Chapter 3
Chapter 3
Tamed
Tumikhim ako sa harap niya. Alec Von Cua was too preoccupied on his phone that he did not even look up. Inulit ko ang pagtikhim at sa pagkakataong ito ay napalakas ko na.
Nag-angat siya ng tingin at napatitig sa akin. Lito niya akong tiningnan.
"Alec Von Cua?" sabi ko sabay nguya ng bubble gum na nasa bibig.
Nagtagpo ang kilay niya at napatingin pa siya sa paligid na para bang siya itong nawawala. Bumalik ang tingin niya sa akin at mabilisang pinasadahan ng tingin ang suot ko.
"Do I know you, Miss?" litong tanong niya.
Ganoon na ba ka lala ang hitsura ko at ni hindi na niya ako namukhaan pa?
"Jia Chen nga pala," sabi ko sabay pasada ng mga daliri sa buhok. For sure maangas na 'yon?
Recognition finally dawned on his face. He looked at me again. In order to hit the final nail in the coffin, pinalobo ko ang gum na nasa bibig hanggang sa lumaki ito at pumutok. It even made a smacking noise.
"Hindi tayo trip at hindi tayo parehas ng talo, " sabi ko at bahagyang natigilin. Parang mali yata ang nasabi ko?
It was followed by a complete silence. Napatitig sa akin si Alce Von Cua. He wore a poker face so I could not read what was on his mind at that moment.
Sa paninitig niya ay kinabahan na ako. And his skin color was a bit intimidating. Moreno siya na para bang ilang linggong nagbabad sa beach. His rough looking as well. He looked... adventurous. Nag-iwas ako ng tingin at kabadong nginuya ulit ang gum na sobrang tabang na.
"Gagi. Ang init," I said to make up for the mistake I said earlier.
O 'di ba? Maangas na ako!
"Why don't you take a seat?"
His baritone voice froze all of my thoughts. I looked at him wildly. Take a seat? Hindi 'to kasama sa script namin ni Feng! I was expecting him to shoo me away by now and not invite me to take a fucking seat!
He leaned forward a bit. "The staffs can see us. They'll definitely report what happens here to the elders," sa mahinang boses niya iyon sinabi. His long finger pointed the empty chair. "Care to take a seat?"
I gathered my wits together. Mabilis kong tiningnan ang paligid. He was right. In the corner of the room, I saw two staffs standing on alert. Hindi dapat ako mukhang apektado. Kung nandito si Feng sasawayin na ako no'n!
"Sure. Masakit na rin mga binti ko dahil dito sa heels," wala sa sariling nasambit ko at pagkatapos ay naupo na sa tapat niya. Inisip ko na lang na makakapaghintay naman yata ang exit na gagawin ko.
Napasandal si Alec Von Cua sa backrest ng inuupuan niya. His gaze remained on me though. He was curiously studying me. Ipinalandas niya ang dulo ng daliri niya sa kanyang baba.
Napagtanto ko na ang tigas na ng katawan ko. Halata na ang pagiging tensiyonado ko. To cover it up, I put my elbow on the table. It was a very awkward position for me. Tumikhim ulit ako at idinampi ang buong braso sa malamig na mesa.
"So..." he calmly started. " 'Yong kaibigan mo talaga ang may-ari no'ng restaurant sa Binondo? 'Yong nasa tapat ng gusali na may white lady." He did really put an emphasis on the last two words.
Tamad akong tumango at napalinga na para bang gusto ko nang kumaripas ng takbo.
"Do you want some wine?" he asked sounding polite but I could hear an underlying humor in his voice.
Naalala ko ulit ang mga sinabi ni Feng.
"Wala bang beer?" tanong ko sa astig na boses.
"Puwede tayong mag-request kung gusto mo." The side of his lips rose a bit. He looked very attractive and charming but I would never be charmed. Ever.
"Huwag na at hindi rin naman ako magtatagal," mabilis na sabi ko sa magaspang na tono.
"Let's enjoy some dinner first."
"Kumain na ako," agap ko.
He grew quiet for a minute. Kinuha niya ang bote ng Chateau Lafite wine. Alertong lumapit sa mesa ang isang staff pero kaagad itong napatigil dahil sa bahagyang pag-angat ng kamay ni Alec. The staff automatically stepped back and went back to the corner.
