Chapter 18
Chapter 18
Family
A sudden commotion in my surroundings woke me up. I slowly opened my eyes as I regained consciousness. Bumungad sa pagdilat ko ang nakakasilaw na ilaw. My eyes slowly adjusted to the lights.
Sinuyod ko ang tingin sa kabuuan ng hindi pamilyar na lugar kung nasaan ako. Dumapo ang tingin ko kay Alec. He was standing next to a man who wore a white lab coat, isang doktor. Tila may ipinapaliwanag ang babaeng doktor sa kanya at nakikinig naman siya nang maigi rito.
The set up and the obvious hospital room dawned on me. It made me feel confused. I didn't remember how I suddenly got there. The last thing I remembered was me fainting. The certain pain I felt when my body hit the marbled floor.
Sinubukan kong alalahanin ang lahat. Bumalik sa akin ang alalala ng huling nangyari bago ako nahimatay. Ang pagtatalo namin ni Papa. Ang pananampal niya.
Alec accidentally glanced my way. His eyes went wide in shock.
"She's awake," he quickly alerted the doctor.
Mabilis nila akong nilapitan. Mas naunang nakalapit si Alec sa akin. Batid ko ang matinding pag-aalala na ipinupukol ng tingin niya.
I looked at them questioningly.
Naupo ang doktor sa gilid ng kama. She looked at me critically but still with gentle eyes.
"How are you feeling, Mrs. Cua?"
Napasulyap muna ako kay Alec bago ibinalik ang tingin sa doktor.
"I'm fine."
Matagal at mapanuri pa akong tiningnan ng doktor.
She smiled and nodded. "The results came in. It shows the you're healthy other than being a little dehydrated."
I nodded in understanding. Marahan kong ipinalandas ang dila sa ibabang labi. My own lips felt dry.
"There is nothing to worry about. The results were normal." Her eyes turned warm. "Your baby is fine as well—"
My lips parted as I gasped. "B-Baby?"
Natigilan ang doktor sa reaksiyon ko. Maingat niya munang sinulyapan si Alec bago ibinalik ang tingin sa akin.
"You're six weeks pregnant, Mrs. Cua."
Unti-unting bumagsak ang panga ko sa matinding gulat. Lumakas ang pintig ng puso ko.
Time stopped for me and my entire body froze with it.
"B-But I'm on a pill," lito kong sinabi. "I don't understand how..."
"Yes, the pill is ninety-nine percent effective," she smiled apologetically, "—but missing it for even just a day or forgetting to take it at the scheduled time increases your chances of pregnancy especially if you are sexually active."
Bumuka-sara ang bibig ko. I lost all the reasons.
"I take it that you haven't suspected your pregnancy," she continued gently, "It sometimes happens especially if the symptoms are not that prevalent..."
Nagpatuloy lang siya sa pagpapaliwanag pero wala na akong narinig pa. The only thing on my mind was her declaration of my pregnancy.
Dahan-dahan kong inilipat ang tingin kay Alec. His eyes were serious as he listened intently with what the doctor was saying. He did not look surprised when the doctor announced my pregnancy. Siguro ay ibinalita na ito ng doktor sa kanya bago pa ako nagkaroon ulit ng malay.
Kalaunan ay nagpaalam din ang doktor sa amin. May mga ibinilin siya kay Alec. Sumuko na yata siya sa pagkausap sa akin dahil naging tulala lang ako buong usapan.
When the door finally closed, Alec sat beside me.
"How are you feeling? Are you hungry?" tanong niya.
Umiling ako. "What time is it?"
"It's already six in the morning. You need to eat."
"Maybe later." Muli kong sinuyod ang tingin sa loob ng kuwarto. "Where's my family?" I softly asked.
Alec looked pained and angry at the same time.
"Umalis din sila pagkatapos ka nilang ihatid dito," maingat niyang sinabi. May tanong din sa mga mata niya. He did not push to ask.
"How come you're here?"
The pain was very evident on his face after hearing it. The anger completely faded.
"I'm your husband, Jia. They called me."
Marahan akong tumango.
"Tell me what happened, please," pakiusap niya. Puno na ng tanong ang mga mata niya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Nothing. I just fainted, that's all."
"You want me to believe that?"
Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya. I tried to look as if I didn't know what he meant.
Nagtagis ang bagang niya. "Your right cheek was so red when they brought you here. I could murder someone for it."
Pakiramdam ko bumalik ulit ang nangyari sa akin. Naramdaman ko ulit ang malakas na sampal ni Papa.
I closed my eyes to forget that memory.
"I don't want to talk about it," I said weakly.
I heard his heavy sigh. "Alright. I don't want to upset you. But I swear, I will find out."
