Chapter 33
Chapter 33
Countdown
"It is never our fault that we were abused, violated, raped... We did not want these awful things to happen to us. We're victims and we should never remain as victims, but as survivors," I stated, finishing my speech. I stood up straighter in front of the podium. I looked at my audience who were mostly victims of rape, abuse, and violence.
"We are here. We have survived," I said with conviction. "We have a purpose. We can still strive and live a happy and great life surrounded by our loved ones who stayed with us, if only we develop a strong will to get through our trauma." My eyes found Feng who stood in the far corner together with the organizer of the event. She smiled at me proudly.
"In sharing my story I felt a huge sense of lifting," pagpapatuloy ko. "I was in a dark place, and so were you. We have to remember that we are so much more than our trauma. It should never define us. It is okay to live our own purpose, get the respect that we rightfully deserve, and make our own life choices."
The entire room broke into a booming applause when my speech ended. I left the podium. Bumaba na ako sa stage at nakipagkamayan sa iilang kilalang guests.
They congratulated me. I smiled at them gratefully.
"We would like to invite you for an interview about women empowerment, Miss Jia," anang isang anchorwoman sa isa sa mga malalaking istasyon ng bansa.
"I have to check my schedule for that po," I informed her. "You can also contact my team."
"Okay, then. I'll do that."
Bumaling ako sa isa pang babae na nakaabang din sa akin.
"I'm an avid fan of yours, Miss Chen," masigla niyang saad as we shook hands. "I've been following your tour."
"Thank you po."
Iniwan ko na ang grupo para puntahan si Feng. Nakangisi niya naman akong sinalubong.
"Hello, my celebrity friend," she cheered while clapping.
I rolled my eyes at her.
She grinned. "Ay, famous philantrophist na lang pala..."
We hugged each other. She tapped my shoulder.
"I'm so proud of your bravery," she murmured. She then looked at me. "Panghuli na ba 'to sa schedule mo? It's almost Christmas."
I broke our hug so that I could face her properly.
"I think so."
Umangat ang sulok ng labi niya. "Sa sobrang busy mo niyan, baka hindi ka na makadalo sa wedding ko next year, ha."
"Siyempre, dadalo ako. Palalampasin ko ba 'yon?" I chuckled.
"Inimbitahan ko rin... siya," she added guiltily. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
I nodded and gave her a small smile.
"Pero wala namang response kaya baka hindi rin 'yon dadalo," she added hastily. "Busy sa pagtatayo ng iilang business establishments all over Europe. Grabe, two years na siyang nando'n. Baka trillionaire na 'yon pag-uwi."
I was about to respond to her for the sake of our conversation when her attention was caught elsewhere.
Nanliit ang mga mata niya habang may tinatanaw mula sa malayo. Her mouth slowly broke into a devilish grin.
"Nandito na naman ang masugid na manliligaw mo," pang-aasar niya.
I turned around. Hindi na ako nagulat nang makita si Kai na naglalakad palapit sa amin. May hawak siyang bouquet ng kulay pink na rosas. He is wearing casual clothes compared to the people around us. Isang puting tshirt at faded jeans. But he still looked good. Like he just step out of a photoshoot.
I felt this surge of a warmth comfort. Ngumiti ako nang tuluyan na siyang makalapit sa amin ni Feng. He nodded at Feng and then gave his attention to me.
"Congratulations," he smiled. He handed me the bouquet of flowers.
I accepted it graciously. "Thank you. Si Willow?"
"Nasa condo. Kasama niya naman ang tita Grace niya." He looked around. Unti-unti nang nagsisiuwian ang iilang audience, pero majority sa kanila ay kuryosong nakatanaw sa amin. Ibinalik niya ang tingin sa akin. "May lakad ka ba pagkatapos nito?"
I glanced at Feng. She smirked goofily.
"Pupunta ako sa bahay-ampunan," imporma ko sabay baling ng tingin kay Kai.
