Chapter 4

Chapter 4

Engaged

My reflexes reacted faster than my brain. Itinulak ko siya at muntikan na kaming matumbang dalawa. I closed my eyes to calm my nerves. Naeskandalo ako sa sinabi niya. He's not even my boyfriend and we're not engaged yet, pero kung makaasta siya parang may karapatan na siya sa 'kin!

Oo at malaki nga ang posibilidad na magpakasal kaming dalawa dahil na rin sa pagiging paladesisyon ng pamilya namin, but I really have a bad feeling about him! Masyado siyang... mapusok!

Unti-unti akong dumilat at nakita siyang nakaupo na ulit ngayon sa stool at kasalukuyang umiinom ng whisky niya. It was as if nothing had happened.

"I don't like it here," medyo mataray na pagkakasabi ko.

He sipped on his drink. "I thought you said you wouldn't mind?"

Natigilan ako. Oo nga pala at nasabi ko 'yon sa kanya. At isa pa, nagpapanggap akong maamo, hindi ba?

"F-Fine," mas malumanay na pagkakasabi ko at umupo na ulit sa stool.

We were both quiet for a moment. Patapos na siya sa iniinom niya. I was expecting for him to ask the bartender for his second shot when he turned to look at me.

"Where do you want to go for dinner?"

Nagulat ako sa tanong niya. Napalinga ako sa paligid. Some people were eating dinner at the table.

"Akala ko ba dito tayo mag-di-dinner?"

"Ayaw mo rito, 'di ba?" His eyes looked playful.

Napakurap ako. "Well... Yeah, I said that pero... I don't mind na pala."

Mabilisan niyang ipinasada ang tingin sa damit na suot ko at pagkatapos ay bumalik ito sa mukha ko. I could see a ghost of smile on his lips.

"You don't look comfortable. I don't want my woman to feel uncomfortable."

Nadistract ako sa pagkibot ng mapulang labi niya. Bumawi naman ako kaagad nang mapagtanto ang laman ng sinabi niya.

"Actually, may restaurant akong gustong puntahan," bawi ko nang maalala ang balak. "If you don't mind."

Tumango siya ng isang beses at sinulyapan na ang bartender na nakabalik na sa harap. Alec took his wallet. Bago ko pa maiwas ang tingin ay nasulyapan ko ang black card na kinuha niya mula rito.

Nagpirmi ang tingin ko sa kabilang dulo ng stools kung saan may nag-iinuman habang nagbabayad siya ng kanyang drinks.

"Let's go," he murmured when their transaction ended.

Tumayo na rin ako kasabay niya. I let him lead the way.  Tahimik lang ako na sumunod sa kanya palabas ng resto bar.

"Did you bring your car with you?" tanong niya nang nasa labas na kami.

"Nagpahatid lang ako sa driver."

He simply nodded. "My car's parked in front," anunsiyo niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Medyo madilim sa labas. Binagalan niya ang paglalakad nang tumawid na kami ng kalsada. It made me think na hinihintay niya ako. Lihim akong napangiti hindi dahil sa naantig ako sa pagiging thoughtful niya kundi dahil sa malagim na balak.

Sinadya kong mas bagalan pa ang paglalakad. Mahinhin ako, 'di ba? I took my time.

We were in the middle of the road when he turned to look at me. Madilim ang tingin niya. He looks dangerous, maybe it has something to do with his clothes as well. He's also tall and domineering so it added.

Huminto siya sa paglalakad at ibinigay na sa akin ang buong atensiyon. He put a hand in his pocket as he gazed at me mockingly.

"Gusto mo ba'ng kargahin na kita?" he asked, his voice was loud enough for some of the passersby to hear.

That was my warning. Seryoso niya iyong sinabi kaya alam kong hindi siya nagbibiro. I walked faster until I finally reached him.

Kalmado lang siyang nagpatuloy sa paglalakad. Nilagpasan namin ang iilang sasakyan bago kami huminto sa gilid ng isang itim na Jeep Wrangler. I stopped for a while to admire his vehicle.