Bumagal ang paghinga ko. Marahan akong dumilat at tiningnan si Alec. His eyes were careful. Kung tingnan niya ako, para bang anumang oras ay mababasag ako.
"I'm pregnant," paos na sambit ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Saying it out loud just made it more real.
"Yes, baby." Alec's eyes twinkled with delight.
A blast of panic suddenly attacked me.
"I don't want this, Alec."
His lips parted. His smile quickly faded. Nagtagpo ang kilay niya.
"W-What? I don't understand..."
"I don't want this baby," ulit ko sa nahihirapang boses. "I'm not ready to have this child... Maybe we should get rid of it..."
Unti-unting nawalan ng kulay ang mukha ni Alec. His shoulders sagged. He looked shocked and then devastated.
Tahimik na bumuhos ang mga luha ko. Natulala bigla si Alec. He slowly stood up and turned his back on me, para bang sa mga oras na iyon ay hindi niya ako kayang tingnan.
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya. Ikinuyom niya ang mga palad sa gilid. He was clenching them so hard that his knuckles turned white.
Huminga siya nang malalim at dahan-dahan. He took one step away from me, and then another. Until our distance became so obvious. Tahimik akong humikbi.
I turned to the other side so I wouldn't be able to see him leave because I knew he would. Idiniin ko ang mukha sa unan. I stifled my cries once more. Hanggang sa narinig ko na lang ang malakas na tunog ng pagsara ng pinto.
Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nang nagising ulit ay nadatnan ko si Feng na abala sa pag-aayos ng pagkain. Hindi pa nakakabalik si Alec.
"Hi," bati ko sa paos na boses.
Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko nang nakitang gising na ako at nakatingin sa kanya. Agaran siyang tumayo para tugunan ako.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Tinawagan ako ni Alec. Ano ba kasing nangyari?" sunod-sunod na ratsada niya. "Tinanong ko si Alec kanina, hindi naman siya sumagot. Kung makaasta siya parang namatayan, eh buhay na buhay ka naman!"
Halos hiningal na si Feng dahil sa bilis at dami ng sinabi niya.
"Buntis ako, Feng. The doctor told us."
Malakas siyang napasinghap. Umaliwas ang mukha niya at malapad siyang ngumiti.
"Talaga? Walang sinabi si Alec. Oh my God!" Nawala bigla ang ngiti niya nang nakita ang mukha ko. "May problema ba? Bakit hindi ka mukhang masaya?"
Dahan-dahan akong naupo sa kama. Inayos niya ang unan sa likod ko. Inalalayan niya ang likod ko para sumandal dito.
"I told Alec I don't want the baby," miserableng imporma ko.
Umawang ang labi niya. She looked so shocked.
"P-Paanong... B-Bakit?"
"Sinabihan ko siya na hindi pa ako handa."
"Ha? Pero nandiyan na 'yan!" Gulong-gulo niya akong tiningnan. "Huwag mong sabihing gusto mong....ipalaglag 'yan?"
Kinagat ko ang ibabang labi. I swallowed hard.
"Jia naman! Kaya naman pala parang mukhang namatayan si Alec!"
"I got so scared," pag-amin ko. "Pa'no kung hindi ko siya mapalaki nang tama? Pa'no kung madamay siya sa magulo kong pamilya? I feel like this is not the right time to get pregnant and have a baby. Ang daming problema ng pamilya ko."
Nalusaw ang kalituhan sa mukha ni Feng. Napalitan ito ng pang-unawa at simpatya.
Mas lumapit pa siya sa akin at hinaplos niya ang buhok ko.
"You'll be a great mother for sure," puno ng kumpiyansa niyang sinabi.
"What if you're wrong?"
"I'm not. Alam ko na ibubuhos mo ang pagmamahal sa anak mo, Jia. Alam ko na hindi mo hahayaan na maranasan niya ang naranasan mo sa pamilya mo."
Feng cradled my head. I sobbed as she hugged me.
"I hurt Alec," hikbi ko. "You should've seen the look on his face when I told him I didn't want the b-baby... He was so devastated, Feng."
"Sabihin mo sa kanya na natakot ka lang," marahan niyang sinabi. "Ipaliwanag mo na nabigla ka. Na gusto mo naman talaga ang baby ninyong dalawa."
"He hates me. Hindi ko siya masisisi."
"I don't think he hates you. Mahal ka niya at nasasaktan lang siya ngayon."
"Tingin niya hindi ko siya mahal. Iniisip niyang ginagamit ko lang siya." Ibinuhos ko na ang rebelasyon kay Feng.
Umayos nang upo si Feng sa tabi ko para matingnan ako nang deretso. She attentively listened.
"Nagtalo kami sa opisina niya noong pumunta ako. Nalaman niyang napilitan lang ako sa pagpapakasal sa kanya."