Walang kahirap hirap na nabuksan ni Alec ang bote ng wine. He poured some of it on his wineglass.
"Are you going somewhere after this? To a club, perhaps?" he asked.
This was my opening for an exit. "Actually... yes, I am. Kaya kung 'di mo mamasamain, mauuna na ako sa'yo. Sabihin mo na lang sa elders mo na hindi ako pasado bilang wife material. At hindi rin kasi kita type."
"I'm a lawyer as well and not just a businessman."
Huh! I knew it. His ego could never handle an indirect rejection. Nagmayabang pa talaga.
He took a small sip on his wineglass and put it down. He looked at me straight in the eyes.
"I can see and read what you're doing."
My heart skipped a beat. Hindi dahil sa matinding sexual tension sa pagitan naming dalawa kundi dahil sa kaba na nabubuking na niya.
"I have no idea what you're trying to say."
"I prefer wild girls," he whispered sensually as his gaze travelled to my chest down my naked stomach. He smirked devilishly. "I have no problem having a wild wife."
What a seductive... wolf!
Sa iritasyon na umakyat sa utak ko ay bigla akong napatayo. Marahas kong pinulot ang purse na inilagay ko sa ibabaw ng mesa. Naging alerto sa gulat ang nakaantabay sa gilid na staffs pero si Alec Von Cua ay mukhang na-i-entertain pa habang nakatingin sa akin.
Gusto ko siyang bugahan ng apoy pero ayaw ko namang mag-eskandalo.
"I need to pee," sabi ko na lang at hindi na hinintay pa na makapagsalita siya. Tumalikod na ako at naglakad paalis.
He let me go. Instead of going to the toilet just like my excuse, I went outside the restaurant. Problema niya na 'yon kung maghanap pa siya sa akin.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan. Naghihintay si Feng sa akin sa loob. Mabuti na lang at maagap niyang nasagot ang tawag ko kanina habang bumababa ako sakay ng elevator. The car was already in front of the building when I made my exit from the double doors.
"Mukhang ikaw ang natalo, ah," puna niya matapos paandarin ang sasakyan.
I leaned my head on the backrest. Pumikit ako at kinalma ang pintig ng puso dahil sa bilis ng pagtakas ko kanina.
"Anong nangyari?" usisa ni Feng.
"He said he likes wild girls," I murmured miserably.
"Rawr!" asar ni Feng.
Dumilat ako at nanliit ang mga matang nakatingin sa harapan. "I'm not sure if he was bluffing earlier. Baka tiinatakot niya lang ako or whatever."
"Tingin mo nabisto niya ang pamemeke mo ng personality?"
I looked at her sharply. "Ginalingan ko ang pag-arte!"
Ngumuso siya at nagkibit pa ng balikat.
"He could have been angry. Pinahiya ko siya at deretsahang tinanggihan," paliwanag ko.
"Tinaboy ka ba niya? Dahil kung galit siya, dapat gano'n ang ginawa niya."
Tiningnan ko ulit si Feng. Seryoso ang deretsong tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho. What she said actually made sense.
The smartphone inside my white purse vibrated.
"Oh, God," I moaned. Pikit mata kong binuksan ang purse at kinuha mula rito ang smartphone ko. Sinilip ko ang nakadisplay sa screen at nakitang si Mama ang tumatawag.
Kung tungkol ito sa nangyaring date namin ng Cua na 'yon... ang bilis naman yata niyang mag report!
I swiped and answered the call.
"Pauwi ka na raw," bungad ni Mama sa kabilang linya.
Tuluyan na akong napadilat dahil sa sinabi niya. Mabilis kaming nagkatinginan ni Feng.
"S-Sinong nagsabi sa'yo?" maingat na tanong ko.
Humagikgik siya. "Alec Von Cua called to inform me. He even apologized dahil maagang natapos ang dinner ninyo. Hindi ka na raw kasi niya maihahatid dahil may urgent matter siyang kailangang daluhan. He said you two had such a great time. He is such a gentleman pala!" Another merry laugh.
Bumagsak ang panga ko at humigpit ang hawak ko sa smartphone na nakalapat sa tainga.
"M-May iba pa ba siyang s-sinabi, Ma?"
