Chapter 2


Chapter 2

Fancy

"You're kidding me," halos singhap ko.

Hindi natinag ang ngisi niya. Sinulyapan niya ang pintuan bago ibinalik ang tingin sa aming dalawa ni Feng.

"Pina-feng shui na namin ang buong building. The feng shui master did not feel any bad luck."He cocked his eyebrow as his eyes pinned on me. "But you're telling me that there is a white lady in there."

Naitikom ko ang bibig at binalingan ng tingin si Feng para makahingi ng tulong sa kanya.

She was still doe-eyed as if she's in a trance. Wala akong ibang nagawa kundi ang isalba ang sitwasyon nang mag-isa.

"Baka hindi nagparamdam sa mga oras na 'yon?" I offered.

"That's interesting." Seryoso siyang kung titingnan. "Sabi mo nagpaparamdam 24 hours, 'di ba?"

Umurong ang dila ko at wala akong makapang sagot na ibabato pabalik sa kanya.

"O baka sinasabi mo lang 'yan dahil ayaw mo ng kakompetensiya sa restaurant ninyo?" mayabang na tono ng boses niya.

Of course he was right. And of course I wouldn't tell him that!

Bumaling ako kay Feng dahil kailangan ko na talaga ng tulong niya and besides, restaurant niya ang pinag-uusapan. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Wala talagang white lady," aniya sabay baling sa nagpakilalang Alec Von Cua. Feng looked excited even. "Kailan matatapos ang restaurant ninyo?"

I silently gasped. Ang babaeng 'to! Hindi ako makapaniwalang tinabla na niya ako dahil lang sa atraksiyon na mayroon siya sa lalaki!

"In six months," sagot ni Alec na medyo nagulat pa sa pagsasalita ni Feng.

"Bakit ang tagal naman?"

Itinago ko ang iritasyon sa pamamagitan ng pag-iwas ng mukha at pagngiti.

"It's not really a priority so..."

"Pero palagi kang bibisita? Ikaw ang magsu-supervise ng construction?"

Umirap ako sa isip ko. The phone inside my jumper's pocket vibrated alerting an incoming message. Hindi ko narinig na sumagot ang lalaki at wala na akong pakialam pa dahil sa pagbabasa ng message na natanggap. It was from my mother telling me to come home ASAP.

"Uuwi na ako," sabi ko sabay balik ng cellphone sa bulsa. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang naguguluhang hitsura ni Alec Von Cua. Itinuro ko si Feng. "Siya talaga ang may-ari nitong restaurant."

I thought it was useless to lie because my best friend was clearly interested in him. Lalo lang naging lito ang tingin ng lalaki. Imbes na magpaliwanag pa ay napabaling ako sa labas dahil sa sasakyang narinig.

"My driver's here." I looked at Feng. "Pinapauwi ako ni Mama."

"Oh. Okay, sige. Bisita ka na lang ulit sa susunod."

Tinanguan ko siya at mabilis na sinulyapan si Alec Von Cua. He was now busy looking at the interior of the restaurant. I murmured my goodbyes once again and finally stepped outside.

Dumating kaagad ang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto ng driver namin. I was silent the whole ride habang iniisip kung ano na naman ang importanteng pag-uusapan sa mansiyon. Binibigyan ako ng sapat na kalayaan ni Mama kaya hinahayaan niya akong bumisita sa restaurant nina Feng. She knew I was pressured already by Papa and Kuya in the family. Ayaw niyang ipagkait sa akin ang pakikipagkaibigan ko kay Feng.

Ang makatanggap ng text message mula sa kanya habang kasama ko si Feng ay hindi madalas na nangyayari kaya inasahan ko nang isang importanteng bagay ang pag-uusapan namin.

Nang makarating ng mansiyon at papasok ang sasakyan sa gate ay mabilis kong napansin ang sasakyan ni Amma. Wala sa sarili akong umalerto at napaayos bigla ng upo. My hunch was confirmed. Talagang importante ang pag-uusapan dahil nasa mansiyon si Amma.

Pinagbuksan ako ng driver ng pinto ng sasakyan. Lumabas ako at mabilis na pinasadahan ang suot. My jumper outfit would definitely disappoint my grandmother. Kahit na ganito pa ang iniisip na kahihinatnan ay dumeretso pa rin ako sa pagpasok sa loob ng mansiyon.

I glanced at the living area and all of the voices died down upon my arrival.

My aunt and uncle were there. Sa tabi naman nila ay sina Mama at Papa. The one seated on the arm chair, wearing Cheongsam,  was my grandmother. They all looked up and watched me closely. My aunt and uncle were both giving me a judgmental look samantalang si Papa naman ay mukhang bored lang.