He has a cool taste, huh?

Pinagbuksan niya ako ng pinto nito at walang kibo naman akong pumasok na sa loob. Lumiko siya para dumaan sa kabila.

Abala pa ang mga mata ko sa katitingin sa loob ng kanyang sasakyan nang marinig ko ang pagsara ng pinto niya at ilang sandali pa ay ang pagbuhay niya sa makina nito. It even sounded cool.

Gusto ko sana ng ganitong sasakyan, eh, kaso ayaw naman ni Papa dahil hindi daw bagay sa akin at hindi raw naman ako adventurous.

"Sa'n tayo?" dinig kong tanong niya habang nagmamaneho.

"Just turn right at the end of this street," utos ko. "It's only a few blocks from here."

"Uh huh."

"Magkano ang sasakyan na 'to?" hindi ko na napigilan pa.

"I don't know. My accountant was the one who bought it for me."

Kumunot ang noo ko at binalingan siya. "Bumili ka ng sasakyan nang hindi mo nalalaman ang presyo?"

"I was in South Africa at that time. He sent me pictures and I liked it the first time I laid my eyes on it, so... "

Hindi na ako nang-usisa pa kung anong ginagawa niya sa South Africa. Wala naman akong interes.

Ibinalik ko ang atensiyon sa harapan. Natatanaw ko na ang establishment kung saan kami kakain.

"You can stop here," deklara ko nang nasa tapat na kami nito.

He looked confused but then stopped the car to the side anyway. Sobrang liwanag ng café hudyat na bukas pa sila.

"A cat café?" dinig kong tanong niya habang nagtatanggal ako ng suot na seatbelt.

"Yes. But they serve dinner as well."

Nang tuluyan nang natanggal ang seatbelt ay ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan bago pa magbago ang isip niya at iliko ito pabalik. I went out of the car expecting that he would eventually follow.

Pumasok na ako sa loob. And as expected, tahimik ito maliban na lang sa ingay na ginagawa ng mga pusa sa loob. Nadatnan ko pa ang pag-aaway ng dalawang rescued cats.

"Jia!" my college friend, Rory, called me. Siya ang may-ari ng café.

Lumabas siya mula sa counter para salubungin ako. Lumihis ang tingin niya sa likod ko at nang ibalik ang tingin sa 'kin ay may halong kuryosidad na ito.

"Available ba ang dinner ninyo?" I asked her.

"Oo. Nandito pa naman si Chef at hindi pa umuuwi," sagot niya pero nasa likod ko pa rin ang tingin.

I sighed and glanced at the man behindi me. "This is Alec," pakilala ko.

Rory smirked and offered him a hand. "Hi! I'm Rory. Jia's friend."

Tinanggap naman ni Alec ang nakalahad na kamay niya.

"Alec. I'm Jia's date."

Napaubo ako sa walang prenong bibig ni Alec. Obviously he's my date pero kailangan ba talagang ipangalandakan pa?

Rory looked delighted. Lumipat ang tingin niya sa akin.

"Hindi ko sasabihin kay Chef na nandito ka," panunukso niya. "Lalo na't may date ka pa lang dala."

Bago pa ako makapag-react ay tumalikod na siya at iminuwestra ang mesa.

"Dito na kayo.  I'll get the menu para makapag-order na kayo!"

Pumuwesto na ako rito at pagkatapos ay nag-angat ng tingin kay Alec. Hindi naman siya nakatingin sa 'kin kundi sa mga pagala-galang pusa.

"Upo ka na," sabi ko.

He looked hesitant at first but took his seat anyway.

"You frequent here?" kaswal na tanong niya.

"Yep. I'm a cat lady," sabi ko para matakot na siya. Iyon ay kung hindi pa. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako cat person. Ikatlong beses ko pa nga lang iyon na pagdalaw sa café. Kasama ko si Feng sa mga naunang dalawang beses.

I've been out of character in front of Alec kaya naman imposibleng hindi pa siya na-tu-turn off sa 'kin.