"Ihahatid na kita."
I heard Feng cleared her throat. Sabay kami ni Kai na napabaling sa kaibigan ko. Nakatingin naman siya sa isang professional photographer na may hawak na camera. Naglalakad ito papunta sa amin.
"Can I take some photos of you, Miss Jia?" inquired the photographer as he approached us.
"Sure."
Tumayo ako nang maayos at ngumiti para makunan ng litrato. Hawak ko pa rin ang boquet ng rosas. My hair is in a tidy bun. I am wearing a formal attire, a white long sleeve button down shirt. I paired it with a gray high waist trousers and some heels.
The photographer took some solo shots of me. And then he looked at Kai's way.
"Puwede ko ba kayong kunan na dalawa?" he asked us politely.
"Of course," tugon ko at umusog nang kaonti para makatayo na sa tabi ko nang maayos si Kai.
Tumabi sa akin si Kai. He put his hand on the small of my back. Ngumiti kaming dalawa habang nakatingin sa camera.
Ako at si Feng naman ang sunod na kinuhanan ng litrato. We also took some photos with the organizers of the event.
Natapos din ang pagkukuha ng litrato. Nagpaalam na ako sa kanila. Nauna na sa akin si Feng sa pag-uwi dahil may food tasting pa siya kasama ng kanyang mapapangasawa.
Kai patiently waited for me. Pinanindigan niya talaga ang sinabi niyang paghatid sa akin sa bahay-ampunan.
We made our exit from the building. He brought his car with him. It was waiting for us outside.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Pumasok ako sa loob at sumunod naman siya. Ilang saglit pa ay pinaandar na niya ang sasakyan.
Almost two years ago, Kai and I resumed our friendship. He officially started courting me three months ago. Noong una ay nagdadalawang-isip pa ako na payagan siya sa panliligaw niya. My annulment with Alec has not yet been finalized. It would be unethical of me to allow someone else to court me while I am still legally tied by marriage with Alec.
I consulted a lawyer about it. Sinabihan niya ako na ayos lang daw dahil matagal na namang wala kaming close and physical contact with Alec. Especially that the public also knows may long term estrangement with my husband.
"Hanggang kailan ka rito sa Manila?" I started a conversation with Kai.
His eyes stayed on the road. "For a year maybe. May potential investor din kasi akong kinakausap. We have plans to expand my airbnb business here."
My eyes narrowed. "Paano ang pag-aaral ni Willow?"
He glanced at me. "Balak ko na i-enrol siya sa school na malapit lang din sa condo ko."
"I see. Mag-aadjust na naman siyang makipagkaibigan."
"She's friendly. Masasanay din siya."
We finally reached our destination. Mula sa labas ay dinig ko ang ingay ng mga bata sa loob ng gusali. It made me smile right away.
Pinagbukasan ako ni Kai ng pinto ng kanyang kotse. I stepped out of the car.
"Gusto mo ba na samahan kita sa loob?" si Kai.
I turned to look at him. "Hindi na. Medyo matatagalan din kasi ako sa loob. Baka hanapin ka na ni Willow."
He nodded and smiled. He started turning for his car.
"Kai..." tawag ko sa kan'ya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad para tingnan ako. I smiled softly at him. "Thank you."
Malapad siyang ngumiti. "You're welcome. Always."
Hinintay ko na tuluyan na siyang makaalis bago hinarap ang gusali. Sinalubong ako ng mga bata. Napahagikgik ako nang mag-unahan sila sa pagyakap sa akin. Nag-angat ako at nakita si Sister Helen na masayang nakatingin sa amin.
"Tama na muna 'yan," marahang saway niya sa mga bata. "Papasukin niyo na muna sa loob si Ate Jia ninyo."
The kids automatically listened to her. They untangled themselves from me. Masaya na kaming naglakad papasok sa loob.