Habang naglalakad palapit sa sofa ay nagpirmi ang tingin ko kay Mama. I gave her a questioning look. She only smiled at me.

"Have a seat, Jia," si Amma ang nagsabi nito.

Napatingin na rin ako sa kanya. Kompirmado rin ang dismaya sa mga mata niya nang tingnan niya ang damit na suot ko pero hindi na niya ito isinatinig pa.

Naupo ako sa tabi ni Mama. Inilapat niya kaagad ang palad niya sa kamay ko. Without even saying anything, I felt both support and a warning.

"We found a compatible match for you," dagdag ni Amma.

"Po?" gulantang na sinabi ko dahil hindi makapaniwala sa bilis ng resulta.

She then glanced at my mother allowing her to speak up.

"It's one of the Cuas'" si Mama. "The son of Gregorio Von Cua."

"Which one?" wala sa sariling tanong ko.

My aunt gave a soft chuckle. Napasulyap agad ako sa kanya at nakita ang pagngiti at marahang pag-iling niya. Kung tingnan niya ako ay para bang napaka clueless ko.

"Jia, Gregorio has only one son," she said mildly. "Alec Von Cua, the lawyer."

Nakalutang na ang utak ko. Alec Von Cua. Alec Von Cua. The name sounded very familiar as if I just heard it... earlier!

What the fuck?

That Alec Von Cua?

No way!

"Jia, calm down," bulong ni Mama sa akin.

Nakanganga ako nang bumaling sa kanya ng tingin. I could not even form a proper sentence.

"Oh, look at you. You look so shocked," my Aunt Lu. "Do you underestimate the power and influence of our family, hija? We are the Chen family. The Cuas are not so unreachable for us."

Alec Von Cua probably thought earlier that I was crazy.  At ano naman ang piangsasabi ni Aunt Lu? The Cuas wealth is the least of my concern right now!

"I'm sure that Jia doesn't think that way, Lu," si Mama na pilit akong ipinagtatanggol. "It's marriage. She's in shock."

"Marriage," napasinghap na ako. "I thought it's just a prospective match!"

"The Cuas are very powerful. We must not lose this opportunity," kalmanteng saad ni Amma.

I was loss for words. Desperado kong tiningnan si Mama at nakita ang pag-iling niya, pinagsasabihan akong huwag nang umapila. Tiningnan ko si Papa at nakitang walang interes sa mga mata niya at sinulyapan lang ang suot na relo. My parents could not help me. My family already sold me off.

It was my fate.

"I have already met with their elders. They also think that it's going to be a good pragmatic marriage," pagpapatuloy ni Amma na sa bilis ay kasal na ang binabanggit. She looked at my mother. "We will set the date for Jia and Gregorio's son to meet up, Cora."

"Sige po, Amma," magalang na sagot naman ni Mama.

"The Cuas owned most of the properties in Mandaluyong area..." my father started.

Nagpatuloy ang usapan tungkol sa gaano kayaman at kamakapangyarihan ang mga Cua. I did not have a say to their conversation. Hindi lang ito dahil sa bawal akong sumabad sa usapan ng mga matatanda kundi dahil sa magulo rin ang isip ko.

My mind was filled with a lot of possibilities. Most of which was on how to get away with it though it's next to impossible. Mapait akong natawa sa loob. Ang tanging lusot ko na lang siguro rito ay ang pagpapakamatay. And there's no fucking way I would do it. My family might me toxic but I would never let their toxicity poison me to death.

Nang magpaalam na ang mga bisita sa mansiyon ay pumuslit ako ng pag-akyat sa kuwarto. Mabilis kong tinawagan si Feng. Sa unang pag-ring pa lang ay sumagot na siya.

"Ihahanda ko na ba ang spacecraft para sa paglalayas mo riyan sa mansiyon?" bungad niya sa kabilang linya.

Bumagsak ako sa malambot na kama at tinitigan ang kisame na pinuno ko ng mga bituin. Epekto ng pag-attend ko ng art classes. Ilang minuto akong nakatanga at tahimik lang.

"Jia?"

"Pakakasalan ko pa yata si Alec Von Cua," sabi ko sa normal na boses.

"Hindi mo man lang pinagpabukas ang pang-aagaw sa crush ko today."

"I'm gonna marry that tall chinito lawyer guy, Feng!" nagpapanic na sambit ko. "Sabi sa'kin ni Amma na nakausap niya na raw ang elders ng mga Cua! He's not even my type!"

"Gusto mo barilin ko crush ko para matigil ang kasal ninyo?" she offered jokingly.