He grimaced. Muntik pa siyang napatalon nang may pusang sumiksik sa bandang paa niya.

Bumalik din si Rory sa mesa namin. Bitbit na niya ang menu. Binigyan niya kaming pareho ni Alec.

"You like pussies?" tanong niya kay Alec sabay sulyap sa pusa na nasa paanan nito.

"Different pussies," wala sa sariling sagot ni Alec. Nasa pusa pa rin ang titig niya.

Rory chuckled and glanced at me. "Ibang pussies daw, Jia!"

Wala akong ibang isinagot kundi ang pag-irap lang. Tiningnan ko na ang menu at nagsimulang um-order. Nag-order na rin si Alec.

"So this 'Chef' is courting you?" tanong niya bigla nang makaalis na si Rory para sa order namin.

Narinig niya pala 'yon?

"Yeah. No'ng college pa."

"Bakit 'di mo sinagot? Not your type?" He looked interested.

"He's a playboy," sabi ko dahil gusto ko siyang paringgan. Seryoso ko siyang tiningnan. "Ayaw ko sa babaero."

"If we get married, I won't look for other girls," mapaglarong saad niya.

I scoffed. Hindi ako naniniwala sa kanya. Umiling lang ako at hindi na siya sinabayan pa sa kasinungalingan niya.

"You don't believe me..." puna niya. Mariin nang nakatitig sa 'kin.

I looked away. I did not like his gaze. Parang naghahanap ng kung ano sa 'kin.

"I know that you'd eventually cheat. Men like you would never change," matapang na sabi ko.

Alec Von Cua is just like my dad. My brother. At kailanman ay hinding-hindi ako tutulad kay Mama. Kay Ate Shen.

Natahimik si Alec kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakatitig pa rin pala siya sa 'kin. Naghahanap na naman ang tingin niya. I gave him a poker face. Ayaw kong mabasa niya ang iniisip ko.

"Nandito na ang order ninyo," biglang sulpot ni Rory. Dala ng isa pa niyang staff ang pagkaing in-order namin ni Alec.

Pinagtuonan ko ng pansin ang paglalapag nina Rory at staff niya ng in-order naming pagkain sa mesa. I could still feel Alec's gaze on me though.

"Enjoy your dinner!" masiglang sinabi ni Rory bago sumama sa staff niya paalis.

Ang awkward ng naging dinner namin ni Alec. Nawalan na rin kasi ako ng gana para ipahiya pa ang sarili sa kanya. Our conversation earlier spoiled the mood for me. Hindi na rin siya nag-effort pa na magbukas ng panibagong topic. Nang ilang beses ko siyang nasulyapan ay halos napapatulala siya na parang may malalim na iniisip.

Natapos na ang dinner namin at nasa labas na kami nang may natanggap siyang tawag.

"Angel..." I heard him say on the phone before he excused himself.

My nostrils almost flared with a bit of annoyance. Babae na naman siguro niya ang tumatawag. Nasaan na 'yong sinasabi niyang 'I won't look for other girls'?

Kita mo na. Kahit kasama niya ako na prospect match niya, nag-e-entertain pa rin siya ng ibang babae!

Hindi naman nagtagal ang pakikipag-usap niya. Bumalik din siya kaagad sa 'kin.

"I can text my driver. Magpapasundo na lang ako sa kanya," sabi ko nang nasa tabi ko na siya.

"Ihahatid na kita-"

" 'Wag na at mukhang may lakad ka pa," malamig na putol ko.

He even had the audacity to look confused. "Wala akong lakad."

I internally rolled my eyes. Oo, internally. Hindi puwedeng sa harap niya at baka isipin niya pa na may pake ako kung sino man ang katawagan niya.

He licked his lower lip. Ngayon ay may nakikita akong kaba sa mga mata niya o baka naman nililito lang ako ng dim lights sa paligid.

"Hindi ko girlfriend ang tumawag kanina. She's just a friend and I've been helping her out..." he explained.