"Si ate Ayla ninyo?" I asked. Napansin ko na wala ito sa grupo.
"Nagpapaganda po sa kuwarto niya gamit 'yong bigay ninyong pampaganda!" palatak na sagot ni Janine.
"Hindi ah!" sabad naman ni Reymund. "Nagpipinta si Ate Ayla sa kuwarto niya. Nakita ko!"
"Hindi. Nagpapaganda siya!"
"Nagpipinta nga..."
"Okay. Tama na 'yan," natatawang saway ko. "Ready na ba ang paintbrushes ninyo?"
"Opo!" masiglang tugon nila.
Ngumisi ako at iginiya na sila papunta sa art room ng gusali. Pumasok ako sa loob at nakita nga ang pagiging handa ng mga bata. Nakahilera na ang mga mesa nila na may nakalatang na mga maliliit na canvas at painting materials. Kanya-kanya silang nagtungo na sa kani-kanilang puwesto.
Nagpunta naman ako sa puwesto ko na nasa gitnang harapan ng mga nakahilerang lamesa nila. Tinupi ko ang sleeves ng suot na white button down shirt.
Kinuha ko ang maliit na brush at tiningnan na ang mga bata.
"Tapos na tayo sa bundok kahapon, ngayon naman, mga puno na ang ipinta natin! Ayos ba?" tanong ko sa masiglang boses.
"Opo!" sabay-sabay na tugon nila.
"Okay. Depende na sa imahinasyon ninyo kung paano kayo magpipinta," panimula ko. "Puwede kayong tumingin sa may bintana para matanaw ninyo ang mga puno sa labas. Para sa inspirasyon ninyo."
They all nodded eagerly. Nagsimula na kami sa masayang pagpipinta.
They were quiet as they started doing their own thing. Grabe ang atensiyon na ibinibigay nila sa pagpipinta. Napapangiti na lang ako sa tuwing napupuna na tumatahimik lang sila kapag canvas na ang kaharap.
I quickly finished mine. Siniguro ko ito para makapaglibot ako at masuri ang mga ipininta nila. I feel happy whenever I do this activity with them. Sobrang natutuwa ako kapag nagtuturo sa mga bata.
Sa kalagitnaan ng paglilibot ko ay siya namang pagpasok ni Ayla. She's wearing one of the new dresses I bought for her the last time I visited. She's a teenager now. Hindi na kasya sa kanya ang mga lumang damit niya.
My gaze landed on the canvas she's holding. Ngumiti siya nang makalapit sa akin.
"Tapos na ako, ate Jia," salubong niya sabay lahad sa akin ng kanyang painting. It is a painting of a forest.
I regarded it thoughtfully. She's getting better at painting.
"Maganda. Maayos 'yong paggamit mo ng kulay," puri ko. "Bakit nga pala nauna ka na sa pagpipinta? Hindi ba't sabi ko na sabay tayong lahat?"
She pouted. "Sabi kasi ni Sister kanina na tatawag si Kuya Alec ngayon, kaya nagpinta na ako kasi mabi-busy ako kausap siya. Hindi ako makakasali sa inyo."
Marahan akong tumango. She remained looking at me with her knowing eyes.
"Itatanong ko na naman sa kanya kung gusto niyang kausapin ka, ate."
Umiling agad ako sabay marahang tawa. "Hindi na, Ayla. Ayos lang. Wala rin naman akong sasabihin sa kan'ya."
Mukha siyang hindi kumbinsido kaya umiling ulit ako. She knows that Alec is my ex.
I pointed a finger on my table. "Ilapag mo sa mesa ko 'yang painting mo. Titignan ko ulit 'yan mamaya."
Ngumuso siya at tumango rin naman kalaunan. Naglakad na siya palapit sa mesa ko. Pumasok naman si Sister Helen sa kuwarto.