Feng did not interrupt me.
"Habang nagtatalo kami, tumawag sa'kin si Ate Shen. Dinala raw ni Papa ang kabit niya sa mansiyon."
"Punyeta," she murmured.
"Umuwi ako agad. I had a fight with my father. He slapped me." Malutong na napamura ulit ang kaibigan ko. "I lost consciousness."
"Alam ba 'to ng asawa mo?"
Umiling ako. "Hindi ko sinabi sa kanya pero may pakiramdam akong malalaman din niya."
"Ang gago talaga ng Papa mo. Dahil sa ginawa niya pwedeng napahamak pa 'yang ipinagbubuntis mo!"
"He doesn't know I'm pregnant. Ngayon ko lang din nalaman."
"Isumbong mo kay Alec 'yong ginawa ng Papa mo sa'yo."
"I don't want to."
Nasapo ni Feng ang noo niya. "Jia naman! 'Wag ka namang magpaka-martyr!"
Mabilis akong umiling. "Hindi naman ako nagpapaka-martyr. Kapag nagsumbong ako kay Alec, ano? Iisipin na naman niya na ginagamit ko siya bilang proteksiyon?"
"Hindi naman siguro iyan iisipin ni Alec. At sino pa ba ang poprotekta sa'yo kundi siya na asawa mo!"
Natahimik kaming pareho. Paulit-ulit ang malalim na pagbuntonghininga niya.
"Kumain ka na at baka malamig na 'yang pagkain mo."
"Umalis ba si Alec?"
She slightly shook her head. "Nasa labas lang 'yon kanina. Gusto mo bang tawagin ko?"
"Huwag na," agap ko. "Galit pa 'yon. Maybe he's letting off some steam."
Kinuha ni Feng ang kutsara't tinidor at ibinigay na sa akin. Naupo ako nang maayos. She pushed the wheeled table towards the bed. There was a paper bag beside the food. Feng took something from it and these were some oranges.
I started eating. Feng encouraged me to eat more, lalong-lalo na at hindi lang ako ang kumakain para sa sarili ko. There's a new life inside of me as well. A baby. I ate some more.
Kinahapunan ay bumalik din ang doktor para ipaalam sa akin na puwede na akong madischarge. Feng stayed with me the whole time. Alec never returned.
Ang sekretarya lang niya ang pinapunta niya sa ospital para mag-ayos ng bills at mga papel. He also sent a driver to fetch me.
Una naming hinatid si Feng. She offered to stay with me for a while in the penthouse but I declined. Pinanatag ko ang loob niya at sinabing siguro naman ay uuwi rin si Alec. I knew he needed space.
Sobrang tahimik ng penthouse pagdating ko. The place which I made sure to call a home suddenly made me feel empty.
Mag-isa akong kumain ng hapunan sa malapad na dining table. The maids gave me pity looks as they glanced at Alec's empty seat. Pinilit ko na lang ang sarili na kumain kahit na wala akong gana. My baby needed to stay healthy and strong despite the situation.
Mabigat ang loob ko nang nagpahinga na sa kama. I felt miserable and very alone. Nakikipagtalo ako sa sarili kong emosyon. I didn't want to blame Alec, so I blamed myself. And when I would overthink and reflect, I would get angry.
Oo at may pagkukulang ako at alam kong nasaktan ko siya sa sinabi, pero nasasaktan din naman ako. Alam kong kailangan ko siyang intindihin pero sino naman ang iintindi sa'kin?
Pinilit ko ang sarili na matulog para man lang pansamantalang mawala ang sakit. I woke up in the middle of the night, the lights were still on and the pain returned when I noticed that I was still alone.
Bumangon ako at tumayo dahil naisip kong lumabas ng kuwarto. Nakaramdam ako ng lamig dahil sa suot kong silk spaghetti strap na pantulog lalo pa at malamig ang buga ng aircon. I took a cardigan sweater and wore it.
Napasulyap ako sa ibabaw ng bedside table at napansin ang Rolex ni Alec. My heart jumped a bit with joy. Naisip ko na nakauwi na si Alec at siguro ay pumasok siya sa kuwarto namin para tingnan ako?
I went out of the room. Nakasalubong ko sa labas ang isa sa mga katulong. Napansin ko ang gulat sa mukha niya pagkakita sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang tray. May baso ng tubig dito. She stopped right away and faced me.
"Para ba 'yan sa asawa ko?"
"Opo, ma'am. Nagpapahatid po siya sa guest room."
I glanced at the guest room which was just next to our room.
"Ako na ang magdadala niyan sa kanya," sabi ko sabay baling sa katulong.
She handed the tray to me without any hesitation. Umalis siya at naglakad naman ako papunta sa guest room.