I looked at him ridiculously. "Hindi ko naman tinatanong kaya I don't care."

"I do," agap niya. "We might marry each other. 'Yan ang gusto ng pamilya natin."

"Then say no," marahang sinabi ko na halos nakikiusap na. I looked at him pleadingly. "Ayaw kong pakasal sa 'yo."

There I said it. Sinabi ko na talaga sa kanya ng harap-harapan. For sure ramdam niya naman iyon sa bawat interaksiyon naming dalawa.

"Bakit? Dahil tingin mo magloloko ako?" Nakangisi man siya ng sabihin 'yon ay mapaghanap naman ang tingin niya.

"Look..." Humarap na ako sa kanya nang tuluyan. "Maybe both of our families will benefit if they marry us off to each other, pero sa ating dalawa, for sure, walang magandang maidudulot ang marriage." Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako. I took this as an opening to negotiate. "We're both not ready for things such as marriage. Bata pa ako at ikaw rin naman."

May dumaang iritasyon sa mga mata niya pero tinakpan niya ito kaagad at pagod na lang akong pinagmasdan.

"I'm already twenty-eight," he pointed out.

"Yes, you're already old," wala sa sariling dugtong ko. "At alam kong gusto mo pang magpatuloy sa... pag-e-explore. You can still enjoy your freedom and you won't be able to do that if you marry me!"

"Bakit? Magiging mahigpit ka bang asawa, Jia Chen?"

"You know what I mean," I said and crossed my arms.

He chuckled. Napasulyap siya sa iniwanan naming restaurant.

"So what are you really?" Ibinalik na niya ang tingin sa 'kin. Mabilis na pumasada ang tingin niya sa suot ko. Naalala ko tuloy na mukha pala akong multo sa ayos lalo na at nasa hindi gaanong maliwanag na parte kami ng kalsada.

"Are you wild or tamed?" he continued.

"Importante pa ba talaga na malaman mo 'yan? Hindi mo naman ako pakakasalan, 'di ba?" pagsubok ko. Umaasa na aatras na talaga siya. I wanted to confirm that we are on the same page.

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig sa akin.

" 'Di naman ako namimilit," aniya sa wakas at nag-iwas ng tingin.

Gusto kong magsaya pero ayaw ko namang mahalata niya masyado. Tumikhim lang ako at kinuha na ang cellphone mula sa purse na dala.

"I'll text my driver now. Magpapasundo ako," pahayag ko habang inaabala na ang sarili sa pagtitipa.

"If you insist," he said a bit colder this time.

Nagreply din ang driver ko at sinabing on the way na siya. Ibinalik ko ang cellphone sa loob ng purse at humalukipkip na lang habang nag-aabang sa gilid ng kalsada. Napatingin ako kay Alec dahil wala pa yata siyang balak na umalis.

"Hintayin ko lang na dumating ang driver mo," paalam niya dahil napansin ang pagpirmi ng tingin ko.

Tumango na ako at hindi na dinugtungan pa ang usapan.

Manong Epe was a good driver. Dumating kaagad siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Bago pumasok sa loob ay muli kong sinulyapan si Alec. He was just looking at me quietly. I gave him a nod and then went inside the car.


Gabing-gabi na nang makarating ako ng mansiyon. My mother was already asleep. Mabuti na rin iyon para hindi na siya mang-usisa pa sa akin tungkol sa dinner namin ni Alec. I just hope that my message was clear to that man last night. Para naman tumanggi na siya sa pamilya niya dahil walang magagawa ang pamilya ko kung ang mismong mga Cua na ang magdesisyon.

Kinaumagahan, habang nagbe-breakfast na ay doon pa lang nagtanong si Mama. I was not so honest with my answers lalo pa at kasama namin sa agahan ang buong pamilya.

"Dapat nagpahatid ka na lang kay Alec, Jia," si Mama nang sinabi kong nagpasundo ako kay Manong Epe.

"I didn't want to be a bother," sabi ko.

"When is your next meeting?"