"Ayla," malamyos nantawag niya sa bata. "Tumatawag na ang Kuya Alec mo," she glanced my way when she mentioned his name, "hinahanap ka at gusto ka raw makausap."
Mabilis na tumakbo si Ayla papunta sa pintuan kung saan nakatayo si Sister Helen. Excited itong lumabas ng kuwarto at tahimik naman na sumunod sa kanya ang madre.
I did not have the time to dwell on it as I felt a small tug on my gray slacks. Napatingin ako rito at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Leslie An. She's the youngest of the bunch.
"Tama ba 'to, ate Jia?" she asked in her small voice while pointing a tiny finger at her canvas.
I studied her painting. Napansin ko na kulay violet ang inilagay niyang sanga ng puno.
I smoothly pointed at the brown paint she had. "Tingin ko mas maganda 'pag itong kulay na 'to ang ginamit mo."
She regarded it thoughtfully. Sa huli ay tumango siya.
I gave her a gentle smile. "Kaya mo 'yan!"
She smiled shyly at me.
Naglakad pa ako at pinagtuonan ng pansin ang iba pang mga bata. Lalo na iyong nahihirapan pa sa pagpili ng nababagay na kulay.
I stayed with them for two hours. Nang unti-unti ng matapos ang mga bata ay ipinapakita nila ang gawa nila sa akin. I am proud of their improvement. Kapansin-pansin talaga ang pakikinig nila sa mga payo at suhestiyon na ibinibigay ko.
The food I ordered online was delivered. Naghapunan ako kasabay ng mga bata. Na-miss kong gawin ito. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakabisita sa ampunan dahil sa pagiging abala ko sa schedule ng mga guest speeches at charity works ko.
Dumating si JC na may dalang cookies at iba pang desserts para sa mga bata. Minsan kaming magpang-abot dito dahil nakasanayan na rin niyang bumisita sa bahay ampunan. She told me about how Alec had brought her here the first time. When it was hard for her to find the will to live.
It was also Jean Caitlyn who suggested this place for me when I mentioned to her that I was looking for some charitable institution where I could contribute. And now, I'm glad that I also find a home in here.
"Huwag magtutulakan at hindi naman kayo mauubusan niyan," paalala niya sa mga bata na nakapila na para sa desserts nila. Isa-isang kumuha ang mga ito sa nakalapag ng desserts sa parihabang mesa.
Nilapitan ako ni JC at nginitian. "Ang lalaki na ng mga makukulit!"
"Oo nga." Pareho naming pinagmasdan ang mga bata na sarap na sarap sa kinakain nila.
Sinuyod ng tingin ni JC ang buong silid. Dumapo ito kay Ayla na abalang nakikipagbiruan kay Reymund.
"Dalaga na talaga si Ayla," puna ni JC. "Despite the fact that both of her parents died in a car crash, hindi mo 'yon makikitaan ang bakas sa kan'ya ngayon."
"She's a strong girl," pagsang-ayon ko.
"Just like how strong you are."
I felt JC's gaze on me in the corner of my eyes. Napabaling na rin ako sa kanya ng tingin.
"And you're strong as well," puri ko naman sa kan'ya.
"Survival of the fittest ba 'to?" She chuckled. Natawa na rin ako.
She then turned serious. Muli naming pinagmasdan ang mga bata na nakikipagbiruan na sa isa't isa.
"Minsan, naiisip ko... paano kaya kung sumuko ako noon?" she asked. Kung gaano ka banayad ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang mga bata, ganoon din kabanayad ang boses niya. "But then I realized, imposible pa lang sumuko lalo na't may mga nagmamahal sa atin na kailanman hindi naman tayo sinukuan."
The facts that she stated made me swallowed my emotions.
"Alec never gave up on me," she added wistfully. "My husband, Lake, also stayed with me kahit na paulit-ulit ko siyang itinataboy noon." She turned to look at me. "How lucky we are that we have the right man who will always accept and embrace us with open arms, huh? No matter how broken we were... No matter how unfixable we think we were..."