"Wala na naman, Jia."
"Really?" Nagulantang ako. "Sure po kayo?"
"Yes. He only told me that he could not wait to have a second date with you."
What. The. Fuck?
"I told you, you'd impress him. And now, he seemed so interested. Maganda ka kaya and of course maganda rin ang pamilya natin. There is nothing to lose but everything to gain..."
At naglitanya na si Mama. Hinayaan ko siya pero walang pumasok sa utak ko sa mga sinasabi niya. Masyado na itong nilamon ng mga tanong.
Anong nakita ng Cua na 'yon sa 'kin?
Was he serious?
Does he really like... wild women?
Mali ba ang intel ni Mama mula sa private investigator niya?
"... business wise and great decision. I cannot wait to plan for your engagement. At ang Amma mo, sigurado akong matutuwa 'yon—"
"I'm not coming home, Ma," pagputol ko sa mga pangarap ni Mama.
"Huh?"
Napatingin ako kay Feng. Bumagal ang pagpapaandar niya ng sasakyan at nakatingin na rin siya sa akin.
"Maglalayas ka?" she mouthed.
"What do you mean, Jia?" si Mama naman sa linya.
Mariin akong pumikit. Kaya ko na naman siguro ang mamuhay ng independent? I could find a job. I already graduated college! I could live in a small apartment and buy Pancit canton. Magkano ba 'yon?
"Anong ibig mong sabihin na hindi ka uuwi, Jia?" came my mother's concerned voice once again.
Pagod akong bumuntonghininga. I knew that I could never do it. Hindi dahil sa hindi ako sanay magtrabaho at tumira sa maliit na apartment. I could never get away because of my mother. She only has me.
"Kina Feng muna ako matutulog. Bukas na ako uuwi."
"Anong sasabihin ko sa Papa mo kung magtatanong siya?"
Mapait akong ngumiti. "Hindi naman siya nagtatanong tungkol sa 'kin." Hindi nakasagot si Mama. Alam niya na tama naman ako. My father did not really care about my whereabouts. He only cared when I made mistakes and when it affects the Chen family name.
"I'll be home tomorrow morning, Ma. I promise," sabi ko sa mahinang boses.
"Sige. Hihintayin kita sa mansiyon. And you will tell me everything that has happened during your dinner with Alec Von Cua."
Ibinaba ko na ang tawag at pagod na napasandal ulit sa upuan.
Napasulyap sa akin si Feng. "May numero ka ni Papa, 'di ba? Tawagan mo nga."
Sinunod ko ang sinabi niya at walang kibo na hinanap ang number ng Papa niya na naka-save sa contacts ko. Isang beses na pag-ring pa lang ay sumagot na 'to. Ni loudspeaker ko na ang tawag.
"Pa, si Feng 'to."
"Ha?" Napangiti ako dahil sa tono ng kalituhan sa boses ng papa ni Feng.
"Si Feng, 'yong anak niyong maganda. Kasama ko si Jia at diyan kami uuwi. Ipagluto mo po kami ng pancit lomi. 'Yong maraming-maraming sabaw."
Wala kaming narinig na sagot mula sa papa niya.
"Pa?"
"Nag-iinit na ako ng tubig para sa lomi," sagot ng Papa niya. "Ingat kayo pauwi."
Napangiti ako at naging maganda na ang pakiramdam.
Pinaghanda kami kaagad ng pagkain ng papa ni Feng pagdating namin. It's very ironic dahil minsan mas ramdam ko pa na pamilya ang turing nila sa akin kumpara sa totoo kong pamilya. Hindi na rin iba ang trato nila sa akin. I always felt at home in their simple two storey house.
Matapos naming kumain ni Feng ay umakyat na kami sa kuwarto niya. Pinahiram niya na rin ako ng pajamas. Masyado siyang mabait at hinayaan ako na sa kama niya matulog habang siya naman ay nasa sahig at naglapag lang ng fotun.
"Feng?" tawag ko sabay tagilid para matingnan siya.
"Hmm?"
"Minsan ba hinihiling mo na sana bumalik 'yong nanay mo?"
Hinawi niya ang kumot na nakatabon na sa mukha niya.
She grimaced. "Kapag nangyari 'yon, ako ang aalis. Ayaw ko siyang makasama sa iisang bahay."