"Hindi po siya nagsabi." Yumuko ako at nagpapanggap na abala sa pagkain.

"Well... I guess we just have to wait the call from the Cuas."

Umusad ang usapan at napunta na sa negosyo. Kalaunan ay lumipat din ito sa usapin ng Chinese New Year celebration.

"Where is it going to be celebrated this time?" si Papa sabay simsim sa tasa ng kape niya.

"Amma said that it's going to be celebrated in the Uy mansion. Sila ang host ngayong taon."

Bumaling si Papa kay Kuya. "How's the current status of their gambling business, Lee?"

My brother's mood shifted. Mukha siyang kinakabahan.

"Uh... I haven't checked on it yet, Pa."

"But you frequent their casinos," hindi ko na napigilan pa. Totoo naman dahil palagi kong naririnig sa circle of friends ko.

Mabilis akong tinapunan ng tingin ni Kuya. Kalmado kong inilipat ang tingin sa asawa niya na nakaupo sa tabi niya. Dumapo ang tingin ko sa halatang bagong pasa sa gilid ng mga labi niya. Bago pa ako makapagtanong tungkol dito ay nagsalita ulit si Papa.

"Gambling is only good when you win, Lee. Kung matatalo ka rin naman, tigilan mo na 'yan."

"Yes, Pa," masunuring tugon ng kapatid ko.

Pagkatapos ng breakfast ay umalis din kaagad sina Kuya at Papa papuntang opisina. My schedule for the day was just some baking lessons. Naka tshirt at jeans lang ako nang bumaba galing kuwarto. Nadatnan ko si Ate Shen na nagmamando sa kasambahay kung saan ililipat ang mga bulaklak. It was one of her roles in the family as the first daughter in law. Mundane and boring household chores.

"Pupunta ka na sa institute?" aniya nang hindi ako tinitingnan.

"Yeah. Bakit may pasa ka na naman sa gilid ng labi?" deretsahang tanong ko. Walang pakialam na narinig iyon ng kasambahay.

"Sa gilid ng piano mo 'yan ilagay, Lina," utos ni Ate Shen sa kasambahay bago ako balingan ng tingin. She smiled at me. "Kaonting hindi pagkakaunawaan lang namin ng Kuya mo."

"Isumbong mo siya sa parents mo," I suggested. Mayaman din ang pamilya ni Ate Shen, kaya nga pinili siya ng pamilya ko.

Naputol ako ng mahinang pagtawa niya. "Problemang mag-asawa lang 'to, Jia."

"But my brother is not treating you right—"

Inilingan niya ang sinabi ko. "You wouldn't understand it now dahil hindi ka pa nag-aasawa. But soon, kapag naikasal ka na kay Alec Von Cua, maiintindihan mo rin."

Ngumiwi ako, ini-imagine na pinagbubuhatan ng kamay ni Alec. Baka hampasin ko pa siya ng baseball bat kapag nagkataon!

"Hindi ako magpapabugbog sa kanya," matigas na sabi ko. "And besides, hindi naman ako magpapakasal sa kanya."

Huli na nang mapagtanto ko ang nasabi. Gulat akong tiningnan ni Ate Shen. Ngayon ay buong katawan na niya ang nakaharap sa akin.

"What did you mean by that, Jia? Nagkasundo na ang pamilya."

I looked away. Sa huli ay nailipat pa talaga sa akin ang hot seat imbes na tungkol sa kanila ni Kuya ang pinag-uusapan namin.

"Didn't you say that your dinner with him went well last night?" she went on. Nagdududa na. "Nagsinungaling ka ba kanina sa pamilya?"

"Well..." nangapa ako ng palusot. "Baka lang hindi ako type ni Alec. Magbago ang isip niya."

My sister in law looked completely confused.

"I have to go," paalam ko na bago niya pa ako mabisto. Iniwan ko na siya sa may sala at hindi na nilingon pa hanggang sa makalabas ako ng mansiyon.