Kumunot ang noo ko sa baliw na alok niya. "Or you can make him fall in love with you at magtanan kayo. And tada, I'll be a free woman."

"Gaga, wala tayo sa Kdrama or Cdrama," saway niya. "At kahit hindi matuloy ang engagement ninyo, hahanap at hahanap lang ng panibago ang pamilya mo."

Napaisip ako. "Baka magustuhan ko na ang pamalit kay Cua? Maybe he's not gonna be a chinito anymore."

"Malaki mata, gusto mo?" sarkastikong tanong niya. I rolled my eyes and she continued, "at saka feeling ko, may crush sa'yo 'yong Cua maylabs ko, e."

"What?" Napaahon ako bigla sa kama.

"Pagkaalis mo, tinanong niya ako tungkol sa'yo."

"Nagtanong lang siya sa'yo tungkol sa 'kin, crush na agad ako? So, what did you tell him?" I asked after a while.

"Gaya na lang ng sinabi mo na isasagot ko pag may mga lalaking nagtatanong tungkol sa'yo sa restaurant."

"Oh. My. God. You did not tell him—"

"Hindi ka Chinese. Ayaw mo sa Chinese. Ayaw na ayaw mo sa chinito. Allergic ka sa matangkad at galing sa mayamang pamilya dahil feeling mo wala siyang mapapatunayan na sariling sikap. At mas gugustuhin mo pang tumandang dalaga kaysa magpakasal sa isang controlling na lalaki..."

"Wow," nasabi ko na lang sabay hilot sa sentido.

"Ayaw mo no'n? Turned off na siya sa'yo kapag nagkita ulit kayo at malaman niyang Jia Chen pala ang totoong pangalan mo."

It made me pause for a moment. "Tama ka nga... Baka mag back out siya at wala na akong problema. Tama lang 'yong mga sinabi mo sa kanya."

"Hindi ako tumatanggap ng thank you. Cash lang sapat na."

"Thank you, Feng!" Ngumisi ako dahil napagtantong wala na akong dapat ipag-alala pa.

"Inignora mo pa 'yong sinabi ko. Kuripot mo. Chinese ka nga."

"We'll shop tomorrow," natatawang sabi ko. "Siguro naman pinakita na sa kanya ng pamilya niya ang files ko. He'll probably recognize and remember my face."

"Sa liit at hugis heart na mukha mo, ewan ko lang kung 'di ka niya makilala. Dagdagan pa ng matangos at maliit na ilong mo with your heart shaped cupid's bow lips. Naku. Nawa'y lahat din kutis porselana. Your beauty could never be ignored. Periodt."

"Feng?"

"Oh, Jia?"

"I'll let you borrow one of my credit cards tomorrow."

At nabingi ako dahil sa sumunod na walang tigil na pagtili niya.

I was able to have a good night sleep that night thinking that everything would work out in the end. Kung sabihan man si Alec Von Cua ng elders niya tungkol sa akin ay siguradong aapila 'yon. Gaya ng sabi ni Feng, na-turn off na 'yon sa 'kin. Ano ba naman iyong kabaliwang sinabi ko sa kanya tungkol sa white lady.

I felt very confident about it the next few days. Wala akong narinig na usapin tungkol sa mga Cua. My mother even looked worried. Maybe she really thought there's no chance for the Cuas to contact us. Hindi na rin muna ako bumisita kay Feng sa restuarant nila at baka makita ko pa ulit si Cua.

We were having breakfast when the phone inside the mansion suddenly rang. Dali-daling ibinaba ni Mama ang kutsara niya at tumayo mula sa kinauupuan para tugunan ang tumatawag.

Matamlay ko siyang sinundan ng tingin dahil tamad at mabagal ako sa umaga. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang malakas na pagsinghap ni Mama. Delight was very evident on her face as well when she glanced at me. Tinanggal ko ang kamay na ipinangalumbaba ko at kunot noong tiningnan ang muling pagbabalik ni Mama sa dining area.

"I'll make a call to cancel your art class for today," aniya na masaya pa ang mukha. "You have to prepare because Alec Von Cua wants to meet you this afternoon."

"All of a sudden?"

"Well. Maybe they had a family talk and everything."

Tiningnan ko lang siya as if she was talking gibberish. Bumalik siya sa upuan niya kanina at excited na nagpatuloy sa pagkain habang nagsasalita na tungkol sa make up at damit na susuotin ko mamaya. Lumapagpas sa kabilang tainga ko ang lahat ng pinagsasabi niyang paghahanda na dapat kong gawin.