"Ilang taon ka na nga ulit no'ng iniwan kayo ng nanay mo?"
"Hindi ko na maalala, Jia, at ayaw ko nang alalahanin pa."
"So you will never forgive her?"
She grew silent. I patiently waited for her response.
"Ayaw ko namang magsalita ng patapos at baka ako 'yong matapos. Pero sa ginawa niyang panloloko sa papa ko at pag-iwan sa 'min para sa lalaki niya, wala pa sa bokabularyo ko sa ngayon at sa in the near future ang salitang 'forgive.'"
"I see."
Tumagilid na rin siya para matingnan ako nang maayos. "Bakit nga pala bigla mong natanong?"
"Naisip ko lang... What if iniwan din kami ni Mama? What if may ibang mahal siya na mahal din siya? I think I would rather want her to be happy with someone else than with my dad who cheats every chance he could get."
"Tingin mo mahal ng nanay ko 'yong lalaki niya kaya niya kami iniwang pamilya niya?"
"Tingin mo hindi niya mahal 'yon? Bakit siya sumama kung gano'n?" Nanliit ang mga mata ko.
Pagod siyang nagbuntonghininga. "Hay, Jia. Mayaman ka kasi kaya hindi ka maka-relate. Mapera kasi 'yong lalaki kaya sumama si nanay sa kanya."
Mas nanliit lang ang mga mata ko.
" 'Wag na nga natin 'tong pag-usapan at baka bangungutin pa ako. Pag-usapan na lang natin ang gagawin mo sa susunod na date ninyo ni Alec Von Cua."
"Oh, God," daing ko at ako naman ang napatalukbong ng kumot.
"Anong balak mo?"
Frustrated kong hinawi ang kumot at matalim na tiningnan ang kisame.
"Ewan ko. Ang alam ko lang hindi ako puwedeng sumipot sa date namin na gano'n ulit ang ayos. He thought I was wild and he said he likes wild women!"
"Ayaw mong like ka niya?" pang-aasar ni Feng. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
"That's the whole point. I don't want him to like me. Lalo lang magce-celebrate ang pamilya ko. Ayaw ko no'n," giit ko.
"My ideya ako," sabi niya sabay gawad ng tusong ngisi.
"Kung kabaliwanan na naman 'yan, Feng, ayaw ko na."
"Hindi. Epektibo 'to, for sure." Naging tahimik lang ako at nagpatuloy naman siya, "Naalala ko pala sa mga napapanood ko sa Kdramas, 'yong mga oppa bet din pala nila ng palaban na mga female lead. 'Yon bang colorful ang personalities."
Hindi pa rin ako kumibo.
"Kaya alam ko na ang dapat mong gawin! Maging sobrang hinhin ka at walang personality gaya ng sister-in-law mo! Eh, 'di ba nga ayaw sa kanya ng Kuya mo?"
"That's below the belt, Feng. At saka, Kuya is satisfied with her. He can tame her."
"Kaya nga. Gusto ng mga gaya ni Alec mylabs 'yong mga wild na hindi nila napapaamo. Challenging para sa kanila 'yon. Be the very opposite of a wild woman. Solved na ang problema!"
"I don't know."
"Subukan mo bukas. Kung ayaw mo, mag come clean ka na lang kay Alec Von Cua at tanggapin ang kapalaran mo na magpakasal sa kanya."
Nagtalukbong ulit ako ng kumot. Pinilit kong pumikit para dalawin lang ng antok. I could not sleep well.
Just like what I had promised, umuwi rin ako sa mansiyon kinabukasan. My mother interrogated me right away about my dinner with my soon to be fiancè. Sinabayan ko na lang ang kasinungalingang sinabi sa kanya ng Cua na 'yon. There was no point in telling her the truth that time. Ayaw ko rin na masira ang umaga ni Mama.
" 'Yan lang ang susuotin mo?" si Mama. It was two days after my first dinner date with Alec Von Cua. Yes, hindi niya talaga pinaabot ng isang linggo. He actually called my mother and arranged for a second date.
I stared at my reflection in the big mirror. Puting longsleeve na dress ang suot ko. Halos sumayad na ito sa sahig dahil sa sobrang haba.