Perfect ang ni-bake kong Montou. It's a Chinese steamed buns. Confident naman ako sa baking skills ko. Sa Arts lang naman talaga ako tagilid kaya hanggang ngayon ay nag-ti-take pa rin ako ng lessons. Hindi lang ngayong araw dahil naboryo na ako. I chose baking lessons.

Pinuri ako ng instructor at nagbiro pa siya na puwede na akong mag-asawa. Imbes na matuwa ako ay nasira pa ang buong araw ko dahil sa biro niyang  'yon kaya maaga akong umalis ng institute. Pasekreto akong um-attend ng business seminar. Gusto kong mas matuto pa sa pagnenegosyo. My family owns the second largest restaurant chains in the Philippines. Second largest lang dahil as usual, ang mga Cua ang nangunguna hindi lang sa hotel chains kundi pati na rin sa restaurant chains.

I would never manage our restaurants in the future because I am a woman. Kahit na alam ko namang ganito ang kapalaran ko, hindi pa rin nawawala ang totoong interes ko.

Tinawagan ako ni Feng sa sumunod na araw. She asked me if I wanted to hang out in their restaurant. Thinking about the Cua's building construction in Binondo made me refused my best friend's invitation. Paano na lang kung nandoon si Alec?

Ang balak ko ay iwasan ang lalaking iyon habang hinihintay ang pamilya niyang tumawag sa pamilya ko para pormal na tanggihan ang marriage prospect. Tama na iyong dalawang beses na nag-dinner kami. And besides, hindi na naman iyon nasundan pa ng imbitasyon galing sa kanya.

So maybe he thinks the marriage is nonsense, too?

Mama and I visited our designer for the fitting. She still asked me from time to time if Alec had called. Akala niya siguro may numero ako nito o si Alec may numero ko.

Sa tuwing nagtatanong siya ay sinasabihan kong wala pa rin akong naririnig mula kay Alec. It did not discourage her though. Positibo pa rin siya na hindi nagbabago ang isipan ng mga Cua dahil hindi rin naman nila kami kinontak para tanggihan.

My mother was so postive that when we finally received the call the next day from the elder Cua rejecting the marriage prospect, she was devastated. She almost couldn't accept it. Ayaw na nga niyang dumalo sa party na gaganapin sa mga Uy.

"May ginawa ka siguro sa dinner ninyo," she said. Nasa loob kami ng sasakyan papuntang ancestral mansion dahil ipinatawag ni Amma. Siguro pag-uusapan ang rejection ng mga Cua.

"Wala nga," tanggi ko. "Hindi ba puwedeng hindi niya lang ako type?"

"Oh, don't go sarcastic on me!" frustrated na sambit ni Mama. "This prospect is beyond the both of your personal interests. Usapang negosyo na rin ito ng dalawang pamilya. This is a good match!"

Hindi na ako sumabad pa dahil talagang naha-highblood na siya. Siguro lumala dahil pinapatawag kami ni Amma. We needed to explain.

Paulit-ulit akong binalaan ni Mama na maging tahimik lang at pakinggan kung anuman ang sasabihin ni Amma. Siya na raw ang bahalang magpaliwanag sa lola ko.

The conversation went... okay. Wala rin naman silang ibang magagawa kung tumanggi na talaga ang nga Cua. I guess, my grandmother understood that. Hindi na niya ako inusisa pa sa kung ano man ang ginawa ko.

She and my mother just talked on how we could move on from the failed match. Hahanapan daw nila ako ng iba pang prospect match for marriage. They would just look for another opportunity.

And that opportunity is... the Chinese New Year party!

Nang marinig ko ang naging usapan nilang dalawa tungkol dito ay gusto ko na lang magtago. Marami ang dadalo sa party ng mga Uy. For sure, most of the rich and prominent Chinese families would be there. At doon sila maghahanap. Grabe! Para naman akong mauubusan ng lalaki!


My mother hired some make up artists once again for the party. I was wearing a nude knee length tube dress from a famous designer. Iisang designer lang ang kinuha namin ni Mama ilang buwan na ang nakakaraan bilang preparasyon sa Chinese New Year. Yearly rin kaming nagpapalit ng designers para rito.