Pagkatapos ng breakfast ay abala na naman ang utak ko. Why does this Cua want to meet me? Didn't he recognize my face on the files kung nakita man niya iyon? O baka naman napipilitan lang din siya sa pamilya niya tulad ko?

My mother even called a professional make up artist to come to the mansion to do my make up. Dumating din ang stylist ng pamilya namin. Nagmistulan akong isang mannequin habang dinadamitan nila ng isang short silk dress with slit.

"Don't you think it's too much, Ma?" protesta ko sabay baling kay Mama na kritikal na nakatingin sa ayos ko.

My brownish hair was curled at the ends. Nakalugay lang din ito sa likod ko.

"This is just enough," kalmadong sagot ko. "I've done some research about his past flings and relationships. He's dated top models and socialites. You will impress him."

"Magdi-dinner lang naman kami. This is just our first meeting so—"

"You have to make the best first impression, Jia. He's going to be your fiancé soon."

Best first impression? Not sure about the 'best' but for sure I made an unforgettable impression on him at Feng's restaurant. I refrained myself from telling her this information. I remained stoic and uninterested. Hinayaan ko rin ang stylist na tapusin na ang pag-aayos nila sa akin.

Maagang natapos ang preparasyon at naging tahimik ulit ang mansiyon nang makaalis na ang make up artist at stylists na kinuha ni Mama. They left me alone inside my room and I quickly called Feng.

"Napaka-sadistic mo talaga at tumawag ka pa para sa updates ng paghahanda mo sa date ninyo ng crush ko," panimula niya sa kabilang linya.

"Gusto kong mandiri siya sa'kin para wala ng chance pa na ma-engage kaming dalawa. Paano ko gagawin 'yon?" seryosong tugon ko.

Natahimik siya at ilang segundo pa ay narinig ko ang tunog ng pag-flush ng tubig sa background niya.

"Are you inside the toilet?" Napangiwi ako.

"Sandali at katatapos ko lang tumae."

"Oh. Gosh. TMI, Feng! Dala mo cell phone mo sa toilet?"

"Naka loudspeaker ka naman, 'wag kang ano," pampalubag loob niya.

Napahawak ako sa sentido. "Tapusin mo nga muna 'yang... ginagawa mo diyan."

"I can multitask. Anyway, tingin ko alam ko na kung anong kailangan mong gawin."

"Really?" Napaupo ako sa gilid ng kama.

"Oo. Napanood ko na ang scene na 'to sa isang Korean drama."

"Anong gagawin ko? I'm all ears."Nakuha na niya ang buong atensiyon ko.

"For sure na research na ng mama mo ang exes ni Alec Von Cua, 'di ba?"

"How did you know about that?"

"Napanood ko na rin 'to."

"Huh?"

"Basta. Babad ako sa Kdrama kaya alam ko 'to lahat. Anong intel ng mama mo sa exes ni Alec mylabs ko?"

Napaisip ako sa sinabi ni Mama kanina tungkol dito.

"Models. Socialites," I listed.

"Hmm. Girlies kung gano'n..."

Naging tahimik ulit si Feng at mukhang nag-iisip pa siya. I let her be.

"Maging balahura ka kung gano'n," aniya pagkatapos ng katahimikan. "Magpaka-opposite ka sa lahat ng mga tipo niya."

Medyo doubtful man sa suhestiyon niya at napababa pa rin ako ng tingin sa suot na damit. Hindi gagana ang ayos ko sa gustong ipagawa ni Feng.

Imbes na dumeretso sa isang five star restaurant kung saan kami magdi-dinner ni Alec Von Cua ay dinaanan ko si Feng sa kanila. Mabuti na lang at pumayag si Mama na hindi na ako ihatid pa ng driver. Ang excuse na ibinigay ko sa kanya ay ayaw kong maging kabado kaya gusto kong ako na mismo ang magmaneho. She was convinced by my reasoning so I was successful with my initial plans.

Within twenty minutes, nasa sahig na ang fancy dress na dapat ay suot ko sa dinner. Ibang-iba na ang suot ko sa tulong na rin ni Feng. I wore a black leather jacket and inside it is a black crop top. Hindi man kalakihaan ang size ng boobs ko ay halata pa rin ang clevage ko. Naka ripped jeans din ako.

My make up was very bold with a red lipstick and black eye shadow. These were all courtesy of Feng. And personally, I felt like a clown.  A rockstar clown.

"Amazing. Mukha ka ng tagabuga ng yosi sa club," bilib na saad ni Feng. "Anong unang sasabihin mo kay Alec mylabs?"

I raised my chin a bit, remembering my lines. "I am not going to get engaged with you."

"Mali!"

Ngumuso ako. Inirapan ako ni Feng at napahawak pa siya sa kanyang baywang.