"I already lost that kind of man," I simply stated, without any bitterness.
Jean's eyes turned gentle. "You still don't talk to each other?"
"There's nothing to talk about." Umiling ako at nakangiting napayuko. "We already went our separate ways years ago."
"Hmm. That's interesting that he still hasn't called you," makahulugang komento niya.
"Bakit?" I grew curious.
Her lips curled. "It's just sometimes, when he calls me, he asks about you..."
"Oh."
She giggled. "Yep. Sorry. Ako ang dahilan kung bakit alam niya na nagpupunta ka rito sa Tahanan. Tapos kinukuwento pa ni Ayla sa kan'ya, so..."
"Siguro sinisuguro niya lang na tinutupad ko ang pangako ko sa kanya dati."
"Hmm. Maybe."
"That's probably it." Hindi ko alam kung si JC ba ang pinapaniwala ko o sarili ko.
"Do you have a boyfriend?"
Napaubo ako ng dis-oras dahil sa naging tahasang tanong niya. I cleared my throat as I looked at her.
"Uhm... did he ask you that?"
"No. Ako lang ang curious at hindi si Alec." She smirked knowingly.
Napatuwid ako sa pagkakatayo at inayos ang sarili. I felt embarassed.
"No. I don't have one. Besides, hindi pa finalized ang annulment naming dalawa."
"I see. But if it's already in the process, I think it's fine to date, right?"
"Oo," tipid na sagot ko.
"So are you?" She raised a brow. "Like dating someone?"
"May manliligaw lang," I answered with honesty. Naisip ko si Kai.
Tuso ang pagkurba ng mga labi ni Jean. "It's about damn time he finally comes home..." she suddenly murmured to herself.
She clapped her hands, giving her attention back to the kids.
"Okay! Tapos na bang kumain ang lahat? Magliligpit pa tayo at baka pagalitan tayo ni Sister!"
She left me to go to the kids. I stayed put and got suddenly lost on my own thoughts.
Alas otso ng gabi na kami nagpaalam sa mga bata. I promised them that I will return the next day to celebrate Christmas with them. Sinigurado ko sa pagpa-plot ng schedule ko na makakapunta ako sa Tahanan para magdiwang ng pasko kasama sila.
JC offered me a ride home. Pumayag ako para hindi na maabala pa si Kai na sunduin pa ako at ihatid na naman sa condo ko. Jean Caitlyn dropped me off.
Yes, I now live in a condo. My father and I, we still don't talk to each other. Sa loob ng dalawang taon, simula nang makalabas ako sa mental institute, hindi pa kami nagkita ng personal ni Papa.
My entire family abandoned me. They think that I brought shame to our clan. Me, being a victim of rape and speaking out about this in the public, is a big embarassment for them. Mas ikinakahiya pa nila ang pagiging biktima ko kaysa sa kasalanang nagawa ni Kuya Lee sa akin.
Inabala ko ang sarili kinabukasan sa pamimili ng mga panregalo para sa mga bata. Currently, there were twenty of them because some of them have already been adopted by good families.
Napuno pati backseat ng sasakyan ko ng pinamiling regalo. It was a good thing that the mall had a gift wrapping station. Hindi na ako nahirapan pa sa pagbalot nito.
Imbes na dumeretso sa Tahanan, dumaan na muna ako sa condo para makapagbihis. I wore the new dress that I brought for this special occasion. Isinuot ko ang kulay pula na elegant long sleeve bodycon dress. I put on a little amount of make up. To finish up, I added a red lipstick.
Hinayaan ko rin na nakalugay lang ang ngayon ay mahaba ng buhok. My hair has natural beach waves on the ends so I just left it alone. Bago pa bumaba kinuha ko na ang purse ko. It has my keys in it.
I went down excited for Christmas. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at pinaandar na kaagad 'to.