My hair was on a French braid. They only applied a light make up on my face para daw tumingkad ang natural na ganda ko. I did not complain. Gusto ko lang na matapos na ang lahat kahit na hindi pa man nagsisimula ang party.

We were on time when we arrived at the Uy mansion. Dinig na sa labas ang music na nanggagaling sa loob. It's a Cinese classical music. Natatabunan lang ang tugtog dahil sa mga paalala ni Mama sa akin.

"... kaya kung nandito man ang mga Cua, please be extra polite," she was at it for an hour now.

"Yes, Ma," napipilitang tugon ko habang hinihintay ko na pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ng driver namin. We've parked already at the parking area with the other cars.

"But don't look disappointed," pahabol niya. "Our family name is already strong on its own. Baka isipin nila na malaking kawalan sila sa 'tin!"

Kumunot ang noo ko dahil sa pagbabago ng ihip ng hangin ni Cora Chen. Ilang araw na niyang pinaparinig sa 'kin na malaking kawalan ang mga Cua tapos ngayon hindi pala?

I only shook my head in dismay. I guess it was her pride talking.

Bumaba rin kami ng sasakyan nang pagbuksan na ng pinto nito. Wala akong ibang suot na accessories bukod sa hawak na clutch. I was wearing nude heels as well.

Malaki at antigo ang mansion ng mga Uy. Sa harap ng bukana pa lang ng mansiyon ay may nakaantabay ng staffs. Si Mama na ang nagbigay sa babaeng staff ng invitation card ng pamilya namin. The woman nodded and two other staffs ushered us inside.

The party was not yet in full swing. Iilang mayayaman at prominenting pamilya na rin ang nasa loob. They were already socialiasing inside. May drinks na rin na sini-serve.

Natanaw ko ang numero unong chismosa sa mga social gathering na si Elvira Yanong. A glass of wine was already on her left hand. Namataan niya naman agad si Mama sa tabi ko kaya mabilis niya kaming nilapitan.

"Cora!" aniya at pagkatapos ay nakipagbeso na kay Mama. Sinulyapan niya lang ako at nginitian. "Who are you both wearing?"

My mother told her our designer's name.

"Kayong dalawa lang ni Jia?" tanong ni Mr. Yanong matapos makipagbeso at humarap na sa amin.

"Susunod ang asawa ko at si Lee kasama ng asawa niya," my mother answered.

Lumipad ulit ang mga mapanuring mata ng ginang sa akin. Mabilis itong bumaba sa suot ko.

"My dear, you look ravishing," puri niya. Hindi ko lang alam kung sincere ba talaga.

Proud na ngumiti si Mama sabay sulyap sa akin.

Gumilid kami dahil may mga bagong dating pa na bisita at nakikisalamuha na rin sa ibang guests.

"The Uys had prepared so well as a host this year," komento ni Mama sabay gala ng tingin sa buong mansiyon.

Sinundan ko rin ang tingin niya. I noticed the huge golden banner of a dragon on the bannisters leading to the mansion's second floor. Their huge chandeliers also sparkled. And the live classical band on the platform near the grand staircase had been playing  nonstop.

"Oh, they had to. They caught a big fish," si Mrs. Yanong sabay simsim sa kanyang hawak na wineglass.

"What do you mean, Tita?" kuryosong tanong ko at tinanggal na ang titig sa dragon.

"Are you batchmates with Sofia, ang nag-iisang babaeng anak ng mga Uy?"

"She's three years older than me," sagot ko.

"Well... There's a rumor that," humina ang boses niya. Inilapit naman naming dalawa ni Mama ang mga tainga namin para mas marinig pa siya, "she's been seeing Alec Von Cua and that they are engaged to marry." The woman chuckled. Mayabang pa siyang tumango sa chismis na nasagap. "Who knows, by the end of this party, they'll probably announce their engagement to everyone?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top