffed.
"Hindi ikaw. Kasi nga halata namang hulog na 'yong crush ko sa'yo. Ikaw na lang ang hihintayin ko."
"Crush?" Iba ang napuna ko sa sinabi ni Feng. "Akala ko ba hindi mo na siya crush?"
Nagngising aso siya. "Selosa!" she teased. "Oo na, hindi na. Nadulas lang, ito naman."
Ngayon ay ang baso ng juice ko naman ang kinuha ko. I sipped on it.
"Tanggap mo na talaga ang marriage for convenience?" Naging seryoso na si Feng.
"Magdi-date lang kami,' I corrected. "We'll see how it goes. It's not like he's my boyfriend already."
"Tingin mo sa pamilyang meron kayong dalawa, hindi marriage ang hahantungan niyan?" Hindi siya mukhang kumbinsido. "And for sure, malalaman din 'yan ng angkan ninyo."
Nag-isip ako bahagya. "Puwede namang mag-date privately."
"Ano, sa'n kayo magdi-date? Sa panaginip?"sarkastikong kontra niya. "Mabilis na kakalat ang balita lalo na't pareho kayong mula sa prominenteng pamilya. Kahit hindi na nga kayo maging boyfriend and girlfriend at deretso na lang kasal eh."
"If we end up not liking each other pala, then we'll go our separate ways," sabi ko. "I'm sure hindi na ipipilit ang kasal dahil parehas naman kaming tutol."
"Sure ka tututol 'yang si Cua?"
Her remark stopped me. Unti-unti kong inilapag ang baso sa mesa.
"He'll respect my decision," sagot ko nang hindi siya tinitingnan. "Nag-usap na kami. We had a very mature conversation, Feng."
"Okay. Sabi mo, eh."
I glanced at my phone on the table. Feng saw it. She had this glint in her eyes.
"Ano? Hindi pa tumatawag kung sa'n kayo ulit magdi-date?"
"Hindi ako umaasa sa tawag niya," mariing tanggi ko. "At wala rin siyang numero ko. I think. "
Umirap siya, halatang hindi naniniwala.
I glanced at my phone again and coincidentally, it rang. The caller ID displayed an unknown number. Kinabahan ako bigla, pero ibang kaba na ang nararamdaman ko. Kaba na may halong excitement.
Dinungaw ni Feng ang cellphone ko. She smirked. "Ngayon meron ka ng number niya."
Naupo ako nang deretso at kinuha na ang cellphone.
"Maybe it's not from him," sabi ko at pagkatapos ay tinanggap na ang tawag.
"Hi! Is this Jia Chen?" a gay chirpy voice came from the other line. "We got your contact number from a referral. We'd like to ask if you're interested to model—"
Binaba ko na agad ang tawag at hindi na pinatapos pa ang nagsasalita sa kabilang linya.
"Hindi si Alec?" si Feng.
I shook my head. "Modelling agent na naman."
I always get a call from agents for a modelling career. Ilang beses na akong tumanggi dahil wala akong interes. I'd rather manage a business maski wala naman akong chance dahil ayaw ni Papa.
Feng grimaced and did not say anything else.
Umuwi rin ako matapos makipagchikahan kay Feng. I was not disappointed really when Alec did not contact me. Hindi naman ako umasa. Or so I've told myself.
Maybe he was just really like that? Hindi yata siya naghahabol sa isang babae maski na gusto niya?
But he said he wanted to date me? Bakit hindi siya nagpaparamdam? Baka next week pa?
Natawa ako sa naiisip. Why do I feel so affecfed? He's not even my type.
Siguro hindi lang ako sanay kasi 'yong iba naman na nagpapakita ng interes sa'kin, panay ang pangungulit kahit na lagi kong iniignora. Alec Von Cua is probably of a different breed.
I attended my classes the next day. Pati sa art class ko kahit na parang wala pa rin naman akong improvement. Dahil tuloy dito, naalala ko ang canvas na naiwan ko sa kotse ni Alec.
Nanibago rin ako dahil hindi na ako inusisa pa ni mama sa naging dinner namin ni Alec. She was still out doing I don't know what. Napansin ko rin na parang occupied ang isipan niya.
"Tingin mo may tinatago ang mama mo?" si Feng nang makabisita ulit ako sa restaurant nila.
"I don't know. She seemed like she's not herself," I explained. "Kinabukasan nga no'ng dinner namin ni Alec, maaga siyang nakaalis ng mansiyon. At no'ng bumalik siya, she seemed a little bit off."
Natahimik si Feng at halatang malalim na ang iniisip. Nagkatinginan kami.
"Sa tingin mo, nangyayari na naman?" suspetsa niya. "Nahuli na naman niya ang papa mo na may ibang babae?"
"Siguro," kompirma ko. "Pero feeling ko, it's different this time."
"Nakauwi na ba ang Papa mo galing US?"
Umiling ako. "Hindi pa. Probably tomorrow."
Tumango si Feng. "Baka naghire na naman ang mama mo ng private investigator gaya no'ng huli."
Remembering my father's previous mistress, a tall model my age, brought another wave of hate in my gut.
Nagbuga ako ng malalim na paghinga. "Napapagod na ako sa pambababae ni Papa. Nakakasawa na."
Napangiwi si Feng. Nagpatuloy ako, "minsan nga naiisip ko na sana bumalik na lang ako do'n sa mga panahon na wala pa akong malay sa pambababae niya."
"I feel you, friend."
Our conversation was interrupted when I heard my phone beeped. Kinuha ko 'to mula sa bulsa at nakita ang unknown na caller ID na nakadisplay sa screen.
I was about to cancel thinking that it would be another agent calling when I heard Feng talking.
"Baka naman si Alec Von na talaga 'yan?" parinig niya.
I sighed and accepted the call.
"Hey," greeted a deep baritone voice from the other line. It was indeed Alec.
Napasulyap ako kay Feng. I saw her mouthed 'Si Alec?'
I nodded at her and faced the other way. Nahiya ako bigla.
"Hi," sagot ko sa maliit na boses sa tawag. I cleared my throat so as not to sound affected. Wala akong gusto sa kanya.
"This is Alec Von Cua," pagpapakilala niya. Nahimigan ko ang humor niya rito.
"Oh, hi. Napatawag ka?" I tried to sound nonchalant. Kahit na naiisip ko ang dalawang araw na hindi man lang siya nagparamdam.
"I have something important to tell you."
Napaangat ako ng kilay. "Nasa restaurant lang ako nina Feng. If you want to talk to me, puwede kang pumunta rito."
"I'm out of town. May importante lang akong inaasikaso."
I heard a woman's voice calling his name. Kumalat ang pait sa sikmura ko.
"Oh." Sinubukan kong hindi magtunog dismayado.
Ano naman kaya ang inaasikaso mo? Iyong babaeng tumatawag sa'yo?
Siyempre hindi ko na isinatinig 'yon.
"Let's just talk when you get back then," halos pataray na imporma ko at pagkatapos ay binaba na ang tawag.
"Anong problema?" si Feng.
"I'm not gonna date him," biglang kong pahayag. "I change my mind."
"Ha? Na naman?" Nagulantang ang kaibigan ko.
My phone rang again. Thinking that it could be the playboy Alec, I sharply glanced at the screen. Nawala ang talim sa tingin ko nang makitang si Papa ang tumatawag. I was surprised when it did not display an international number.
Nasa Pilipinas na siya? Akala ko bukas pa.
I accepted the call. "Papa."
"Where are you?"
"Nasa Binondo po, sa restaurant ni Feng, " imporma ko.
"I'll send someone to pick you up," aniya. "The Cuas want to meet you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top