Nakaabang na sa akin ang mga bata sa labas ng gusali. They were all wearing something red. Hindi ko pa man maayos na naipaparada ang kotse ko ay natatanaw ko na ang masiglang pagtatatalon nila. I chuckled and parked my car properly. Lumabas kaagad ako.
Tinanaw ko sila. Using my hand, I gestured at them to come over. Magpapatulong na ako sa kanila sa pagdala ng mga regalo ko.
Nagsitakbuhan na sila palapit sa akin. Natawa ako nang bahagya at pagkatapos ay unti-unti nang kinuha ang mga regalo. There were three huge bags in total. Ang mga bata na ang tulong-tulong sa pagbitbit nito.
Napuna kong tahimik lang si Leslie An na nakatayo sa gilid ng kotse ko. Ang cute niyang tingnan sa red dress niya na may bow pa sa harapan. She did not join the other kids in going back to the building.
Iniabot ko ang palad sa kanya. She looked up and watch it and then she watched my face.
"Sabay na tayong pumasok?" I asked her.
Matamis siyang ngumiti at hinawakan na ang kamay ko. We went inside the building together.
Nadatnan namin ni Leslie An ang mga kasamahan niyang bata sa loob na hindi na nakapaghintay. Kanya-kanya na sila sa pagsisilip sa mga pangalan nila na nakasulat sa bawat card ng regalo.
Naroon na rin sina Sister Helen at Sister Rose sa loob na abalang inaawat ang mga bata.
Binitiwan ni Leslie ang kamay ko at tumakbo siya papunta sa mga kasama niya. Nilapitan ko na ang mga bata.
"Puwede niyong kunin ang mga regalo na may pangalan ninyo pero sabay ninyo 'yang bubuksan, okay?"
They shrieked their agreements. Humalakhak ako. Nagpatuloy naman sila pagkuha ng kanilang mga regalo. Tumulong na rin sa paghahanap ang dalawang madre kaya mabilis nila itong nahanap.
Nang makitang lahat sila ay may hawak na regalo, sinabihan sila ni Sister Helen na gumawa ng isang malaking bilog. Pinayuhan niya ako na manatili sa gitna para makita ko raw ang reaksiyon ng bawat bata sa pagbubukas nila ng kani-kanilang regalo.
"Handa na ba kayo?" masiglang tanong. They nodded with excitement. I grinned. "Bubuksan niyo na in... ten... nine... eight..."
"... seven... six... five..." sila na ang sabay-sabay na napa-countdown.
"... four... three..." I counted with them. I tried to watch all of them reason I had my back at the door's direction. "two..."
"Kuya Alec!" one of them suddenly screamed in delight. It was Ayla.
The circle was broken. The presents were put down on the floor as they all ran towards his direction.
I slowly turned around. And then I see him. The kids were all over him, hugging him. They were expressing their excitements in seeing him.
Alec gave his attention to them. It gave me an opportunity to study him. He is wearing a red polo shirt with a white collar. His pants were white. His rich dark hair is slicked back with a few strand slightly loose that the tips touched his forehead. His jawline more defined which is covered with rich stubble facial hair.
Alec is aging like fine wine. He looks even better as the years passed.
And then his eyes found me. He's looking at me with his eyes so expressive. Natatabunan man siya ng mga batang sobrang tuwang-tuwa sa pagdating niya, nanatili naman ang mga mata niya sa akin.
Time has frozen. My body stilled. The kids noticed that we were just looking at each other's eyes, our bodies unmoving. They let him go.
His steps where slow and deliberate as he walked towards me. I stayed where I am. Just waiting for him for I know that eventually, he will reach me.
He finally stopped when he's satisfied with our distance, at his arm's length.
His lips gently curled at the corners of his mouth. His face softens as he looks at me.
"Hi," aniya na sa sobrang lamyos ay halos bulong na.
I bit my lower lip and smiled at me.
"Hi."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top