I turned right and stared at my figure or the lack of it. Pinili ko kasi ang medyo malaking size.
"You look like a ghost, Jia."
"Parang white lady po ba, Ma?" I hid a smirk. This was what I was going for.
Kumunot ang noo ni Mama. May duda na sa mga mata niya.
"I like it, Ma," giit ko. "It's conservative."
"At kailan ka pa naging conservative?"
"Trust me, Ma. Alec will like this."
Matagal niya pang pinagmasdan ang suot ko. Sa huli ay mukhang nakumbinsi ko rin siya.
"Okay, fine. I guess you're right. It looks conservative. But don't say weird things, Jia. Kilala kita."
Hindi ako sumagot dahil ganoon naman talaga ang gagawin ko. Tama naman ang suspetsa niya.
This time, nagpahatid na ako sa driver namin. Napa double take pa ng tingin si Manong Epe sa akin dahil sa ayos ko bago niya ako pagbuksan ng pinto ng kotse.
Hinayaan ko rin na nakalugay lang ang mahabang buhok ko. Nagpulbo lang ako sa mukha at hindi na naglagay ng lipstick. Natural look. Putla look.
For this dinner, sa ibang restaurant na naman nagpareserve si Alec. It's a bar and resto this time. The EDM music was a bit loud when I entered.
I spotted him near the counter chatting with the bartender. Hindi na siya naka formal suit kundi isang dark button down shirt and casual jeans lang. The place was not crowded at konti lang ang tao. Nga naman, 5 pm pa.
Mas naunang nakakita sa akin ang bartender. He gaped at me and Alec probably noticed it. He turned his head and saw me.
Ngumisi ako at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa puwesto nila. Matagal akong nakalapit sa kanila dahil sa sobrang hinhin ng paglalakad ko.
Timid girl to the maximum level!
"Hi," sabi ko sa parang naiipit na dagang boses.
Alec cocked an eyebrow and the side of his mouth twitched.
I smiled at him sweetly. Gusto kong mabusog siya at masuka na rin sa paninitig sa suot ko.
"You look... different."
Humagikgik ako at mahinhin na nagtabon ng bibig gamit ang palad.
"I'm sorry about the last time," sabi ko sa boses na mismong ako ay hindi nakakakilala. "I acted weird. Ito talaga ang totoong ako. Hehe."
"That's too bad," aniya na wala namang dismaya sa hitsura. Gumala ang tingin niya sa iba-ibang klase ng alcoholic drinks na naka-display sa shelves sa harap namin. "Pinili ko pa naman ang lugar na 'to dahil akala ko ganito ang trip mo," dagdag niya.
Wow. Should I be grateful with his thoughtfulness?
"Hindi ako umiinom. Tubig lang sapat na."
He nodded and then gestured a hand on the vacant stool next to him.
"Take a seat first. Will have our dinner later."
I gaped at him. Seryoso ba siya? Hindi niya ako itataboy sa kabaliwan ko?
Binalingan niya ulit ang bartender na kung umasta ay parang walang pake sa usapan namin.
"A shot of whisky, Rey. I think I need a drink first." He glanced at me. "You don't mind, do you?"
I wanted to protest but then I remembered that I should act like a timid and mahinhin woman. 'Yong sunod-sunuran!
"R-Right," paos na sagot ko habang nanatili pa rin sa pagtayo.
"You should really take a seat. Baka dalawang shots ang iinumin ko."
Walang imik na akong pumayag sa gusto niya. Slow motion ang ginawa kong pag-upo sa stool. Bawat kilos ko ay sinusundan niya ng tingin. As if everything was entertaining in his eyes.
Akala ko sobrang nakakahiya na ang mga pinaggagawa ko pero may mas ikakahiya pa pala 'to. Because my dress was so long that it almost reached the floor, I accidentally stepped on it. I was so ready to fall flat on my face when I felt one strong arm around my waist, holding me in place.
My breathing hitched and I closed my eyes. Dinig ko rin ang tripleng tibok ng puso ko. His arm was so warm against my waist. Sobrang lapit niya sa 'kin.
"Just so we're clear, I don't mind a tamed wife as well," Alec Von Cua whispered near my ear. His breath was hot on my skin. "For sure, I can make you wild in bed."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top