When I reached the door, I took a deep breath and softly knocked. Pinihit ko ang doorknob at binuksan na ang pinto.
Nakita ko si Alec na nakayuko habang nakaupo sa gilid ng kama. He had his back on me so I could not see his face despite the presence of the lights. His legs were apart. Nakatukod ang mga siko niya sa kanyang magkabilang hita. His fingers were intertwined.
Medyo magulo ang buhok niya na parang dulot ng paulit-ulit na pagpasada ng palad dito.
Sobrang lalim siguro ng iniisip niya, hindi niya man lang namalayan ang pagpasok ko.
I intentionally cleared my throat, reason why he finally looked up. Marahan siyang lumingon at napansin ko agad ang bahagyang pagtalon ng gulat sa mga mata niya nang nakita ako.
"Ako na ang nagdala ng tubig mo," I told him.
Tahimik siyang tumango pero nanatili sa puwesto kaya ako na ang mismong lumapit sa kanya.
I handed him his glass of water and he accepted it. Inilagay ko ang tray sa kama.
Nanatili ako sa harap niya habang tahimik lang siyang sumimsim mula sa baso. He only took a few sips and put the glass back to the tray.
"The thing I said earlier at the hospital," panimula ko, "about the baby—"
"I'll take care of the baby alone."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Hindi natin ipapalaglag ang baby." Ramdam ko ang matinding pagtitimpi niya. He sighed. "Since you don't want our baby, after you give birth I'll take care of it. We won't bother you."
"Alec..."
He stood. "It's late. You should go back to bed."
"Please, let's talk," suyo ko.
He inhaled sharply. "Ayaw kong mag-usap tayo na galit ako."
I flinched. He saw it and his eyes turned a little bit gentle.
"I thought I'd eventually feel better once I leave. Kaya ako umalis ng ospital at kaya ako umuwi nang alam kong tulog ka na kasi hindi ko kayang ganito tayong dalawa, Jia."
Nanginig ang labi ko at nagbabadya na naman ang mga luha.
"I still feel pretty fucked up," he said bitterly. His neck corded. "Hindi ko maintindihan kung pa'no mo nasabi 'yon tungkol sa anak natin! Hindi ko kayang tanggapin kung pa'nong..." His chest heaved. He took a deep breath.
Pinakawalan ko ang luha ko nang mapagtanto kung gaano kamali ang mga salitang binitiwan ko.
Alec's eyes were bloodshot. "Alam kong hindi mo pa ako kayang mahalin. Tanggap ko naman 'yon. Pero sana naman 'wag pati anak natin ayawan mo rin."
Yumuko ako at humikbi na parang isang musmos. Pinalis ko ang sunod-sunod na pagdaloy ng mga luha gamit ang likod ng kamay.
"Huwag kang umiyak. 'Di mo naman gusto 'yan, hindi ba?" He sounded frustrated and wounded. "Huwag mo akong lituhin."
Humagulgol ako. I could not hold back my tears anymore. The pregnancy made me so emotional.
He muttered a soft curse and I felt his arms around me.
"I'm sorry... " paulit-ulit na sambit niya. "I'm sorry for getting angry. Nahihirapan din naman akong pakawalan ang galit ko..."
Narinig ko ang pagsinghot niya kaya alam kong pati siya ay umiiyak na rin.
"I know you're not ready." His voice shook with emotions and regrets. "I'm sorry for forcing you into something you don't even want."
"I w-want our b-baby," hikbi ko. "I was j-just scared and confused, Alec. I'm s-sorry."
His body slowly stilled. Bahagya niyang niluwagan ang pagyakap sa'kin at tiningnan niya ako sa mata. Nanliit ang mga mata niya.
"What did you say?"
"I want this baby," ulit ko sa mas may pananalig na boses. I watched him behind my tears. "Mali 'yong sinabi ko sa'yo sa ospital. Nasabi ko lang 'yon kasi natakot ako sa puwedeng mangyari. Alam kong nagkamali ako..."
Nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Alec. His red lips parted. Unti-unti niya akong niyapos. His arms tightened around me.
"You are not alone in this. We'll do it together," pangangako niya. "There's nothing to be afraid of. I'll be right here with you and our baby."
Niyakap ko siya pabalik. "I k-know..."
Ilang minuto kaming nanatiling ganoon ang ayos. We were making each other feel the emotions of our own. I understood his anger and disappointment. He understood my fears and weaknesses. In the end, we accepted the fact that we would work on our relationship.
At sa mga oras na iyon ay may napagtanto ako na isang bagay. Hindi lang si Alec ang hahayaan ko na mag-isang promotekta sa amin ng anak ko. I realized that I would be doing the same thing for our family. Gagawin ko rin ang lahat maprotektahan lang 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top