"Hindi tayo talo. Hindi tayo parehas ng trip," she corrected.

I looked at her suspiciously. "Filipino words pa ba 'yon?"

"Oo. At saka dapat maangas ang dating mo dahil laking basag ulo ang ipino-portray mong character."

Tumango ako dahil siya naman ang expert dito.

"Uupo pa ba ako?"

"Oo. Dapat mukha kang intimidating at walang pakialam kahit na ten courses meal pa ang pa-dinner niya."

I nodded at her again. "What if he asks me some questions?"

She waved a hand at me as if unbothered. "Hindi na 'yan. Matu-turn off na 'yon kaagad at magiging speechless."

"Right," I agreed and glanced at the huge clock on the wall of her room. "Plus, we don't have enough time."

"O siya. Ayusin mo. 'Wag kang English nang English doon at magmumukha ka na namang rich girl na classy."

"Got it."

Nagpirmi ang mariing titig niya sa akin. Halatang wala siyang tiwala.

"What?" sabi ko.

"Wala. Sasama ako para makasiguro."

"Fine." Kinuha ko na ang purse sa mesa. Ito na lang ang natitirang "fancy" sa attire ko. "Kunwari ka pa, eh gusto mo lang namang makita si Cua."

Tumayo na rin siya at humarap sa salamin. Inayos niya ang paglalagay ng blush on.

"Sa loob ng kotse mo lang naman ako tatambay."

"Puwede ka namang pumasok sa loob. Papa-reserve ako ng isa pang table para sa'yo," sabi ko habang tinitingnan ko ang laman ng white purse.

" 'Wag na at baka mamukhaan pa ako ni mylabs. Baka maisip niya na kakunsiyaba mo ako. Pati sa'ki ma-turn off siya."

Kumuha siya ng isang black boots mula sa kung saan at bahagyang inihagis ito sa akin.

My reflexes were on point that I was alert enough to catch them. Masyado man na mahaba ang heels nito ay hindi na ako nagreklamo pa at isinuot na.

"Where did you even wear these clothes and boots?" tanong ko habang isinusuot ang boots.

"College days. Buwan Ng Wika," she was serious when she said this.

The ride to the five star restaurant was short. Si Feng ang nagmaneho at dahil sa excitement niya sa Audi ko ay halos ipinalipad niya ang kotse. I felt goosebumps all over my arms and my flat stomach. Lantad din kasi rito ang balat ko dahil sa iksi ng crop top.

I tried to zip up my leather jacket when she stopped me.

"Giniginaw ako," reklamo ko.

"Hindi giniginaw ang mga maaangas," paalala niya.

I heaved a deep sigh and gave up. With one swift move, she opened my door. I bit my lower lip as I stared at the double door entrance of the restaurant.

"Sa parking area lang ako maghihintay," sabi ni Feng. "Tawagan mo lang ako kapag nakalabas ka na ulit."

I stepped out of the car and braced myself. Before I could even turned around, pinaharurot na ulit ni Feng ang sasakyan patungong parking area.

Ibinalik ko ang confidence sa sarili at rumampa na papasok ng gusali. I was automatically welcomed by one of the staffs. Napa double take pa siya ng tingin sa suot ko. Displeasure was evident on her face.

Isang banggit ko lang sa pangalan ni Alec Von Cua ay nagkandarapa na siya at ang iba pang staffs para igiya ako sa top floor. Of course, the Cuas owned the place.

Even the elevator looked fancy because of its gold plated walls. Ang wais talaga ni Amma para piliin ang pamilyang Cua.

We finally reached the top floor. It looked so private dahil tatlong tables lang ang nandoon at wala ring ibang tao. Sa gitna nito ay ang nakahandang table para sa aming dalawa ng magiging future fiance ko. May wine nang nakalapag dito. And he was there, sitting on a chair, boredly staring at his smartphone.

Bago pa ma-announce ang pagdating ko ng dalawang staffs na talaga namang bumuntot sa akin, inunahan ko na sila sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kamay, refraining them from saying anything. They nodded in understanding and finally turned to leave.

I took the time to study the man for a bit. Nakapostura talaga siya sa suot na black formal suit. His obviously expensive looking watch glinted even under the dim lights. Pareho pa sila ng relo ni Kuya. A gold Rolex Daytona.

I tilted my head to the side, raised my hand, and ran my fingers on my hair. With exaggerated moves, ginulo ko ang buhok ko. Nang maging satisfy na ay dinukot ko ang gum na nasa loob ng bulsa. I unwrapped it and put the gum in my mouth.

"It's showtime," I murmured under by breath before making my way towards him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top